Catley POV
" Mia sa sama ka ba sa akin sa kabilang Isla? Aangkat kasi ako ngayon ng mga isdang paninda natin." tanong ko sa kambal ko. Lagi ko kasi syang nakikitang umiiyak. Ayaw nya naman sabihin ang dahilan. Kailan lang ay umuwi sila dito sa Pilipinas ng pamangkin ko. Hindi na nila kasama pa si Philip. Nahihirapan akong makitang malungkot ang kambal ko.
" Sa susunod na lang Ley masama kasi ang pakiramdam ko." sagot nya sa akin. Tumango na lang ako at umalis.
Nasa kabilang Isla na ako at marami na namang iba't ibang klase ng isda. Tuwang tuwa ako dahil marami akong matitinda ngayon, mura pa ang bigay nila sa akin dahil suki na nila ako.
" Ma nakita mo na ba yung naka bili sa kabilang Isla? Balita ko binata pa at isang bilyonaryo? Iyyyyyyy!!!" kilig na sabi ng anak na dalaga nitong pinagbibilhan ko ng isda.
" Ah oo nga anak. Dapat ay makilala ka niya. Sa isang buwan tiyak na tapos na yung pinagagawa nyang bahay kapag nakalipat na sya puntahan natin at magdala tayo ng mga isda." masayang Sabi naman ng ina nya.
Nagpaalam na ako sa kanila. Bakit ba kahihilig ng mga kababaihan sa gwapo??? Naalala ko tuloy si Akio. Erase erase bakit ba kapag gwapo sya agad ang naiisip ko. Napangiti na lang ako sa kawalan.
" Hi Miss!" Bati sa akin ni Yoseph. Taga dito sa sa Isla at isa sa mga nangingisda dito. Lagi nya akong binabati pero di ko sya pinapansin. Mukhang mas bata kasi sya sa akin.
" Miss pansinin mo naman ako. Ilang buwan na kitang kinakausap di mo pa rin ako pinapansin. I love you ..." Sigaw nya pa.
Di ko pa rin sya pinapansin kahit na sunod ng sunod pa rin. Nailipat na sa bangka ang mga banyera ng isda na nabili ko. Aalis na ako ng magsalita ako.
" Wag ka ng mag aksaya ng panahon sa akin. Apat na ang anak ko." Bigla naman syang natigilan sa sinabi ko. Hindi na sya nagsalita kaya naman sumakay na ako sa bangka at umuwi.
Katatapos ko lang ayusin ang paninda naming isda ng makita ko si Philip.
" Hi Philip wow wala pang isang taon. Susunduin mo na ba ang mag-ina mo?" sabik na tanong ko.
" Hi Catley. Nope si Pritz lang ang susunduin ko." sagot nya naman. Hindi na ako nagsalita dahil nakita niyang lumabas na ng masyon si Pritz.
Nang umalis sandali si Pritz ay di ko na mapigipqng magtanong kay Philip.
" Hindi mo na ba mahal ang kakambal ko?" tanong ni ko. Pero bago nya pa masagot ito ay bumaba na si Pritz dala ang bag pack nya.
" We have to go Catley. Ikamusta mo nalang ako sa twins mong anak." Sabi nya pa. Alam Kong nakita niya si Mia at yung malanding Vanessa na yun na magkasama na naman.
Naawa na ako sa ka-kambal ko. Lagi ko siyang nakikitang umiiyak. Pero kahit na tinatanong ko sya kung bakit, ay di nya sa akin sinasabi. Hanggang sa nag kausap kami ng pinsan ni Philip na si Tyrone. Sinabi nya sa akin ang lahat ng nangyari. Kaya pala bigla nalang lumitaw tong impakta na Vanessa na ito dahil may balak pala syang agawin si Philip. Hindi totoong anak ni Philip ang anak nito. Na manipulate lang daw ang result dahil yung mismong assistant ni Philip ang ka kuntsaba nitong Vanessa na ito. Nakita ko rin ang bata at hawig nga ito kay Philip. Pero ang sabi ni Tyrone ay anak ito ng 2nd cousin nila na totoo namang kamukha rin nila. Si Tyrone, Philip at Dennis totoo nga naman mag kakahawig sila pare-pareho silang gwapo. Hihihi...
Nakita kong nandito na naman ang higad. Napipilitan lang pakiharapan ni Mia base na rin sa nakikita kong reaksyon nya. Kababata nya rin kasi ito at masyadong mabait ang ka-kambal kaya hindi nya kayang paalisin.
Nakita kong umalis si Mia kaya pagkakataon ko na para kausapin tong makapal na mukha nyang kababata.
" Ehem. Di ba ikaw si Vanessa?" inosenteng tanong ko.
" Yes. Catley right? Twins ka ni Mia pero ang aga mong magka Alzheimer's.. Da?????" malanding sagot nya pa. Nakaka bwisit ah.
" Ay ma attitude ka girl???? Ibahin mo ako sa ka-kambal ko. Hindi ako kasing bait nya." sagot ko.
" Well I think magka ugali tayo. Mabait ka lang kapag kaharap sila???" pang-aasar nya pa sa akin.
" Hindi! Naka depende ang ugali ko sa kaharap ko. Gaya mo ma pagpanggap ka. Ang galing mo rin no? Ikaw ang dahilan kung bakit na sira ang masayang pamilya ni Mia tapos may mukha ka pang pumunta dito na parang walang nangyari. Ang kapal mo rin noh?"
" Well wala kang pakialam."
" Di ka mahal ni Philip."
" Mahal nya ako?"
" Ows??? Parang hindi naman. Nakita ka nga nya di ka man lang nilapitan, yun ba ang mahal?" pang-aasar ko pa.
" Di rin nilapitan si Mia so di nya na rin mahal ngayon si Mia?" pang-uuyam nya, di agad ako nakapagsalita kaya naman bigla syang tumawa ng nakakaloko.
" Poot twin sister. Ang hina mo rin pala. Pero bilib ako ha, ang liit mo pero kung makapag hamon ka." inirapan pa ako ng loka.
" Ang kapal mo rin talaga no? Pinaako mo yung anak mo kay Philip kahit sa pinsan nya pala itong bata?" Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko. Bigla syang namutla.
" Pa-ano mong nalaman?" utak na tanong nya pa.
Di ko sya sinagot bagkus kinuha ko yung phone ko sa pantalon kong suot at in-open Ang gallery ko. Nandun ang picture ni Dennis at pinakita ko sa kanya.
" Ang gwapo rin nya. Bakit hindi nalang sya ang habulin mo instead na si Philip?"
" I hate him." galit nya sabi saka ako tinalikuran. Umalis syang hindi na nagpaalam pa kay Mia.
" Ley saan na sa Essa?" tanong ni Mia. May dala syang dalawang baso ng Juice at sandwich.
" Naku Mia wag mo ng kausapin yung higad na yun. Panira ng masayang pamilya yun." kinuha ko yung juice saka ininom.
" Mamaya pala Mia sasama ka sa akin? Mag night swimming tayo." Aya ko sa kanya. Lagi na lang kasi sya dito sa mansyon. Nakaka boring din, lagi na lang syang umiiyak. Naawa na ako sa kanya
" Ayoko Ley kayo na lang. Di rin ako mag eenjoy wala si Pritz."
" Ganun ba? Ngayon lang rin kasi ako makakaranas na mag swimming sa gabi sana, gusto ko sanang makasama ka." pina lungkot ko pa ang boses ko.
" Ah sige dyan nalang tayo sa dalampasigan maligo. Masarap kapag dagat." pumayag rin sya sa wakas.
" Thanks Mia." sabay kuha ko ng sandwich.
" Ley mukhang ginutom ka ah."
" Oo nakaka gutom makipag away sa higad." sagot ko sa kanya.
" Kanina ka pa higad ng higad dyan si Essa ba ang tinutukoy mo?" tanong nya sa akin. Pangiti-ngiti pa sya sa akin.
" Oo panira sa inyo ni Philip. Naku ha kapal ng mukha nya na ipaako ang anak nya kay Philip eh hindi naman kay Philip ang bata. Naku ha nakaka gigil syang babae ang kapal ng mukha nya. Kaya ikaw Mia balikan mo na si Philip malandi yang Essa na yan, mamaya nyan akitin nya pa si Philip. Mahal na mahal ka pa naman nung tao ang buting tao nya pa naman, masasayang lang kung mapupunta sa babaeng haliparot na yan." Nagulat ako ng biglang umiyak si Mia sa akin. Kaya niyakap ko sya
" I'm sorry... sorry Mia ... Halla sorry na..." Sobrang nadala ako, di ko na napigilan at lumabas na sa bibig ko lahat.
" Wala kang kasalanan. Ako ang may malaking kasalanan kay Philip. Hindi nya na ako mahal Ley, sising sisi ako na di ko sya pinakinggan noon." sagot nya sa akin.
" Wag mong sisihin ang sarili mo Mia, siguro ang gawin mo buuin mo ulit ang pamilya nyo. Wag ka ng gumaya sa kapalaran ko. Gusto kong sumaya ka sa piling ni Philip." payo ko sa kanya. Alam kong mahal nya pa si Philip ganun din naman si Philip kaya gusto ko silang magka balikan.
" Paano mo pala nalaman na hindi si Philip ang ama ng anak nya? Sinabi nya kasi sa akin na si Philip eh tapos kamukha pa ni Pritz yung anak nya. Babaeng bersyon ni Pritz ko."
" Kay Tyrone. Mukhang hindi rin alam ni Philip. Kasi base sa sinabi ni Tyrone yung assistant ni Philip ang kasabwat ni Vanessa."
" Si Kuya Tyrone? Yung pinsan nya? Paano kayong nagkakilala?" tanong niya sa akin.
" Hehe matagal ko na rin syang kaibigan. Ex fling ng ka klase ko. Babaero kasi yun eh. Buti nalang talaga..."
" Anong buti na lang talaga?"
" Niligawan rin ako ng gungong na yun."
" Totoo ba?"
" Oo pero ayoko sa playboy eh."
" Wow Ley ang ganda mo!"
" Sira! Gusto lang ng may ikama yun kaya ganun."
" Eh paano ba kayong nagkita ulit?"
" Nalaman nyang ka-kambal kita, baka naikwento ni Philip."
" Kaya nakipagkita sayo?"
" Sa kabilang Isla. Aksidenteng nagkita kami."
" Kanila Ja-ir?"
" Hindi sa kabila pa sila ang may-ari. Nakausap ko rin yung asawa nyang si Beth."