bc

Kahit Sa Isang Saglit

book_age18+
43
FOLLOW
1K
READ
HE
forced
arranged marriage
blue collar
drama
small town
like
intro-logo
Blurb

KASAL ang gustong kabayaran ni Domingo sa pagkakasala ng pamilya ni Serene sa kaniya. Pinagplanuhan niya ang lahat hanggang sa mapasakamay niya ang babaeng nakasama niya halos sa paglaki. Naging sunud-sunuran si Serene, hindi lang dahil sa kagustuhan ni Domingo kun 'di dahil na rin sa damdaming lumukob sa kaniya mula noong mga bata pa sila.Magkakaroon ba ng kasagutan ang nararamdaman ni Serene sa matalik na kaibigan? O, mananatili ang galit ni Domingo sa babaeng nagiging kabayaran sa mga taong may atraso sa kaniya.

chap-preview
Free preview
Kahit Sa Isang Saglit - Prologo
WEDDING DAY PAYAPANG panahon ang sumalubong sa aking pag-gising. Alas cinco ng umaga nang marinig ko ang unang alarm ng cellphone ko. Sinet-up ko ito bago ako matulog kagabi, halos dalawang oras na nga lang ang naging tulog ko dahil sa hirap kong hagilapin ang antok ko; napakarami kong iniisip at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit— siguro dahil na rin sa mangyayari ngayong araw na ito, sa ilang oras bago ang kasal ko kay Domingo. Malungkot akong napaismid. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kailangang umabot ang lahat sa ganito— ikakasal ako sa lalaking halos sabay kong lumaki pero sa paglipas ng panahon ang lalaking iyon ay parang araw-araw akong pinaparusahan sa hindi ko malamang dahilan. Gusto kong tanggihan ang kasal na nakatadhana sa aming dalawa ni Domingo, pero paano ko tatanggihan ang pang habambuhay na pagsasama sa lalaking natutunan kong mahalin mula nang mga bata pa kami; ang lalaking nakasama ko sa lahat ng pagkakataon ng buhay ko. Bumangon ako para pumunta sa terasa sa silid na inookupa kong gusto ni Domingo para sa akin. Mag-isa lang ako rito, dahil din iyon sa naging desisyon niya. Gustuhin man akong samahan ng kaibigan ko ay hindi nangyari dahil nirespeto ko ang desisyon ni Domingo. [ I WANT YOU TO PREPARE EVERYTHING! I DONT WANT YOU TO BE LATE SERENE! INTIENDEZ! ] Napangiti ako ng mapait nang mabasa ko ang text message sa akin ni Domingo. 'Cold just like a snow as usual!' usal ko sa aking sarili. Muli akong bumalik sa kama ko nang mapasulyap ako sa traje-de-boda na maayos na naka-hanger sa may walk in closet ng silid na 'to. Maganda ito, elegante, mukhang mamahalin and still Domingo wants this for me. Napasinghap na lamang ako. Wala naman akong karapatan magreklamo, wala naman akong karapatan sumalungat sa desisyon nito. Tulad nga ng sabi niya at pinamumukha niya sa akin ay pagmamay-ari niya na ako. Pinili kong hindi mag-reply sa message sa akin ni Domingo, I want him to realize na hindi sa lahat ng panahon ay pwedi niya akong manduhan. Ngayon, ipaparamdam ko sa kaniya kung gaano katigas ang ulo ko katulad ng madalas niyang inaakusa sa akin. NGITNGIT sa damdamin ang naramdaman ko dahil wala man lang akong natanggap na reply sa message ko kay Serene. 'You're still a brat!' bulong ko sa sarili ko para sa dalaga. Hanggang kailan hindi na magbabago pa ang ugali ni Serene, kahit noong mga bata pa sila taglay na nito ang katigasan ng ulo nito. Hindi ko hinuhusgahan si Serene, sadyang kilala ko lang ito mula pagkabata. Halos sabay ko ng lumaki ito, mula nang tumira ako noong bata pa ako sa lola nito. Marami nang nangyari at kabilang d'on ang dahilan kung bakit niya ako kailangan pakasalan ngayon. Si Serene ang magiging kabayaran ng lahat ng kasalanan ng mga magulang niya sa akin at hindi ko pweding kalimutan ang lahat ng iyon. Sisingilin ko si Serene hanggang sa kahuli-hulihang kabayaran ayon sa gusto ko. Ilang oras na lang at magiging akin na 'to, magiging asawa ko na ang nag-iisang anak ng pamilyang kinamumuhian ko. Napakuyom ang kamao ko nang maalala ko ang nakaraan, mula sa araw na tumuntong ako sa pamamahay nila hanggang sa palayasin ako na parang asong walang silbi sa tahanan ng mga ito. Hindi ko makakalimutan iyon at kailanman hindi ko kakalimutan ang araw na iyon. [ 30 MINUTES BEFORE THE CEREMONY GUSTO KONG NANDOON KA NA! AYAW KONG NAGHIHINTAY AYAW KONG PINAGHIHINTAY! ] Muli kong si-nend na message ko rito. Ayaw kong hintayin ang reply nito, dahil sapat na sa akin na mabasa niya ang gusto kong sabihin sa kaniya. Wala na rin naman siyang magagawa, dahil alam nya ang kaya kong gawin kung sakaling hindi siya tutupad sa usapan naming dalawa. Kilala ako ni Serene, hindi niya lang magugustuhan kung sakaling hindi siya sumipot sa kasal namin. HILAM ng luha ang pisngi ko sa muling message na natanggap ko kay Domingo. How rude is he! Ganoon na ba talaga ang galit niya sa akin para ipadama niya ito mismo sa kasal namin. Alam kong hindi namin parehong ginusto ang araw na 'to. Pero bakit hindi niya man lang magawang magpanggap kahit kaunti? Mortal na kasalanan na ba iyon para sa kaniya. Wala naman nagpipigil sa kaniyang maging masaya kahit ilang oras lang— after all, magkaibigan pa rin naman kami. Hindi ko pa rin naman basta-basta kinakalimutan ang lahat ng pinagsamahan naming dalawa. He's so unfair! You're so unfair Domingo! Ni hanggang ngayon wala pa rin akong alam kung bakit kailangan niyang iparamdam sa akin ang lahat ng 'to. Maayos siyang tumira sa bahay namin n'on, maayos siyang pinakasamahan ng pamilya ko— pinag-aral, binihisan at pinakain. Tapos ganito pa ang isusukli nya sa amin— lalong-lalo na sa akin. Gusto kong intindihin si Domingo, sa lahat ng pinaparamdam niya sa akin. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko kakayanin ang lahat ng 'to? Ikakasal nga ako sa lalaking natutunan kong mahalin, pero parang hindi ko naman kayang kunin ang pagmamahal niya pabalik sa akin. 'Gagawin ko ang lahat para matabunan ng pagmamahal kung anong galit na mayroon ka sa puso mo Domingo. Pupunan ko ang lahat para maramdaman mo na hindi ka na mag-iisa, na may nagmamahal sa iyo!' malungkot kong bulong sa sarili ko habang pinagmamasdan ang isusuot ko sa mahalagang araw para sa akin. 'Araw-araw kong ipaparamdam sa iyong mahal kita at sana kahit sa isang saglit... Kahit isang saglit mahalin mo rin ako.'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
134.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.9K
bc

His Obsession

read
85.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook