Gean's pov NAPATINGIN ako sa sulat na isiniksik sa maliit na siwang kung kaya mabilis ko iyong kinuha. "Xavier," gising ko sa lalaki dahil antok na antok ito sa pagbabantay. Alam kong nag-alala ito lalo na sa sinabi ni Edna. Hindi man nito sabihin sa akin ay alam kong nawawalan na rin ito ng pag-asa na makakawala pa kami. "May sulat," dagdag ko pa. "Kanino galing?" pupungas-pungas nitong sagot. "Hindi ko alam," sagot kong inabot sa kanya ang sulat. Nakapagpalit na nga kami ng damit ay hindi pa naman kami makaligo dahil walang tubig sa banyo na tinutukoy ni Edna kanina. Binuksan ni Xavier ang sulat at sabay namin binasa. Magkakaroon na magdiriwang mamayang gabi at maghanda kayo dahil itatakas namin kayo. Nagkatinginan kami ni Xavier at dahil sa nabasa ko ay nabuhayan ako ng loob. Maiy