CHAPTER 2

969 Words
HUMIHIKAB SI Euna habang tinitingnan ang ilang records ng mga pasyente nila. Lahat ng mga dapat ayusin ay inaayos na niya bago siya umuwi maya-maya lamang. Sinulyapan nya ang relo sa bisig upang tingnan ang oras. Mag-alas siyete y media na pala. Tumayo sya upang ayusin ang ilang mga kalat sa station nila saka tumayo. “Bea, sabay na tayo umuwi,” aniya sa bestfriend nya na may hawak na tray. Kadarating lamang nito galling sa ward. “Sige. Tanungin mo nga rin si Timothy dahil parang sabi niya kanina, sasabay din daw sya sa atin.” “Okay,” aniya saka pumunta sa kabilang side ng kwarto at nilapitan si Timothy na syang abala sa pagtatype sa harapan ng computer. “Sabay k aba?” tanong nya rito. “Ah, oo. Pero ayos lang ba kung tapusin ko lang ito sandali?” Tiningnan nya ang ginagwa niuto nsaka sya umiling. “Grabe! Akala ko si Mia ang tatapos nito?” “E, wala. Hindi naman pumasok ang babaeng iyon. Hindi nya alam ang dami nyang napupwerwisyo dito.” “Hayaan mo na nga. Hintayin ka na lang naming. Mag-aayos lang ak0 sa station ko,” aniya saka bumalik sa kaninang pwesto at inayos na ang mga sariling gamit. Nilingon nya muli si Timothy na noon ay nakahawak na sa batok at hatala ng pagod. Ang inaayos kasi nito ay ang mga ilang records ng mga batang na food poison. Kay Mia iyon talaga nakalaan kaso nagkasakit at hindi pumapasok ng ilang mga araw. Mabuti na lamang at mahaba ang pasensya nitong si Timothy. Sina Timothy at Mia ang talagang matatalik niyang mga kaibigan buhat nang umalis si Ivo. Mga kasama nya ito mula noong nag-aaral pa lamang sila hanggang makapaghanap ng tranaho. “KUMUSTA PALA iyong sinasabi mong dati mong kababata na naaksidente?” tanong ni Bea habang kumakain sila ng mga street food sa kanto malapit sa pinapasukan nilang ospital. Nilunok muna niya ang kinakain na fishball bago nagsalita, “Wala akong balita pero iyon na nga raw, uuwi na nga raw sina Ivo,” aniya saka uminom ng palamig. “Paanong aksidente ba ang nangyari?” tanong ni Timothy na isaw naman ang kinakain. “Sabi nila mama, nabangga raw iyong sasakyan, e pero alam ninyo, parang may mali, e!” “Anong mali?” “Sa pagkakaalam ko kasi magaling mag-drive iyon dahil friend kami noon sa f*******:, e! Car racer ang hobby noon sa United States,” aniya saka sumubo ng kinakain. “Porque car racer bawal na maaksidente? Hindi ba at prone nga iyon sa aksidente?” ani Timothy. “Saka kung naging padalus-dalos sya sa pagmamaneho, talagang maaaksidente sya.” “Tama!” sang-ayon ni Bea. “Grabe naman kayo. Ang ibig kong sabihin, hindi ba dapat alam niya ang mga dapat gawin kapag magmamaneho kasi nga bihasa ka na roon, e!” “Euna, isa lang ang alam ng mga Car racer na gaya ng kababata mo, ang manalo sa race car at paano sila mananalo? Kapag mabilis sila magmaneho,” ani Timothy ulit. “Hindi gano’n iyon, `no?!” Ayaw nya maniwala sa paniniwala ng mga kaibigan niya. Para kasing napakaimposible talaga ng nangyari kay Ivo. Parang may mali. “ANAK, ANONG oras ka ba uuwi bukas?” tanong ng kanyang ina na habang kumakain sila ng hapunan. “Ganoong pa rin, ma,” aniya. Kadalasang oras ng uwi nya ay bago mag-alas nueve. Tiningnan nya ang mag-asawa na tinuloy na lang ang pagkain. “Bakit po?” Binitiwan ng ama nya ang hawak na kubyertos saka sya tiningnan. “Napaaga kasi ang uwi nina Ma'am Shiela mo.” “Actually, nasa flight na sila ng mga oras na ito. Madaling araw yata ang lapag ng eroplano dito sa Pinas.” Mama naman nya ang nagtuloy. Nilunok nya ang kinakain saka mabilis na uminom ng tubig. “You mean, pauwi na po sina Ivo? Dito? As in dito?” gulat na gulat nyang tanong. Hindi nya kasi inaasahan na mas mapapaaga ang pag-uwi ng mga ito. “Oo, anak at syempre, gusto kong kapag nandito na sila, ipapakilala kita,” ani mama nya. Ngumiti sya, “Ma, kilala naman ako ni Ma’am Shiela,” wika nya. “Oo nga pero iba pa rin iyong ipapakilala kita ngayon bilang isang nurse na.” Halata sa mukha ng magulang nya na sobrang proud ang mga ito dahil sa mga natamo nya ngayong tapos na sya sa pag-aaral. “Sus! Hindi na yata kailangan iyon dahil alam naman nila na isa na akong nurse at syempre, sa tulong nila iyon. Friends ko rin sila sa f*******:, ma. Kilala na nila ako.” Nagulat si Euna na taipkin ng kanyang ama ang kamay nya. “Euna, dapat magpasalamat pa rin tayo sa kanila ng personal. Ikaw talaga!” ani ama nya. Natawa na lamang sya saka nag-isip. “Hindi ko po alam kung maaga ako makakauwi pero susubukan ko magpaalam. Hindi ako nangangako,” aniya saka kumindat sa mga ito. Nang gabing iyon, kahit pagod sa trabaho sa ospital, hindi nya nagwang matulog nang maaga dahil may kakaiba syang nararamdaman. Gusto nyang matulog pero ang puso nya amy tila nasasabik na hindi nya malaman. Hindi nya alam kung paano kakaharapin ang dating kaibigan na si Ivo. Napakabait nito noong ito palagi ang nagtuturo sa kanya ng mga ilang aralin nya. Kapag may free time din ito, sinasamahan sya nito mamasyal kapag gusto nya magpahangin o kung gusto nya maglakad-lakad. Sana ay ganoon pa rin ito para naman hindi sya mahirapan na makipagkaibigan ulit dito. Hindi naman kasi sila masyado nagpapansinan nito sa social media dahil nga baka hindi na sya nito natatandaan. Panay lang sya react sa mga post nito at dahil nga gwapo ito, mara itong mgma reactors at alam nyang baka hindi sya nito napapansin. Pero kahit ganoon pa man, hindi nawawala ang pag-asa nya na baka matandaan sya nito. Napangiti na lamang sya nang maalala ang tawag nito sa kanya noon. Ito lamang ang bukod tanging tumatawag nito sa kanya ng salitang iyon. “Bubble,” aniya saka niyakap ang unan. Napangiti sya dahil ang tawag na Bubble nito sa kanya ay nagmula noong maglaro sila ng mga ilang bubbles habang nagcacarwash sila ng sasakyan ng ama nito. “Sana maalala mo pa ako saka sana ganoon ka pa rin, Ivo,” aniya bago pumikit saka sinubukan na matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD