Chapter 13

1070 Words
Troy POV Matagal na panahon na rin na hindi nag-uusap sina Vincent at Akio dahil kay Miss Heaven knows. Hindi nila alam pareho na pina bantayan ko si Catley sa mga tauhan ko. Ni report nila sa akin na nakipagtagpo si Ley kay Caila dito sa Pilipinas. Malaki na ang tiyan niya nun at ang sabi sa akin ay kambal daw ang dinadala nya. Napag alaman ko ring isinugod sya ng asawa ni Mia sa hospital. Mapaglaro talaga ang tadhana. Talagang yung karibal pa ni Akio sa dating asawa ang tumutulong ngayon sa mag-iina nya. Pinadukot ko si Caila para tanungin kung bakit malapit ng mamatay ang mag-iina ni Akio. Ang sabi nya sa akin ay utos daw yun ni Akio na lasunin sila, hindi ako naniwala dahil ang alam ko hindi alam ni Akio na nabuntis nya si Ley at kanina ko nga lang na kumpirma na wala nga syang alam. " Dude aalis na ako! Maniningil pa ako ng mga pautang." paalam ko kay Akio. " L*nghiya ka talaga bumbay ka na rin pala ngayon?" natawa nalang ako sa hirit ni Akio. Kung alam nya lang na alam ko kung nasaan ang mag-iina nya tiyak magagalit din to sa akin... Bahala sya sa buhay nya. Hahahaha " Ate bibilhin na po namin lahat ng paninda mong tilapya. Magkano po? Kasalukuyang nakikipag-usap ang tauhan ko sa kanya. Naririnig ko ang usapan nila. " 20 kilos po lahat sa 120/kilo bale 2400.00 po." sagot nya naman. "Ibigay mo na yung 5k sa kanya." utos ko sa tauhan kong kausap ni Ley ngayon. Nakita ko naman na papunta sa kanya yung anak nyang lalaki. Hawig na hawig talaga ni Akio tong bata... Hindi pa sya nakikita ni Ley dahil busy pa sa pag pa-plastic ng tilapya. Kinuha ko naman ang pagkakataong yun para kunin ang bata..... Akio POV " Ano tong surprise na ito???? Kidnapping na ba ng mga bata ang gawain mo ngayon? P*t@ng*na Troy ayokong madamay dito ibalik mo na yang batang yan." inis na sabi ko. " Di ka masaya????" tanong nya pa sa akin. Tulog pa ang bata kaya di pa kami nakikita. Siguradong iiyak ito kapag nalaman nyang nasa ibang lugar sya. " Paano akong magiging masaya? Sira na talaga ulo mo no? Sabi mo maniningil ka lang ng utang tapos ngayon mag uuwi ka dito sa bahay ko ng bata, ilang taon na ba ito? Ang bata nya pa." sagot ko sa kanya. Maya maya pa ay nagising na ang bata. Bigla itong umiyak at hinahanap ang Mimi nya. " Mimi???? Pusa ba hinahanap mo?" tanong ni Troy kaya lalo pang lumakas ang iyak nya. Kinusot kusot nya pa ang mata nya saka tumingin sa akin... " Dadi!!!!" sabay yakap sa akin ng bata. Nagulat ako sa tawag nya. Pero naawa rin ako kaya niyakap ko rin sya. Umiyak ulit sya ng malakas. " Uwi na tayo Dadi kay Mimi at Ayesia hanap ka na nya." Sabi pa sa akin. Nag halo na ang sipon at luha nya kaya pinunasan ko ang mukha nya ng panyo ko. Nagkatinginan din kami... "Sige pero kumain ka na muna dahil gabi na. Bukas na bukas ihahatid kita sa inyo." tumango naman sya. Binuhat ko na rin sya papuntang dinning room. " Sarap sarap Dadi... Sana dito rin Ayesia." Kanina pa bukambibig ni ang pangalang Ayesia kaya naman tinanong ko kung sino ito. " Kapatid ko po Dadi." sagot nya habang ngumunguya. " Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. "Amir Heius po." nakita kong nakatitig lang sa akin si Troy. " Why dude???" " Pinag biyak na bunga talaga kayong dalawa." mahina lang ang pagkakasabi nya kaya naman hindi ko narinig. Kinaumagahan ay pinaliguan at binihisan ko na si Amir. Ang seryoso nyang bata pero ngingiti rin kapag kapatid nya na ang topic panay kwento sa kapatid nya. Ihahatid na namin ngayon ang bata ngayon kaya naman sinabihan ko si Troy na sasakyan ko nalang ang dalhin namin... Binilhan ko rin si Amir ng laruan para hindi rin sya mainip sa byahe.... Nakarating rin kami sa isang palengke medyo malayo na sa Metro Manila... Ang sabi ni Troy ay dito nya kinuha ang bata. Nang binaba na namin si Amir sa sasakyan ay mabilis syang tumakbo. Nakita kong yumakap sya sa isang babae. Yun na nga siguro ang ina nya. Malapit pa akong maniwala na anak ko nga sya pero hindi ko naman kilala ang babae, baka napagkamalan lang na ako ang ama nya. " Tara na." Aya ko kay Troy. Tahimik lang sya sa byahe... Mukhang malalim ang iniisip nya. " Dude dito nalang ako. Nagpababa sya sa di kalayuan dahil parating na daw ang sasakyan nya. Kaya naman umalis na rin ako. Hindi pa ako nakakalayo ng makita ko si Mia na naglalakad at umiiyak sa daan. Hininto ko ang sasakyan saka ko sya tinawag. Bumaba ako. " Mia what happened???" tanong ko sa kanya. " Please ilayo mo muna ako dito.. Huhuhu. Nasasaktan ako Akio." tuloy tuloy ang iyak nya. Hinawakan ko ang kamay nya saka ko sya pinasakay sa sasakyan. Hindi ko muna sya kinausap hanggang sa makarating kami sa dating bahay namin dito sa Pilipinas. Pinaupo ko sya saka ko sya binigyan ng maiinom. " Are you okay?" " Nahuli ko syang may iba..." " Sino?" " Yung mahal ko." " Paano mong nasabing may relasyon sila nung nahuli mo???" " Magkayakap sila." " Alam nila na nakita mo sila? Umamin siya???" " No! Hindi ko kaya." " Then don't over think. Malay mo naman pinsan nya lang o kaya kaibigan." " Parang ikaw? Ginamit mo pa ang best friend mo para magpanggap na kabit mo?" natigilan ako sa tanong nya. " Kanino mo nalaman?" " Sa kaibigan nyong atty. Tsk.. Mga manloloko." saka siya tumayo. " Where are you going?" tanong ko " Uuwi na." " Wait...." pigil ko sa kanya. " Bakit?" " I'm sorry Mia for what happened in the past. I'm happy na natagpuan mo na ang lalaking magpapasaya sayo. I think kailangan nyong mag-usap at magkaliwanagan para sa ika tatahimik nyong dalawa." " Thank you for the advise.. Sige I'll go ahead." Patalikod na sya ng bigla ulit syang humarap sa akin. "Oh by the way nasaan pala si Catley???" nagtaka ako sa tanong nya. Bakit kilala niya si Catley at bakit nya sa akin hinahanap??? " Kilala mo sya???" " Yes! Kakambal ko sya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD