MALALIM ang iniisip ko ng biglang nagsalita sa Xavier, nakahiga na kami ng oras na iyon, naghahanda para matulog. Wala namang ibang kwarto kung hindi iisa lamang kung kaya magkatabi kaming dalawa. Napamasaya ng puso ko dahil ito ang pangarap ko. Ang makasama ang lalaking mahal ko pero sa tuwing na naiisip kong nasa panganib ang aming mga buhay ay napapalitan iyon ng pangamba lalo na at sa tuwing na naiisip ko ang aking mga magulang na nag-aalala sa akin. Alam kong hindi mapalagay ang mga ito dahil sa ilang araw naming pagkawala. Nakakalungkot lang isipin na hindi na namin nakita ang aming mga cellphone kung kaya nawalan kami ng contact. Isa pa sa kinaroroonan namin ngayon natitiyak kung wala ring signal dahil nasa ituktok kami ng bundok. "Akala ko tulog ka na. Ano ang iniisip mo?" Napali