Edna’s pov KUNG wala ang aking pamilya sigurado akong nasa kapahamakan na ang aking anak na babae kaya naman abot langit ang aking pasasalamat sa aking asawa at sa aking kambal. “Bakit hindi po kayo nagpakilala sa kanya?” tanong sa akin ni Yael kung kaya natigilan ako. Kumakain kami ng oras iyon dahil sa haba ng kanilang paglalakbay. Kapwa kami nagutom. Sanay naman na kami sa ganoong paglalakbay pero kasi iba ang ginawa namin ngayon dahil ay kabang kasama at kailangan namin makabalik ng bahay para walang magduda sa amin. Bago ako umalis sa kubo kung saan nakatira ngayon si Gean at Xavier ay nagluto muna ako para may makain sila. “Oo nga po Nay,” wika naman ni Yael. “Sapat na sa akin ang mayakap ko siya,” sagot kong malungkot ang boses. “Ayoko naman kasing mabago ang kanyang buhay niya