CHAPTER TWENTY

1488 Words

Xavier’s pov PAGKATAPOS kumain ay ibinalik din kami sa lugar kung saan kami unang kinulong. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay na bukas sa amin ni Gean sa lugar na aming kinaroroonan. Malabong mangyari ang ransom na gusto ng mga ito dahil wala akong pamilya na maglalabas ng pera. Suntok yata sa buwan kung tutulungan ako ng ama ni Olive. Baka nga hindi man lang sila nag-aalala sa akin. Ang babaeng nagsisilbi kanina sa kanila habang kumakain ay pumasok sa kanilang kulungan at may mga dala itong damit. Napansin kong may baril din itong hawak. Lahat yata ng babae sa lugar na kanilang kinaroroonan ay marunong gumamit ng baril. “Tulungan niyo po kami. Pakawalan niyo na kami,” wika ni Gean sa babae. “Magpalit kayo ng mga damit ninyo. Kung gusto niyo naman magbanyo ay sabihin niyo lang,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD