Akio POV
" Dude ang cute oh!!!" Hawak hawak ni Troy ang isang Elementary class picture.
" Sino bang cute dyan? Ang dami nila. Ah alam ko na yung teacher?" pang-aasar ko pa. Di kasi ganun ka gandahan ang teacher dahil chubby at maitim pa ito. Inirapan naman ako ng loko.
" Mukhang public school yan ah. P*cha dude sa public mo pinag-aral ang mga anak mo?" tanong ko sa kanya.
" Hoy Akio nakikita mo ba ito? Larawang kupas na. Sobrang tagal na. Class picture to ng jowa ko. Nagka interest lang ako." sigaw nya. Alam kong na pikon sya sa sinabi ko. Bakas sa mukha nya ang pag ka pikon.
" Sorry dude binibiro lang naman kita." tapik ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa Office ko. Kaaga aga nyang pumunta. Akala mo naman empleyado ko sya dito. Pero syempre allowed naman syang pumunta dahil isa sya sa investors ko.
" Tingnan mo?" Pinakita nya yung batang babae sa akin. Tinitigan ko pang mabuti.
" Mia????"
" No dude! Never nag-aral si Mia sa public school." iiling-iling nya pang sabi.
" Yes I know. Pero sino sya?" Tiningnan ko yung year na nakalagay sa picture.
" Magugulat ka dude." sagot nya at talagang pinasabik pa ako. Binitin pa yung sasabihin.
" Sino nga????" pamimilit ko.
" Catley Lucero! Your dearest love."
" Ang layo ng mukha nya ngayon!" Pagtataka kong sabi.
" Yan ang sabi ng jowa ko. Classmate nya yan hanggang grade 5 kaso lumipat ng school daw nung grade 6 kaya di nya na na kita. Bali-balita nga nun namatay kaso pinabulaan naman ng ina nya dahil kinuha pa yung card para ma i transfer sa Bulacan at dun na sila titira." mahabang pahayag nya.
Hindi ako ma ka paniwala na si Catley pala ang batang matagal ko ng hinahanap. Akala ko ay si Mia. Matagal ko syang minahal sa pag aakalang sya nga yung batang nag ligtas sa akin. Pero paanong nag-iba ang mukha nya? May nangyari ba sa kanya?
Kailangan kong ma kausap si nanay Mildred.
Ilang Linggo pa ang lumipas bago ko nag lakas loob na pumunta sa Isla ni Lolo Solomon. Kung saan sila ngayon nakatira.
Unang bumungad sa akin ang asawa ni nanay Mildred.
" Oh Akio iho pumasok ka." anyaya nya sa akin. Mabait din itong step father nila Catley, mula ng makilala ko sya ay wala naman akong maipintas sa kanya.
" Lolo look!!!!" Patakbong lumapit ang batang lalaki kay Tatay Domek. At may pinakita.
" Amir????" tawag ko. Hindi nya kasi ako na pansin kanina dahil may gusto syang ipakita sa Lolo nya.
" Da-ddy????" Kita ko ang pagka bigla nya pero mas umibabaw ang lungkot.
" I hate you." sabay takbo nya palayo. Pumasok sya sa loob ng Mansyon nila.
Nagka tinginan naman kami ni Tatay Domek.
" Pasensya ka na iho ha nag tatampo lang yan. Ilang birthday nya kasi ang lumipas na lagi kang hinihintay na dumating." kwento nya pa.
" Hindi ko po alam na may anak kami ni Catley. Kailan ko lang din po nalaman." malungkot kong sabi sa kanya.
" Daddy!!!!!" Tili naman ng batang babae.l na palapit sa akin. Kaya napa tingin ako sa gawi nya. Mabilis nya akong niyakap. Kaya naman binuhat ko sya. Sya yung batang tinulungan ko sa banyo. Malaki na rin sya ngayon.
" Hi anak." Bati ko sa kanya. Hindi ko na na pigilian at hinalikan ko sya sa pisngi. Humagikhik naman sya sa ginawa ko.
" Nakakakiliti daddy yan." turo nya sa bigote at balbas ko.
" Aalisin ko later anak. I miss you."
" I miss you too daddy. Let's go inside umiiyak si kuya Amir." sumbong nya pa sa akin. Nag tinginan naman kami ni Tatay Domek at tumango sya.
" Sige na iho, nasa loob naman si nanay Mildred nyo." Sabi nya pa.
" Si Catley po?" tanong ko sa kanya.
" Ah nasa palengke pa, nag titinda ng mga inangkat nyang isda. Mamaya pasasamahan kita sa anak nya kapag dumating. Pumasok pa kasi sa eskwuela." sagot nya ulit sa akin.
Nagtitinda pala sya ngayon ng isda. Ang sipag nya talaga kahit hindi na sya mag work ayos lang. Mayaman naman si Lolo Solomon. Mula noon hanggang ngayon pag titinda pa rin ang inaatupag nya.
Pumasok na ako sa loob buhat ko yung babae kong anak. Nakita ko naman agad sa sala si Amir na ka dapa sa sofa at umiiyak. Ibinaba ko muna si Ayiesa bago ako pumunta kay Amir.
" Amir!!!" tawag ko. Hindi nya pa rin ako pinansin. Kaya lumapit ako sa kanya. At binuhat ko rin. Nag pupumiglas pa sya noong una pero maya maya lang ay umayos na rin sya at niyakap ako ng ma higpit.
" I miss you da-ddy." Sabi nya habang humihikbi.
" I miss you too son. I'm sorry ngayon lang ako na ka punta dito. Mahal na mahal ko kayo ni Ayiesa."
" Kilala mo na si Ayiesa?" inosenteng tanong nya.
" Kuya sya yung nag hugas nung nag poop ako... hihi." si Ayiesa. Di na ako na ka sagot dahil sinagot na sya ng anak kong babae. Nakakatuwa lang dahil may mga anak na ako at kambal pa.
Kaya siguro si Mia ang kamukha ni Ayiesa dahil identical twin talaga sila ni Catley. Yung mukha ni Catley ngayon, hindi talaga yun ang itsura nya.
" Akio nandito ka pala iho. Halika at dito ka na kumain." si nanay Mildred.
" Sige po." maikling sagot ko.
Mabuti na lang din at mukhang hindi naman sila galit sa akin. Hindi siguro nai kwento ni Catley yung nangyari sa amin sa Japan kung saan mas pinili kong pakasalan ang matalik kong kaibigan.
Mag ha-hapon na ng magpaalam akong susunduin sa palengke si Catley. Gusto ko na talagang makipagbalikan sa kanya. Sana lang ay tanggapin nya ulit ako.
Dumating ako sa palengke na nagkakagulo sa gawi ng pwesto ni Catley.
" What happened???" tanong ko sa binatilyo na nakita kong nakikiusyoso sa mga tindera.
" Sir si Ate Catley po may mga dumukot sa kanya." Sabi nya. Kilala niya si Catley.
May sumigaw naman na nakita nila kung saan sinakay si Catley kaya dali-dali akong sumakay sa sasakyan ko at pinaharurot ito para ma sundan ko sila.
" Sh*t bakit ang bilis." Pinabilisan ko pa lalo ang andar ng sasakyan ko. Alam kong over speeding na ako pero di ko hahayaan na ma ka layo sila sa akin.
" Catley!!!!!" sigaw ko. Halos di ako makahinga ng makita kong duguan si Catley at walang malay. Naaksidente sila. Kinuha ko si Catley at isinakay sa sasakyan ko. Itinakbo ko sya sa pinaka malapit na hospital.
Pagkarating namin sa hospital ay inasikaso naman agad sya ng mga doctor. Mabuti na lang din at na kuha ko kanina ang phone number ni nanay Mildred kaya natawagan ko sya. Pinaalam ko yung nangyari kay Catley.
Nag-aagaw buhay sya ngayon.