Chapter 17

1305 Words
Akio POV Narito kami ngayon sa bahay kung saan nakatira sila Catley at ang kambal naming anak. Tama nga akong si Catley ang nakita ko dito noon. Ibig sabihin yung batang babae na nakita ko ay isa sa kambal. Nai kwento na rin ni Troy na yung isa ay lalaki at sya yung dinala nya sa bahay ko. Amir at Ayiesa. Nasaan na kayo???? " Sige po Aling Dolor salamat." rinig kong sabi ni Troy. " Wala na sila dito dude. Sumama na raw sa kambal nya." Sumakay na kami sa sasakyan ko. " Ka-kambal? Ibig sabihin nagkita na sila ni Mia?" Sabi ko naman. " Yes dude! Nung birthday ng kambal nakita ko sila dito." si Troy ulit. " Nasa Isla sila ni Don Solomon." si Troy. " Don't worry dude magkikita rin kayo ni Catley." pag papalakas nya ng loob ko. " Paano??? Sure bantay sarado ang Isla, sa pagkakakilala ko kay Lolo Solomon may mga tauhan syang nagbabantay sa buong Isla." Problemadong tugon ko. " Easy!!!! Edi bilhin mo yung kalapit na Isla." " What???" " Honestly matagal ko ng gustong bilhin yun pero mukhang mas kailangan mo." Sabi nya ulit. " Pag-iisipan ko." Bumalik na kami sa bahay. " Hindi ba sabi mo may mga picture sila sayo? Gusto kong makita." Humahanap na naman ang loko ng maiinom. " Akio baka gusto mo namang punuin ng alak itong Estante mo." " Hindi ako manginginom." sagot ko sa kanya bigla naman syang tumawa ng malakas. " Bukas puntahan natin yung Isla." Aya nya ulit sa akin. " Sa Sunday nalang Troy may meeting ako bukas." " Sige ikaw ang bahala. Ang boring dito ayoko ng mga alak mo. Puro beer. Sige aalis na ako." " Hey dude nasaan na yung mga picture???" habol ko pa sa kanya " Na sent ko na sa email mo sir*ulo." Kumaway pa talaga ang loko. Hinayaan ko na siyang umalis. Wala rin naman kasi akong balak na uminom ngayon. Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan isa isa ang mga picture.... Kamukhang kamukha ko nga si Amir. Bakit di ko agad napansin yun nung kasama ko sya? Kung sinabi sana ni Troy na anak ko yun edi sana magkakasama na kami nila Catley ngayon. Pinagmasdan ko yung babaeng anak ko. Ayiesa pala ang pangalan nya ang gandang bata. Mas hawig siya kay Mia, pare pareho sila ng mata nila Catley. Mas gumanda pa si Catley. Mas naging maganda rin ang hubog ng katawan nya. Babalikan mo rin ako Catley pinapangako kong magkakasama sama rin tayo ng mga anak natin. ( 1 week later) Narito na kami sa Isla na sinasabi ni Troy tama nga sya balsa nalang gagamitin naroon ka na sa Isla nila Lolo Solomon. Maganda rin tong Isla na ito may talon kaya pwedeng maging tourist spot pa. Kailangan lang i develope. " What do you think dude? Kukunin mo ba?" Tanong nya sa akin. " Yes kukunin ko. Balak kong magpatayo dito ng bahay bakasyunan para kanila Catley at sa mga anak ko." " Wow dude 100 percent sure ka na talaga na makukuha mo ulit si Miss Heaven knows noh? Good luck..." pang-aasar pa ni Troy sa akin. After kong mabayaran ay nagka pirmahan na kami ng contract at na i transfer na sa akin ang titulo. Balak kong pagandahin tong lugar bago ko sila itira dito. " Hello Vincent! Yes! Nandito ka sa Pilipinas? Sige. Bye." Matapos ang tawag ay kinausap ako ulit ni Troy. " Akio siguro ito na yung time para magkausap ulit kayo ni Vincent. Kailangan natin syang tulungan." " Bakit anong nangyari?" tanong ko. Makapangyarihan din ang isang yun bakit kailangan nya ng tulong. " Iniwan sya ng asawa nya. At dito daw sa Pilipinas pumunta. Marami nga syang koneksyon pero ilang buwan na daw wala pa ring balita sa asawa nya." " Bakit sya iniwan ni Ayi? Matagal na silang nagsasama at saka may anak sila." Curious talaga ako bakit sila nagkalabuan. " Na kidnapped ang anak nila last year. And until now di pa rin nakikita yung bata. Wala silang natanggap na tawag mula sa kumuha sa anak nila. I helped pero kahit ako walang nagawa. Nainip na ata si Ayi kaya umalis din. Ang sabi dito sa Pilipinas dinala yung bata pero di pa nila alam kung nasaan." " Sure ba syang iniwan talaga sya ni Ayi???" takang tanong ko. May pinagdadaanan palang ganito si Vincent ni hindi ko alam. " Oo dude may iniwang sulat na nakikipaghiwalay na kay Vincent." " Kaya nga ayokong ma inlove at mag-asawa dahil sa inyo." Sabi nya pa. " Tssskkkk.... Dinamay mo pa kami sa pagiging babaero mo." After namin sa Isla ay deretso na kami sa Mansyon ni Vincent dito sa Pilipinas. Kilala na ng guard ang sasakyan ni Troy kaya mabilis na kaming nakapasok. Marami syang maids na sumalubong sa amin. Kinindatan ni Troy ang isa. " Sir Troy nasa mini Bar po si sir Vincent." Salubong na sabi nung pinakamatanda sa kanila. Tumango naman si Troy. Dumeretso na kami sa bar. " Dude lasing ka na naman." Nakita kong halos nakayuko na si Vincent sa table. " Oh Troy are you here." Inangat nya pa ang mukha nya at pilit na dinidilat ang inaantok ng mata. Umupo ako sa tapat ng inupuan nya. " Genki desu ka (How are you?)" Nagulat sya sa sinabi ko. " Akio i-kaw ba y-an?" lasing na talaga sya di nya na masabi ng deretso ang sinasabi nya. " Yes! Get rest. Mamaya na tayo mag-usap." Di na sya kumibo nakatulog na talaga sya. " Inom tayo Akio ang daming alak dito sa Bar ni Vincent." Tuwang tuwang sabi ni Troy. Inumpisahan nya na ngang mamili pa ng alak. Habang nag-iinuman kami ay may kumatok at pumasok na babae. Yun yung babaeng kinindatan ni Troy. " Vicky halika." Lumapit naman yung babae at tumabi sa kanya. " Si Akio kaibigan rin namin ni Vincent. Dude si Vicky jowa ko." pagpapakilala nya pa. Tumango lang naman ako. Umalis na rin naman yung babae, may binulong lang kay Troy at nagpaalam na ring lalabas. " Dito na tayo matulog Akio marami namang room itong Mansyon na ito. Pero ihatid muna natin tong si Vincent sa silid nya para mas makapagpahinga." Alam kong nalasing na rin si Troy enjoy na enjoy tong mokong na ito na ihalo halo ang mga inumin. Pero naihatid naman namin si Vincent sa kwarto nya. Namili na rin ako ng kwarto na tutulugan ko. Nag shower ako. Pero ng lumabas na ako ay nakita ko si Vicky na naka robe lang at nakahiga sa kama. " I'm sorry room mo ba ito???" tanong ko sa kanya. Lumapit naman sya sa akin at saka ako akmang hahalikan. " Mas gwapo ka kay Troy." Pang-aakit nya pang sabi. Hindi ko sinagot ang sinabi nya, inulit ko sa kanya yung tanong kung sa kanya ba itong room. Hindi nya rin ako sinagot Pero dinikit nya pa ang katawan sa akin. Hindi ko na napigilang itulak sya. " B*tch!!!! Iba nalang ang landiin mo, hindi ako pumapatol sa mga p*ta...." tumalikod na ako sa kanya. Lumabas na rin naman sya ng sinabi ko yun. Alam kong pinaglalaruan lang sya ni Troy pero mas lalo nya lang ibinababa ang pagkatao nya sa pang aakit sa ibang lalaki kahit may ka relasyon ka na. "After ng problema ni Vincent, kayo naman Catley ang asikasuhin ko..." kausap ko pa sa picture nilang tatlo na nasa wall paper ko. Sa susunod apat na kami sa photo. Promise magkakasama sama rin tayo at mabubuo bilang isang pamilya. Alam kong nasa Isla lang sila katabi ng islang nabili ko kaya madali nalang silang puntahan... Bakit kaya mas kamukha ni Mia yung isang anak namin??? Nakakapagtaka talaga kasi, hanggang ngayon ay di ko pa rin alam ang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD