CHAPTER FIVE

1568 Words
ANG ina ni Gean na si Rebecca Miranda Alejado ang Chief Executive Officer ng Santa Monica Center na pag-aari mismo ng aming pamilya. Kilala ang ina niyang mabuting doktora sa Santa Monica at kahit pa private hospital kami ay may charity program din para sa mga mahihirap kung kaya labis kong hinahangaan kabutihan ng aking ina. Naghiwalay na kami ni Martha upang sunduin din nito ang ina na si Tita Clara na isang department manager sa aming ospital. Kaya rin kami naging magkaibigan ni Martha dahil matalik na magkaibigan din ang aming mga magulang. I went into my mother's office. I didn't even bother knocking because I was sure it was open. Mom doesn't normally lock the door. I continued to enter the office, but my mother was not there. I sighed as I looked at the open pantry because she wasn't at her table. Natigilan ako ng makita ko ang akin ina na abala sa pakikipaghalikan sa kapwa niya doctor. Hindi ako mapakaniwala dahil sa pagkabigla. This is not what I expected to see dahil kilala ko siya bilang isang ulirang ina at mapagmahal na asawa kahit pa niloloko ito ng aking ama pero dahil sa aking mga natuklasan ngayon lahat ay biglang nagbago. Naramdamam siguro ng mga ito na may tao kung kaya tumigil ang mga ito at nakita nga akong nakatayo sa isang tabi. “Anak? Gean?” gulat na gulat ang aking ina. Bigla nitong inayos ang sarili. Kilala ko ang doktor na kasama nito. Si Dr. Wilson na may mataas din na katungkulan sa ospital nila. “Excuse me,” paalam ni Dr. Wilson na para bang walang nangyari pagkatapos ko silang mahuli. Sinundan ko lang siya ng tanaw hanggang sa makalabas ng opisina ng aking ina pagkatapos ay tiningnan ko si Mama para bang binuhusan ng malamig na tubig. “Hindi ka nagpasabi na dadaan ka,” wika sa aking ni Mama. "What does it mean?” bulalas kong ituro ang pinto kung saan lumabas si Dr. Wilson. “Do you have a relationship with Dr. Wilson?” I asked my mom in a scolding voice. Alam kong namumula ang mukha ko sa labis na galit. Huminga ng malalim si Mama dahil sa sunod-sunod kong tanong. “Nakita mo hindi ba?” “Sagutin niyo ako Ma. May relasyon ka ba sa kanya?” maiyak-iyak ko ng sagot. “Oo!” sigaw sa akin ni Mama. Sa unang pagkakataon ay sinigawan ako ni Mama kung kaya nabigla ako. “I'm sick and distressed about my life! Pagod na pagod na akong maging isang mabuting tao at maging isang mabuting asawa. Nililigtas ko ang mga tao pero ako? I’m miserable! Hindi ako naging masaya sa buong buhay ko, Gean. Ikaw, ikaw lang ang tanging dahilan ko para mabuhay. Ikaw lang ang kinakapitan ko at kinukuhaan ko ng lakas. Alam kong kasalanan itong ginawa ko pero ang kasalanan itong ang nagbibigay saya sa akin ngayon,” umiiyak ng wika sa akin ni Mama. “Nakakahiya na kailangan mo pang malaman sa ganitong paraan. Nahihiya ako sayo, anak.” “Kung pagod ka na, iwan mo si Papa. Hindi mo kailangan gumawa ng kasalanan at magtago. Alam ko ang ginagawa ni Papa at hinahayaan mo rin naman siya. Perpektong pamilya nga tayo sa harapan ng maraming tao pero ang totoo ay matagal na tayong sira,” sagot ko. “Hindi ganun kadali ang gusto mong mangyari, Gean. Kilalang tao ang iyong ama, nirerespeto ng buong Santa Monica. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nila ating matagal ng lihim? Hindi nya naman tayo pinababayaan lalo ka na. Mahal na mahal ka iyong ama at lahat ay gagawin niya para sayo. Alam mo yan.” “Kung mahal niya tayo sana kasama natin siya palagi. Sana wala siyang ibang pamilya at sana buo tayo. Nagiging buo lang tayo kapag may taong nakaharap pero ang totoo matagal na tayong sira. Naiintindihan ko ang ang ginagawa ninyo, kung paano mo intindihin si papa pero sa ginagawa niyo ba ngayon sa tingin mo ba maiintindihan ka ng mga tao kapag nalaman nilang may iba kang lalaki? Sabihin na nating hindi ako ang nakahuli sa inyo ngayon at ibang tao. Sa tingin mo ba ay hindi ka pag-uusapan ng buong hospital? Ikaw na walang ginawa kundi ang intindihin ang kasalanan ni papa ay ikaw pa itong lalabas na may kasalanan.” “Kapag mahal mo maiintindihan mo anak. Mahal ko ang papa mo kaya kahit na saktan niya ako ng ganito ay paulit-ulit ko siyang patatawarin. Ang mahalaga sa akin ay sa atin siya umuuwi at tayo ang tinatawag niyang pamilya. Sapat na sa akin yun.” “Hindi kita maintindihan, Ma. Hindi ko alam kung anong klaseng katwiran yang sinasabi ninyo. Mahal mo si papa pero may iba kang lalaki? Yan ba ang pagmamahal na sinasabi ninyo? Ang alam ko kasi kapag mahal mo ay magiging tapat ka sa taong yun,” sagot ko pa kay Mama. “Maiintindihan mo lang ang lahat kapag nagmahal ka na. Walang kami ni Dr. Wilson dahil ang meron lang kami ay napapasaya namin ang isa't isa, ‘yun lang ang dahilan at wala ng iba. Sana mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko. Alam kong naging mahina ako pero tao lang din naman ako at may pangangailangan na hindi maibigay ng taong mahal ko.” “Hindi ko alam kung normal pa ba tayong pamilya dahil ang alam ko ay matagal na tayong sira simula ng hayaan mo si papa na magkaroon ng ibang pamilya. Hindi ko nga alam kung anong set up mayroon ang pamilya natin dahil hinahayaan mo lang na lokohin ka ni papa. Pagkatapos ay matutuklasan ko ang lahat ito at sasabihin mo sa akin na walang kayo ni Dr. Wilson pagkatapos ng mga nakita ko?” “Dahil yun naman talaga ang totoo, wala kaming ibang relasyon bukod sa naibibigay niya ang pangangailangan ko na hindi maibigay ng Papa mo,” sagot pa sa akin ni Mama na lalo kong ikinainis. Hindi po mapigilang hindi mapangisi. “Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng may ibang lalaki ka katulad ni papa. Kung gusto niyo bakit hindi kayo mag-usap ni papa, ayusin niyo ang pamilya natin. Kung ayaw niyo naman pwede rin naman na maghiwalay kayo total malaki na ako at naiintindihan ko na. Hindi yung ganito, isa-isa kong natutuklasan ang mga lihim ninyo. Tinitingala pa naman kita Ma dahil alam ko na isa kang mabuting ina at mabuting tao dahil pilit mong pinagtatakpan ang lahat ng kahinaan ni papa lalo na pagdating sa akin pero huwag naman sanang umabot tayo sa ganitong sitwasyon na pati ikaw ay katulad na rin niya,” umiiyak kong wika sa aking ina. "Kahit ako ay tinatanong ko rin ang sarili ko…Gusto kong tanungin sa ama mo kung saan ba ako nagkulang at hindi niya ako magawang mahalin? Sa buong pagsasama namin kahit ang tingnan ako ay hindi niya magawa. Sa tingin mo ba hindi yun masakit sa akin na parang wala lang ako sa ama mo? Masaya nga lang tayo kapag maraming taong kaharap, lahat ng ‘yon ay tinitiis ko anak dahil sobra ko siyang mahal. Umaasa ako na baka dumating ang isang araw na mahalin din ako ng iyong ama pero napagod na rin siguro ako kung kaya tumingin ako sa iba pero ang pagmamahal ko sa ama mo kailanman ay hindi iyon mawawala. Siya pa rin ang nasa puso ko at patuloy na minamahal at higit sa lahat patuloy na umaasa.” “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa inyo Ma. Para naman kasing sinabi mong konsintihin ko ang pagkakaroon mo ng lalaki. Ayoko lang din naman na ikaw pa ang magmukhang may kasalanan sa inyong dalawa. Mahal ko kayo lalo na ikaw Ma. Mahal na mahal kita at ayokong kutyain ka ng ibang tao dahil lang sa naging mahina ka dahil lang sa napagod ka na.” “Hindi mo ako kailangan maintindihan anak. Hindi ko naman sayo pinapatanggap kung ano ang relasyon namin ni Wilson. Okay lang kung hindi mo siya tanggapin. Hindi ko yun ipipilit sayo lalo na at alam kong mali. Gusto ko lang sabihin sayo na hindi pwedeng makipaghiwalay ako sa iyong ama lalo na ngayon na malapit na ang eleksyon. Kailangan niya ako. Hindi pwedeng maghiwa-hiwalay tayo. Huwag kang mag-alala dahil sanay naman akong magkunwari sa harapan ng maraming tao. Sanay na akong magpanggap na mahal namin ang isa't isa kahit na ang totoo ay ako lang ang nagmamahal. Ang hinihiling ko lang na sana ay hindi mo rin maranasan ang nararanasan kong ito sa iyong ama mo dahil napakahirap magmahal ng isang lalaking hindi ka kayang mahalin. Napakahirap mamalimos ng pagmamahal,” pilit ang ngiting wika sa akin ni Mama. Hindi ko mapigilang hindi maawa sa aking ina. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na kalungkutan. Hindi ko naman sinisisi si mama kung nakagawa siya ng kasalanan dahil talagang kahit ako naman ang nasa kanyang katayuan ay baka magkaroon din ako ng iba. Saksi ako kung paano mahalin ni mama ang aking ama kahit pa may ibang minamahal si papa. Nilapitan ko si mama at niyakap ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya nakakampi niya ako at handa ko rin siyang protektahan tulad ng pagprotekta niya sa aming pamilya. “Whatever happens, I am going to protect you,” bulong ko pa kay Mama para gumaan ang kanyang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD