CHAPTER 6

2174 Words
MASAYA KAUSAP si Armando. Magaan din ang loob ni Euna na kausap ito at talagang naaaliw sya. Kung titingnan, hindi halatang doktor ito dahil ang bata pa pero ayon dito, maaga lang talaga itong nag-aral at nakapagtapos sa propesyon na pinasok. Matanda lang ng isang taon ito kay Ivo at sila ang pinaka-close sa mga magpipinsan sa side ng Tito Jose nito. "Sa totoo lang, nagulat din kami sa nangyari sa kanha dahil mahusay na car racer iyang si Ivo. Hindi namin akalain na sa pagmamaneho ito maaaksidente." Sa paraan ng pagsasalita ni Armando, mahihimigan dito ang sobrang paghanga para sa pinsan. "Ngayon kahit kami ay nahihirapan sa sitwasyon nya. Kung dati ay bulag lang sya sa pag-ibig, ngayon... literal ng bulag ang isang mata nya." Bakas sa mukha ng binata ang awa pero alam ni Euna na nagpapakatatag ito. "Ang mahalaga naman, buhay sya, di ba?" aniya upang kahit paano, gumaan ang nararamdaman nito. Nahahawa na kasi sya ng pagkaawa sa dating kaibigan. Kahit anong gawin nya, pakiramdam nya ay malaking parte talaga ng pagkatao nito ang nabago. "Iyon na nga lang ang iniisip namin. Swerte pa rin sya." "Pwede ko ba malaman kung nasaan ngayon ang ex-girlfriend ni Ivo?" tanong nya. Curious lang sya. Nahuli nyang ngumiti ito. May pang-aasar na ngiti sa mukha. "Bakit? Susugurin mo?" Natawa sya. "Bakit ko naman iyon gagawin? Curious lang naman ako kung nasaan sya at kung anong reaksyon nya nang malaman nya ang nangyari kay Ivo." Nagkibit-balikat ito. "Who knows?" "Ano?" "Wala kaming alam, e! Walang paramdam at mas okay na iyon. Niloko nya ang pinsan ko. Nabulag si Ivo dahil sa kanya." "Ahm, third party ba?" Tsismosa na sya kung tsismosa pero gusto talaga nya malaman. Parang hindi sya matatahimik. "Maybe? I don't know." Tumango na lang sya. Siguro ay ayaw na lang muna nito magsabi dahil hindi naman sya kamag-anak ng mga ito. Well, nirerespeto naman nya ang privacy ng mga ito kahit na sadyang makulit sya at matanong. "Sana pumayag ka sa offer nina Tita Shiela. Maganda na ring opportunity iyon dahil malaki ang sweldo mo tapos ilang buwan ka lang naman magiging private nurse ni Ivo." Puno ng pangungumbisi ang tinig nito. Hindi sya kumibo. Sa totoo lang, sobrang ganda ng offer ng mag-asawang Diaz. Bukod sa hindi na sya aalis pa ng bahay, doble ang sweldo at kasama pa nya palagi ang mga magulang. Pero hindi sya basta pwedeng umalis sa trabaho dahil maraming maiiwan. Kulang nga sila ng nurse, aalis pa sya. At ang pinakainiisip nya, si Ivo. Paano kung magalit ito dahil sya ang kukuhaning nurse ng magulang nito para dito? Baka magsungit lang ito at mapaiyak lang sya. Oo, mahaba ang pasensya na sa mga bata pero iba namang usapin kung kaedad ni Ivo iyon. "Alam mo ba kung bakit ikaw ang kinukuha nina Tita Shiela?" Kunot ang noo nyang nilingon si Armando. "Bakit? Anong dahilan naman?" "Alam kasi nilang magkaibigan kayo. Na kilala ninyo ang isa't isa." Natawa sya. "Matagal na iyon saka nakita mo naman, sinigawan nya ako nung pagdating ninyo rito. Baka nakalimutan na nga ako no'n." At aaminin nya, natakot sya noong araw na iyon kay Ivo. Ang laki ng pinagbago nito bukod sa pisikal na anyo, yung ugali... sobrang nag-iba. "Mainitin lang ang ulo no'n pero kilala ka pa siguro ni Ivo. Don't worry," anito saka kumindat pa sa kanya. Natawa sya dahil sa sinabi nito. "Huwag tayo umasa, masakit!" aniya pa. Kapwa sila nagtatawanan nang lumapit ang ina nya at kinalabit sya. Nagtataka naman sya dahil parang hingal na hingal ito. "Napano ka, ma?" "Naku, bata ka! Kanina pa kita hinahanap. May niluluto akong ulam para mamayang hapunan kaya halika na!" Hinila sya nito sa braso. Lumingon ito kay Armando saka ngumiti. "Hiramin ko muna po itong anak ko, doc." "Okay lang po." "Saan tayo pupunta, ma?" aniya saka tumigil sandali. Lumingon sya kay Armando na nagtataka marahil sa mama nya. "Wait lang, Armando, ah?" "Sige lang," nakangiting wika nito. "Halika ka na at dalhan mo na ng ginataang mais si Ivo. Gising na iyon panigurado." Umatras si Euna at tinuro ang sarili. "A-ako po? Bakit ako, ma?" Bakas sa mukha nya ang pagtataka. "Anak, marami akong dapat asikasuhin sa kusina. Sige na, ikaw na ang magdala." "Ma, ako na lang magluluto. Ikaw na lang—" "Euna, kung kailan ka lumaki saka ka naman hindi susunod sa akin?" ani mama nya na may pagtataka sa mukha. "Ma, hindi naman sa ganoon. Baka sungitan ako ni Ivo," aniya saka tumingin kay Armando na mukhang aliw na aliw sa pag-uusap nilang mag-ina. "Sus! Paborito nya ang ginataang mais kaya matutuwa pa nga iyon!" "Ma, sabi mo baka nagbago na taste no'n kaya baka di na nya paborito yung niluto mo?" aniya. Tila natigilan ang ginang. "Sinabi ko ba iyon?" "Yes, ma," nakapameywang pa nyang sagot. "Ako na lang po haharap sa niluluto mo—" "Don't worry. Ginataang mais pa rin ang paboritong meryenda ni Ivo. Palagi syang nagpapaluto no'n sa chef nila sa States," wika ni Armando na nakatayo na ngayon. Nanlaki ang mga mata nya. "T-talaga?" "Yes. Sige na. Dalhan mo na para masanay na rin sya dahil ikaw ang magiging nurse nya soon." "Wala pa akong final decision!" aniya. Natawa ang mama nya at si Armando. Hinila na sya ng kanyang ina. Kumaway lang sa kanya ang binata saka prenteng naupo ulit sa pwesto nito kanina. Wala na nga syang nagawa. Ngayon ay nasa harapan sya ng kanyang ina na syang abala sa paglalagay ng pagkain sa ibabaw ng tray na syang dadalhin nya sa kwarto ni Ivo. "Ayos lang siguro kung iwanan ko na lang po iyan sa kwarto nya, di ba, ma?" tanong nya kahit alam nyang may tyansa na pagalitan sya nito. "Ano? Euna, syempre dapat kakausapin mo si Ivo." "Ma—" "Sige na. Dalhin mo na ito sa kwarto nya para naman makakakain na iyon. Good luck, anak!" Tinapik pa ng mama nya ang kanyang braso saka inabot sa kanya ang tray. "Mama naman..." aniya nang itulak sya nito palabas ng kusina hanggang makarating sila sa hagdan. "Baka sungitan ako!" bulong nya. Napalingon sya sa sala nang marinig ang mahihinang tawa. Bahagya syang nagulat nang makitang nandoon ang mag-asawang Diaz, si Armando at pati na rin ang kanyang papa. Bakas sa mga mukha nito ang tuwa at halatang tsini-cheer sya sa gagawin. "A-anong ginagawa ninyo dyan?" tanong nya sa mga ito. "Nandito kami para suportahan ka, hija!" ani Tita Shiela nya. "Kaya mo iyan, anak! Huwag ka matakot kay Ivo!" ama naman nya ang nagsalita. Tila mauubusan na rin sya ng pasensya dahil sa mga sinasabi ng mga ito sa kanya. Parang ang dali para sa kanila ng gagawin niya ngayon. Sa inis, humakbang na lang sya sa paakyat sa pangalawang palapag at mas lalo sya nagmaktol nang marinig pang muli ang tawanan ng mga ito sa baba. 'Pinagkakaisahan alo ng mga ito, ah! Sila kaya ang humarap sa lalaking iyon. Kapag ako sinungitan no'n, bahala sila!' aniya sa sarili. Ang kwarto ni Ivo ay nasa dulong bahagi ng pasilyo, huling pinto sa gawing kanan. Matagal na ang huling pasok nya rito. Mga panahong close pa silang dalawa. Huminga sya nang malalim nang tumayo sya sa harap ng pintuan. Mahigpit ang hawak nya sa tray saka ilang beses na nagbuga ng hangin. Ang kaba sa dibdib nya ay sobrang lakas. Tila lalabas ang puso nya at parang maiihi sya. "Hooh!" aniya. "Kaya mo ito, Fleur Anastacia!" Gamit ang isang kamay, sinalo nya ang tray at ang isa pang kamay naman ang pinangkatok at pinangpihit nya ng seradura. Tahimik ang buong kwarto nang pumasok sya sa loob. Medyo madilim din dahil nakababa ang kurtina kaya wala na masyadong liwanag na nanggagaling sa araw na papalubog. May nalalanghap din syang alcohol pero baka nagkakamali lang sya. "H-hello?" aniya pero wala syang sagot na natanggap. Dahan-dahan syang humakbang papasok sa loob ng kwarto. Nakakabingi ang katahimikan at halos wala na sya halos maaninag. "I-Ivo, pinadala ni Tita Shiela y-yuny meryenda mo. G-ginataang mais `to," aniya. Tumigil sya sa tapat ng kama nito. "Ivo?" Maingat nyang pinatong sa nightstand ang tray saka binuksan ang switch ng ilaw. Noon lumiwanag sa buong silid. Napangiwi sya nang mapagtanto na amoy alak nga ang silid. "f**k! Turn off the light!" ani Ivo na nakahiga pala sa kama at ngayon ay nagtatalukbong ng kumot. Hindi sya agad na nakakibo. Natuon kasi ang atensyon sya sa kabuuan ng silid. Napakadaming kalat. Gulo-gulo at parang hindi nililinis. "I said turn off the light!" sigaw ni Ivo sabay upo. Bahagyang napatalon pa si Euna dahil sa gulat at nanlaki ang mga mata nya nang makita si Ivo. Gulo ang buhok nito at may tumutubo ng bigote at balbas. Kulay itim na t-shirt ang suot nito at halatang bagong gising. "Are you deaf?" bulyaw sa kanya ni Ivo. Doon sya natauhan. Inalis nya ang tingin dito saka muling sinipat ang kwarto. Nameywang sya saka binalik ang tingin sa binata na masama ang tingin sa kanya. "Narinig kita! Bakit ang kalat ng kwarto mo? Ang alam ko regular tong pinapalinis ni mama sa ibang katulong—" "It's none of your f*****g business! Turn off the light and get out!" anito saka nahiga at muling nagtalukbong. "Ayoko!" naiinis na sya. Ang dumi ng kwarto. Paano ito gagaling at gagaan ang pakiramdam kung marumi ang lugar kung saan ito natutulog. "What?" Hinawi nito ang kumot at tiningnan sya. "Ikaw pala ang bingi, e!" aniya saka humakbang patungo sa banyo. Halos hindi sya makadaan dahil may mga bote pa ng mga alak na mukhang doon tinatago. "Seriously? Nagagawa mo pang uminom?" Sinipa nya ang ilang kalat saka dinampot ang basket. "Anong ginagawa mo?" Kunot ang noo at halatang nababadtrip na si Ivo sa kanya. "Hindi ba obvious?" Dinampot nya ang mga kalat saka nilagay isa-isa sa basket na hawak. "For sure, marurumi ang mga ito kaya ipapalaba ko na. Tumayo ka riyan at kumain ka. Nagluto si mama ng ginataang mais," aniya habang unti-unting inaayos ang mga nagulong mwebles sa kwarto. "Hindi ako kakain nyan. Ilabas mo na at huwag ka ng babalik pa!" anito. "Ano? Hindi mo kakainin iyan kahit niluto iyan for you? Come on, Ivo. Bumangon ka na dyan!" aniya. Nauubos na ang pasensya nya rito. Binitiwa nya ang basket saka lumapit sa nightstand. Dinampot ang mangkok ng ginataang mais na umuusok pa. "Mainit pa ito kaya mas masarap. Bumangon ka na dyan!" aniya rito. "Bakit ba ang kulit mo?" Tila aburidong-aburido ito na napakamot pa sa sariling ulo. "Dahil ang tigas ng ulo mo. Para kang bata na ang hirap pakainin. Tayo!" aniya. Wala na syang pakialam kung magalit ito. Masama sya nitong tiningnan at ganoon din ang ginawa nya. Nagtitigan sila. Ngunit halos kilabutan sya nang ang titig ni Ivo ay mapalitan ng galit. Bakas sa mata nito ang galit. "Sinusubukan mo ba ako?" malamig ang tinig nito kaya naman ramdam nya na nagtayuan ang mga balahibong pusa nya sa katawan. Dahan-dahan itong tumayo at humakbang palapit sa kanya. Sya naman ay napaatras at sa sobrang lakas ng t***k ng puso nya, tila naririnig nya mismo iyon. "I-Ivo..." aniya nang lumapit ito sa kanya. Pero laking gulat nya nang agawin nito ang mangkok sa kanyang palad saka binalibag iyon kung saan. Nabasa ang mangkok at natapon ang pagkain. Namuo ang luha sa kanyang mga mata, ang takot ay bumangon sa dibdib. Nilingon nya ang binata na nasa kanya pa rin ang paningin. "Kapag sinabi kong ayaw ko at umalis ka rito, gagawin mo! Naiintindihan mo?" Hinila sya nito sa braso at pinilit syang hilahin sa labas. "N-nasasaktan ako!" aniya saka buong pwersa na binawi ang braso. "Lalabas ako pero liligpitin ko lang yung kinalat mo!" "Ang kulit!" "Huwag ka mag-alala, mas makulit ka! Para kang bata!" Nagdadabog syang tumalikod saka lumapit sa nabasag na mangkok. "Imbis na konti lang aayusin ko, dinagdagan pa! Pinaghirapan tong lutuin ng mama ko tapos itatapon lang! Nagsasayang pa ng pagkain. Nakakainis!" bulong nya. Sa sobrang pagmamadali nyang madampot ang mga maliliit na busog, nahiwa ang kanyang daliri kaya napangiwi sya. Napatayo sya saka piniga iyon upang lumabas ang dugo. Narinig nya ang palatak ni Ivo. Nilingon nya ito at masamang tiningnan. "Babalik ako at liligpitin ko iyang kinalat mo! Aayusin ko lang itong sugat ko!" aniya saka dumaan sa harap ni Ivo pero natigil sya sa maramdaman nyang may humawak sa braso nya. Halos magtayuan ang mga balahibo nya nang marinig ang malamig na boses ni Ivo sa mismong tainga nya. "Don't you dare to comeback here." Kahit natatakot, matapang nyang hinila ang braso at hinarap ito. Sa nakikita nya kay Ivo, tingin nya ay walang magtatagal na nurse nga rito kung ganito ang gagawin nitong pakikitungo. Kaya ngayon, buo na ang desisyon nya. "Pasensya ka kasi babalik pa rin ako dito dahil ako na ang private nurse mo!" aniya saka ngumisi at tinalikuran nag binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD