CHAPTER 4

2090 Words
MAGANANG KUMAKAIN ang mag-anak ng mga Santiago nang umagang iyon. Day-off ni Euna kaya naman naisip nyang mas maganda kung magiging produktibong araw iyon para sa kanya. Una nyang naisip na gawin ay ang paglilinis ng kanyang kwarto. Natanaw nya kasi na marami ng mga gamit ang hindi na nya kailangan kaya naman pipiliin na nya ang mga iyon at aayusin na rin ang buong silid. "Anak, gusto ka nga pala makausap ni Ma'am Shiela mo. P'wede ka ba mamaya?" tanong ng kanyang mama na tumingin pa muna sa esposo saka binalik sa kanya ang atensyon. Saglit syang natigilan at buong pagtataka na sinalubong ang tingin ng mga magulang. "S-sige po pero tungkol saan naman ang pag-uusapan namin?" "Ah, wala kaming ideya, anak," wika ng kanyany ama na humigop pa ng salabat tea. "Masarap ang tsaa na ito, ha?" Nasa asawa ang paningin. "Oo, galing iyan sa States. Masarap no?" "Kaya nga." Nag-usap ang kanyang magulang habang sya ay pinagpatuloy ang pagkain. Nag-iisip na sya kung ano pa ang maaari nyang gawin sa araw na ito. Natapos silang kumain at sya ang naghuhugas nang lumapit ang kanyang ina. Nakatingin lamang ito sa gawi nya kaya naman napangiti sya. "Ma, naiilang ako. May sasabihin po ba kayo?" Halata kasi sa mukha nito na parang may gustong sabihin pero hindi maituloy-tuloy. Tiningnan nya ito na tila nanunukat. Hinugasan nya ang mga kamay saka pinatuyo iyon sa pamamagitan ng tuwalya saka hinala ang ina sa kamay at gumawi sa mga bakanteng sila. "I can feel na may gusto kang sabihin, ma. Ano ba iyon?" Huminga nang malalim ang ina nya. "Pasensya ka na, anak. Ayoko sana makialam dahil nahihiya ako kina Shiela. Ayaw kong sabihin nilang pinangungunahan namin ng papa mo ang mga sasabihin nila." Kunot-noo nyang tiningnan ang ina. "Ang alin? Ano bang mayroon?" Sandaling nanahimik ang kanyang mama na tila nag-iisip. Hinawakan nito ang magkabilaang mga kamay nya saka bahagyang pinisil iyon. "Alam ko kasi na pangarap mo talaga maging nurse at natutuwa ako dahil naabot mo ang pangarap mo. Ngayon, nurse ka na at masaya ka sa trabaho mo." "Ma..." "Kasi, Euna... hihingi ng pabor sina Shiela sa iyo." "Pabor? Kagaya po ng ano?" "Kung sakali ba, anak, pagbibigyan mo sila?" "Hindi ko po alam kasi wala po akong ideya kung anong pabor ang hihingiin nila sa akin. Ano po bang pabor iyon?" tanong nya. Napupuno na ng tanong ang isip nya. "Nakakahiya kasi kung tatanggihan mo sila, anak. Alam mo naman na sila ang tumulong sa amin ng papa mo—" "Wait, ma. Alam ko naman po na malaki ang naitulong nila sa atin, lalo na sa akin pero ano po ba kasing ideya? May alam po ba kayo?" Tumango ang mama nya. "Ang sabi kasi kahapon ni Shiela, ikaw na lang ang kukuhaning personal nurse ni Ivo." "Po? Ako? Bakit po ako?" Bakas sa mukha nya ang pagtataka. Hindi naman sa ayaw nyang maging personal nurse, .ay trabaho kasi sya at ayaw naman nyang iwanan iyon nang basta-basta. "Alam kasi nila magkaibigan kayo ni Ivo noon." "Ma, noon pa iyon. Iba na syempre ngayon. Nakita mo naman, di ba nung dumating sila, galit pa yata sa akin!" aniya saka natatawang umiiling. "Hindi po ako pwede," aniya. "Anak..." "Ma, alam ko na malaki ang utang na loob natin kina Ma'am Shiela pero parang ang laki rin kasi ng magiging responsibilidad ko kay Ivo. Lalo ngayon na ang sungit-sungit nya." "Huwag ka maingay, baka marinig ka!" bulong ng ina nya. Lumapit sya sa mama nya saka bumulong dito, "Parang galit sa mundo ang lalaking iyon. I don't think kilala pa ako noon bilang childhood friend nya." "Kilala ka no'n, anak!" "Hay... si mama naman. Bahala na nga. Mamaya, kakausapin ko na lang sina Ma'am Shiela nang maayos. Ipapaliwanag ko na hindi ko basta-bastang iwanan iyong trabaho ko." Tumayo sya at bumalik sa harapan ng lababo. "Ikaw bahala, Euna pero sana pag-isipan mo, ha? Nakakahiya kasi sa mag-asawang Diaz." "Don't worry, ma. Mabait sina Ma'am Shiela. Alam kong maiintindihan nila." Muli nyang hinarap ang ginagawa at hindi na pinansin ang ina. PAWISAN AT MAGULO ang pagkakapusod ng buhok ni Euna nang buhatin nya ang ilang mga plastic ng basura. Nakuha nya ang mga iyon nang maglinis sya sa kwarto. Hindi pa sya tapos dahil halos pasimula pa lamang sya. Nilabas nya sa kalsada ang mga basura saka pumasok sa loob. Nang makabig ang lock ng gate, hindi sinasadyang napatingala sya at napunta ang kanyang atensyon sa gawing silid ni Ivo sa pangalawang palapag. Nakita nyang nakatayo sa mini veranda ang lalaki. Kahit nasisinagan sya ng araw, hindi nya alintana iyon dahil nakuha ni Ivo ang buo nyang atensyon. Maganda ang hubog ng katawan nito. Mukhang alaga iyon sa pag-gigym. Plain white shirt ang suot nito kaya naman bakat na bakat ang dibdib pati na rin ang abs. Napunta sa mukha nito ang tingin nya. Mukhang malaki ang pinsalang natamo nito sa aksidente. Hindi maitatanggi iyon dahil nagawa ngang mawalan ng paningin ng kanang mata nito. Nakaramdam sya ng awa para dito. Biglang humangin kaya naman ang mga hibla ng buhok nyang nakalaglag sa tapat ng mukha at kaagad nyang hinawi. Nang lingunin nya ang binata sa taas, halos kumabog nang malakas nag kanyang dibdib dahil nakatingin iyon sa gawi nya. Bigla syang napayuko at inayos kaagad ang sarili. Nang bumalik ang tingin nya rito, noon sya nakaramdam ng hiya lalo na nang tingnan sya nito sa malamig na paraan. Halos marinig nya ang t***k ng puso nya lalo na nang magkasalubong ang tingin nila. Ngunit kahit na sobrang kinakabahan sya, hindi nya magawang bumitiw sa pagkakatitig dito. "Euna!" Noon lamang nya naalis ang tingin nang marinig ang tinig ng kanyang ina mula sa loob ng masyon. "Po?" "Halika nga rito! Ang init-init diyan sa labas, nagpapa-araw ka!" sigaw nito sa kanya. "O-opo!" Muli syang tumingin sa gawi ng kwarto ni Ivo pero wala na ito roon. Nakahinga naman sya nang maluwag. Nahihiya sya dahil baka nakita nitong nakatitig sya dito kanina pa. Lihim syang nanalangin na sana ya lamunin na sya ng l,upa. Nakakahiya nang sobra. "Anak, nakita ko nga pala itong box mo noong bata ka pa roon sa kwarto namin ng papa mo. Siguro ay nasama noong naglinis kami at akala ng papa mo ay sa amin," aniya ng ina nya habang hawak ang malaking box na kulay ube. Kinuha niya iyon dito saka tiningnan. "Sa akin ito, ma?" tanong pa niya. Hindi nya kasi maalala na mayroon syang box na ganito. "Oo. TIningnan namin ang mga laman at halata namang iyo." "Okay, ma. Thank you! I-check ko po sa kwarto." Dali-dali syang nagtungo sa loob ng kanyang silid saka naupo sa kama. Nilagay niya roon iyon saka binuklat at tinignan kung ano ang laman. Napanganga sya nang makita ang ilang mga gamit niya noong sya ay bata pa. Mga panahong sya ay nasa sekondarya pa lang. Napangiti na lamang sya nang makita ang lumang keychain na may disenyo pang Hello Kitty. Galing pa kasi iyon sa dati nyang kaibigan na syang nasa Mindanao na ngayon. BInuklat pa nya isa-isa ang mga nasa loob ng kahon at ganoon na lang ang pagtataka niya nang makita ang plastic envelope na kulay pink. May nakasulat pa na 'Bubble' sa labas. Binuklat nya iyon. Natawa na lang siya nang makita ang lumang larawan nya habang naglalro sa hardin ng masyon na ito. Marahil ay nasa edad katorse sya noon. May kasama syang aso na abala naman sa paglalaro ng maliit na bola. Nang tingnan nya ang sumunod na larawan, nakita naman nya ang larawan ng isang binatilyo na nasa edad disi-saiz. "Si Ivo!" nakangiti sya nang inisa-isa pa ang iba pang larawan na nasa envelope. Ngayon nya naalala na galing ang mga iyon kay Ivo at binigay sa kanya bago ito umalis at mag-migrate sa America. Nahiga sya sa kama habang paulit-ulit na pinagmamasdan lahat. Ang bilis ng mga taon. Dati, masaya pa silang naglilibang sa hardin at sobrang close pa nilang dalawa. Samantalang ngayon, ang laki na ng pinag-iba. Tinabi nya ang mga gamit na iyon at inilagay sa ilalim ng kama. Inayos nya ang iba pang kalat na natitira kanina... "BUBBLE!" NILINGON ni Euna si Ivo na syang naglalaro ng basketball sa mini-court nito sa loob ng bakuran ng mansyon ng mga Diaz. "Bakit?" Abala sya sa paggawa ng assignment ng oras na iyon. "Luto na ba yung meryenda? Nagugutom na kasi ako," anito saka humawak sa tiyan. Nakasuot ito ng jersey na na kulay pula at dilaw ang lining. Pawis na pawis ito at bahagyang hinihingal pa. "Hindi ako sigurado, e! Kanina kasi ginagayat pa lang ni mama yung mga mais." Tumango ito. Dinampot nito muli ang bola saka naglaro. Natigil sa pagsusulat si Euna dahil pinagmasdan nya kung paano maglaro si Ivo. Magaling ito maglaro ng basketball pero ang alam niya, ni-decline nito ang alok dito na maging varsity player ng school na pinapasukan. Nagulat pa sya nang tumingin ito sa kanya saka ngumisi. Kumunot ang noo nya dahil sa ginawa nito. "Makatingin ka naman! Gwapo ko, no?" Imbis na sumagot, sinara nya ang notebook at librong nasa harapan at binitiwan ang ballpen na hawak. Tumingin sya rito. "Gwapo? Saan banda?" Tumawa ito saka naglakad palapit sa kanya. Tinuro nito ang sarili. "Heto. Heto sa harapan mo, Euna." Ngumiti sya saka umiling. "Gwapo na ba iyan? Parang hindi naman!" "Ano? Anong ibig mong sabihin?" Halata sa mukha na sumasama ang loob nito. Tumawa sya. "Tingnan mo itsura mo." Tinuro pa ang mukha nya. "Feeling gwapo ka talaga, Primitivo!" "Ano!?" Padabog nitong hinila ang bakantang silya sa tapat nya saka naupo roon. Maya-maya pa ay nakanguso na itong nakahalukipkip. "Kapag ikaw, na-inlove sa akin kakaganyan mo, naku!" Sinamaan nya ito ng tingin. "Kapal mo, Primitivo! Hindi mangyayari iyon!" "At bakit naman? Gwapo naman ako!" "Hindi kita type, no!" aniya. Tuwang-tuwa sya kapag naaasar ang mukha nito. Humahaba ang nguso at tila batang nagmamaktol. "E, sino ba kasi ang type mo? Saka anong malay mo? Ang bata mo pa kaya para sa mga type-type na ganyan!" Ngumiti sya rito. "Bata nga ako pero alam ko na kung anong gusto ko!" Sumandal ito sa silya saka lumingon sa court. Hindi na mainit dahil mag-alas singko na ng hapon. "Ano ba kasi ang type mo?" "Secret!" Lumingon ito sa kanya. "Anong secret!?" "Secret as in hindi ko sasabihin sa iyo kaya wala kang malalaman!" Binelatan pa nya ito. "Bubble, ah! Baka mamaya may manliligaw ka na sa school, ah! Umayos ka!" Tumawa sya. "Parang may magkakagusto naman sa akin, di ba?" "What do you mean?" Tiningnan sya nito. "I mean, look at me. Hindi ako maganda—" "Maganda ka naman, ah?" Hindi sya nakasagot. Lumingon sya rito. Nagsalubong ang mga tingin nila kaya naman may munting kaba syang naramdaman. Nanlaki ang mga mata nya nang kumindat ito sa kanya. "S-siraulo ka!" Bigla nya itong pinalo sa braso. Hinawakan ni Ivo ang natamaang parte ng katawan nya saka tumingin sa kanya. "Bakit ka ba nananakit? Nagsasabi ako ng totoo!" "Ewan ko sa iyo. Basta. Hindi mo malalaman kung anong type ko sa isang lalaki. Saka bata pa ako para diyan." Muli nyang binuklat ang mga libro at notebook na nasa harapan saka nagsimulang magsulat. Ramdam nya ang tingin ni Ivo sa kanya pero binaliwala nya iyon. Kahit hindi nya aminin at sabihin dito, alam nya mismo sa sarili nya malaki ang pagkagusto nya sa binata pero may pangarap sya. Gusto nya munang magtapos at wala syang panahon pa para sa mga bagay tungkol sa pagmamahal iyan. At sa nakikita nyang estado nila ni Ivo, imposible na magkatotoo kung ano man ang isa sa mga pangarap nya. Aaminin nya na malaki ang pagkagusto niya sa kaibigan pero alam din nya ang mga limitasyon. Sabay pa silang dalawa na napalingon nang lumapit ang mama niya sa pwesto nilang dalawa habang may dala itong tray. May dalawang mangkok na naglalaman ng ginataang mais na kapwa nila paborito. "Wow! Favorite!" "Mukhang masarap, Ma!" Halos sabay nilang wika ni Ivo kaya nagtawanan sila pagkaraan. Kahit ang ina nya ay natawa rin dahil sa kanilang dalawa. "Sige na, kumain na kayong dalawa. Pagkatapos ay pumasok na kayo sa loob at malamok na rito." Maingat nitong nilagay sa tapat nila ni Ivo ang mga mangkok. Magkasabay nilang kanain ang paboritong meryenda kasabay ng tawanan ng hapong iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD