Chapter 18

1306 Words
Akio POV " Hanah ingatan mo si Akio kailangan nyong makabalik sa Japan bukas." si Daddy " Paano ka? Bakit kailangan mo pang magpaiwan dito sa Pilipinas?" tanong ni mommy. Narito ako sa sala at dinig na dinig ko ang pag-uusap sila. Nalulong ang daddy sa sugal dito sa Pilipinas, tiyak na bagsak na naman ang business nya dito na palaging si mommy ang nag so-solve lalo na sa money problem. " Natalo ako sa Casino. At may malaki akong utang ngayon, ayokong madamay kayo ng anak ko. Please Hanah sundin mo na ako. Yung private plane natin bukas nandito na. Ipapasama ko sa inyo sila Rodolf." " No!!! Si Rodolf ang katiwala mo maiiwan sya dito para samahan ka." Matigas na sabi naman ni mommy. " Akio mag empake ka na. We need to back in Japan tomorrow." si mommy. Sanay na sanay na ako sa ganito. Kapag may problema sila lagi akong damay sa pagtakbo. " No mom dito lang ako." matigas na sabi ko. " Please Akio anak wag ka ng dumagdag pa sa problema." Pakiusap ni daddy sa akin. " Ikaw lang dad ang problema dito not me." Nasagot ko ng ganun ang ama ko. Inaamin ko at age of 14 nag rerebelde na ako. Palagi kasing ganito at nakakasawa na. Kung hindi sa Japan dito sa Pilipinas nag kaka problema si Daddy. " Saan ka pupunta???" tanong sa akin ni Mom. Hindi ko sya sinagot bagkus ay umalis ako ng walang paalam sa kanila. " Akio saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Uncle Rodolf. Tauhan siya ni daddy pero best friend rin sila at mag kababata. Tiningnan ko lang din sya hanggang sa makarating ako sa malaking gate. Pero pagbukas ko ay nagulat akong may mga armadong kalalakihan sa labas na naghihintay. Mabilis nila akong kinuha. Sumigaw si Uncle Rodolf pero pinaputukan sila ng baril kayat di sila agad naka sunod sa amin. Tatlong araw na ako sa madilim na bodegang ito. Walang ligo, wala ding matinong kain. Hanggang sa may narinig akong nagtitinda ng turon sa labas kaya sumigaw ako ng tulong. " Ineng umalis ka na." rinig kong sabi sa kanya ng lalaki na alam kong bantay ko ngayon. " Maraming salamat po sa pag bili nitong paninda ko. Paalam po." Sabi nya pa. Sumigaw ulit ako ng tulong... " Help!!! Help!!! Help!!! Nalungkot ako dahil mukhang wala na yung batang babae. " Hoy tumahimik ka. Mamaya nandito na ang mga magulang mo. Makaka bayad na rin sila ng utang sa boss ko." Sabi ng isang goons. Napa yuko naman ako. Bakit kasi ako naging pasaway. Nangyari tuloy sa akin ito. " Kuya kuya gising." Magandang babae ang nakita ko pag dilat ko. Mukhang sya yung batang tindera kanina. " Ssssshhhhh! Wag kang maingay." Sabi nya pa. Kinalagan nya ang mga tali sa kamay at paa ko. " Salamat!" " Halika na bago pa nila malaman na nakalaya ka na." Hinila nya ako sa kamay. Biglang na kuryente ang mga kamay namin. Na bitawan nya rin ako. " Ang sakit naman yun kuya, Bakit may kuryente yang kamay mo?" nangingiti nya pang sabi. Sabay haplos ng mga kamay nya. Ang ganda nya talaga. Sumunod nalang ako sa kanya. Nakalabas naman kami pero narinig ko sa loob na nag kaka gulo na sila. Tiyak kung mag tatagal pa kami dito ay ma huhuli rin nila ako. " Uncle Rodolf!" Nagulat akong makita siya sa labas. " Nandito ka sa labas? Wait nasa loob ang mga magulang mo. Pumasok ka na sa nakaparadang sasakyan natin susundan ko lang sila sa loob." pagmamadaling sabi ni Uncle Rodolf. " Miss anong pangalan mo? Sumama ka na sa amin ihahatid kita sa bahay nyo." Aya ko sa kanya. " Kuya babalikan ko po sa loob yung wallet. Tiyak na naiwan ko doon sa loob yun." Tumakbo papasok yung bata. Di ko na sya napigilan pa. Maya-maya ay may sumabog sa loob ng bodega. Nag ka putukan. Na susunog na ang bodega. Nag-alala ako dahil wala pa sa kanila ang lumalabas. Hanggang sa nakita kong may tama ng baril si uncle Rodolf. Patungo sa akin. " Sh*t! Tara na." Utos nya sa driver ng sasakyan na dala nya " Uncle nasaan po si daddy at mommy?" usisa ko sa kanya. Pigil pigil nya namang tumulo ang dugo sa tagiliran nya. " P*tay na sila. Hindi ko sila na ligtas." " Yung batang kasama ko?" tanong ko ulit sa kanya. " Hindi ko na sya nakita pero alam kong nasa loob rin sya kanina." sagot nya. " Ibig sabihin pwede syang ma sunog sa loob???" pag-aalala ko. " Uncle balikan natin yung bata?" " Hindi na pwede Akio mapanganib." Hindi ko na rin pinilit dahil nakita kong kailangan nya ring magamot kung hindi ay pwede rin syang mamatay. Nagising akong pawis na pawis. Hanggang ngayon bangungot pa rin sa akin ang nangyari sa mga magulang ko. Mabuti na lang din at natagpuan ko na yung batang nag ligtas sa akin nun pero bakit di man lang maalala ni Mia ang nangyari??? Sya ba talaga yung batang yun??? --------------------------------------------- " Dude wag mo ng isipin yung nakaraan. Pinapahirapan mo na naman yang sarili mo kaiisip. Di ba ikaw rin ang nag sabi na si Mia yun, sad to say na di ka mahal ng first love mo. Hahahaha" si Troy. Tumawag kasi sya kanina na pupuntahan si Vincent kaya sinabi kong sabay na kami kaya narito sya ngayon sa bahay ko para sunduin ako. " Matagal kong nakasama si Mia dude pero never nyang na banggit yung nangyari. Hindi naman nag bago ang itsura ko, I know natatandaan nya pa rin ako. Sya nga tandang tanda ko pa." Sabi ko paalis na kami. " Alam ko naman dude na na love at first sight ka talaga dyan sa superhero mo. Pero di ba nga nasa loob sya nung may sumabog sa loob baka na damage ang utak nya kaya di ka matandaan." Sabi nya habang nag da-drive. " S*ra ulo! Laking tulong mo talaga lagi noh???" " Hahahahaha.... Napaka seryoso mo kasi lagi." pang-aasar nya pa. Nakarating kami sa bahay ni Vincent. " P*cha bakit ang tahimik. Nasaan yung mga guard at tauhan nya dito????" Takang tanong ni Troy. " Ready your gun dude mukhang mapapalaban tayo." Ginilid nya ang sasakyan. Hindi nya na muna pinasok yung sasakyan sa loob. Bumaba kaming dalawa para magmanman. Tumawag na rin sya ng back up. Mabilis namang dumating ang mga tauhan nya. --------------------------------------------- " I saw them!" si Vincent. Nandito kami ngayon sa Hospital dahil may tama ng sya ng bala. Mabuti nalang din at daplis lang ang tama nya. " Who???" sabay naming tanong ni Troy. " Ayi and my daughter." Malungkot na sabi nya. " Oh that's good. Dude good news yan." si Troy " Bakit malungkot ka?" Tanong ko naman. " Naiuwi ko sa bahay ang mag-ina ko. Pero dumating ang brother in-law ko. Kinuha nya ulit at binantaan ako." kwento nya sa amin. "Banta? Si Kenzo? O dude napagalit mo yung pinakamabait na kapatid sa balat ng lupa." pang-aasar pa ni Troy. Si Kenzo kasi ay kaibigan din ni Vincent, sobrang bait nito. At totoo namang sunod-sunuran rin ito sa mga magulang, kaya nakakapagtaka talaga na nagalit ito ng gusto kay Vincent. " Dude don't worry ako na bahala kay Ken." Sabi ni Troy. " Ako na dude kaya ko naman, liligawan ko si Ayi." si Vincent " Ay p*cha tinamaan ka na ni kupido. Seriously liligawan mo? Good luck dude." Nag fist bumb pa ang mga loko. " Eh ikaw Akio kamusta?" tanong sa akin ni Vincent. " I'm fine." sagot ko naman. " Naku dude ayos na yang si Akio alam nya na kung nasaan si Catley. Mukhang dalawa kayong manliligaw sa mga mahal nyo ah. Hahahahaha." tawang tawang sabi ni Troy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD