Chapter 21

1361 Words
Akio POV Kinailangan kong ilipat sa Manila si Catley dahil sa critical nyang kondisyon... " Iho nasaan sya? Anong nangyari kay Ley? tanong sa akin ni Nanay Mildred. Ilang oras na rin ang lumipas pero nasa operating room pa rin si Catley. Hindi pa rin sya nag kakamalay at kanina lang ay tinapat na ako ng doctor na sobrang naapektuhan ang kanyang mga mata. Kaya maka survive man si Catley ngayon ay hindi naman na sya ma kakakita pa. " Nasa operating pa po. May mga dumukot kanina sa kanya sa palengke. Pero naaksidente sila. Nakatakas ang isa pero namatay naman yung isa." Malungkot na kwento ko sa kanya. Umiiyak naman si nanay Mildred. "Sana maka survive ang anak ko. Pangalawang buhay nya na yan. Huhuhuh" " Paano pong pangalawang buhay?" takang tanong ko. Gusto kong malaman kung Anong nangyari dati sa kanya. " Matagal ng nangyari ito bata pa sya nun. Dati kaming taga Pasay iho pero na damay sya sa isang aksidente sa lumang bodega." " Ano pong aksidente?" " Sumabog ang bodega at marami ang na sunog. Si Ley na sunog din lalo na ang mukha nya." Nakikinig lang ako sa kwento nya. Si Catley ang batang minahal ko at hinahanap. Hindi ko sukat akalain na mararanasan nya yun dahil sa akin. " Mabuti na lang at nakilala ko ang tunay kong ama. Si papa Solomon, sya ang tumulong sa amin nun na mapagamot si Ley. Huhuhu." Tuloy pa rin ang pag-iyak nya. Mabuti na lang din at narito ang panganay na anak ni Catley. May umaalalay sa kanya. " Bakit po hindi nyo pinabalik yung dating itsura nya?" " Nalaman kasi namin iho na hindi simpleng aksidente ang nangyari. Yung ibang na sunog dun may mga tama ng baril. Ang sabi sa amin may faul play at mukhang na saksihan ni Ley lahat ng yun. Maaari ring may mga taong na ka kilala kay Ley kaya nag desisyon akong ipa bago ang itsura nya. Kaya lang hindi ko naman alam na buhay ang kambal nya. Kailan ko lang nalaman na may isa pa akong anak na maaaring balikan ng mga taong nakakilala kay Catley noon. " Bakit daw po sya nandun?" tanong ko. Gusto kong malaman kung naikwento sa kanila ni Catley ang nangyari nun. " Masipag na bata yan. Ma hilig mag tinda tinda. Natutuwa nga ako sa kanya dahil elementary pa lang di ko na yan binibigyan ng baon sa eskwuela." Proud nyang kwento sa akin. " Kayo po ang nagluluto ng turon na tinitinda nya?" tanong ko. " Ha??? Paano mong alam na turon ang tinda nya?" takang takang tanong nya sa akin. P*cha bakit ko ba kasi naitanong yun. Paano kong sasagutin ang tanong nya. Matagal na di ako na ka sagot. Nang mag sasalita si nanay Mildred ay sya namang pag dating nila Mia at ng asawa nyang si Philip. Umiiyak na rin si Mia ng makita si Nanay Mildred.... Tahimik lang akong pinagmamasdan sila. Kaya pala di ko makita kay Mia noon yung tingin na hinahanap ko, hindi pala talaga sya yun. Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Mia. " Thanks for saving Catley's life in danger." Sabi nya sa akin. Sure na naikwento na sa kanya ni nanay Mildred ang nangyari. " We are not sure kung makakasurvive pa sya." seryosong sabi ko. Alam kong na bigla sya sa sinabi ko. " Anong ibig mong sabihin?" tanong nya sa akin. " For the first time ngayon lang ako na takot ng ganito sa buong buhay ko." yumuko ako at di ko na napigilang umiyak. " Hey Akio umiiyak ka?" tanong nya pero di na ako nakapagsalita pa. Tumahimik na rin naman sya at di na ako kinausap. Ilang oras pa ay lumabas na rin ang Doctor na naka assign kay Ley. " Where's the husband or family of Miss Catley? Agad namang pumunta si Mia para salubungin ang Doctor. " Comatose ang patient. Kailangan natin syang i- ICU. About sa eyes nya sorry but we need to remove it na kasi kung di pa natin aalisin baka maging cause pa ng infection sa pasyente lalo na at comatose sya." Pagka rinig ko yun ay di ko napigilang suntukin ang pader. Ang sakit sakit narinig yun " Thanks Doc." rinig kong sabi ni Mia. Nilapitan nya rin ako. " Akio tama na yan." pigil nya sa akin. Di ko namalayang dumudugo na pala ang likod ng kamay ko. " Wala talaga akong kwenta. Baka tuluyan ng nawala sa akin si Ley. Ang tanga-tanga ko. F*ck." sising sisi ako sa mga nangyari. Kung pinili ko sya noon baka di nangyari sa kanya ito ngayon. " Mahal mo pa si Ley?" takang tanong nya. " I love her until now. We are married Mia. Asawa ko si Catley!!!" Nakayuko kong sabi. Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko. Si Troy tumatawag. Alam nya na kung sino ang nagpadukot kay Ley. " Babalik ako Mia. May asikasuhin lang ako." Nagpaalam muna ako sa kanya. Hawak kasi ni Troy yung lalaking nakatas. " Si ma'am Vanessa po ang nag utos na dukutin yung ka-kambal nung Mia." Kanina ko pa sya pinapaamin pero matigas. Kung kailan halos mapatay ko na sya saka nya sinabi yun. Tatawa tawa lang naman si Troy. " Who's Vanessa???" tanong ko kay Troy. " Mia's childhood friend. Obsessed kay Philip. Alam mo na magkababata sila matagal ng may gusto kay Philip ni Mia." " Bakit dinamay pa si Catley???" inis na tanong ko. Nagtaas lang naman ng balikat si Troy. Tinuro nya sa akin ang lalaki. " Itanong mo sa kumag na yan baka alam ang sagot." Araw-araw akong dumadalaw kay Catley. Lagi akong nagdadala ng bouquet of flowers para sa kanya. Hindi pa rin sya gumigising. Lagi ko ring inaabutan sa hospital si Mia at Philip. Hanggang sa nagka ayos na rin kami ni Philip. Alam ko namang mabuti syang tao naging magkaibigan rin sila ni Catley at naikwento nya nga sa akin kung paano nya nakilala si Catley. " Akio kain tayo." Aya sa akin ni Mia. " No thanks! Sige aalis na ako. Bukas nalang ulit. Sige pare." Paalam ko pa kay Philip. Kahit malayo ang Manila sa Isla nila Lolo Solomon ay pinipilit ko pa ring bisitahin ang kambal ko araw-araw. Gusto kong mas ma pa lapit pa sila sa akin. Pinaalam kong ilipat sila sa Manila pero di pumayag si nanay Mildred. Halos kalahati ng taon na rin kasi, tapusin na lang daw muna nila ang schooling. Kapag nagising si Catley sya daw dapat ang mag decide kung pwede ko na silang ilipat. Naiintidihan ko naman si nanay Mildred. Wala naman akong balak na kunin ang kambal lang. Mas gustong makasama rin si Catley at ma buo ang pamilya namin. Narinig kong may mga nag-uusap sa loob. Alam kong gising na si Catley kaya dali-dali kong binuksan ang pinto. " May tao???" Sabi ni Catley. Sobrang saya ko dahil gising na sya. Pero nalungkot din ako dahil alam kong bulag na sya. Wala na yung matang una kong nagustuhan sa kanya. " Catley!!!" sambit ko na pabulong. Hindi naman sumagot si Catley... Nakita ko pa kung paano nya pigilang umalis si Mia. " Mia wag mo akong iiwan. Gusto ko ng mag pahinga." Ipinikit nya ang kanyang mga mata. Alam kong masama pa ang loob nya sa akin. Oh tamang isipin na galit sya sa akin. " Sige Ley nandito lang ako." Sagot naman ni Mia. Nang nakatulog na si Ley ay saka ako kinausap ni Mia. " Mukhang hindi pa sya handang makipag-usap sayo." Sabi nya. " I know. Ayos lang makita ko lang syang nagising na masayang masaya na ako. I have to go." pamamaalam ko sa kanila. Ayokong magtagal pa doon, baka lalong magalit si Catley. Lumabas na rin ako, sumabay naman si Philip sa akin para bumili daw ng food na pwede kay Catley. Sumama naman ako sa kanya at ako na rin ang bumili. Pinasabay ko nalang din sa kanya pabalik. Alam ko namang di kakainin ni Catley kapag nalaman nyang sa akin galing ang mga pagkain. Kailangan ko ng humanap ng donor ng mga mata para sa mahal ko...

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD