Chapter 5

1009 Words
Akio POV " Good morning Mr. CEO." bati sa akin ni Catley. Kasalukuyan syang nag mo-mop sa bahay ko. " Anong ginagawa mo?" tanong ko. Nagpalinga-linga pa sya bago ako sinagot. " Mr. CEO nag mo-mop po.." simpleng sagot nya sa akin. " That's not what I'm asking. Bakit ka naglilinis?" tanong ko ulit. " Wala po akong maibabayad sa pagtulong nyo sa akin ni Vince kaya po gawin nyo nalang akong maid nyo dito sa bahay nyo." nakayuko nya pang sabi. " Ah ganun ba? Sige kung yan ang gusto mo. Suswelduhan nalang din kita para may maipadala ka sa pamilya mo sa Pilipinas." " Salamat po. Malaking tulong po yun sa akin." Pumasok na ako sa Office. Sa sobrang daming trabaho ay late na akong nakauwi. Hindi pa ako nakapag dinner kaya naman sa kitchen na ako tumuloy. Pag tingin ko sa orasan 8 pm na. Naabutan ko pa si Catley na naglilinis ng sink. Nagulat pa sya ng makita ako pero ngumiti rin naman agad. " Good evening Mr. CEO. Kakain po ba kayo? " tanong nya sa akin. Nagpupunas sya ng kamay ngayon. " Yes!" maikling sagot ko. Nakita kong pinainit nya ang kanin at ulam. Tinanong nya pa ako if gusto kong mag coffee pero tinanggihan ko. Kaya nakita kong ipinag timpla nya ako ng Juice at naglabas na rin ng isang pitsel ng tubig. Mabilis nyang hinain lahat. Na pa wow pa ako dahil first time kong naka kita ng ganitong luto. " Sinong nagluto?" tanong ko sa kanya. " Mr. CEO nakielam na po ako sa kusina. Sabihan nyo ako kung di mo gusto para po si Aling Jina na ulit ang magluluto." tugon nya sa tanong ko. Meron akong 5 kasambahay dito. Malaki rin kasi ang bahay na ito. Hanggang 2 floor. Nasa 2nd floor ang room ko at 3 guess room. Doon natutulog sila Vincent at Troy kapag narito sila. Yung isang room na bakante ay kay Catley na. Alam ng mga kasambahay ang set-up namin. Sa ibaba naman ay maluwang na sala ang bubungad pag bukas ng pinto, nasa gilid ang kitchen katabi ang dining room, mini bar, at Library/Office ko na rin. Sa likod bahay ang maid quarters. May malawak na bakuran. May swimming fool. May garahe kasya ang apat na sasakyan. Meron akong dalawang guard sa gate na nagpapalitan. May isa akong driver. Asawa sya ni Aling Jina na cook ko naman. Hindi na ako nagsalita ng magpaalam sya sa akin. Iwanan ko nalang daw ang pinagkainan ko at sya na ang bahala. Masarap syang magluto. Kakaiba ang lasa pero masarap. Kaya naman naparami ang kain ko. Paakyat na ako ng room ko ng makita ko syang matiyagang naghihintay sa sala. " Mr. CEO tapos na po kayo?" tanong nya pa sa akin. " After mong magligpit matulog ka na rin." Hindi ko na sya hinintay pang sagutin ang sinabi ko, umakyat na ako para maka ligo at makatulog na. Kinaumagahan ay nakita ko syang nag ka kape sa kusina. " Good morning Mr. CEO!" Bati nya pa sa akin. Kasama nya sila Aling Jina at 4 pang kasamahan. Lahat sila ay nagbigay galang. Pero sya lang ang bukod tanging Mr. CEO ang tawag sa akin. " Sir ipagtitimpla na po ba kita ng gatas?" tanong ni Aling Jina. Sya lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat ng kinakain at iniinom ko. " Yes please." Naupo ako sa center table. Nagulat pa sila dahil magkakaharap na kami ngayon. Mabilis namang natapos ang 4 na kasambahay at nagpaalam na rin na babalik na sa kanya-kanyang trabaho. Patayo na rin si Catley ng tawagin ko. " Catley magbihis ka, sumama ka sa akin." Nakita ko pa ang gulat sa mata nya. " Kanila Vincent." Alam kong hindi sya pwedeng lumabas labas kaya naman di na ako nagtaka sa reaksyon nya. Itong kaibigan ko kasi na love sick ata. Pinapapunta kami ni Catley sa bahay nya. Gusto nyang makasama si Catley pero hindi nya ma sundo dahil na rin sa pinababantayan na sya ng parents nya. Nalaman kasi nilang may nakakita sa kanya noong na sunog ang isang police station. Mabilis lang syang nakapagbihis kaya hindi na rin naman ako naghintay pa ng matagal. " Let's go." sa front seat ko na sya pinaupo. First time ko syang matitigan ng matagal... Napaka simple lang nya. Walang kaayos ayos ang mukha maliban sa may pinahid sya sa kanyang labi. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa narating na namin ang gate ng bahay nila Vincent. Nakita ko ang pagka mangha ni Catley. Bahagya pa syang natulala. " Bahay ba ito ni Vince?" tanong nya pa na pabulong " Yes!" Bumaba na kaming sasakyan ng makita namin si Vincent na papunta sa gawi namin. Nakita kong kumaway si Catley. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Balak kong bigyan sila ng time dalawa. Mamaya ko nalang susunduin si Catley. ----------------- (2 years Later) " Papunta akong Pilipinas gusto mong sumabay?" tanong ko kay Catley. " Talaga Mr. CEO??? Sige po gusto ko ng umuwi sa amin. Thanks." sabay yakap nya pa sa akin. Tuwang tuwa sya dahil makakauwi na daw sya. Wala na rin syang balak bumalik dito sa Japan. Si Vincent na i-kasal na sa kanyang fiance. Kaya ng ipaalam ko si Catley na isasabay ko sa pagbalik ng Pilipinas ay agad namang sumang-ayon. Alam ko ang balak ni Vincent. Pinagbigyan nya lang ang magulang nya then after a year makiki pag devorce din sya. Gusto nya ring gayahin ang gaya ng lovelife ko. Ang kaibahan lang, ako ang nagmahal sa babaeng pinakasalan ko dati at ngayon nga ay ex-wife ko na, samantalang sya yung fiance nya ang nagmamahal sa kanya ng sobra at iba naman ang gusto nya. Dumating kami sa Manila ng matiwasay. Ginamit ko ang sarili kong Airplane para sa pagbalik namin dito sa Pilipinas. " Mr. CEO maraming salamat po sa lahat. Mag co-comute nalang po ako." paalam sa akin ni Catley. Hindi ko na rin sya pinigilan pa, para na rin makasama nya ang tunay nyang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD