Chapter 7

1314 Words
Akio POV Inumpisahan ko ng halikan sya sa leeg. Ipinasok ko rin ang kamay ko sa loob ng t-shirt nya pero pinigilan nya ako. " Huwag Mr. CEO, mali po ito." Natauhan ako sa sinabi nya. Sh*t malapit na akong makalimot. Siguradong malaking gulo to kapag nalaman ni Vincent. " I'm sorry. Fix yourself." Tumalikod na ako. Nahiya ako sa ginawa ko. Pero bakit sa kanya nag react tong inkei ko. P*tang*na kailangan kong magparaos. Maliligo ulit ako... Sinabihan ko syang hintayin na ako at ihahatid ko na sya sa apartment na inuupahan nya. Noong una ay tumanggi pa sya pero napilit ko rin. Nasa sasakyan na kami ng mag salita ako. " Mahal mo na ba si Vincent?" tanong ko sa kanya. Hindi ko sya tiningnan dahil nasa kalsada lang ang mga mata ko pero ramdam kong tumingin sya sa akin. " Hindi!!!" sagot nya. Napalingon na ako sa kanya. Nakatitig lang din sya sa akin. " Kung hindi mo sya mahal bakit mo ako pinatigil????" Gusto kong malaman para alam ko kung saan ako dapat lumugar. " May asawa pa rin ako. Hindi kaya ng konsensya kong makipagtalik sa ibang lalaki na kasal pa kami." saka siya tumingin sa labas. Umiiyak sya. " Mahal mo ba ang asawa mo???" Tanong ko ulit sa kanya. " Mahal na mahal ko sya pero niloko nya lang ako. Miss na miss ko na rin ang mga anak ko pero ayaw na nila sa akin. Nakakapagsalita na sila at kaya na nilang sabihin na ayaw nila ako. Ang sakit sakit talaga. Wala akong magawa kundi iwan ulit sila. Ang laking pera ng naipadala ko. Nabago naman yung bahay mas lumaki na pero ibang babae naman ang itinira." " Anong balak mo?" " Gusto kong makipaghiwalay sa kanya. Ayokong matali sa kasal na may iba na sya. Pasensya ka na rin kanina." Inabot ko sa kanya yung tissue roll na nasa sasakyan ko. " Wag ka ng umiyak." Tumigil na rin naman sya hanggang sa nakarating kami sa apartment nya. Inaya nya pa akong pumasok sa loob pero tumanggi naman ako. Kailangan ko na ring pumasok sa kumpanya ko, kailangan kong ayusin lahat bago ako bumalik sa Japan. Catley POV Sa lahat ng sakit at paghihirap ko, pinaka masakit talaga ang ma huli mong niloloko ka ng asawa mo. Pati mga anak ko pinaako sa babae nya. Bigla nalang may kapalit na ako sa kanila. Inamin nyang lahat sa akin. Buntis ang babae kaya kailangan na nilang mag sama. Hindi nya na ako mahal pero kailangan ko daw suportahan ang dalawa kong anak. Gusto kong kunin ang mga ito pero hindi nila ako kilala. Ayaw nilang lumapit sa akin. Ang sakit sakit talaga. Kaya no choice kung hindi bumalik sa Manila at humanap ng work ulit. Tamang tama naman na nakita ko ang dating ka work ko at may hiring daw ulit sa dati kong pinag ta trabahuhan kaya bumalik ako. Swerte lang at natanggap ulit ako. Nangupahan ako malapit sa trabaho ko. Alam na ng mga magulang ko na nakabalik na ako sa Pilipinas. Galit na galit sila sa asawa ko. Wala rin palang binigay sa kanilang pera kahit na buwan buwan rin akong may pinadadala sa kanila. Lahat kasi dumadaan sa asawa ko. Mali ang naging desisyon kong yun. Malaki ang tiwalang binigay ko sa kanya pero niloko nya ako. Si Vince akala ko simpleng mamamayan lang din sa Japan sabi nya pero nagduda rin ako dahil maliban sa gwapo sya, matangkad, may kaputian ang balat, pantay pantay ang mapuputi nyang ngipin ay may maganda rin syang relo... Rolex???? Yayamanin.... May pera lang ang makakabili ng ganun. Hanggang sa nalaman ko ngang mayaman rin sya. Take note hindi lang basta mayaman kundi ubod ng yaman Bilyonaryo rin katulad ni Mr. CEO. Nag tapat rin sya ng pag-ibig pero tinanggihan ko. Ayoko sa mayaman mamaliitin lang nila ang pagkatao ko. Nagpaalam syang papakasalan ang nirereto sa kanya ng mga magulang nya. Syempre pumayag ako. Maganda rin namang maibaling nya sa iba ang nararamdaman nya. Pero sinabi nya rin sa akin na hihiwalayan nya rin hintayin ko raw sya pero sinabi kong hindi ko maipapangako dahil nga may asawa at anak din ako. Hindi ko naman akalain na lolokohin pala ako mula pagka bata ay kasama ko na yung napangasawa ko. Kaya nga hindi ko sukat akalain na ipagpapalit nya pa ako sa iba. Kaya pala laging sinasabi sa akin ni Vince na tutulungan nya akong mapawalang bisa ang kasal namin. Hindi naman mahirap mahalin si Vince napakabuti nya sa akin. Tinulungan nya rin akong takasan ang batas sa Japan. Pati ang fake wedding namin ni Mr. CEO sya ang nakaisip. Kaya malaking pasalamat ko sa kanya. First time kong makaranas ng sobrang care sa isang lalaki. Hindi ko kasi naramdaman to sa aking asawa. Sa relasyon namin laging ako ang umuunawa, kahit siya na ang mali pero ako pa rin ang nagpapakumbaba. Kapag nasasaktan ako wala man lang sa kanya kaya pinili kong lumayo sa kanya... Nagkita ulit kami sinuyo nya ulit ako ayoko na sana pero dahil mahal ko sya pumayag akong magpakasal sa kanya. Biniyayaan kami ng dalawang anak, hindi nya gustong tumigil ako sa trabaho ko. Pero nagpumilit pa rin ako, gusto kong ako ang mag-aalaga sa mga anak namin. Hay buhay ang hirap ng mahirap halos lahat ng pagkakakitaan pinasok ko, sya nakuha pang matulog maghapon. Nagkasakit ang mga anak namin kailangan I confine sa hospital dahil walang walang pera nabaon ako sa utang... Doon ako sobrang na depressed... Ang hirap bumangon, lalo na at araw-araw may mga gastusin. Thanks God kasi gumaling naman ang mga anak ko. Nakautang na rin ako sa mga kamag-anak namin, sa mga kapitbahay rin, nakakahiya man pero ganun talaga ang buhay kailangang lunukin ang pride para sa mga anak ko. Kahit masakit ay sinakripisyo kong malayo sa mga anak ko pansamantala. Sobrang nangulila ako pero sa tuwing nakikita kong may ipapadala na akong pera sa kanila ay sumasaya naman ako.... " Pusaley tawag ka ni Boss may iuutos ata sayo." Sabi ni Marga na akala mo naman sobrang ganda pero kaibigan ko sya dito sa trabaho. " Sige pupuntahan ko sa Office nya." Heto nga at pinapunta lang naman ako para mag bigay ng documents. Pricelist???? Ginawa pa akong ahente... Binasa ko ang building KUO CORPORATION???? Ka apelyido pa ni Mr. CEO... Natawa na lang ako, mas gwapo yun. May pagka serious type lang pero kung wala pa akong asawa at magustuhan nya ako baka magustuhan ko rin sya. Nung hinalikan nya ako na shock talaga ako. Hindi ko kasi ma imagine na mangyayari yun. Hindi naman ako easy to get pero wala na bumigay rin ako. Ang tamis ng labi nya, ang pula pa. Grabe.... nakakaakit halikan. " Sir good morning po, excuse po may ibibigay lang po sanang documents para kay Mr. Kuo." Mukhang secretary nya to. May pagka bakla sa kilos pero mabait naman. Ngumiti naman sa akin. " Pumasok ka sa loob hinihintay ka ni Boss." turo nya sa akin sa isang pinto na nakasara.. Pag bukas ko... " Good morning po! Excuse sir may pinabibigay lang pong documents from DIWA Company po." Nakatalikod kasi ito kaya di ko agad nakita ang mukha. " Inutusan po ako para idala ito personally dito sa inyo." Hindi nya pa rin ako sinagot. Hay naku ka suplado. Nakakatakot ah. Mabuti na nalang at ang ganda nitong office nya. Hindi ko makuhang pagpawisan dahil sa sobrang lamig maya-maya pa ay humarap na rin sya at nagulat ako... " Mr. CEO?!!!" Ngumiti pa ng nakakaloko. " Hi Catley!!! I miss you!!!!" Ano daw???? Parang kanina lang nya ako hinatid sa apartment ah. Bilis naman maka miss???? Pambihira.... " Wag kang matulala dyan. Alam kong gwapo ako wag na wag mo akong ma crush-an, siguro mas maganda kung mahalin mo nalang ako...." sabay kindat nya pa... Ano daw????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD