ALAS SAIS NA nang umaga nang magising si Euna. Naligo na sya at gumayak na papasok sa ospital. Nagsusuklay sya ng buhok nang lumabas ng kwarto. Wala ang mga magulang nya sa dirty kitchen. Luminga sya sa paligid.
Alas siyete y medya pa lamang nang umaga nang tingnan nya ang kanyang wrist watch. Napangiti sya nang makitang may nakahandang almusal na sa lamesa at kumuha at sumubo agad ng hotdog bago naupo at tinuloy ang pagsusuklay ng basang buhok.
"Nasaan kaya sina mama?" tanong nya saka naglakad papalabas ng dirty kitchen.
Nang nasa malaking sala na sya ng mansyon, noon lang sya nakarinig na tila may mga bagong dating sa mansyon dahil may dalawang sasakyan ang pumapasok ngayon sa malaking gate. Namataan nya ang kanyang mga magulang nakapwesto sa entrada ng masyon. Hindi sya lumapit muna at sinilip kung sino ang mga bagong dating.
Tumigil ang isang itim na Jazz sa tapat ng mga magulang nya. Kunot ang noo nyang kinilala ang mga bagong dating.
"Shiela," ani mama nya saka masayang niyakap ang ginang.
"Floor... Kumusta na?" ani Shiela na syang gumanti naman ng yakap. Kumawala ito at tiningnan naman ang papa Agustin ni Euna. "Agustin."
"Welcome home sa inyo," bati ng papa nya. Nang lingunin nito ang ama ni Ivo ay nakipagkamay ito. "Jose."
"Salamat," matamis ang ngiti sa labi ni Ma'am Shiela.
"Kumusta kayo rito, Agustin? Pasensya na kayo masyadong maaga ang naging pag-uwi namin." Tinapik nito ang balikat ng papa nya na nginitian naman ng huli.
"Ayos naman kami dito. Walang problema roon. Kumusta ang byahe ninyo?"
"Nasaan nga pala si Ivo?" tanong bigla ng kanyang mama.
Hindi sigurado si Euna sa nakita pero tila biglang nawala ang ngiti ng mga ito. Parang napalitan iyon ng lungkot at nagkatinginan.
Noon naman bumukas ang isa pang sasakyan. Bumaba ang isang lalaki na matangkad, moreno at gwapo. Kumunot ang noo ni Euna. Hind ito si Ivo. Natitiyak nya iyon.
Maya-maya pa ay may inalalayan itong bumaba. At doon, napatakip na lamang ng bibig nya si Euna. Hindi sya makapaniwala sa nakikita. Dahan-dahan syang humakbang palapit sa mga magulang nya pero na kay Ivo ang paningin.
"I-Ivo..." mahina lamang ang tawag nyang iyon sa pangalan ng binata pero tila narinig nito iyon. Lumingon iyon sa gawi nya.
"Who are you?"
Hindi nakasagot si Euna. Nakatitig lamang sya sa mukha ng dating kaibigan. Tinititigan nya ang dating gwapong mukha nito na ngayon ay may malaking pilat sa mukha. Sa kanang bahagi ng mukha nito, may malaking peklat iyon na naglandas pababa at nadaanan ang kilay, talukap, kanang mata hanggang sa kanang pisngi nito. Malaki iyon at talagang halata.
Ang mas kinatakot ni Euna ay ang kanang mata nito na tila walang buhay. Ang dati nitong normal na kulay brown na mata ay ngayon ay puti na.
"I'm asking you! Who the hell are you!?" sigaw ni Ivo nang makitang nakatitig sya. Mahigpit ang hawak dito ngayon ng lalaking unang lumabas kanina ng sasakyan.
Napaatras sya nang sigawan sya nito. Nanlalaki ang mga mata nya nang mag-iwas dito ng tingin. Napalingon sya sa mga magulang nito nang awatin nito ito.
"Ivo, stop it!"
"Then she should've not stared at me like that!" sigaw na naman nito. "Armando, let's go to my f*****g room!" malamig pa sa yelo ang boses nito kaya halos kilabutan sya.
"I'm not your nurse, Ivo!" angal nung lalaking gwapo.
Matalim na tiningnan nito yung Armando saka bumalik sa kanya. Muling napaatras si Euna.
"Then go back to United States. f**k you!" ani Ivo saka nagmamadaling pumasok sa mansyon.
Napasinghap sya at napahawak sa dibdib dahil sa labis na takot kanina. Nararamdaman nya ang init sa sulok ng mga mata nya. Ngayon lang sya nasigawan nang ganoon sa tanang buhay nya.
"I-I am so sorry," ani Ma'am Shiela.
Hinaplos ni Sir Jose ang likod ng asawa. "We're very sorry about what happened, lalo na sa iyo, hija."
Nilingon nya ito. Hindi pa rin sya makapaniwala. Hindi sya makapagsalita.
"B-bakit ganoon si...si Ivo?" tanong ng mama nya halatang nagulat din.
"Ayos lang ba si Ivo, Jose? B-bakit ganoon...bakit ganoon na ang batang iyon?"
Nagkatinginan lang ang mag-asawa saka nag-iwas ng tingin sa mga ito.
Wala sa sariling nagsalita sya. "Anong...anong nangyari po sa m-mukha nya?" mahina nyang tanong. Ayaw nya sana magtanong pero talagang grabe ang pagtataka nya.
"Anak, ang mabuti pa, hayaan na muna natin makapagpahinga ang Ma'am Shiela at Sir Jose mo. May pasok ka pa, `di ba?" wika ng papa nya saka tinapik ang braso nya.
"Ah, s-sige po."
SA MAGHAPON na nagdaan, okupado ang isip ni Euna kahit naka-duty sya sa ospital. Hindi kasi nya lubos maisip na ganoon kalaki ang pinagbago ni Ivo. Ang layo sa natural at dating ugali nito.
Nakaramdam sya ng awa para dito nang maalala ang mukha nito.
Aaminin nya na sobra syang nagulat nang makita ang mukha ni Ivo pero aaminin din nyang nandoon pa rin ang katotohanan na gwapo ito. Dagdag pa na may mga bigote at balbas ito at medyo mahaba ang buhok.
Hindi nya tipo ang mga lalaking mahaba ang buhok pero iba ang dati ni Ivo.
"Hoy! Tulala ka naman diyan!" ani Bea nang sikuhin sya nito.
"A-ano iyon? May sinasabi ka ba?"
"Ha? Wala! Ano ba kasing iniisip mo? Ayos ka lang, te?"
Huminga sya nang malalim. "Umuwi na kasi sina Ivo."
Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga? Ano? Gwapo pa rin ba iyang sinasabi mong dati mong bestfriend?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Bea.
"Oo naman kaso may peklat syang malaki sa right side ng face nya—"
"What? E, pangit na sya?"
"Hindi. Gwapo pa rin sya no!" aniya saka inirapan ito. "Well, siguro for you, baka hindi kasi—"
"Oy! Hindi ako mapanlait na tao, no?" ani Bea.
Natawa na lang sya rito. Mayamaya pa ay sumeryoso na lang sya habang napaisip.
"Naaawa ako sa kanya. Ang sakit siguro ng nangyari sa kanya," wika nya.
"Malamang!"
"Ano kaya naiisip ng ex nya ngayon? Masaya kaya sya? I mean, nakokonsensya kaya sya?"
Naramdaman nya ang pagtapik ng kaibigan sa kanyang balikat. "Euna, huwag mo na isipin iyong babae na naging dahilan kung bakit nagkaganyan yung friend mo. For sure wala yung konsensya."
Hindi na lang sya nagsalita ulit. Mas lalo sya nakaramdam ng awa para sa dating matalik na kaibigan.