CHAPTER 7

2396 Words
INIS ANG NARARAMDAMAN ni Euna para kay Ivo habang nililinis ang sugat. Pagkahugas sa daliring nahiwa ng bubog, kaagad nya nilagyan iyon ng alcohol. Wala na syang maramdaman na iba maliban sa inis para sa binata. "Akala mo kung sino. Ang lakas ng loob magsayang ng pagkain. Hindi ba nya alam na maraming hindi nakakakain sa tamang oras? Ang sama nya!" aniya saka nilagyan ng band aid ang nahiwang daliri. Dumiretso sya sa likod kung saan nakalagay ang map saka balde. Binuhat nya iyon at kaagad na binagtas ang daan patungo sa ikalawang palapag. Nakakatatlong baitang pa lamang sya nang tawagin sya ng isa sa mga katulong. "Ate Euna, anong gagawin mo?" tawag ni Kimmy na matanda lamang sya rito ng dalawang taon. "Maglilinis ako sa kwarto ni Ivo," aniya. "A-ako na po," anito saka humukbang palapit sa kanya. "Ako na. Sumunod ka na lang para magdala ng isa pang basket para sa maruming damit." Naglakad na sya papunta sa kwarto ni Ivo. Kumatok sya nang tatlong beses saka humawak sa seradura. Ngunit napapikit na lamang sya nang makitang naka-lock na iyon. Hindi nya maalalang ni-lock nya ang pinto kaninang lumabas sya. "Ivo, buksan mo ito!" aniya saka kumatok. "Lilinisin ko lang yung kinalat mo! Isa!" "Go away!" anito sa loob ng silid. Napapikit sya at naikuyom ang palad. Ilang beses pa syang kumatok ulit. "Huwag mo ako daanin sa pa-'go away' - 'go away' mo na ganyan, Ivo! Buksan mo sabi to!" aniya saka kinalampag ang pinto. "Shut up!" sigaw nitong muli. "Ah gano'n?" Nakapameywang nyang turan saka tumalikod. Bumaba sya at nakasalubong si Kimmy na pagtataka ang mababasa mukha. "Euna, may problema ba?" tanong ng Tita Shiela nya iyon na nakasalubong din nya. Hindi nya alam kung saan nanggagaling ang tapang nya pero hindi nya iyon pinansin. Nagtungo sya sa cabinet kung saan nakalagay ang mga spare keys ng mga pinto rito sa mansyon. "Hija, anong nangyayari?" Nagtataka na ring tanong ng Tito Jose na syang nakatayo na sa tabi ng esposa nito. Lumingon sya sa mga ito saka ngumiti. "Wala po. May lilisinin lang po ako sa kwarto ni Ivo." Naglakad na sya at dire-diretso na sinalpak ang susi sa pinto. Pagkapihit ng seradura, halos mapamura sya sa naabutan nya roon. Nagtakip agad sya ng mukha at bahagyang tumagilid. Kahit ilaw sa lampshade lang ang nagbibigay liwanag kwarto, kitang-kita nya ang magandang hubog ng katawan ni Ivo na mukhang alaga sa gym at pag-eehersisyo. "A-ano ba iyan? Bakit ka n-naka-topless!?" tanong nya. Pakiramdam nya ay kasing pula na mg kamatis ang mukha nya. Naabutan nya kasing nagpupunas ng buhok si Ivo at halatang bagong ligo. "I took a quick shower. Thanks to you dahil ang bilis ko maligo! Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong nito. Halatang puno ng sarkasmo ang pagsasabi nito ng 'thank you!' sa kanya. "M-magbihis ka nga! Maglilinis ako ng kwarto mo!" aniya saka humakbang at isa-isang dinampot ang mga damit na nakakalat. "Ate Euna?" tanong ni Kimmy sa labas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ni Euna nang maalala su Kimmy. Baka pumasok ito agad at makita ang hubad na katawan ni Ivo. Mabilis syang pumunta sa pinto saka medyo sinara iyon pero hindi naman nakahapit nang todo. "K-kimmy, sandali lang. Huwag ka muna p-papasok!" "Bakit, ate?" "B-basta! Sandali lang!" aniya saka sinara ang pinto. Ni-lock nya iyon at nakayukong nilandas ang daan palapit kay Ivo kanina. Gamit ang palad, ginawa nya iyong shield upang wala syang makitang hindi kanais-nais sa harap nya. "Nakabihis ka na ba?" "Bakit hindi mo tingnan?" "Ano? Magbihis ka na nga!" "Ang arte!" "Ano? Hindi ako maarte, ah!" "E, bakit hindi ka makatingin? Don't tell me hindi ka pa nakakita ng lalaking nakahubad sa buong buhay mo?" tanong ni Ivo na parang natural na natural lang ang ganoong usapin para dito. Nag-iinit ang pisngi nya dahil sa hiya. Hindi nya kaya ang ganitong topic. Wala na rin syang masabi. Narinig nyang pumalatak ito pero hindi nya pinansin. Nagpatuloy sya sa pagdampot ng mga ilang kalat. Nakagat nya ang ibabang labi nang madampot ang kulay itim na boxer nito. Tila diring-diri syang nilaglag iyon sa basket saka naiinis na nagpapadyak. "Ngayon ka lang din nakakita ng boxer?" Hindi na sya nakapagpigil. Nilingon niya ito at masamang tiningnan. Nagtaas-baba ang dibdib nya dahil sa inis na nararamdaman. "Ang bastos mo!" angil nya kay Ivo. "Bastos? Nagtatanong lang naman ako!" anito saka prenteng naupo sa kama at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok gamit ang asul na towel. Nameywang sya at huminga nang malalim. Tiningnan nya ang buong silid. Madilim na sa labas kaya wala ng liwanag mula sa labas. Lumapit sa switch at binuksan ang ilaw. Gumapang ang liwanag sa buong lugar dahilan upang biglang tumayo si Ivo at lumapit sa kanya. "f**k!" Napapikit sya dahil akala nya ay sasaktan sya nito pero nagkamali sya. Kaagad nitong pinatay ang ilaw. Napadilat sya at ganoon na lang ang malakas na pagkabog ng dibdib nya nang makitang nakatayo na ito sa harapan nya at nakatitig sa kanya. Ang kaliwang mata nito ay nakatingin sa kanya na tila may hinahalukay sa pagkatao nya. Nagtiim-bagang ito. "Gusto mo maglinis sa kwarto ko, di ba? Gawin mo. Pero huwag na huwag mo bubuksan ang ilaw kung ayaw mong basagin ko iyan sa harapan mo," bulong lamang iyon pero halos magtayuan ang mga balahibo nya sa katawan. Hindi sya makasagot. Kahit ang paghinga rin nya ay tila pinipigil din nya. Nakatitig lang sya sa mata ni Ivo. Hindi nya alam kung gaano katagal iyon pero laking pasasalamat nya nang may kumatok sa pinto. "Euna, Ivo... ayos lang ba kayo?" boses iyon ng Tito Jose nya. Doon lang umalis sa harap nya si Ivo saka dire-diretsong lumabas sa balkonahe. Noon lang din nya napakawalan ang paghingang kanina pa nya pinipigilan. Lumingon sya kay Ivo. Sinara nito ang sliding door at nakita nyang nagsindi iyon ng sigarilyo. Napahawak sya sa dibdib saka ilang beses na huminga nang malalim. Narinig nya ang ilang katok ng mga tao sa labas ng pinto kaya dali-dali syang nagtungo roon. "Ayos lang ba kayo?" tanong ng Tita Shiela nya na bakas sa mukha ang pag-aalala. "O-opo. Si Kimmy po?" "Nandito po ako," ani Kimmy na nagtaas pa ng kamay. "Halika, tulungan mo ako maglinis ng kwarto ni Ivo." Humarap sya sa mga magulang ni Ivo. "Pasensya na po. Marami po kasing kalat dito sa loob." "Hija, pwede na siguro ipagpabukas iyan." Umiling sya. "Hindi na po. Ngayon na lang po para bukas, maayos na ito. Mahirap po matulog sa maruming kwarto," aniya saka pumasok sa loob. Nilinis nila ni Kimmy ang silid ni Ivo habang ito naman ay nandoon sa balkonahe. Kahit na kinakabahan, pinilit na lang nyang ipagsawalang bahala ang presensya ng binata. "TOTOO BA iyang sinabi mo, hija?" Bakas sa mukha ng Tita Shiela nya ang tuwa nang sabihin nya sa mga itong payag na sya sa offer nitong maging private nurse ni Ivo. Napag-isip-isip kasi nyang malaki ang benefits na makukuha nya rito. Bukod sa hindi na sya babyahe araw-araw, kasama pa nya ang magulang palagi at doble ang sweldo. Mas mapapabilis ang pag-iipon nya para sa pagpapatayo ng sarili nilang bahay para sa kanyang magulang. Bukod doon, nakikita nyang kailangan talaga ni Ivo ng iintindi sa sitwasyon nito. Aminin man nya o hindi, nag-aalala talaga sya para dito. Mukhang hindi lang private nurse ang kailangan nito, kailangan din nito ng kaibigan na syang uunawa sa sitwasyon nito ngayon. it Tumango sya. Nilingon nya ang magulang nya na nakaupo rin sa mesa at sabay-sabay silang nag-aagahan. "Opo." "Mabuti naman at pumayag ka na. Naku, matutuwa ang Tito Jose mo!" anito na halatang masayang-masaya sa naging desisyon nya. Humarap ito kay Armando na nakangiti rin. "Armando, pwede mo na ba sabihin sa kanya ang mga dapat gawin nya para kay Ivo?" "She's a nurse, Tita. Alam kong alam na nya kung paano i-handle ang sitwasyon ni Ivo." Ngumiti sya dahil sa tinuran nito. Halos magulantang silang lahat nang kumalansing ang mga kubyertos na basta na lang binitiwan ni Ivo. Nang tingnan nya ito, nakakunot ang noo nito habang nagpupunas ng bibig. "H-hijo, may problema ba?" tanong ng ina nito. Hindi ito kumibo. Tumingin lang ito sa ina saka lumipat ang tingin sa kanya. Nagdulot iyon ng kakaibang kilabot at kaba sa dibdib nya. Nag-iwas sya ng tingin at napalunok. Dinampot nya ang baso ng tubig saka uminom. "Hindi ko kailangan ng alalay," malamig na wika nito. Tumawa na tila nahihiya ang ina nito saka lumingon sa kanya at bumalik din agad sa anak. "Anak, hindi naman alalay si Euna—" "Anong pinagkaiba no'n sa private nurse? Alalay pa rin sya, ma." "Anak, huwag ka naman ganyan magsalita. Nasa harap tayo ng pagkain. Makakatuwang mo si Euna sa mga gawain mo saka naggagamot ka pa." Pilit ang pangugumbinsi ng ina nito sa anak. Tila tamad na tamad itong lumingon kay Euna. "Ano bang alam nyan?" Tila tinusok ang puso nya sa tanong na iyon ni Ivo. Sa simpleng tanong na iyon, pakiramdam nya ay inapakan ni Ivo ang propesyon nya. Napayuko sya at sa ilalim ng mesa ay naikuyom ang mga palad. "Ivo, Euna is a nurse!" ani Armando. "I don't care and I don't need her! Bulag ang kanang mata ko—oo— pero hindi ako lumpo para humingi ng tulong ng kung sino-sino!" anito saka tumayo. "Ivo!" tawag ng mama nito sa anak. Ngunit tila wala itong narinig at naglakad patungo sa hagdan. Nahihiyang humarap sa kanya si Tita Shiela nya saka napahilot sa sariling sintido nito. "I am very sorry, Hija. Ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal ng anak ko." "Euna, sana hindi magbago ang desisyon mo dahil sa sinabi ni Ivo," ani Armando na halatang nag-aalala rin para sa kanya. Ano nga ba ang nararamdaman ni Euna? Sa totoo lang, gusto nyang sapakin ang lalaking iyon. Gusto nya sabihin dito na isa syang nurse at malaki ang maitutulong nya rito. Pero nagpipigil sya dahil alam nyang may pinagdadaanan ito. Kailangan nya intindihin at habaan pa ang pasensya nya dahil isa iyon sa sinumpaan nya bilang nurse. MAHIGPIT ANG HAWAK ni Euna sa tray habang binabagtas nya ang daan patungo sa kwarto ni Ivo. Dala nya ang isang baso ng tubig saka ilang mga gamot nito. Ayon kay Armando, para iyon sa pagsakit ng ulo at sa parteng mukha ni Ivo. Nasa ibabaw din ng tray ang spare key ng kwarto nito kaya kahit naka-lock iyon, sure syang makakapasok at mapapainom nya ito ng gamot. Kumatok muna sya ng tatlong beses bago buksan ang pinto. Hindi nga sya nagkamali, naka-lock nga iyon kaya napangisi sya. Nilabas nya ang susi saka iyon sinalpak doon. Natawa pa sya dahil nabuksan iyon nang walang kahirap-hirap. Hindi man sya nakakapasok nang todo, narinig na nya ang aburidong boses ni Ivo. Halatang pinaparinig sa kanya na talagang ayaw sa kanya nitonm bilang private nurse. Hindi na lang nya iyon pinansin. "Uminom ka na ng gamot," aniya saka iyon pinatong sa nightstand. Hindi sya kaagad umalis doon dahil gusto nyang uminom ito ng gamot sa harapan nya mismo. "Ilabas mo iyan. Hindi ko iinumin iyan." Humalukipkip sya. "P'wede bang huwag ka umasta na parang bata?" "P'wede bang huwag ka umasta na akala mo kung sino ka at ganyan mo ako kausapin?" "Bakit? Private nurse mo ako, Ivo. Susundin mo ako, sa ayaw sa gusto mo," aniya. Pilit nyang pinakakalma at sarili at hanggang maaari, ayaw nyang pumatol. Ngumiti pa sya saka dinampot ang baso saka gamot. "Here! Inumin mo ito para makalabas na ako." Lumingon ito sa kanya. "Bakit ang tigas ng ulo mo?" "Ako pa ang matigas ang ulo rito? Hindi ba at ikaw iyon?" Natatawa pa syang tinuro ang sarili. Tumayo si Ivo saka naglakad paharap sa kanya. "Sinusubukan mo ba talaga ako?" Buong tapang nyang sinalubong ang tingin nito. Taas-noo syang sumagot, "Kung sabihin ko sa iyo na oo, anong gagawin mo?" 'Subukan mo lang ako saktan, sasapakin talaga kita!' aniya sa isip. "Gano'n?" Yumuko pa ito at kinagat ang ibabang labi. Medyo nagulat sya nang kuhanin nito ang baso at gamot sa kanyang mga kamay. "Akala mo ba mapapasunod mo ako nang basta-basta?" Naglakad ito papunta sa balkonahe. Halos manlaki ang mga mata niya nang itapos nito ang tubig at ihagis ang gamot. "Ivo!" "It's gone. Paano na ang gagawin mo?" Huminga sya nang malalim. "Alam mo bang napakarami mong sinasayang? Yung pagkain, yung tubig... pati na gamot!? Hindi lahat kaya bumili ng mga sinasayang mo lang!" aniya. "So what?" Halatang wala talaga itong pakialam. "Ang sama ng ugali mo, Ivo!" aniya. Ramdam nya ang panginginig ng mga kamay dahil sa sobrang inis. "Para kang bata na ang tigas ng ulo mo! Akala mo ba para sa amin iyang gamot na iyan? Para sa iyo iyan!" Tumawa ito pero halatang peke. "At sino ba kasing nagsabi na kailangan ko ng gamot? Bakit kasi hindi na lang ninyo ako hayaan mag-isa! Ikaw, bakit ka ba nandito? Hindi naman kita kailangan pero nandito ka pa rin? Dahil ba sa pera? Dinoble ba ng mga magulang ko yung sweldo mo sa ospital na pinapasukan mo? Titriplehin ko kung pera lang kailangan mo!" sigaw nito. Para syang sinampal sa mga sinabi nito. Nag-init ang sulok ng mga mata nya. Yumuko sya. Ayaw nyang makita sya nitong nasasaktan sa mga sinasabi nito. "Ang sama mo," aniya. "Masama talaga ako, Euna. Masama akong tao!" Suminghot sya at kaagad nyang pinunasan ang luha. Tiningnan nya ang lalaki na nakatingin lang sa kanya. "Hindi ka na naawa sa magulang mo. Lahat naman ng mga makakabuti sa iyo, ginagawa nila para maging okay ka." "Wala silang alam. Wala kayong alam... wala kang alam sa pinagdaraanan ko kaya umalis ka na," anito saka tumalikod. "Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan ng awa mo." Hindi na nya mapigilan ang nararamdaman kaya mabilis syang lumabas ng kwarto. Nang maisara ang pinto, doon na bumuho ang mga luhang gusto kumawala sa mga mata nya. Hindi nya matanggap ang bagay na pinamukha ni Ivo na pera lang ang dahilan kung bakit nya tinanggap ang offer. Hindi nito alam na nandito sya para maging kaibigan nito kagaya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD