Kahit Sa Isang Saglit - K1

1045 Words
DOMINGO KEN BAROCA Iba, Zambales — 1993 "DOMINGO!!!!!" Malakas na sigaw ni Doña Rosenda sa pangalan ng batang si Domingo. Malakas ang loob niyang pumunta na naman ito sa likod bahay kasama ang apo nyang si Serene. Hindi na talaga ito nagbago, madalas niya man itong pagsabihan ay ayaw pa rin makinig sa kaniya. Mapapagalitan na naman mamaya ng anak niya ang paborito niyang apong si Serene. "Lola, tawag nyo po ang kapatid ko?" tanong ng panganay na kapatid ng batang si Domingo. "Hanapin mo nga ang kapatid mong iyon at inakay niya na naman ang apo ko sa likod bahay." "Relax, Lola. Pihadong naglalaro lang iyong mga bata, ikaw naman masyado kang nag-alala," aniya ni Facundo. "Paano ako hindi mag-aalala? Siguradong may sugat na naman mamaya si Serene at ako na naman ang pagagalitan ni Rowena." Anak niya ang tinutukoy nito. "Ako ho ang bahala, Lola. Mag-relax ka lang diyan at siguradong naglalaro lang iyong dalawa. Hindi naman pababayaan ni Domingo si Serene." "Basta! Gusto kong umuwi na silang dalawa dito at hindi pa nag-me-meryenda ang mga iyon." "Aalis na ho, tatawagin ko na sila." Napahawak na lamang siya sa batok niya dahil sa katigasan ng ulo ng batang inampon niya at ang apo niyang si Serene. Masasabon niya na naman mamaya ang dalawang 'to. TAWA NANG TAWA ang batang si Serene sa mga biro ni Domingo na hindi niya halos maintindihan. Nasa likod bahay sila ngayon, may ilang kilometro din ang layo sa villa kung saan sila nakatira. "Magpapasukan na pala, handa ka na ba? Ano naman ang mga naging adjustment mo?" tanong ng trese anyos na si Serene sa kaibigang si Domingo. Walong taon pa lamang ito nang napadpad ito sa pamilya nila kasama ang nakatatandang kapatid nito. Limang taon na rin halos silang magkaibigan at halos magkasama sa lahat ng bagay sa labas at loob ng villa. "Wala naman adjustment, ganoon pa rin. Sigurado naman na iyong mga kaklase ko ay kaklase ko pa rin, Serene," sagot naman sa kaniya ni Domingo. "Ako excited na." "D'on ka pa rin ba?" "Oo eh. Ang sabi ko nga kay mommy mag transfer na lang ako kung saan ka nag-aaral," aniya. "Ano naman ang sabi?" "Hindi naman papayag si mommy, Domingo." "Alam ko naman iyon. Kilala ko naman ang mommy at daddy mo, hindi ka nila hahayaang mag-aral sa publikong paaralan, Serene." Nagkatinginan silang dalawa— may lungkot sa mga mata. Gustuhin man nilang mag-aral sa iisang eskwelahan alam nila pareho na hindi masusunod ang gusto nila. "Mabuti ka pa, pinapayagan ka ni lola kahit saan mo gusto." "Ako naman ang ayaw sa private." Tumawa na lamang si Serene sa sagot sa kaniya ni Domingo, kahit saang banda magkasalungat talaga silang dalawa. "Okay lang iyon, baka kapag mag-college na tayo pwedi na rin tayo sa iisang university hindi ba?" "Malabo iyon, Serene. Hindi mangyayari iyon." Napataas ang kilay niya sa sagot sa kaniya ni Domingo. Tumayo siya mula sa pagkakaupo nilang dalawa sa tumbang kahoy kung saan sila madalas nagpapahinga kapag napagod na sa laro nilang dalawa. "Ayaw mo yata akong makasama eh. Siguro may pinopormahan ka na 'no? Ikaw, Domingo ha. Naglilihim ka na!" kunwang sabing galit ni Serene sa kaibigan. "Alam mo exaggerated ka. Kung saan-saan na naglalakbay ang isip mo. Wala pa sa bokabularyo ko iyan, Serene. Hindi ko pangarap." Tumayo rin si Domingo, tumayo sa harap niya't ginagalaw ang buhok niya. "Kung may pinopormahan man ako, ikaw pa rin ang unang makakaalam, Señorita Kaila Serene Fajardo..." natatawang sabi ni Domingo sa kaibigan. "Siguraduhin mo lang, Domingo Ken Baroca ha." "Opo, Madam. Happy na?" Natatawa na lamang si Serene sa mga kinilos ni Domingo sa kaniya. "Domingo! Serene, kanina ka pa tinatawag ng lola mo." Halos sabay silang lumingon sa likuran nila nang narinig nila ang tawag ng kapatid ni Domingo. "Naglalaro lang naman kami," sagot ni Serene sa kapatid ni Domingo. "D'on ka magpaliwanag sa lola mo, Serene. At ikaw, Domingo hindi ka na talaga marunong magpaalam sa akin ha," simula sa panenermon nito. "Huwag mo na hong pagalitan si Domingo. Ako naman ang nagyaya sa kaniya at hindi naman siya." "Tayong dalawa ang may gusto, Serene..." Pinandilatan na lamang ni Serene ang kaibigan dahil sa pag-agaw nito sa mga sasabihin niya sa kapatid nito. "Huwag na kayong magturuang dalawa diyan, umuwi na tayo. Pawis na naman kayong mga bata kayo." Hinila nito si Domingo at ginulo-gulo ang buhok ng kapatid ang bagay na madalas gawin sa kaniya ni Domingo. Ngayon, alam niya kung saan ito nakuha ng batang Domingo ang paborito niyang madalas din nitong gawin sa kaniya kapag nakukulitan na ito sa kaniya. Nakangiti ba lamang si Serene habang sinusundan ng tingin ang magkapatid— swerte ang lola niya dahil mayroong mga ito sa buhay nito ngayon, matalino naman si Domingo at hindi naman sakit sa ulo... pwera na lamang kapag niyayaya niya itong maglaro sa likod bahay kung saan madalas nilang pinupuntahan. "Nandiyan na ba si mommy at daddy?" tanong ni Serene sa ate ni Domingo. "Wala pa, pero tiyak na may sermon na naman mamaya ang lola mo kapag nalaman na hinayaan kang pumunta sa likod bahay 'no." "Kasama ko naman si Domingo." "Iyon na nga eh, dahil si Domingo ang kasama mo kaya malalagot na naman ang lola mo." "Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Serene dito. Nagkatinginan pa sila ni Domingo at napakunot din ang nuo nito sa naging sagot ng kapatid. "Kasi naman alam ng lola mong hindi ka nagpapasaway kay Domingo kung ano ang gusto mo iyon na lamang ang nasusunod 'no!' Sabay silang natawa ni Domingo sa sagot ng Ate Ella nito. "Noon iyon, Ate. Hindi na ngayon, 'di ba, Domingo? Hindi mo na ako hinahayaan sa kung ano ang gusto ko?" "Dapat lang. Nangako ka naman sa akin na susunod ka sa lahat hindi ba?" "Oo naman! Peksman! Hinding-hindi ako magpapasaway sa iyo, Domingo. Promise." Tinaas pa ni Serene ang kanang kamay niya tanda ng pangako sa kaibigan — nagkatinginan sila at sa labi ng isa't isa sumilay ang matamis na ngiti. "Salamat naman at nagkaintindihan tayo, Ms. Kaila Serene.." ani naman ni Domingo sa kaniya. "Sus! Kayong dalawa napakarami niyong alam, bilisan niyo nang maglakad at sigurado akong sermon ang aabutin natin," natatawang sabi ni Ella sa kanilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD