THIS is my f*****g life. Lahat ay nakukuha ko pero hindi ang isang masayang pamilya. Palaging may kulang. Madalas ay hindi kami masaya. Napakahirap para sa amin ang maging buong pamilya.
Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko na magawang sumama pa kay Martha papuntang plaza para manood ng event na sinasabi nito. Pagkatapos kasing matuklasan ko ang lihim ni Mama at nawalan ako ng gana.
Sabay na kaming umuwi ni Mama ng bahay, sumabay ako sa kanyang sasakyan at katulad ng dati ay wala si Papa sa bahay. Sanay na kami na kaming dalawa lang sa isang malaking bahay kaya nga tumira na ako sa Maynila halos dahil na rin sa ganitong sitwasyon namin. Nakalimutan ko na sa pag-alis ko ay naging malungkot si Mama sa kanyang naging buhay. Ako lang kasi ang naging kakampi niya pero lumayo pa ako at iniwan ko siyang mag-isa. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay Dr. Wilson dahil napapasaya nito ang kanyang ina.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung aawayin ko ba si mama o ano. Alam kong mali ang ginagawa nito pero kung yun ang paraan para mabawasan ang hinanakit nito kay Papa ay bakit hindi??
Gulong-gulo ako. Ayokong maging ganito ang buhay ko katulad ng aking mga magulang. Nakatira nga sa isang malaking bahay pero wala kang maririnig na kahit anong saya, walang nagtatawanan at walang nagbibiruan na para bang isang buo at tunay na pamilya. Palaging may kulang. Nakasanayan ko na nga na parang isang kumbento ang aming bahay.
Kung minsan nagiging maingay ang amin bahay kapag magkasama kami ni Martha sa bahay.
Napabuntong hininga na lamang ako at baka mabaliw pa ako sa pag-iisip kung paano mabuo ang pamilyang dati ng wasak.
NapangitI ako nang maalala ko si Xavier. Siya na lamang ang aking iisipin para hindi na ako malungkot pa. Naisip ko na naman ang kanyang makisig na katawan at ang mga ngiti niya na nakakahalina.
"Kailan kaya kita ulit makikita Xavier? Sana naman hindi ka maging katulad ni papa. Sana mutual ang ating nararamdaman sa isa't isa. Sana tulad ko ay gusto mo rin ako," pagkakausap ko pa sa aking sarili. Nababaliw na nga yata ako dahil nagsasalita na siyang mag-isa.
Sunod na sunod na katok ang nagpagising sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pag-iisip. Napatingin ako sa orasan na nakadikit sa pader ng aking silid. Alas otso na pala ng gabi.
"Pasok!" sigaw ko sa kumakatok. Ang isang maid namin ang pumasok sa aking kwarto.
"Bumaba na raw po kayo ma'am at kakain na," wika pa sa akin ng katulong kung kaya tumango ako. Nakalimutan ko palang mag dinner dahil kaagad akong pumasok ng kwarto. Wala na nga sana akong balak na kumain pa dahil nawalan na ako ng gana pero dahil kumulo na rin ang aking tiyan ay napilitan akong bumangon ng kama at bumaba. Nagulat pa ako nang makita ko si papa kasama ni mama na kumakain sa isang mahabang hapag kainan. Unusual iyon sa akin lalo na at hindi naman ako sanay na kasama namin si Papa sa bahay.
“Anong meron?” tanong kong napatingin kay papa. Nakaangat ang aking kilay.
“Bakit?” tanong sa akin ni papa.
“I'm just wondering because you're home,” sagot kong may himig na pagtatampo. Kahit na galit ako kay papa hindi ko rin siya magawang bastusin. Mahal ko siya katulad ng pagmamahal ko kay mama.
“Bakit? Ayaw ba akong makita ng aking prinsesa?” tanong pa sa akin ni papa.
“Hindi kasi ako sanay na nandito kayo,” sagot ko naman sabay hila ng upuan at umupo na rin upang kumain.
“Ang mabuti pa ay kumain ka na,” wika naman ni mama na nakikinig lang sa aming usapan ni papa. Hindi ko alam kung masaya ba siya na nandito ngayon si Papa pagkatapos ng aking natuklasan. Kahit pa siguro ayusin ko ang aming pamilya ay mukhang magsasayang lang ako ng oras dahil mismo ang mga ito ay sumuko na.
“Malapit na pala ang eleksyon at gusto ko maging maingat tayo sa ating mga kilos at kaya ako nandito ngayon sa harapan niyo ng mama mo ay para ipakita natin sa buong Santa Monica na walang nagbago at hindi totoo ang kumakalat na tsismis na hiwalay na kami ng mama mo,” wika pa ni papa kung kaya napaangat ang aking kilay. “Kaya naman pala umuwi,” sa loob loob ko.
“At saan naman galing ang tsismis na yan?” tanong ko pa kunwari.
Muling sumubo ng pagkain si Papa at sumagot.
“Hindi ko alam at ‘wag lang sana manggaling sa loob ng ating pamamahay,” sagot ni Papa bago nito tiningnan si Mama. “Ang mga katulong ba natin Rebecca ay mapagkakatiwalaan?” tanong pa ni Papa Calixto kay mama.
“Oo naman. Matagal na sila sa atin kaya imposibleng magdadaldal sila diyan sa labas,” sagot naman ni Mama kay Papa.
“Alam mo kasi Pa, kahit ano pang tago natin sa mga tao lalabas at lalabas pa rin ang totoo. Ako nga na palaging wala sa bahay at hindi naman alam kung ano ba talaga ang nangyayari ay alam ko na may ibang pamilya kayo at may dalawang anak sa ibang babae,” sagot ko sa aking ama na ikinagulat pa nito. Napaderetso ito ng upo pero ako ay parang balewala lang.
“Anong sabi mo?” tanong ni papa sa akin.
“Don't tell me na nagulat pa kayo sa sinabi ko? Huwag mo ng paulitin pa dahil may makakarinig lang,” wika ko pang napalinga-linga. “Kung may dapat man na sisihin ay kayo po dahil hindi kayo naging maingat. Kung maayos niyo sanang naitatago ang pangalawa ninyong pamilya sana ay walang humor na kumakalat. Alam niyo naman ang mga Marites ngayon------ mga human CCTV, wala kang maitatago sa kanila,” dagdag ko pang wika sa aking ama kung kaya hindi ito nakapagsalita.
“Watch your word, Gean!” saway sa akin ang aking ina. Kaya nasasanay rin si Papa sa kanyang ginagawa dahil pinagtaakpan nito.
“Sinasabi ko lang naman ang totoo para alam din ni Papa na alam ko ang lahat. Hindi ba, Pa?”
Huminga ng malalim si Papa, bigla itong pinagpawisan. Akala siguro ni Papa ay wala akong alam sa matagal niya ng itinatago sa akin. Alam ko rin naman na may alam din si Mama. Ang hindi alam ng mga ito ay nagpaimbestiga ako at inalam ko kung saan nakatira ang ibinabahay nito at doon nga ay nalaman kong may dalawa na itong anak sa babaeng nagngangalang Monica Villaruel. Kitang-kita ng dalawang mata niya kung paano nito lambingin ang kabit nito samantalang si Mama ay hindi niya man lang mahalikan sa harapan ko.
“Matanda na ako para itago pa sa akin ang lahat,” dagdag ko pang wika. “Alam mo Pa, nagtataka lang ako kung bakit hindi mo magawang ipakilala ang dalawa mong anak kay Monica at hanggang kailan mo sila itatago para lamang sa pangarap mo?”
“Geanna?” saway sa akin ni Mama. Nanlalaki ang mga mata nito na tila ba binabalaan na ako pero hindi ako nagpatinag.
“Bakit Ma? Natatakot ka bang malaman ang lahat? Alam mo naman naman na hindi ba?” tanong ko kay Mama. Naiinis ako sa kamartiran ng aking ina.
“Fine,” sagot ni Papa na suko na sa aking mga sinasabi. “Ngayong alam mo na ang lahat siguro naman wala na akong kailangan pang itago sayo? Ang gusto ko lang tanungin ay kung paano mo nalaman? Sinabi mo ba Rebecca?” tanong ni papa sa aking ina.
“I have my own way of investigating what my father is up to. There is nothing to hide because people have known for a long time that this family is shattered, and even when I was still in school, it was widely known that my father had another family. That is expected, given that you are always away from home. Your actions are enough confirmation."
Matagal bago nakasagot si Papa sa mga sinabi ko na tila ba nag-iisipng mabuti
“Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin ang mga bagay na ‘yan. Alam naman na ng mama mo kung ano ang sitwasyon naming dalawa at siguro okay na rin na alam mo na kung ano ba talaga ang nangyayari sa ating pamilya. Tama ka Gean anak -----may dalawa kang kapatid na lalaki at gusto ka nga nilang makilala pero sabi ko hindi pwede dahil wala ka pang alam,” wika pa sa akin ni Papa kung kaya napaangat ang aking kilay.
“At bakit naman gugustuhin kong makilala ang anak ninyo sa ibang babae? Nasanay ako na akong, ako lang at ayoko ng may kahati. Itinatago mo na rin naman sila, ipagpatuloy niyo na lang,” sagot ko pa.
Napansin kong napikon si Papa sa aking sinabi pero hindi niya ako pinatulan dahil alam niya naman kasing siya ang mali. Magkaiba kami ni Mama, kapag nasasaktan na ako ay hindi ako tatahimik lang.
“Tapos na ang usapang ‘yan, ang gusto kong pag-usapan natin ngayon ay ang darating na eleksyon at hindi tungkol sa pagiging ama mo. Ito na ang huling termino ko at inaasahan ko na ako pa rin ang maging gobernador ng bayan na ito at hinihiling ko sana sa inyo ng Mama mo na tulungan ninyo ako sa darating na eleksyon. Lalo ka na Gean, kailangan kita sa campaign ko lalo na ngayon at mukhang batang-bata pa ang magiging kalaban ko. I’m just worried. Hindi pa naman siya nakakapag-file ng candidacy pero usap-usapan na ang kakalaban sa akin ay ang fiance ni Olive Romero. Alam natin pareho na malakas ang ama ni Olive Romero dahil dati siyang congressma. Hindi ko pa nakikilala ang fiance ng Olive na yan. Kinakabahan ako sa laban na ito dahil kilala ko ang ama ni Olive Romero, hindi ‘yon nagpapatalo at ginagamit nila ito magiging asawa ng Olive para kumalaban sa akin. Alam kong gusto ni Romero na pabagsakin ako at hindi ko hahayaan na mangyari yun. Kung kinakailangan na maglabas ako ng malaking pera para sa huling termino ko ay gagawin ko. May plano akong maging senador kaya hindi pwedeng matalo ako mahabang wika ni Papa kung kaya napaangat na lamang ang aking kilay.
Ganito naman si Papa kapag may kailangan, nasa kanila pero kapag tapos na ay ibang pamilya ang pinapasaya nito at kaming mag-ina ay naiiwan lamang sa bahay na tila ba isang luhaan.
“Olive Romero,” wika ni Mama. “Ikakasal na pala ang anak ni Romero?” tanong naman ang aking ina.
“Oo Rebecca at gagamitin nila ang kasal ni Olive at ng lalaking ‘yan para lamang makakuha ng simpatya sa mga tao at para maging malakas. Maging usap-usapan. Alam ko na ang mga ganyang palabas.”
“Kilala ko ‘yan si Olive dahil naging kaklase ko ‘yan ng high school. Hindi ko naman alam na ikakasal na pala siya. Sabagay paano ko nga naman malalaman eh hindi ko naman siya friend sa social media,” sagot kong mapangiwi.
“Pero hindi may anak na si Olive?” tanong pa ni Mama kaya nanlaki ang mga mata ko.
“May anak na siya?”
“Yup,” sagot ni Mama. “Ang pakakasalan niya naman ay ang ama ng kanyang anak----- Gusto lang nila gawing pormal para maging usap-usapan kahit na ang totoo ay matagal na naman na silang nagsasama. Pakulo lang nila ang kasal.”
“Hindi ako makakapayag na ang isang dayuhan lamang sa Santa Monica ang makakapigil sa akin. Hindi pwedeng matalo ako sa election.”
“At bakit ka naman matatalo?” tanong ni mama kay papa. “Matagal ka ng gobernador sa bayan na ito at sanay na sila sayo. Bakit naman ibubuto nila ang isang baguhan lamang na wala pang nagagawa?”
“At bakit naman hindi Ma?” tanong ko kay mama kaya natigilan ang mga ito. “Minsan ang mga tao gusto nila ng pagbabago kung kaya ang mga bago ang kanilang ibinubuto. Umaasa sila na kapag bago ang namumuno ay magkaroon din ng pagbabago.”
“Kung ano man ang pagbabago ang gusto nila ay tatapatan ako…Ako pa rin ang gobernador nila na matagal na panahong namumuno. Gusto nila ng isang dayuhan na walang alam sa pamumuno? Gagamitin lamang yun ni Romero para maisakatuparan niya ang kanyang mga plano. Lalong lulubog sa kahirapan ang Santa Monica kapag si Romero ang mamuno sa bayang ito. Hindi ako makakapayag,” giit pang sagot ni Papa.
“Bakit ba kasi hindi nalang kayo tumigil sa pulitiko? Hindi ninyo nagagawa ang dapat ninyong gawin dahil sa pulitikong ‘yan. Wala na kayong ginawa kundi ang protektahan ang pangalan niyo kahit pa may mga taong nasasaktan dahil pilit ninyong itinatago,” pasaring ko kay Papa na ang tinutukoy ay ang pangalawa nitong pamilya.
“Galit ka ba sa akin dahil nagkaroon ako ng ibang pamilya?” tanong sa akin ni papa kung kaya napatingin ako sa kanya.
“Sabi ko nga po sa inyo ay matagal ko ng alam. Hindi niyo nga alam na nalaman ko hindi ba? Naramdaman niyo bang nagalit ako sa inyo? Masyadong matagal na panahon na yun. Nakakapagtaka lang kung bakit kailangan pang itago ang mga bagay na pwede namang ilabas dahil lang sa politician kayo. May mga taong kailangan magdusa dahil sa posisyon ninyo. Sabi niyo nga hindi ba? May dalawa akong kapatid pero nalaman ko na hindi nakalagay sa apelyido ninyo ang dalawang kapatid kong ‘yon. Hindi ka ba naaawa sa kanila?”
“Sapat nang nasa kanila ang oras ko,” sagot sa akin ni Papa kaya naningkit ang mga mata ko. Hindi ko mapigilang hindi maawa kay Mama.
“At sa amin ni mama ay pangalan mo lang?” pauyam ko ng tanong kay Papa.
“Kausapin mo nga itong anak mo Rebecca at kung ano-ano ang sinasabi. Kung may mga desisyon man ako na nagagawa ko sa buhay ko ay alam ng mama mo yun. Naiintindihan niya ako at alam mo rin na mahal kita. Ginagawa ko ang lahat para mabigyan ka rin ng magandang buhay. Kung nagkulang man ako ng oras sayo ay dahil nag-aral ka naman sa ibang lugar. Kung nagdurusa kayo dahil ako ang naging ama ninyo ay humihinga ako ng tawad lalo na sayo, anak.”
“Mahal din naman kita Pa. Ang akin lang kasi kung ayaw niyo na sa amin ay bakit hindi pa kayo maghiwalay ni Mama? Hihintayin pa ba natin na magdusa tayong lahat? Matanda na ako at kaya ko ng maintindihan ang lahat. Huwag kang mag-alala dahil kaya ko naman alagaan ang Mama,” sagot ko pa kay Papa. “Kung napapasaya ka ng pangalawang pamilya mo bakit hindi mo sila piliin? Bakit kailangan magdusa rin sila? Ang hirap mo yatang mahalin Pa,” sagot kong napapailing.
“Kapag nagmahal ka ay maiintindihan mo rin. Gustuhin ko man na maging malaya ay hindi pwede dahil ama ako ng bayang ito.”
“Ma!” untag ko kay Mama na natigilan. Gusto kong kampihan niya ako pero iba ang sinabi ni Mama.
“Tama ang Papa mo, Gean. Nakasanayan na namin ang ganitong set up at sana ganoon ka rin total alam mo naman ng lihim ng iyong ama,” wika pa ni Mama sa akin.
“I can't believe it,” napapailing kong sagot. “Hindi ko alam kung normal ba tayong pamilya.”
Napainom na lamang ako ng tubig at hindi na lamang sila pinansin dahil wala rin naman patutunguhan ang lahat.