Chapter 63

2634 Words
Chapter 63: Awaken Rain Eagan's POV Ilang araw na ang nakalilipas magmula ng makarating kami rito sa aming Kaharian. Ang Kaharian ng Arzelia, lingid sa kaalaman ng lahat ay may ika limang kaharian at ito ang kaharian ng Arzel Clan. Pinamumunuan ito ng Arzel Clan, lahat ng mages ay puwede na manatili at manirahan rito. Bukas ang aming Kaharian sa mga taong walang wala at mga taong gustong mag bagong buhay. Ilang dekada na rin magmula ng mawalan ng Hari rito ngunit sa pamamagitan ng Council ay napamunuan ng maayos ang aming kaharian. Dinala ako rito ni Seraphine nung ako ay bata pa lamang, walang nakakakilala sa akin rito, kaya naman ipinakilala ako ni Seraphine sa council. Hindi direkta sapagkat hindi puwede na magpakita ang diyosa sa kahit kanino, tanging Arzel Clan lamang ang pinayagan na makasilay sa kanilang wangis. Ang pagiging Arzel ay special, ngunit kaakibat ng pagiging special ay marami kaming responsibilidad sa mundo ng Arzelian. Bagay na kina iingitan ng lahat, marahil siguro ay ito ang naging dahilan para patayin ang aking mga magulang at ang aking buong angkan. Napatingin ako sa harap ng salamin at nakita kong maayos na ang aking kasuotan. Suot ko ngayon ay ang purong itim na damit, saka ang sumbrero, nais kong lumabas ng kaharian at magtungo sa Akademya. Nais kong malaman kung ayos lang ba si Uncle, kamusta na kaya sila? sana naman ay maayos ang lagay nila. Nabalik akong muli sa wisyo ng may kumatok at pumasok roon ang aking kanang kamay na si Cloud. "Mahal na Prinsipe, nakahanda na po ang Kabayo na inyong gagamitin sa paglalakbay." Tinignan ko pa ang aking repleksiyon sa salamin saka tumalikod at humarap kay Cloud. "Good, kung may mag tanong at hanapin ako ay sabihin mong may pupuntahan lamang akong mahalaga." yumuko siya bilang pag galang at saka sumagot. "Masusunod po, mahal na prinsipe." Tumango ako sa kaniya saka lumabas ng aking silid, napatitig ako sa pintuan ng nasa harapan ng aking silid. Ang silid ni Winter, Ilang araw na rin siyang walang malay at nag-aalala na ako baka kase kung napano na siya. Kaya naman bago umalis ay pumasok ako sa silid niya at gaya ng dati ay nakabantay rito si Sean at Sky. Hindi umaalis si Sean rito, hindi na rin siya nakakakain ng ayos, samantalang si Sky ay kumakain naman ngunit hindi talaga sila naalis. Samantalang si Jayron at Ian ay wala rito sa aming kaharian, nasa Tree house raw sila at doon muna mamamalagi. nakita kong nasa magkabilang gilid ang dalawa, napailing na lamang ako, mahal talaga nila ang aking kapatid ngunit iisa lamang ang puwedeng magwagi sa puso niya, alam ko kung sino iyon, ngunit ayoko naman na umasa ang isa sa kaniya at saka ayoko ring pangunahan si Winter. Napalingon sa gawi ko si Sean, marahil ay naramdaman niya ang aking presensiya, si Sky kase ay nakatungo at natutulog. "Where are you going?" "Aalis ako, pupuslit ako sa Akademya at aalamin ko ang lagay nila Uncle." "Hmmm...Mag-iingat ka." "Hmmm, salamat...Ikaw na muna ang bahala sa aking kapatid." "Makaaasa ka." Tumango ako sa kaniya saka tumalikod, lumabas ako ng silid at naglakad palabas. Bawat tao na masalubong ko ay yumuyuko at bumabati sa akin, kaya naman nakangiti ko silang nginingitian at tinatanguan. Nakarating ako ng bulwagan at naroon si Mizzy kasama si Auntie Martha. Hindi ko mapigilan na mapangiti ng makita kong nakasimangot na nag-aantay si Mizzy sa harap ng aking kabayo. Tila ba ay inip na inip na kaka hantay sa akin, napailing na lamang ako. Ibang klase ang kaartehan at pagiging spoiled ng babaeng ito. Sa hindi inaasahan ay napaharap sa aking gawi si Mizzy at nakita ko kung paano niya ako samaan ng tingin at saka inirapan. Hindi ko mapigilan na matawang muli, hahaha. Napakataray, ibang klase tsk tsk tsk. Hanggang sa makarating ako sa harapan nila ay suot suot ko ang nakangisi kong labi. "Why are you here?" "Obvious ba Eagan ha? malamang hinahantay ka tsk." "hahaha...Ang sungit mo ata ngayon, wag mong sabihin na..." "Tse! tigilan mo ako Rain Eagan Arzel ha! wag mong sabihin na nasa kaharian mo ako at sisipain talaga kita riyan!" "hahaha...Fine, tsk hahaha." "Hmmp!" napailing na lamang ako sa inaasta niya. "Hijo...Mag-iingat ka sa paglalakbay." Nakangiti naman akong lumapit kay auntie martha saka yumakap sa kaniya. "maraming salamat po...Opo, mag-iingat po ako para sa anak po ninyo." "Eagan!" "What? hahaha...Are you embarrased babe?" bigla siyang pinamulahan kaya naman napahalakhak ako ng malakas. Lumapit ako sa kaniya at pa atras naman siya ng pa atras kaya naman hinuli ko ang pulsuhan niya saka inilapit sa akin saka siya niyakap ng mahigpit. Ramdam ko na natigilan pa siya ngunit hindi ko iyon pinansin. "E-eagan..." "hmmm?" "T-tumigil ka nga...N-nakakahiya kay I-ina..." Napatingin naman ako kay Auntie Martha na nakangiting nakatingin sa amin. "Don't worry Zy..." "T-tsk!" bumitaw ako sa kaniya saka humalakhak, tuloy ay masama ang tingin niya sa akin. Hinila ko siya papunta kay Aunt Martha saka hinawakan ang kamay niya, nilingon ko siya at kitang kita ko muli ang pamumula ng kaniyang mukha. Kaya naman napangisi ako, tuloy ay pinanlakihan niya ako ng mata. napailing akong muli, kahit kailan ay hindi niya ako binigo, I love everything about her. namamangha pa rin ako sa kaniya, the way she talk, she laugh, and everytime she'd glare at me...I fall inlove again and again. Kaya naman napahigpit ang hawak ko sa kamay niya, kahit anong mangyari ay hindi ko siya pakakawalan pa, saka ako tumingin ng seryoso kay Auntie martha. "Aunt Martha..." "I know what you're going to say Hijo...Payag ako sa relasiyon ninyo, basta huwag mo lang sasaktan ang aking Anak...Ingatan at mahalin mo siya, masaya at ayos na sa akin iyon." "Makaaasa po kayo Aunt Martha." "No...Called me Mom from now on." Hindi ko mapigilan ang pamulahan ng pisnge sa sinambit niya, wala sa sariling napalingon ako sa gawi ni Mizzy at nakangisi siyang nakatingin sa akin, tila ba ay mas lalo akong inaasar. "S-sige po, M-mom." Hindi ko alam kung bakit ngunit ang banggitin ang salitang 'Mom' ay mabigat sa aking dibdib. Siguro ay hindi ko pa nararanasan na tumawag o banggitin ang salitang iyon, nasasaktan ako at naiinggit. Buti pa sila...Ngunit hindi ako titigil kakahanap sa aking Ina, lalo pa at nalaman kong buhay pa siya. Lalo akong nagkaroon ng pag-asa. Hindi ko alam ngunit hindi ko napigilan ang luhang pumatak sa aking kaliwang mata. "Hijo..." "Paumanhin ngunit, malaki ang epekto sa akin ng salitang "Mom"...Marahil ay hindi ko pa nararanasan na tumawag o banggitin iyon, dahil sa hindi kona nasilayan pang muli ang aking ina..." Lumapit sa akin si Aunt Martha saka ako niyakap, hindi ko alam ngunit napaiyak ako lalo, ngayon lang ako muling naging emosiyonal. Iba sa pakiramdam na yumakap ka sa Ina mo na tinuturi kang sariling anak ngunit iba pa rin siguro kung tunay kong Ina ang mayayakap ko. "Ayos lang iyan Hijo...Narito ako, sasamahan at gagabayan ko kayo ni winter, Patawad kung naging duwag rin ako, wala akong nagawa sa iyong Ina...Naging takot at makasarili ako, kaya naman hayaan mong bumawi ako." Napatango ako sa sinabi niya, hindi ko kayang magsalita sapagkat nauunahan ako ng aking emosiyon. Naiintindihan ko naman siya at hindi nila iyon kasalanan. Napabitaw ako kay Mom martha saka ngumiti ng matipid, pinahid ko ang luhang namimilibis sa aking pisnge. Humarap ako kay Mizzy na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin, yumakap ako ng mahigpit sa kaniya. "Wait me here...And I'll marry you, afyer this hardship and trials in our life, I'll marry you...I promise." Naramdaman kong tumango siya kaya naman humarap ako, saka tumitig sa mukha niya. Pinahid ko pa ang luhang nag uunahan sa pagpatak sa mga mata niya. Nilapit ko ang mukha niya sa akin, saka ko siya hinalikan sa noo, ramdam ko na napapikit siya. I won't kiss her on lips without her consent, that's why I've kiss her in Forehead instead on Lips. Saka ako humiwalay sa kaniya, lumapit ako sa puting kabayo at dali-daling sumakay. Bago umalis ay ngumiti at kumaway ako sa kanila, saka ako tumalikod at nagsimulang maglakbay. Tinahak ko ang daan palabas ng palasyo at nagtungo sa isang malaking puno. Ang portal papunta sa apat na kaharian, naiiba ang aming kaharian sapagkat napaliligiran ito ng proteksiyon at hindi ka makakapunta rito sa kaharian ng Arzelia kung hindi mo kayang buksan ang Portal. Pumikit ako sandali at saka sa pagdilat ko ay kusang bumukas ang portal, marahil ay nasense nito ang aking presensiya at dala dala ko ang dugo ng Arzel. Pumasok ako roon at lumabas ako sa kabilang puno, tanda na nasa labas na ako ng Kaharian. Pagkalabas ko ay kusa iyong nagsara, Kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakbay. Mabilis ang takbo ng kabayo, tinahak ko ang daan pa gitna dahil malapit lang naman ang Akademya, ngunit kailangan kong maging maingat at baka may makakita sa akin. Matapos ang ilang minuto ay natanaw ko na ang Tarangkahan Papuntang akademya, kaya naman agad akong bumaba ng kabayo. Itinapat ko ang kamay ko sa kabayo at kusa iyong nawala. Pinaglaho ko ito pabalik ng Arzelia. Matapos mawala ay maingat akong naglakad papasok, ngunit sa paghakbang ko pa lang ng tarangkahan ay may narinig akong nag-ingay. Kaya naman mabilis akong umakyat sa itaas ng puno saka mariing ipinikit ang mata. Pinatalas ko ang aking pandinig, at mula sa loob ay nakita kong mag-alarm ang isang patibong. Napakamot ako sa aking kilay ng mapagtanto kong may Intruder Alarm sa bungad ng tarangkahan ng Akademya. Mukhang mas pinagtibay at dinoble ang Seguridad rito sa Akademya. Something is up, so i need to find it out what's going. I can feel that there's something not good. I opened my eyes and i concealed my presence. In that way, even i walk through their Alarm it won't detect me 'cause I've sealed my presence. Tumalon ako sa mataas na puno, at paglanding ko ay mabilis akong nagteleport sa loob ng akademya. Nagteleport ako mismo sa Detention room, walang tao rito, kaya naman agad akong lumabas. Ngunit agad ko ring naisara ang pintuan ng mapansin ang ilang estudyante na patungo rito. Mabilis akong nagteleport at hindi ko namalayan na nasa loob ako ng bahay ni Winter. Inilibot ko ang paningi at nasaktuhan ko yata na nasa loob ako ng kuwarto ni Winter. Hahakbang na sana ako ng maramdaman ko ang pagkalikot ng seruda ng pinto, so I activate my Invisibility. Nahigit ko ang aking hininga ng makita ko ang babaeng kulay abo ang mata at buhok. Marahil siya ang ka dormmate ni Winter. She must be friend with winter. so I unactivate my Invisibility "Hey." "Ay putangina!" Natawa ako ng mahina ng makitang nagulat siya. Agad siyang pumosisyon ng pag atake kaya naman agad kong itinaas ang aking dalawang kamay. "Hey, hey, hey! easy..." "Sino ka?!" "Uhm...I'm Winter's Older Brother." Bigla siyang natigilan at agad na nanlaki ang mata sa gulat. "Omg..." "Shhh....I'm here, 'cause I'm looking for someone." "Where's Winter?" "In Our Palace." "Fuck...Omg! sabi na e! so it's true! kyaaaah!" "Hey miss...Lower down your voice, i need to find King Aerion and my uncle." Sa sinabi kong iyon ay agad siyang natigilan. Agad naman akong nagtakha. "Hey, what's wrong...." Agad akong natigilan sa pagtanong ng makitang agad siyang lumuha. Umiyak siya, ngunit hindi ko naman alam ang gagawin ko. "Hey...." Lumapit ako sa kaniya at saka inalok ang panyo ko. "Here..." Agad naman niyang kinuha iyon saka pinunasan ang kaniyang mata na pulang pula na. hinintay ko siyang matapos magsenti, maya-maya pa ay nagsalita siya kaya naman inalerto ko ang aking utak. "King Aerion is Dead..." Ngunit nawala ang aking excitement ng marinig ang sinabi niya agad akong natigilan at hindi makagalaw. "As long as his companion..." Para akong binuhusan ng malamig ba tubig sa sinasabi niya nagpaulit ulit iyon sa aking isipan. "As long as his companion..." "As long as his companion..." "As long as his companion..." "As long as his companion..." Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagpatak ng aking luha. "N-no..." "I'm sorry...I couldn't help you, Wala ako ng mangyari ang lahat..." Marami pa siyang sinabi ngunit wala ng pumapasok sa aking isipan marahil ay nagpapaulit ulit ang sinabi niya sa akin. Hindi iyon tinatanggap ng aking sistema, kaya naman agad akong tumakbo ngunit natigilan ako ng bigla siyang humarang sa aking daraanan. Nagtakha pa ako ng hindi ko namalayan na nandito na siya. "How did yo---" "My sixth sense is Speed." Napatingin naman ako sa kaniya so that's explain why. "kung nais mong makita ang bangkay nila ay sasamahan kita." Bigla pa akong natigilan sa sinabi niya ngunit sa huli ay pumayag ako. Nag ayos muna siya sa loob saka kami lumabas, lakad lang kami ng lakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng Library. Pumasok siya roon, nais ko sanang magtanong ngunit hindi ko magawa dahil nasa isip ko pa rin ang sinasabi niya. Pumasok siya sa isang kuwarto, ngunit ako ay nanatiling nasa harap ng pintuan. Parang may pumipigil sa akin na pumasok, kaya naman mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Kailangan kong harapin ang totoo, kailangan kong magpakatatag. Kaya naman marahan akong dumilat saka nagpatuloy sa pagpasok. Ngunit napatigil rin ako ng makita ko ang bangkay ni Uncle na maputla. dali-dali ako para kumpirmahin. "Uncle..." Tuluyan na nanghina ang aking tuhod at napaluhod ako, sunod-sunod na pagpatak ng luha ang lumabas sa aking mata. "U-uncle..." Umiiyak kong tawag, hindi matanggap ng aking sistema ang katotohanang ito ngunit nagpapaulit ulit sa utak ko ang reyalidad na wala na siya. "W-why..." Naninikip ang dibdib ko, sobrang bigat ng nararamdaman ko, may namumuong galit roon. Yung poot at galit na nararamdaman ko noon ay parang bumalik at naging mas doble pa. Napahawak ako sa mukha ni Uncle at yumuko, hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa amin. "U-uncle....Fuck!" Humagulgol ako ng humagulgol, masakit...Sobrang masakit, nawalan na naman ako ng mahal sa buhay... Natigil ako sa pag iyak ng maramdaman kong may mga yabag na papunta sa aming kinaroroonan. Hindi ko napigilan na mapakuyom ng kamao, tumayo ako at balak na sanang sumugod at harapin sila ng may pumigil sa akin. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa siko ko. Walang emosiyon kong tinignan kung sino iyon at nakitang walang iba kung hindi yung kaibigan ni Winter. "No, this is not the right time yet...kung ipagpapatuloy mo ang balak mo ay mmaring maging katulad ka rin ng bangkay na ito." Mariin akong napapikit at saka pinag- isipan ang sinabi niya. Napagtanto ko na tama siya. Kaya naman bumalik ako sa puwesto ni Uncle at ni King Aerion. "Kailangan nating makaalis rito." Napalingon ako sa kaibigan ni winter dahil sa sinabi niyang iyon. "Kumapit ka sa akin." Third Person's POV Sa sinabi ng binata ay dali-daling lumapit ang dalaga saka kumapit. Nilapitan naman ni Eagan ang kaniyang uncle saka ang Hari ng Aerious Kingdom. Hinawakan niya iyon pareho at kasabay niyon ang paggalaw ng seruda ng pinto. Kasabay ng pagtunog niyon ay kusa silang naglaho. Samantalang sa kabilang banda ay dumating sina Ian at Jayron Sa kaharian ng Arzelia para mangamusta. Nasa gitna sila ng palasyo kung saan ginaganap kapag may pagsasalo salo o kapag may party. Nagkakatuwaan sila, ngunit agad silang natigilan ng biglang sumulpot si Eagan sa gitna ng kasiyahan nila. Agad silang lumapit rito ng makitang hindi maayos ang itsura ni Eagan. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay kasabay ng pagbabalik ni Eagan ang pagka mulat ng mga mata ni Winter. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD