Chapter 15

1572 Words
Catley POV Ngayon ang ika 5 kaarawan ng kambal kong si Amir at Ayiesa. Nag text ako kagabi kay Philip para imbitahan silang mag-anak at maya-maya nga ay nag reply naman sa akin ang asawa niyang si Mia. Talagang kapangalan pa ng ka-kambal ko. Destiny nga naman. Hehehe. Sa bakuran lang nitong bahay ko balak ganapin ang handaan, wala naman kaming maraming bisita kaya okay lang. Si Troy na kaibigan ni Akio ang nag presinta na sya na daw ang bahala sa catering para di na rin daw ako mapagod. Gift nya daw para sa mga inaanak nya. Di naman sya ninong ng kambal. Bahala nga sya... Narinig kong dumating na sila Philip. Nauna na kasing lumabas ang kambal. Maya-maya pa ay pumasok naman si Troy, nandito ako sa kusina para sa ginagawa kong home made cake para sa mga anak ko. " Hi Miss Heaven knows kasama ko na ang hi-nire kong catering." si Troy " Sige asar pa more... Salamat po." " Wow ang galang mo talaga Ley. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan ko baka ako nalang ang nanligaw sayo. Hihihi." " Sira ulo ka talaga noh. Pero salamat ah dahil kahit alam mo kung nasaan ako ay di mo pa rin sinabi kanila Akio at Vincent." " No worries asta ikaw." Natawa naman ako kasi kumindat pa sya sa akin. Nakagayak na ang kambal at nauna na rin lumabas ulit. Palabas na ako ng biglang hawakan ni Troy ang kamay ko. Tiningnan ko sya pero hinila nya na ako palabas. "Hi Philip!" Bati ko kanila Philip lumapit na rin ako sa kanila para personal na ring nakilala ang pamilya nya.Kasalukuyang kumakain na sila ngayon ng lumapit ako. " Heaven sya nga pala si Mia asawa ko. At ito naman ang anak namin si Pritz." Pagpapakilala ni Philip sa mga kasama nya. " Hi Mia! Alam mo pamilyar ka sa akin. Nagkita na ba tayo?" tanong ko sa kanya. Hindi naman sya sumagot sa tanong ko dahil bigla nya nalang akong niyakap ng mahigpit. " Catley. Ang tagal kitang hinanap. Ako to ang ka-kambal mo." Sabi ni Mia. Umiyak sya sa harapan ko. " Talaga bang ikaw ang ka-kambal ko?" Tanong ko sa kanya naiyak na rin ako. Nagkita na rin kami ng ka-kambal ko. Bumitaw sya sa pagkakayakap at sabay na kaming umupo sa upuan. " Oo ako nga. Nasa Isla na sila nanay. Akala nila kasama ka ni Akio." tugon nya. Kilala nya si Akio??? " Hindi kami magkasama." Malungkot na sagot ko. " Sya ba ang ama ng kambal?" tanong nya. " Ampp pwede ba dito na lang kayo matulog. Mamaya natin pag-usapan kapag tapos na ang party. Masaya akong makilala ka at makasama ngayon." Nagpaalam muna ako sa kanya dahil inasikaso ko pa ang ibang mga bisita ng kambal. Pero palagi naman akong nakatanaw sa kanila. Palagi namang naka sunod sa akin si Troy. Lagi nya akong sinasabihan na kumain na rin. Minsan ay dinadalhan pa ako ng maiinom. Maraming nagbigay ng regalo sa kambal. Natapos na rin ang party at isa isa ng nag siuwian na ang mga bisita. Pinaka huli nga si Troy. Nag pasalamat ako sa kanya dahil napakarami nyang pina cater. May mga inuwi pang handa ang mga bisita kaya maraming natuwa. Marami pang natirang handa pero nagsabi ako na magluluto ng ulam namin para sa dinner. Ngayon lang kasi kami nagkita ni Mia. Nagluluto ako ng ulam ng magtanong si Mia. " Boyfriend mo ba si Troy?" " Hindi! Kakilala lang." sagot ko naman. " Eh bakit sya nandito?" tanong nya ulit. " Nag presinta kasi sya na sya na ang bahala sa party. Ayoko sana kaya lang..." " Kaya lang????" ulit na tanong nya pa sa akin. " Sasabihin nya daw kay Akio na narito kami. Natatakot ako." sagot ko " Bakit? May ginawang masama sayo si Akio?" tanong nya ulit. " Wala naman. Pero yung asawa nya malapit na kaming patayin na mag-iina." pagtatapat ko sa kanya. " Ha??? Bakit anong ginawa sayo. Teka wala pa syang asawa." Sabi nya pa. Nakakapagtaka kilala nya ba si Akio? " Kilala mo rin si Akio?" tanong ko. " Ex-husband ko." sagot nya. Nagulat talaga ako. Ibig sabihin si Mia ang babaeng sinabi sa akin ni Troy na kinabaliwan ni Akio kaya di na sya nag seryoso ulit sa pag-ibig. " Ah sorry di ko alam." malungkot kong tugon. " Wag kang mag-alala walang love sa pagitan namin. Si Philip talaga ang mahal ko." Sabi nya pa sa akin. Sa totoo lang bigla akong nalungkot. Si Mia kasi ang greatest love ni Akio samantalang ako mabilis nya lang iwan. Lagi akong di pinipili. Tumahimik sandali ang paligid.... " Bakit pala Heaven ang pakilala mo kay Philip?" tanong nya ulit sa akin. Oo nga pala nag panggap akong Heaven kay Philip at sa lahat ng kapitbahay ko dito. " Sorry ulit kung nag panggap ako. Baka kasi pinahahanap ako nung Caila kaya nagpalit ako ng identity." pagtatapat ko sa kanya. " Mabuti nalang din at nakilala ko ang asawa mo. Hindi nya kami pinabayaan." Ani ko. " Dapat pala pasalamatan ko pa si Philip kaya lang nag selos pa ako sayo dati. Akala ko kasi may iba na sya." si Mia sabay ngiti sa akin. Pinagselosan nya pala ako. " Hahahaha totoo ba? Kahit hindi binanggit ni Philip ang tungkol sayo ay matagal ko ng alam na may asawa na sya." Sabi ko naman sa kanya. " Paano mo naman nalaman?" tanong nya ulit. " Dahil sa singsing na suot nya. Swerte ka talaga sa asawa mo. Napakabait ni Philip. Ang lambing nya rin sa mga bata kaya nagustuhan sya talaga ng mga anak ko." kwento ko pa sa kanya. Masyadong malapit sa mga bata si Philip lalo na kay Ayiesa. " Yung dalawa mong anak, kasama na rin pala nila nanay sa Isla." kwento nya sa akin. Nagulat ako kaya di ko maiwasang umiyak. Thanks God dahil dininig nya yung isa sa panalangin ko. Makakasama ko na rin yung dalawang anak ko sa unang asawa ko. " Wait Catley I'm sorry." Dali dali nya naman akong niyakap. " Miss na miss ko na ang mga anak ko. Sana okay lang silang dalawa." banggit ko. " Wag kang mag-alala okay sila dun. Ipinasok ko na rin sila sa private school. Mas matanda pala sila kay Pritz ng ilang taon, malapit ka ng magkaroon ng dalaga at binata na anak ilang taon nalang.." " Oo nga. Sana di pa nila ako kinalimutan. Matagal na rin na di ko sila nakasama sobrang tagal na rin." malungkot na tugon ko. Mabuti nalang talaga at nahanap ni Mia ang nanay. " Kilala ka naman nila may picture mo silang hawak. At saka lagi kang kinukwento ni nanay sa kanila. Alam mo ba miss na miss ka na rin nila. Kapag nakakausap ko sila laging tanong nila sa akin kung nahanap na raw ba kita. Sure na matutuwa sila kapag nalaman na nagkita na tayo." " Gusto ko na rin silang makita. Kaya lang magtataka si nanay. Heto at may dalawa na naman akong anak." malungkot kong sabi. Hindi naman sa pinagsisisihan kong nagkaanak ulit ako pero nahihiya na talaga ako kanila nanay dahil wala na namang lalaking nag tiyaga sa akin para makasama. " Si Akio ba ang ama nila? Last year nagkita kami pero parang wala syang alam." Nag hahanda na kami ng lamesa para sa hapunan ng magtanong sya ulit sa akin. " Ayokong ipaalam sa kanya. Sya ang nag utos sa Caila na yun na puntahan at kausapin ako." " Hindi magagawa ni Akio yun." " Paano mong nasabi?. Hindi nya ako pinili. Mas pinili nya yung babaeng yun." " Sige kung ayaw mong ipaalam kay Akio wala na akong magagawa pa pero sana lang kahit makilala lang nya. Malaki na ang pinagbago nya. Mukhang nangungulila rin sya sayo. Tiyak matutuwa yun kapag malalaman nyang may anak na kayo tapos kambal pa." si Mia. Naputol ang usapan namin ng pumasok na sa kusina ang mga bata. Hindi pa rin nawala sa isip ko ang sinabi nyang hindi magagawa ni Akio yun. Pero paano kung nagkakamali this time si Mia? At saka bakit wala pa syang asawa eh sabi nya sa akin nun pakakasalan nya na si Caila. Kapag naaalala ko yung babaeng yun di ko maiwasang magalit sa kanya. Natapos ang hapunan at natulog na rin kami. Nextweek ang plano naming pumuntang Isla kung nasaan sila nanay miss ko na ang dalawang anak kong si Drex at Belle. Makakasama ko na ulit sila. " Mimi bakit di pumunta si dadi?" tanong sa akin ni Amir. Nakahiga na kami pero gising pa ang dalawang anak ko. " Sayang Amir akala ko ngayong birthday natin pupunta si dadi ang sabi mo nakita mo na sya." si Ayiesa. Naguluhan ako sa pinag-uusapan nila. " Sinong dadi anak???" Kung si Philip Didi ang tawag nila sa kanya. Hindi naman ako sinagot ng mga anak ko. " Kaya pa mga anak Tito na ang itawag nyo kay Didi Philip nyo ah, asawa kasi siya ng tita Mia nyo." " Opo Mimi..." " Mo-mmy...." turo ko sa kanila. " Opo mommy... I love you mommy good night mommy." si Amir. Hinalikan ko naman ito at nag good night na rin sa kanilang dalawa. " Ang daya buti pa si Amir may gift galing kay daddy." si Ayiesa. Nagtatampo na naman itong anak kong isa. " Teka anong gift?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD