Chapter 16

1537 Words
Akio POV " Dude busy ka?" " Alam mo Troy ang aga-aga kung mag-aaya kang mag-inom past muna ako. I'm f*cking busy." " Ay sayang may ipapakita pa sana ako sayo sige nextime na lang." umupo pa sa sofa dito sa Office ko tong walang work kong kaibigan. " What's that?" May tinitingnan kasi sya sa phone nya. " Wala naman picture lang namin ng bago kong nililigawan." sagot nya. " Tssskkk paglalaruan mo lang yan. Wag ako." " Birthday nga ng kambal kahapon." " Sinong kambal?" Nakatutok na ako ngayon sa laptop ko. Marami kasing email sa akin. " Mga anak nya. Gusto mong makita???" tanong nya pa. Akala mo naman interesado ako. " I'm not interested dude." sagot ko pa sa kanya. " Okay dude. Mukhang busy ka nga. Nextime nalang ako mag kukwento." nagpaalam na sya sa akin. " Sayonara (goodbye)" Ang weird ng isang yun. Bakit naman ako kukwentuhan pa tungkol sa nagustuhan nyang babae tapos may kambal pang anak. --------------------------------------------- (1 week later) " Akio we need to talk!" " Uncle Benjamin I'm not interested in your families wealth. Ibigay nyo nalang sa iba." Kapatid sya ni mommy, nagkita kami dito sa Pilipinas dahil nakapag asawa kasi sya ng isang Pinay. Mayaman sila at ngayon nga ay binibigay nya ang parte ni mommy sa akin. Ayokong tanggapin, di talaga ako interesado pa. " I'm sorry Akio for hurting your feelings but you need to accept all of this." Umalis na rin sya pero iniwan nya yung dala dala nyang envelope. Binuksan ko yun. Bank account ni mommy, properties at mga investment. May kasama pang educational plan na para sa akin... Natawa nalang ako. Kung di sana ako naging pasaway nun edi sana magkakasama pa kaming tatlo nila daddy. Tumingin ulit ako sa laptop ko, may bago kasing email. Nang binuksan ko email ni Troy. May nakalagay sa subject My future Wife. May attachment pa na photo ng I open ko. P*Cha picture nilang dalawa ni Catley. Tinawagan ko sya at sinagot nya naman agad. " Nakita mo na si Catley??? Nasaan sya???" tanong ko. " Wait dude akala ko di ka interesado?" pang-aasar nya pa sa akin. " G*go sabihin mo na. Nasaan ka pupuntahan kita." " Chill dude di ako pwede ngayon sa susunod na araw nalang. Busy rin ako ngayon." " Aaaahhhhh sige pa swweetttiiieee ang sarrrraaappp!" rinig ko pa sa kabilang linya. Ibinaba ko na ang tawag siraulo talaga yun. Bakit ba kasi di ko sya pinansin nung pumunta sya dito sa Office. Di bale malapit ko na ring makita si Catley... " Come in!" May kumatok sa pinto. " Sir narito po si Miss Letlet papasukin ko na po ba?" tanong sa akin ng secretary ko. " Sige!" " Good morning sir Akio. Busy ka ba?" " Good morning Let. No! Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" " Ipapa approve ko lang po yung mga bagong design." Tiningnan ko sya namumutla sya. " Are you okay?" Tanong ko. Hindi na sya nakapagsalita dahil bigla nalang syang hinimatay. Tinawag ko naman ang Secretary ko para madala agad sa Hospital si Letlet. Ako na rin ang nagbantay sa kanya hanggang sa dumating ang isang lalaki. Nagising rin naman si Letlet. " Kamusta ka na?" Masuyong tanong sa kanya nung lalaki. Nakaupo na ito sa gilid ng kama ni Let. " Ayos lang po ako kuya. Pasensya ka na alam kong busy ka rin." mahinang sagot naman ni Let " Sya na ba yung sinasabi mong fiance mo?" sabay tingin sa akin. Balak ko na sanang magpaalam sa kanila dahil mukhang kapatid nya naman itong lalaki pero nagulat ako sa sagot ni Let. " Yes po kuya. Sya po yung ama ng dinadala ko." Ano raw???? Nang makaalis ang kuya Aries nya ay saka ako kinausap ni Letlet. " Sir Akio I'm so sorry. Pero sana tulungan mo akong magpanggap." Umiiyak nya pang sabi. " Bakit kailangan mong sabihin na ako ng fiance mo? Nasaan ba ang ama ng anak mo?" " Malaking pagkakamali ito. Di ko talaga kilala ang lalaking nakasama ko sa sobrang kalasingan. Nang malaman ni ate Crystal na buntis ako ang sabi ko engage na ako pero wala naman akong maipakilalang lalaki. Please po kahit ito lang tulungan mo ako. After kong makapanganak sasabihin ko rin sa kanila ang totoo." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya hanggang sa may tumawag sa phone nya at pinapapunta sya sa isang Isla. Naroon daw ang mga kaibigan ng ate at kuya nya. Naawa naman ako sa kanyang mag-isang pupunta kaya nag volunteer akong samahan na rin sya. Gabi na ng makarating kami sa Isla. Sinalubong kami ng mga kaibigan nila. Narito rin pala si Joseph kaya ayos lang may kakilala ako hindi ako ma bobored. Nang mag umpisa na kaming kumain ay dumating na rin yung iba pa nilang kasama. Si Mia, narito si Mia... Hindi ako mapakali. Baka kasi alam na nila na kami ni Letlet eh hindi naman totoo. Baka mawalan pa ako ng chance na balikan ni Catley kapag nagkataon. " Pare congratulations nga pala. Di na ako naka punta sa engagement nyo ni Letlet. Congratulations din sa paparating nyong baby." Si Joseph. Nakita kong tumingin sa akin si Mia. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka isipin nyang may iba na ako. Pagkatapos kumain ay nag paalam na si Mia na magpapahinga. Naiwan naman ang asawa nya ngayon. Kasalukuyan kaming nag-iinuman. Hanggang sa nakaisip ng laro ang mga babae. Truth or dare ang gusto nilang laro. Sa totoo lang wala akong ganang maki join kaya lang di ko Rin naiwan si Let. Pumabilog kami sa lamesa kaya sapat lang para maikutan lahat kami ng bote. Unang tinapatan si Philip ang asawa ni Mia ngayon. Tatlong tanong kapag truth at isang utos naman kapag dare. " Truth or dare?" tanong nung Tyrone nakilala ko lang din sya kanina dahil kay Joseph mga beat friend nya pala itong mga ito. Si Tyrone ang pinaka matanda sa kanila. " Truth." sagot ni Philip " Gaano mo ka mahal si Mia?" tanong nya kay Philip. Nagka interesado naman ako sa sagot nya. " Higit pa sa buhay ko." nagtilian naman ang mga babae. Si Letlet tahimik lang sa tabi ko. Hindi nya alam na may nakaraan kami ni Mia. " Ilan ang naging gf mo?" si Marius ang nagtanong ng pangalawa. " 2." sagot nya. May mga nagbulong bulungqn naman " Sino sino?" si Greg naman. Sya yung asawa ni Captain Yessa. " My first is Bethany at second and my last si Mia." sagot nya ulit. Nagtilian na naman ang mga babae, nandito rin pala ang ex gf nya at nalaman ko ngang asawa na ngayon ni Tyrone. Possessive din. Sumunod si Marius Truth din ang gusto. Biniro pa nila. Wala na dun ang isip ko kaya di ko na masyadong inintindi pa. Pinaikot ni Marius ang bote at tumapat naman kay Joseph. " Woooh bro. Mag dare ka ka naman wala na akong maitatanong sayo. Kabisado ko na ang buong buhay mo. " Sabay tawa pa ni Marius. Kaya naman no Choice si Joseph kundi ang mag dare na. Pina kanta lang sya ng team song daw nila ni Crystal... Palakpakan kaming lahat. Si Joseph naman ang sumunod na nag pa ikot ng bote. Tumapat naman ito kay Yessa. " Dare." sagot nya kaya naman pinakanta rin sya ni Joseph. Magaling ding kumanta si Captain Yessa maganda ang boses nya. Palakpakan ulit kami. Si Yessa naman ang nag paikot ng bote at tumapat na sa akin... " Hi Akio nice to meet you in person. Truth or dare?" tanong ni Yessa sa akin. " Truth" sagot nya. " So after Mia si Letlet na ang kasunod na pakakasalan mo?" tanong ni Yessa. " No! May isa pa before Letlet." sagot ko naman. Tiningnan ko si Letlet alam kong balisa na sya kaya sinakyan ko nalang din yung alam kong alam nila. " Pwedeng malaman ang name. Who's that girl?" tanong ni Bethany. " Si Caila. Joseph's elder sister." sagot ko. Bigla namang sumigaw si Philip. " Eh ano sayo si Catley??? Laruan??? G*go ka. Wala ka talagang kwenta." Nagulat naman silang lahat sa sinabi nya. Akmang lalapitan nya ako ng pigilan sya ni Tyrone. " Chill Philip. Marami ka ng nainom. Halika ihahatid na kita sa cabin nyo." sabay hila sa kanya " Wait." pigil ko sa pag-alis nila. " Sige magpaliwanag ka." Huminto naman sila sa pag alis. " Ang tanong kasi ay about sa pakakasalan. It's true tatlo pa lang silang inalok kong pakasalan ako. Kasi hindi ko nagawa sa kanyang ayain sya. Pero sa lahat ng naging babaeng dumaan sa buhay ko. Siya lang talaga ang di ko kayang tanggalin sa puso ko." Alam kong lasing na rin ko pero yun talaga ang totoo. " Kaya kung alam mo kung nasaan sya sana lang ipaalam nyo sa akin." sabi ko ulit. Iniwan na nila kami. Alam kong alam na nila kung nasaan si Catley. " Sir Akio I'm sorry. Hindi ko alam na may girlfriend ka pala. Di na naman ako nag isip." Umiiyak nyang sabi. " It's okay." Sagot ko saka ko sila iniwan na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD