Akio POV
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Mia dahil marami namang Catley sa mundo. Baka naman magka pangalan lang...
" Akio ang sabi sa akin ni nanay Mildred na ikaw daw ang kasama ni Catley dito sa Manila."
Nang marinig ko ang pangalan ni nanay Mildred ay natukoy kong si Catley nga talaga ang hinahanap nya. Bigla tuloy akong nalungkot. Matagal ko na rin syang di nakikita ilang taon na rin. Ngayon ko lang na kumpirma na hindi nya pala kasama ang pamilya nya. Saan kaya sya???
" I don't know where she is. Matagal na rin na di kami magkasama 5 years ago ang huling pagkikita namin. I thought kasama nya ang pamilya nya. Hinahanap ko rin sya." halos pabulong na ang huli kong sinabi.
" Akala ko magkasama kayo. Di bale sige aalis na ako. Salamat sayo."
" Wait! Ihahatid na kita sa bahay nyo." Dali-dali akong pumunta sa sasakyan ko. Si Mia naman ay nakasunod lang sa akin.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan habang nasa byahe kami. Sa totoo lang akala ko magiging mahirap na naman sa akin na makasama si Mia. Dati kasi kapag magkasama kami ang lakas ng kabog na dibdib ko, malakas ang t***k ng puso ko. Pero ngayon masasabi kong naka move on na ako. Wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya kundi bilang kaibigan nalang. Napangiti ako sa kawalan.
" Wow Akio ngayon lang kita nakitang ngumiti." biro pa ni Mia.
" Mukhang masaya ka ata." dugtong pa nya.
" Masaya lang ako dahil naka move on na talaga ako sa ating dalawa." sabay tingin ko sa kanya. Hindi sila magka mukha ni Catley pero yung mata nila ay pareho kung makatingin.
" Good to hear Akio, mahal mo na ba ang kambal ko?" tanong nya pa sa akin.
" Yes I love her. Sana nga ay magkita pa kami."
" Ano bang nangyari at nagkahiwalay kayo. Ang sabi ni nanay sa akin may relasyon daw kayo." tanong nya ulit sa akin.
" Nagkamali ako, mas pinili ko si Caila than her."
" Oh si Caila pa rin pala. Eh nasaan na yung kabet / best friend mo???" pa irap nya pang sabi.
" Ewan ko. I don't care." Hindi na sya nag komento pa sa sinabi ko. Alam kong galit din sya kay Caila dahil sa nangyari noon.
Pagkahatid ko sa kanya ay dumeretso ako sa bahay nila Joseph. Malapit lang kasi ito sa bahay nila Mia. Balita ko nakatira sa isang village lang ang mga kaibigang Bilyonaryo ng pinsan ng asawa ni Mia including Joseph nga, kaibigan nila ang tatlo pang nangunguna ngayon sa larangan ng business. Lahat sila may pamilya na ang alam ko halos ka edaran ko lang din naman ang mga yon. Si Marius at Tyrone nakita ko na. Yung Greg na lang ang hindi.
" Hey Akio pasok ka dude." bungad na bati sa akin ni Joseph. Nakita ko ang asawa nya na abala sa pag asikaso ng mga anak nila. Mukhang magpaparami ng lahi to. Marami na silang anak,ang saya siguro kapag may bata na sa bahay ko. Sana mahanap ko na si Catley bago mag expired tong sperm cell ko.
" Hi dude!" Nakipagkamay pa ako kay Joseph.
Hi Crystal." Bati ko rin sa asawa nya.
" Naku kuya Akio pasensya kana makalat tong bahay." Malaki ang bahay nila pero mukhang walang maids.
" Ayos lang." nginitian ko nalang din sya.
Natatawa ako kasi ang galang nya sa akin, samantalang classmate at ka edad ko naman ang asawa nya.
Nag kwentuhan lang kami ni Joseph tungkol sa bubuksan nyang boutique. Gusto kasi nyang maglagay ng mga underwear doon kaya gusto nyang ako ang mag supply sa kanya.
Hapon na ng magpaalam ako sa kanila. Tumawag kasi si Troy.
" Dude nasaan ka. Kanina pa ako nandito." inis na sabi ko kay Troy. May lugar syang sinabi sa akin kaya naman dun ako pumunta. Nasa loob pa ako ng sasakyan dahil wala pa yung babaero kong kaibigan.
Maya-maya pa ay may sasakyan na tumapat sa bahay na tinitingnan ko.
" Ohhh wait di ba asawa ni Mia yung lalaki? Sh*t may ibang babae????" Di ko makita ang mukha kaya naman bumaba ako para makita kung sino yung babae. Nang palapit na ako ay saka naman bumaba yung babae sa passenger seat.
" Catley????" Mabilis namang umikot yung asawa ni Mia at inalalayan si Catley. Hindi ko natuloy ang pag hakbang ko dahil sa gulat. Alam kong hindi nila ako napansin.
P*t@ng*na kabit pa ata si Catley ng asawa ng ka kambal nya. Bakit hindi alam ng asawa ni Mia na kakambal ng asawa nya ang kasama nya ngayon. Pumasok na sila sa bahay. Hindi naman sila sweet, maliban sa hinawakan nya kanina ang kamay ni Catley. Halos suntukin ko ang manibela ng sumakay ako sa sasakyan ko. Alam ba ni Troy na narito lang si Catley??? Kaya nya ba ako pinapunta dito??? Hindi na muna ako aalis hanggat hindi lumalabas yung g*gong lalaking yun. May Mia na sya dapat ma kontento na sya dun. Lahat na lang ng mahalin ko sya ang pinipili???
Alas 9:00 na ng gabi pero hindi pa rin lumalabas yung lalaki. Huwag nyang sabihin na dyan sya matutulog??? L*tche sya... Nagutom na ako pero binalewala ko, kailangan kong pumasok sa bahay pero dapat nakaalis na yung lalaki, mukhang si Catley lang naman ang tao.
11:00 na ng makita kong lumabas ang lalaki. At talagang hinatid pa niya sa gate... Nang makaalis na ay dali-dali akong nagpunta sa gate saka ako kumatok...
" Wait lang.... bakit may nai-wan kahhh???" alam kong gulat na gulat sya ng makita ako. Pero bakit parang takot na takot sya sa akin.
Naisarado nya agad ang pinto ng gate... Kinatok ko ng kinatok pero wala ng nagbukas. Naramdaman ko nalang na tumakbo na sya sa bahay. Kaya no choice ako kundi akyatin. Nagtagumpay naman akong akyatin ang gate. Naiwang di na ka lock ang pinto ng bahay kaya nakapasok ako.
" Mrs. Kuo saan ka????" Maliit lang ang bahay makikita mo agad ang maliit na sala, ang kusina at banyo. May dalawang kwarto, mas malaki lang konti sa apartment nya dati... Halos pareho lang din ang ayos nito sa dati nyang tirahan. May mga nakasabit na picture. Dalawang baby mukhang kambal isang babae at isang lalaki.
" Sino po ikaw???" napalingon ako sa nag salita. Batang babae.
" Ah sorry young lady pero hinahanap ko kasi si Catley." sagot ko sa tanong nya
" Sorry Mister pero walang Catley dito." Sabi nya pa. Mukhang matalino tong bata pero paanong wala si Catley eh ako mismo ang nakakita kanina sa kanya. Sure akong sya yun.
" Nasaan ang mama mo???" Hindi nya kamukha ang bata pero baka may anak na sya sa asawa ni Mia.
" Mimi Heaven? Amp ewan. Kagigising ko lang." Naku po paano kaya ito.
" Sinong kasama mo dito ngayon?" tanong ko ulit.
" Yaya Rica po. Pero tulog pa sya eh kasama si kuya doon." tinuro nya yung isang kwarto na kulay rainbow ang pinto.
" Bakit hindi mo ginising si yaya Rica mo para samahan ka dito sa labas ng kwarto." Sabi ko.
" Mister samahan mo ako banyo pupupo ako." sabay hila nya ng kamay ko.
Ano daw??? pupupo??? Ano yun??? Naawa rin ako sa bata kaya ang ending sinamahan ko rin sya sa banyo nila. Pupo pala ang tawag sa pag dumi... Ang bango pa naman... Hahahah
" Mister hugas mo na pwet ko." tumalikod pa sya sa akin. Naku po wala pa akong anak pero heto ako at maghuhugas ng pwet ng bata.
Nang matapos kong linisan sya ay nagpasalamat pa sya sa akin. Nagpaalam syang matutulog na ulit kaya nag ba-bye pa sya sa akin. Ang cute ng bata. First time kong nakahawak ng dumi ng bata, mukhang nakakadiri pero hindi naman pala. Bigla akong natawa sa sarili ko. Masaya rin siguro ang may anak.
Baka namamalikmata lang ako kanina baka nga wala talaga dito si Catley.
Umuwi na ako ng bahay. Hindi ko makalimutan ang itsura ng batang babae. Sayang din ko man lang nalaman ang pangalan nya. Di bale may next time pa naman.