Chapter 6

1305 Words
Akio POV May dalawang buwan na rin na di ko nakasama at nakita si Catley. Napag alaman kong nakabalik na sya pamilya nya. Pina imbestigahan ko rin sya. Meron syang asawa na halos ka edaran nya rin. Highschool sweetheart sila tapos nagkahiwalay sa di malaman na dahilan. Hindi na sya nakapag college dahil sa kahirapan. Maagang nasabak sa trabaho dahil sya ang inaasahan ng mga magulang. Maraming pinasukan na trabaho naging service crew ng isang fastfood, naging saleslady ng isang mall, naging tindera sa palengke pero ang last ay nakapasok sa isang kumpanya sa Manila bilang employee... Hanggang sa nagkita ulit sila ng asawa nya at nagpakasal. Nagkaroon agad sila ng anak na lalaki then after 1 year na sundan ng anak na babae. Hindi na siya nag trabaho dahil sya na ang nag alaga sa mga anak nila. May pagka tamad ang asawa nya kaya naman hindi talaga maiwasang makautang sila. Hanggang sa nakautang na sya sa mga Online Loan apps. Sa taas ng interest tiyak na mababaon ka talaga. At yun nga ang nangyari sa kanya. Pinahiya sa mga kamag-anak. Wala sa kanyang tumulong kahit na mismong asawa nya. Kaya nga nag decide syang mag abroad. Sa tulong ng kapitbahay nya ay napilitan syang sumama, inutang pa rin ang ginastos sa pag abroad nya patungong Taiwan. Pero nagkamali ng sinakyan at nakarating ng Japan. Marami pa palang naiwang utang. Ang masaklap lahat ng pinadala na pera sa asawa ay winaldas, nambabae pa. Nabuntis ang babae at ngayon ay nakatira sa bahay nila. " Sh*t pumayag si Catley na magkakasama sila sa i-isang bubong. Ang tanga naman ng babaeng yun." sabay hampas ko ng kamay ko sa Office table ko. " Chill dude." Nakita ko pang ngi-ngisi ngisi si Troy. " Obvious ka na dude. Mahal mo na ba yang fake wife mo? Naku naku malalagot ka kay Vincent nyan." " Alam mo rin na may ibang babae na ang asawa nya?" tanong ko sa kanya. " Of course I know. Before mong pa imbestigahan yan, nautos na sa akin ni Vincent na pabantayan sa mga tauhan ko sa Pilipinas yang lalaki. Nakahanda na nga rin yung annulment paper at saka yung ikakaso sa lalaki once na di pumayag pumirma. Oh di ba? Ganun kabaliw si Vincent dyan kay Miss Heaven knows." tatawa tawa nya pang sabi. " You mean nasa Bulacan pa rin si Catley??" tanong ko. " No dude, bumalik sa dating pinapasukan nya. Di nya kayang makasama yung kerida ng asawa nya." " Paano yung mga anak nya?" tanong ko ulit. " Nasa lalaki, ayaw sumama sa kanya. Mas kinilalang ina nila yung step mother." sagot ulit niya. " Anong negosyo nung pinapasukan niya?" " Line of business ba ang tinatanong mo? Nag su-supplies sila ng mga cleaning materials sa mga hotel and restaurants. Dude kung iniisip mong mag invest inuunahan na kita single proprietor lang ang boss nya. Pero kung interested ka talaga sa business baka pwede ka makipag partnership." sabay inom nya ng kape na tinimpla ng secretary ko. " No need! Nagtanong lang ako pero hindi ako interesado." inabala ko na ang sarili ko sa mga dapat kong gawin dito sa business ko sa Pilipinas. After 1 week babalik na ako sa Japan. " Bro punta tayong club. May alam akong bagong bukas try natin." Aya nya sa akin. " Sure!!!" Napagkasunduan naming mamayang gabi na kami pumunta dun. Pag pasok namin sa club ay may sumasayaw ng mga babae. Sa VIP room kami nag tungo. Glass ang isang side ng wall kaya naman mapapanood pa rin namin ang mga nasa stage. May mga babae na rin kaming ka table... Pero sa totoo lang nawalan ako ng gana sa s*x hindi ko rin talaga alam kung bakit. Tiningnan ko yung babae na binayaran ni Troy para sa akin, maganda, malaki ang boobs, sexy pero di man lang ako nakaramdam ng init ng katawan. " Bored ka?" tanong sa akin ni Troy. Habang nakikipaghalikan sa dalawang babaeng binayaran nya. " Tsk ayokong makipag s*x wala akong gana." matamlay na sagot ko. Maya-maya pa ay may umakyat na babae, nagdala ng isang glass ng wine. Ayon sa kanya ay pinabibigay ng may-ari ng club. Wala akong interes kaya di na pinag-aksayahan na tingnan. Uminom ako ng uminom ng alak, pinaalis ko na yung babaeng binayaran para sa akin kaya solo nalang ako dito sa room. Humiwalay ng room si Troy. At alam ko naman kung bakit... May sumasayaw pa rin sa stage. Marami pa ring tao kahit na madaling araw na. Marami na ring lasing na lalaki kaya di rin maiwasan na magkagulo. Pero naka agaw ng pansin ko ang isang babae na binabastos. Pilit hinahalikan pero ayaw. Parang waitress ata dito sa club. Hindi naman daring ang suot, maliit na babae lang... Tinitigan ko pa ng husto... Catley???? Dali-dali akong lumabas para tulungan sya. Sinuntok ko yung matandang lalaki na nambabastos sa kanya. Hindi lang pala basta basta matandang lalaki, isa pala sya sa may-ari nitong club. Wala na akong pakielam don ang importante ay mai alis ko si Catley dito. Hinila ko sya. At sumunod lang naman sya sa akin. Nakarating kami sa Penthouse ko. " Salamat Mr. CEO." Nakayuko nyang sabi. " Magpahinga ka na. May isang room ako dun ka na matulog." saka ko sya iniwan. Mukhang lasing na ako. Medyo nahihilo na rin ako, mabuti nalang at nakapag drive pa ako. Nagagalit talaga ako ngayon sa nangyari. Naawa ako sa kanya. (Kinaumagahan) Nagising akong masakit ang ulo ko. Naligo na ako at after mag bihis ay nag punta na akong kusina. Pero nagulat ako na may mga nakahain ng pagkain... Hindi pa ako gumalaw dahil sa pagka bigla. " Good morning po Mr. CEO! Kumain ka na po. Pinag timpla na rin pala kita ng kape." Si Catley na kapapasok lang rin sa kusina. Nakaligo na sya at iba na ang suot. " Pasensya na pala nakihiram na rin po ako ng damit sa closet nyo sa pinahiram mong kwarto." Plain t-shirt ko na naging bestida nya na ang suot nya. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sh*t kapag kasama ko tong babaeng ito magiging masaya ang buhay ko..... Kumain na kami ng sabay. First time kong uminom ng kape na 3 in 1 daw. Masarap naman pala. Natatawa ako sa mga kwento nya sa akin. Pumasok daw sya dun para may extra pa syang work. Hanggang ngayon pala ay hinahabol pa sya ng mga inutangan nya. Nakakaawa pero nakakatawa kasi syang mag kwento. " Alam mo Mr. CEO para na rin akong nasa Japan kailangan ko ring magtago dito. Hahaha." " Gusto mo bang bumalik sa Japan???" seryosong tanong ko sa kanya. " Wala po akong passport." sagot nya. " Akong bahala!!!" sagot ko " Naku wag na po. Dito nalang ako. Salamat sa alok mo." Aniya Bigla akong nakaramdam ng lungkot... First time kong ma reject. " Wag kang malungkot Mr. CEO sayang ang gwapo mo pa naman. Hihihi." " Really?" " Oo naman, kung mahirap ka lang din siguro baka nagustuhan kita." Sabi nya ulit. Naghuhugas na sya ng pinggan. Lumapit ako sa kanya. Ito na naman, akala mo may kung ano sa dibdib ko.... " Gusto mo ba ako?" diretsong tanong ko. Nagulat pa sya dahil sobrang lapit ko na sa kanya. " Ah... ehhhhh.... Mr. CEO pwede po lumayo kayo kaunti parang di ako makahinga." Hindi makahinga??? Katulad rin kaya ng nararamdaman ko ngayon ang kanya??? Hinapit ko ang kanyang beywang at inumpisahan ko na syang halikan. P*tang*na ang sarap. Bakit ba nakakabaliw tong babaeng to. Hindi sya tumutugon kaya mas pinalalim ko pa ang halikan namin, hanggang sa kumapit na sya sa leeg ko. Nag umpisa na rin syang halikan ako pabalik. " I want you." bulong ko. Wala akong narinig sa kanya na sagot pero pinagpatuloy ko pa rin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD