Kahit Sa Isang Saglit - K3

1120 Words
SINUNDAN ng tingin ni Serene si Domingo. Hindi man lang ito nag-abalang tapunan siya ng tingin. Malungkot siyang napayuko, excited pa naman siya kaninang ipakita ang ayos niya rito kahit na madalas sabihin ni Domingo na hindi bagay sa kaniya ang crop top. Gusto niya pa rin isuot ito dahil hindi siya naniniwala sa kaibigan; tinatago lang nito ang totoo sa kaniya at minsan niyang napatunayan iyon. May pagka-manong lang talaga ito kung manamit at isama na rin ang pagiging istrikto nito. Kaya nga madalas niya itong inaasar pa kung minsan at iyon sana ang intensyon niya ngayon. Gusto niya man makawala sa harapan ng magulang niya at sa tabi ni Victor ay hindi niya magawa. Wala siyang maisip na dahilan para umalis, tiyak na hindi naman siya papayagan ng mommy niya kahit na ano man ang maging dahilan niya. Hindi lang talaga mawala sa isip niya si Domingo. Nag-aalala lang talaga siya rito, baka naman pinagalitan siya ng malala ng Ate Ella niya. "Apo Serene, bigyan mo naman ng maiinom si Victor mukhang ubos na yata ang laman ng baso niya." Napataas ng tingin si Serene sa Lola Rosenda niya. Tumingin siya kay Victor at may pekeng ngiti na pinaskil sa labi niya. 'Wala ba itong kamay?' kontra ng isipan niya. Ano naman ang magagawa niya? Alangan naman na hindi niya sundin ang pinag-uutos ng lola niya. "Here..." Abot niya ng petsil na halatang ngayon lang yata nilabas ng abwela niya. "Thank you," nakangiting tugon naman sa kaniya ni Victor. Hindi ba nito nahahalata na hindi naman tunay ang pinapakita niya rito? Manhid as it's finest! bulong ni Serene sa sarili niya. Ilang sandali nakita niyang dumaan sa harapan nila si Domingo may dala itong malaking gunting. Gusto niya man itong tawagin ay hindi niya magawa. Nag-alala siya rito dahil baka nagdaramdam ito sa kaniya. Wala naman siyang kasalanan dito, maayos naman silang naghiwalay kanina bago siya umakyat. "Are you okay?" tanong ni Victor sa kaniya. "Yes. Oo naman," sagot kong nakangiti. Sa sulok ng mata ko nakatingin sa kaniya ang mommy niya. Ang gusto niya mangyari ngayon ay matapos na ang oras na iyon. Hindi na mawala sa isip niya si Domingo ang pinakita nitong panlalamig sa kaniya ay hindi niya nakasanayan. "Ilang taon ka na nga, Victor? Trese ka na rin ba katulad ni Serene?" narinig niyang tanong ng lola niya sa panauhin nila. "Opo. Kaka-trese ko lang n'ong nakaraan, Lola." "Mabuti naman at magkasing-edad lang kayo nitong apo ko. Magkakaroon siya ng kaibigan na ka-edad niya." Lihim siyang napataas kilay sa sinabi ng lola niya. Mukhang nakalimutan yata nitong trese anyos lang din si Domingo at ito lang ang gusto at nag-iisang kaibigan niya para sa kaniya. "Oo nga po, Lola. Sigurado rin akong si Serene ang magiging kauna-unahan kong kaibigan dito sa probinsya," sang-ayon din nito. Paladesisyon din ang isang 'to, aniya ni Serene sa sarili. Ito pa nga lang ang unang pagkikita ng lalaking 'to pero kung makaasta naman feeling close na sa kaniya. Muli niyang tinapunan ng tingin si Domingo, abala pa rin ito sa kung ano mang inuutos ng lola niya. Nang hindi makatiis si Serene bumaling siya rito. "Lola, baka naman pweding ipagbukas na ni Domingo ang inuutos mo sa kaniya. Kailangan niyang magpahinga," mahinang sabi ni Serene sa abwela. Sa sulok ng mga mata niya kitang-kita niyang napatingin sa kaniya ang magulang niya. Kapwa sigurong nagtataka ito kung bakit niya nasabi iyon. "Huwag mong intindihin si Domingo, Serene," aniya ng daddy niya. Hindi na siya nagsalita pa dahil alam niyang wala rin naman siyang panalo. "Hardin lang naman ang pinapaayos ko kay Domingo, Serene. Hindi naman ganoon kabigat." "Sino ho si Domingo?" Narinig niyang tanong ni Victor. Hindi lang pala ito paladesisyon kun 'di may pagka-atribida rin, aniya ni Serene sa isip niya. "Dito ka na maghapunan, Victor. Itatawag ko na lang mamaya sa mama mo. Ano sa tingin mo?" Lihim na nanalangin si Serene na sana tumanggi ito para matapos na ang pang-aabala nito sa kanila. "Some other time na lang siguro, Tita. May lakad din ako, kailangan ko na nga siguro umalis dahil baka maipit kami sa traffic." Natuwa ang puso niya dahil dininig ng langit ang panalangin niyang huwag na itong magtagal sa kanila. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng tuwa ng bigla itong tumayo at nagpaalam na sa mga magulang niya. "Sigurado ka ba, Hijo?" "Gustuhin ko man, Tita. Naka-commit na po ako sa pupuntahan ko ngayon." "Sige. Sa susunod na lang ha. Sana naman hindi ka na tatanggi." "Hindi po ako tumatanggi, Lola. Actually, it's my please na makasama pa kayo ng mas matagal but I really have too." Umiwas siya nang tingin ng tapunan siya ng tingin ni Victor. "Serene, magpaalam ka na rin kay Victor," ani ng mommy niya sa kaniya. "Mag-iingat ka. Salamat sa pagdalaw," napilitang sabi ni Serene. Hindi niya man lang inabala ang sarili niyang tumayo para pormal na makapagpaalam dito. Ang hindi niya inaasahan ang pagtayo ni Victor sa harapan niya. "Kinagagalak kitang makilala, Serene. Hanggang sa muling pagkikita natin," anito. Nabigla siya nang hawakan nito ang palad niya't dinala sa labi nito. HINDI nakaligtas sa paningin ni Domingo ang ginawa ng panauhin nina Serene sa dalaga— ang pagkuha nito sa palad ni Serene at pagdala sa labi nito. Pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan, hindi niya masyadong nakikita ang emosyon nito sa ginawa sa bisita ng mga itong narinig niyang Victor ang pangalan. Isa lang ang alam niya't hindi niya nagustuhan ang ginawa nito sa kaibigan niyang si Serene. 'Pasalamat ka nasa harap ka ng mga magulang ni Serene. Basag sana mukha mo sa akin!' galit niyang bulong sa sarili. Napansin niya ang tingin na pinagkaloob sa kaniya ni Serene, habang nakatayo ito sa likuran ng lalaki at sa mga magulang nito. Naging mabilis ulit ang pag-iwas niya tulad na lamang kanina. Sama ang loob ang nararamdaman niya ngayon kay Serene kung bakit nito hinayaang halikan ang kamay niya ng lalaking ngayon lang niya nakitang tumapak ng villa. Kung pwedi lang sirain ang kotseng sinasakyan nito ay ginawa niya na! Maiganti niya lamang si Serene! Hindi tama ang ginawa nito, iyon ang paniniwala niya. "Dominggo... Pagkatapos mo diyan, pumunta ka na sa quarters niyo at magpahinga." Tumango na lamang si Domingo sa narinig niyang sabi ni Doña Rosenda. Mabuti naman at naisipan nitong pagpahingain na siya, dahil sumasama na ang loob niya sa hindi maintindihang damdamin niya. Napakuyom ang kamao niya nang dumaan sa tabi niya ang sasakyan ng lalaking bisita ng pamilya nina Serene. Pasalamat na lamang ito dahil hindi niya makita ang mukha nito sa loob; dahil pasasadahan niya ito ng masamang tingin at bakasakaling hindi na ito bumalik pa ng Villa nina Serene.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD