Chapter 64: Unleashed Power
Marahan na nagmulat si Winter ng kaniyang mata, Unang bumungad sa kaniya ang kisame na kulay puti, malinis ito at nangingintab, kitang-kita niya pa tuloy ang kaniyang repleksiyon sa pagkakintab nito.
Nagtaka pa siya kung nasaan siya, kaya naman umupo siya, ngunit natigilan siya ng makita ang lalaking hindi niya inaasahan na una niyang makikita sa pagmulat ng mata niya.
Nang makaupo ay inilibot niya ang tingin sa paligid, saka niya napagtanto na nasa isa siyang silid na hindi pamilyar sa kaniya.
Maganda ang silid, karamihan ay kulay pula ang gamit na hinaluan ng itim at puti.
Bigla niyang inalala ang huling nangyari, ngunit agad siyang napahawak sa sentido ng bigla iyong sumakit, napapikit pa siya dahil sa sakit.
Minassage niya ang sentido, at doon ay sunod-sunod na pangyayari ang nag flashback sa utak niya, mula ng aksidente siyang mapunta sa Library ng Academy.
Hanggang sa Sectioning at sa digmaan, huli niyang kasama ay si Sean, matapos iyon ay wala na siyang maalala pa.
'Anong nangyari?'
Mariin niyang ipinikit ang mata dahil sa prustasiyon. Akmang bababa na siya ng higaan ng magising si Sean.
Nagtama ang mga mata nila, hindi niya namalayan na napatitig siya sa magaganda at mapupungay na mata ni Sean.
Ngunit agad napakunot ang noo niya ng maramdaman na bilglang sinakop ng Pupil ng mata niya ang kabuuan ng Iris sa mata.
Tanda na ginagamit niya ang sixth sense, ngunit hindi niya pa alam kung ano.
Sa pagtitig niya ay sunod-sunod na pangyayari ang nakita niya.
napagtanto niyang ito ang nangyari nung mga panahong wala siyang malay.
Nagsimula iyon sa pagkikita ng apat na prinsipe, hanggang sa pagdating ng kapatid niya, at sa taong hindi niya inaasahan na makikita niya rito sa Arzelian.
'Uncle....'
Nakaramdam siya ng saya ng malaman na narito ang kaniyang Uncle, sa wakas ay magkikita na sila.
hanggang sa pagdating rito sa Kaharian ng Arzelia ay nalaman niya ilang araw siyang tulog rito.
Nakita niya pa na nag-usap ang kaniyang kapatid ay si Sean, ang pag-alis ni Eagan upang magtungo sa Akademya.
Hanggang doon lang ang nakita niya marahil ay iyon lang ang pangyayari na nasaksihan ni Sean, kung kaya't iyon lamang ang naipakita ng mata niya.
Bumalik sa dati ang kulay at anyo ng mata niya hindi napigilan ay pumaskil ang matatamis na ngiti ni Winter.
Tuloy ay nagtaka si Sean dahil sa napansin niyang nakatitig ito sa kaniya, nagulat pa siya ng makitang nagbago ang anyo ng mata niya. Gumalaw ito ng kusa.
At maya maya pa ay nasaksihan niyang bumalik ito sa dati at biglang ngumiti ang dalaga sa kaniya, dahilan para matigilan siya.
Napakaganda ng dalaga, walang maihahalintulad ang ganda niya sa kahit na ano o kahit na sino, namumukod tangi iyon, iyon palang ang nakita niyang pinaka magandang dilag sa tanang ng buhay niya.
Biglang bumaba si Winter sa kinahihigaan at noon niya lang napansin ang suot niyang damit.
Mali, hindi pala ito damit dahil isang itong gown, at napakaganda nito, ngunit kahit anong ganda nito ay hindi niyon mapapantayan ang ganda ng mood niya. Kaya naman mabilis siyang tumakbo palabas.
Nagulat si Sean ng bigla iyon tumakbo na parang bata na Excited, kaya naman mabilis ay hinabol niya ito at hinarangan sa pinto ng silid.
Nakita na naman niya ang ngiti ng dalaga, hindi iyon maalis alis sa mukha ng dalaga.
"Where are you going?"
"to Academy, I want to see my Uncle."
Biglang natigilan si Sean sa sinabi ni Winter.
'Kung gayon ay dahil pala iyon sa kaniyang Uncle, akala ko masaya siya dahil ako una niyang nakita, tsk.'
Sa isipan niya lamang iyon nasabi dahil wala siyang lakas na loob na magsalita ng ganito sa kaniya.
Napanghihinaan siya ng loob at parang dinadaga ang puso niya.
Akmang magsasalita na siya ng may kumatok kaya naman dali-dali niya iyong binuksan, bumungad sa kaniya ang dalawang kawal.
"Kararating lamang po ng mahal na prinsipe, maaari niyo po siyang puntahan sa Grand Hall, kung saan ay nagaganap ang kasiyahan."
Sa sinabing iyon ng kawal ay mas lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Winter.
"Talaga?!"
Mabilis naman na tumango ang dalawang kawal.
"Opo, mahal na prin---"
Hindi na natapos ang sasabihin ng isang kawal ng bigla ay kumaripas ng takbo si Winter.
Itinulak pa siya nito upang makadaan siya, dahil nakaharang ang isang kawal sa pinto.
Bigla ay napatigil sa pagsasalita ang kawal dahil sa ginawang iyon ni Winter, kaya naman ay napangisi si Sean at napailing na lamang dahil sa inasta ng dalaga.
'Tsk, tsk, tsk, hahahaha...she's still arrogant and rude."
Naiiling na lamang siyang naglakad paalis sa lugar na iyon, tinahak niya ang daan na dinaanan ni Winter.
Hindi niya mapigilan na ngumiti habang naglalakad papunta sa Grand Hall dahil sa nakaukit sa isipan niya ang itsura ni Winter kanina pagka gising nito.
Nakarating siya sa hagdan pababa papuntang Grand Hall, ngunit bahagya siyang natigilan at hindi mapigilan na magtakha dahil sa imbis na masaya at nagsasayawan na tao ang mabungaran dahil sa nagsasaya sila ay isang malungkot na atmosphere ang bumungad sa kaniya.
Dali-dali niyang inilibot ang tingin ngunit napako ang mata niya kay winter na nakatayo sa isang gilid na malapit sa gitna.
Kaya naman nakangiti niya parin itong nilapitan.
"Win---......ter...."
Tinawag niya ito ngunit agad siyang natigilan sa pagtawag ay naging putol at mabagal ang pagkakabanggit niya sa pangalan ni Winter ng makita niya ang tinitignan ng dalaga.
Bigla ay nanlaki ang mata niya ng makita si Eagan at Autumn na magkasama, nakatayo ito at umiiyak si Eagan na walang ingay.
napansin niya ang dalawang kama na natatabunan ng puting kumot, ngunit naagaw ang pansin niya sa isang kama dahil nakatitig doon si Eagan.
Kaya naman nilapitan niya ito ngunit agad siyang napamura ng mahina sa isipan ng makilala kung sino iyon.
"Fuck...."
Dali dali siyang humarap kay Winter, bumungad sa kaniya ang nakatulalang mukha ng dalaga.
Nakatulala ito ngunit nag-uunahan sa pagpatak ang luha sa mata niya. Kaya naman nilapitan niya ito.
"Winter..."
Wala sa wisyo niyang bulalas, nasasaktan siya sa isiping naiyak si winter.
Dahan dahan na naglakad ang dalaga palapit sa isang kama.
At doon ay napaupo ito at humagulgol sa iyak.
"U-Uncle..."
Humagulgol ng humagulgol ang dalaga, napakapit siya sa dibdib ng makaramdam siya ng sakit doon.
Nasasaktan siya sa tagpong ito, hindi niya kaya at ayaw niyang makitang umiiyak ang dalaga.
Wala siyang magawa at hindi niya alam ang gagawin.
Kaya naman agad siyang lumapit rito at niyakap patalikod, unknowningly winter put her arms on his.
"Uncle!"
Sigaw muli ng dalaga habang umiiyak, hindi matigil sa pagpatak ang luha ng dalaga.
"Uncle naman eh....B-bakit...B-bakit ito ang isasalubong mo sa a-akin...Bakit n-naman g-ganito ka mag welcome? P-pinaglalaruan mo ba ako? F-fine...S-sige n-na...T-tama na oh, H-hindi na kase nakakatuwa...U-uncle, bangon na riyan...P-please, ayaw ko na ng laro, m-masakit na e, k-kaya sige n-na...P-parang awa mona..."
Niyakap ng mahigpit ni Sean si Winter, ramdam niya ang panginginig ng dalaga.
Basang basa narin ang Magandang gown nito, ramdam niya rin ang pagkabasa ng braso niya na nakayakap kay winter.
"K-kuya...A-anong nangyari...B-bakit nagka ganito? nag joki joki lang kayo diba? o sige na...N-napaiyak niyo na ako, tama na...T-tapikin mona si U-uncle, b-baka kase nakatulog na k-kakaantay sa akin e. Ang haba ko kaseng matulog e, p-pasensiya na k-kung ngayon lang ako...K-kuya..."
Mariing napapikit si Sean sa mga sinasabi ni Winter, sinusubukan nitong magbiro, at mukhang hindi siya makapaniwala na wala na ang kaniyang Uncle at dinadaan ito sa biro.
Ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Winter, kung siya ay nasasaktan na paano pa kaya si Winter? siguro ay doble o triple ang sakit na nararamdaman nito.
"Uncle..."
Naghihigpis na anas ng dalaga, kanina pa sila nag iiyakan roon, at walang pakielam kung sino ang nakakakita sa kanila.
Biglang lumapit ang prinsipe ng Fireious kingdom na si Jayron at ang Prinsipe ng Landrier kingdom na si Ian sa kaniya, ngunit wala roon ang atensiyon niya.
Sobrang naguguluhan ang utak niya, hindi iyon matanggap ng isip ng dalaga, nagpapaulit ulit sa utak niya ang imahe ng uncle niya.
Kahit na hindi nakatingin ay nakaukit sa isipan niya ang itsura ng uncle niya.
Kaya naman dahan-dahan siyang tumayo, inalalayan pa siya ni Sean na tumayo, hinang hina man ay pinilit niyang maglakad papalapit sa kaniyang Uncle.
Inalalayan siya ni Sean, at hanggang sa makarating ay hindi umalis si Sean sa tabi niya bagkus ay nanatili ito sa likuran niya para umalalay sa kaniya.
Mahigpit na niyakap ng dalaga ang malamig na bangkay ng tiyo niya, patuloy pa rin sa pag hagulgol ang dalaga.
Samantalang si Eagan ay umiiyak ng tahimik, hindi niya kayang masaksihan ang pagtangis ng kapatid niya.
Maraming pagsubok na ang naranasan ng kapatid niya, sa murang edad ay ganito na ang nararanasan nila.
At eto na naman ay may panibagong pagsubok ang kanilang nararanasan kaakibat nito ang sakit at kalungkutan.
Lumapit siya sa nakababatang kapatid at saka niyakap.
"Shhhh...T-tahan na Lil sis, H-hindi magugustuhan ni Uncle pag ganito ka."
"K-kuya..."
"Shhhh...I'm here, I won't leave you...I'll protect you, I promise...Tahan na okay?"
"K-kuya...s-si uncle e...A-ang daya, I-ilang araw kaming di nagkita, T-tapos,"
hindi naipagpatuloy ni Winter ang sinasabi dahil sa nauunahan siya ng pag-iyak.
Napahigpit ang pagyakap ni Eagan sa kaniyang kapatid, ramdam niya ang sakit...Ngunit kung magpapakita siya ng kahinaan at magiging mahina siya ay sino na lamang ang magpapalakas ng loob sa kanila kung pareho silang mahina?
Kaya naman kahit masakit at mahirap ay tinatagan niya ang sarili, tinuyo niya ang luha.
"Sshhhhh....Tahan na, Ipaghihiganti naten sila."
Nasa ganoong tagpo sila ng dumating ang pamilya Smith.
"What's happening here?"
Ang matinis na boses agad ni Mizzy ang bumungad sa kanila.
"Sexy Winter, what happened?"
Walang naglakas ng loob magsalita, kaya naman sabay sabay na lumapit ang mga ito sa kanila.
"Hey, Eagan...I said what ha---O my god!"
Nang makalapit ang mga ito ay hindi na naituloy ang sasabihin ni Mizzy tuloy ay nagtakha si Sky at Martha sa naging bulalas ni Mizzy.
kaya naman tinignan nila ang tinitignan ni mizzy.
"Holy shit..."
napatakip sa bibig si Martha sa nasaksihan, nanghina ang tuhod nito at napaluhod.
Inalalayan naman ito ni Sky, kasabay niyon ang paghagulgol ng mag-ina sa harap ng bangkay ng isang tao na pinakamahalaga sa kanila.
"Omygod...D-dad!"
Humagulgol rin ito at nagwawala, kaya naman hindi matukoy ni Sky kung sino ang lalapitan, si Aunt Martha ba na nakaluhod at nanghihina na umiiyak o si Mizzy na nagwawala at pilit niyuyugyog ang bangkay ng ama na parang ginigising ito.
Maging si Eagan ay nalilito na rin, mananatili ba siya kay Winter o kay Mizzy na ngayon ay wala sa sarili.
Kaya naman tinapik ni Sean ang balikat ni Eagan, nagkatitigan sila at sa pamamagitan ng tingin ay nakuha nila ang ibig sabihin ng isa't isa.
Iniwan ni Eagan si Winter at si Sean ang yumakap rito, wala itong pakielam sa paligid, parang siya at ang bangkay lang ng kaniyang Uncle ang nakikita ng dalaga.
Samantalang walang humpay sa pag iyak ang mag ina sa pagkasawi ni
Aerion.
Dahan dahan na tumayo si Aunt martha, inalalayan naman ito ni Sky.
Ngunit hindi nito kaya na makitang wala na itong buhay, kaya naman napahawak siya sa dibdib at parang inaatake sa sakit ng puso ng huminga ito.
"Auntie!"
"Ina!"
Magkasabay na bulalas ni Mizzy at Sky, sinalo ito ni Sky at saka tumingin sa lahat upang magpaalam.
Tinanguan nila ito kaya naman tumalikod si Sky upang dalhin sa silid ang kaniyang Auntie.
Nagwawala pa rin si Mizzy, hindi rin nito matanggap ang nangyari sa kaniyang ama. Namamanhid siya sa katotohanang ito na wala na ang ama niya.
"A-ama...B-bakit naman kase hindi ka n-nag ingat? s-sabi mo pa, magkikita pa tayo e, bakit ganito? A-ako na lang ang nakakakita sa iyo, H-hindi mo na ako makikita e...A-ang daya naman..."
Wala ng mas sasakit pa sa isang anak na makita mo sa iyong harapan ang bangkay ng iyong magulang.
Panay ang pagpapatahan ni Eagan kay Mizzy ngunit nawawala na sa sarili ang dalaga dahil sa sobrang sakit, patuloy ito sa pag tangis at pag pupumiglas, tila hindi matanggap ng dalaga na wala na ang ama niya.
Kaya naman niyakap ni Eagan ng mahigpit ang Dalaga kasabay niyon ang paghampas niya sa batok nito, tuloy ay nawalan ito ng malay.
Binuhat ito ni Eagan at nais na sanang umalis ngunit aksidente itong napatingin sa kapatid niya na ngayon ay mahigpit na nakakuyom ang kamao.
Walang emosiyon ang mukha at mata nito.
"Winter...Fuck!"
malakas na napamura si Eagan nang may mapagtanto siya, kaya naman agad siyang nagteleport sa silid n Mizzy at dali daling ihiniga roon.
Tumingin pa siya sa katulong na naroon.
"Bantayan niyo siya ng maigi."
Sasagot na sana ang katulong ng bigla ulit siyang naglaho.
At doon ay nakita niya ang kapatid niya, ganoon pa rin ang postura at ayos nito ngunit alam niyang nawawalan na ito ng kontrol.
Kinakain na siya ng galit, kaya naman bago pa sumabog ang kapatid niya ay nilapitan niya ito.
"Winter...Fuck! calm down...Please calm down...Damn it! you can destroy our Castle shit..."
Natataranta na si Eagan, dahil alam niyang malakas ang kapangyarihan ng kapatid niya.
Kaya dapat niya iyong mapigilan kung hindi ay masisira niya ang Kabuuan ng palasyo.
Ngunit huli ng makitang nag aapoy ang itaas ng palasyo, malakas na lumindol at ramdam nila ang malakas na ihip ng hangin, at paghampas ng alon.
"s**t!"
"Eagan! What's happening?!"
"Pigilan niyo si Winter s**t! she can burn this whole Castle f**k!"
Sa sinabing iyon ni Eagan ay nataranta ang lahat ng naroon at nag unahan sa paglabas.
maging si Jayron at Ian ay nataranta kaya lumapit ito kay winter.
"Shit...We don't have time f**k! alisin niyo si Winter! damn it!"
Napahawak silang lahat kay winter dahil sa akmang pag taas ng kamay nito.
"Winter!"
Sabay-sabay nilang sigaw ngunit parang walang naririnig ang dalaga kaya naman no choice ay tineleport ni Eagan ang kapatid sa gitna ng kagubatan malayo sa Palasyo.
Dahil sa naka kapit sina Jayron, Ian at Sean ay nasama sila.
Medyo nakahinga sila ng maluwag ngunit hindi nila inaasahan na sabay sabay silang tatalsik papalayo kay winter.
"f**k!"
"Shit.."
"Ang sakit ng likod ko damn!"
Samantalang nakahinga ng maluwag si Eagan dahil bago pa sumabog si winter ay naiteleport niya na ang kapatid.
Winter's POV
They've killed my Uncle
They've killed my Uncle
They've killed my Uncle
They've killed my Uncle
Iyan ang nagpapaulit ulit sa aking isipan, hindi ko lubos maisip kung bakit ito ang bubungad sa akin sa mahabang pagkatulog ko ay nagka ganito na ang lahat.
Sinisisi ko ang sarili ko, kung hindi ako tulog noon ay hindi mangyayari ito. Hindi sana mamamatay si Uncle at si King Aerion.
Kung naging maingat lang ako, kung hindi ko lang pinairal ang nararamdaman ko, kung sana...
Napakagat labi ako dahil sa maraming 'kung' at 'sana' ang tumatakbo sa isipan ko.
Kaso huli na ang lahat, wala ng magagawa ang maraming 'kung' at 'sana' sa aking isipan.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ni kuya Eagan, ngunit nagpapasalamat ako dahil itineleport niya ako kung saan ay puwede kong mailabas itong bigat sa aking dibdib.
Mariin akong pumikit at saka marahan na itinaas ang magkabilang kamay ko.
Sa pagdilat ko ay ramdam ko ang pagkislap at pag ilaw nito.
Kasabay niyon ang paglagablab ng apoy sa kanang kamay ko, habang sa kabila ang paglangisngis ng tubig.
Malakas na umihip ang hangin, sa sobrang lakas ay inaanod ang mahaba kong kulay pula na buhok.
Biglang umuga ng malakas ang lupa at isa isang nagsisilutangan ang mga bato.
Kinakain ako ng galit ko, hindi ko ito mapigilan...Ang hirap pigilan, at hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pag di ko ito nailabas.
"Ahhhhh!!!!"
Sumigaw ako ng malakas, at sa pag sigaw ko ay kitang kita ko ang pagkasunog ng mga halaman at punk sa aking Paligid.
Hindi ko alam kung hanggang saan basta kung hanggang saan maabot ng apoy ko ay nasusunog.
Hindi pa ako nakuntento dahil pagkatapos ng pagkasunog ng lahat ay biglang bumulusok ang malalaking alon sa iba't ibang direksiyon.
Lumipad ako paitaas upang hindi ako madamay.
Malalakas na alon ang naririnig ko. nagbubungguan ang mga ito.
Inanod nito ang lahat ng bagay na nasa baba kanina. Ang kaninang gubat at naging dagat ngayon.
"Ahhhhh!!!!"
Muli akong sumigaw at sa pagsigaw ko ay nahati sa gitna ang tubig, kasabay niyon ang pag-alis nito.
Walang natira na tubig, dahil inanod nito ang lahat papuntang karagatan.
pagkawala ng tubig ay walang natira kundi ang malawak na lupain at buganginan.
Isang tingin ay bigla itong nawasak at lumindol ng malakas.
Hindi ako nasiyahan kaya naman binalik ko sa dati ang lahat at kasabay niyon ang pagsigaw ko muli ng malakas.
"Ahhhhh!!!!"
Sa pagsigaw ko ay isang malakas na hangin ang nagmula sa gitna. at hinangin ang lahat Paalis.
Ang kaninang madumi ay naging malinis ngayon.
Matapos iyon ay hinang hina akong bumaba.
Nakaluhod ako sa buhangin habang humuhinga ng malalim. Isa nalang, isang isa nalang ay makakahinga na ako ng maluwag.
Kaya naman nag-angat ako ng tingin at doon ay muli akong sumigaw ng malakas.
"Ahhhhhh!"
Kasabay ng pagsigaw ko ang pagsuntok ko ng malakas sa lupa na nagdulot ng malalaking bitak.
Napahinga ako ng malalim ng maramdaman kong biglang gumaan ang aking dibdib.
Ngunit hinang hina na ako, inubos muli niyon ang ang aking buong lakas.
Kaya naman napahiga ako sa lupa na nasa gitna ng malalaking bitak.
At napatitig sa ako sa maaliwalas na kalangitan, saka malungkot na ngumiti.
Matapos iyo ay ipinikit ko ang mata ko. Kasabay ng pag pikit ko ang pagkawala ng aking malay.
To be continued...
ⓒ "Kayeyukot"