FIVE

2349 Words
"GOOD MORNING, Teofelo."masayang bati ko. Good mood ako ngayon, kasi sa bahay namin siya natulog. Well kagabi dapat doon siya matutulog kila Tita Mercy pero ayaw kasing magshare ng kwarto ng kapatid ni Tin-tin. Kaya nagprisinta na si Kuya na tabi na lang daw sila. "Isang mapagpalang umaga sayo Binibining Divine."bati niya sakin. Iyong ngiti ko na abot hanggang tenga naging ngiwi. I always forgot that this man came from the old era. "Magandang umaga din"bati ko na lang sa kanya. Napansin ko nagkakape na siya mukha maaga siyang nagising at nasabayan niya si Daddy sa pagkakape. Si Daddy lang kasi ang nagkakape sa buong pamilya namin. "Kamusta ang tulog mo?"I ask when I sat beside him. Ngumiti siya, ngayon ko lang napansin nakaligo na siya at maayos na talaga ang itsura niya. Though kay kuya pa din ang suot niyang damit, bagay naman niya. "Mabuti naman, dangan lamang hindi mawaksi sa aking isipan ang aking kalagayan. Nasa aking balintataw ang aking mga magulang at mga kapatid."tungon niya. Napakurap-kurap ako habang nakikinig sa kanya. I think I need to learned tagalog words more, specially those tagalog words na super lalalim ng pagkakasabi. "What's balintataw means?"tanong ko sa kanya. Maging siya ay napamata na din sakin. Di niya ako naintindiha , kaya ngumiti na lang ako sa kanya. "Hayaan mo na, kumain ka na ba?"pag-iiba ko ng usapan. Umiling lang siya bilang sagot. Pero humawak siya sa kaniyang tyan. "Magpasa hanggang ngayo'y naririto pa ang bigat ng aking kinain mula pa sa hapunan sa lumipas na gabi"sabi niya. Oh God help me, Filipino ako pero di ko maintindihan ang iba niyang sinabi. Tagalog naman lahat ng sinabi niya, pero hindi ko madigest ang ibang word. Mali talaga na hindi ko pinahalagahan na mag-aral ng salitang tagalog when I was in America. Nakakaintindi naman ako at nakakapagsalita ng Tagalog but when it comes to Teofelo feeling ko ang bobo ko talaga. "Busog pa daw siya."ani Kuya. Hindi ko siya napansin na nasa tabi ko na pala siya at may dalang sandwich. Dalawa ang dala niya at ibinigay niya sakin ang isa. Kasunod naman niya si Mommy na may dalang cereals at gatas. "Paanong hindi siya mabubusog, ang lakas niyang kumain kagabi. Kala mo nga ilang taong hindi kumain eh!"biro ni mommy. Nagpipigil naman kaming hindi matawa ni Kuya sa biro ni mommy. Kasi totoo naman ang biro ni mommy. Sa totoo lang ang lakas ngang kumain ni Teofelo kagabi. Nagustuhan niya ang afretada ni Tita Mercy,  kilawin ni Tito Bert at adobo ni mommy. Nagpasya kasi kaming lahat na sabay-sabay kumain kagabi kaya nagshare na lang ng ulam sa lahat. Ang pinakamaraming nakain, si Teofelo sa aming lahat. Noong una, ayaw niya pang kumain kasi feeling daw niya di niya alam iyong kinakain niya. But later on ng makatikim siya sunod sunod na ang pagsubo niya. Like noon nasa sementeryo kami at binaunan namin siya. "Malakas lang kakain itong bagong buddy ko, mommy!"sabi ni Kuya na may tapik pa sa balikat ni Teofelo. "Ilang taon ka na Teofelo?"tanong ni mommy ng makaupo na siya sa tabi ko. Kahit na sinabi ni Teofelo na busog pa ito binigyan pa din siya ni Mommy ng cereals na may gatas. Siguro inaalam niya kung ano ang pagkain na iyon. Nahihiya lang magtanong samin kung ano ang kinakain ni mommy. "Labing walo po."sagot niya na nakatitig sa pagkain na nasa harapan niya. "Bata ka pa pala mas matanda pa sayo itong mga anak ko. Pati si Tin-tin mas matanda sayo"ani mommy. Well mommy, if you only know mas matanda pa siya sayo. "Age doesn't matter mommy!"ani Kuya na nilalantakan na ang sandwich niya may cereal pa. "Good morning mga beautiful people like me!"bungad na bati ni Tin-tin kasunod niya ang kapatid niyang si Boyong na nakangisi. Napalingon naman agad ako kay Teofelo ng mabilis pa sa bullet train ng japan na tumayo siya. Natumba pa nga ang upuan niya ng tumayo siya. Kung kanina nakatitig siya sa pagkain ngayon naman kay Tin-tin na siya nakatitig. May kasama pang magandang ngiti. "Isang mapagpalang umaga sayo, aking sinisinta."bati nito kay Tin-tin. Napamaang naman ako, what is sinisinta means? Pero kahit di ko naintindihan I have this strange feeling that I don't like that sinisinta means. "Ay sus ginoo ka, kuya Pilo. Kinilig na naman niyan si Ate kong pangit."nakangising sita ni Boyong. "Magtigil ka Boyoyong baka samain ka sakin at isambulat ko sa buong madla na hanggang ngayon umiihi ka pa sa higaan mo."pagtataray ni Tin-tin sa kapatid nito. Nagtawanan lang naman silang lahat except for me na hindi ko na maintindihan ang lahat ng nangyayari sa paligid ko. Kahit pa panay ang irap ni Tin-tin kay Teofelo hindi mawala ang inis ko. Ang ganda na ng umaga ko tapos ganito naman ang mangyayari. Masama ko na lang kasing tinititigan si Tin-tin na patay malisya lang. Ni hindi nga niya ako pinapansin habang sila Mommy panay ang buyo nila kay Tin-tin at Teofelo. I feel like they are snatching something from me. "Wag ka ng sumimangot dyan. Isipin mo na lang ang usapan natin kahapon."bulong sakin ni Kuya. Napansin niya siguro ang pananahimik at pagsimangot ko. "But I don't like it, Kuya. I'm the one who found Teofelo. Not Tin-tin."ganting bulong ko. Malalim lang na bumuntong hininga lang ang narinig ko mula sa kanya. ......................... ''SO, MAYAMAN KAYO?''tanong ni Tin-tin kay Teofelo. "Kung iyong mamarapatin, Binibining Tin-tin, maaari ko bang malaman ang kahulugan ng iyong mga sinabi?"ganting tanong ni Teofelo dito. Nasa tabi lang kami ni kuya nakikinig sa kanilang dalawa. Nasa may ilalim kami ng puno ng manga dito sa bukid nila Tin-tin. Pagkatapos kasi naming kumain ng agahan nag-aya si Tin-tin na maglibot daw kami. Napakagala talaga ng babaeng ito. "Ang akin katanungan sayo ginoo, na ang iyong angkan ay may natatanging kayaman. haka-haka sa buong kanayunan ang inyong angkan bilang tagapangalaga ng buong nayong ito. samakatuwid kayo ang pinaka---"napapitik pitik pa si Tin-tin habang nag-iisip ng susunid na sasabihin niya. "Nababatid ko ang iyong nais iparating Binibini. Ngunit masasabi kong isa lamang kami sa iilang taong nanirahan sa nayon na ito. May payak na pamumuhaym sa kanayunang ito. Ang aking ama ay isa lamang na magsasaka. Gayon din ang inyong lingkod." Sobrang naamaze ako sa kanilang dalawa, nasasabayan kasi ni Tin-tin si Teofelo unlike me. Napakamakata nilang dalawa na mapapanganga ka na lang habang pinapakinggan mo sila. "Sumusuko lahat ng brain cells ko sayo, magandang magsanay at aralin mo ang lenguwaheng mayroon sa panahon ngayon. Makabubuti para sa'yo at sa mga taong makakasalamuha mo ang matutunan ang binabaybay na lenguwahe ngayon kaysa sa pagiging makata mo."reklamo yata ang mga sinabi ni Tin kasi sa tono ng pananalita niya. Kung reklamo man iyon mukhang naintindihan naman ni Teofelo ang gustong mangyari si Tin-Tin. Panay kasi ang tango ni Teofelo habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig kay Tin-Tin at nakikinig ng mabuti. "Tama na iyan, nakaka-nose bleed kayong dalawa"awat ni Kuya. "Ano na lang gagawin natin dito, nakakainip na ang tumanaw sa puno ng mangga?"reklamo ni Tin-tin. "Uwi na lang tayo, ang init-init na din."segunda naman ni Kuya. Kaya nagpasya na lang kaming umuwi na nga. Sa bahay nila Tin-Tin kami dumeretso. Ang alam kasi namin wala ang mga magulang namin ngayon. Lahat kami, actually may lajad ang mga oldies. Parang may mini reunion ang magkakapatid, hindi kami isinama. "Ate, laro tayo ulit."salubong ni Boyong samin. "Sige sandali, ang init buksan mo ang aircon. Wala naman si Mommy 'di naman na niya malalaman na nag-aircon tayo. Pipingutin kita kapag nagsumbong kang bayoyong ka."banta pa ni Tin-tin sa kapatid. Dali-dali namang sinunod ni Boyong ang ate niya. After a minute, lumamig na sa paligid namin. Napansin Kong palinga-linga so Teofelo sa paligid namin. I mean sa buong bahay nila Tin-tin, panay ang linga niya na parang may hinahanap siya. "Are you looking for something Teofelo?"agaw ko sa atensiyon niya. "Ang ibig Kong sabihin, may hinahanap ka?"bawi ko. Nakangiwi kasi itong nakatitig sakin. "Ako'y namamangha, sapagkat mula sa mainit na pakiramdama'y nakakaramdam na ako ng ginhawa at preskong pakiramdam." "Ang lamig na nararamdaman mo ay nanggagaling doon."tinuro ang aircon malapir saamin. "Ang tawag dyan ay aircon, iyan ang nagbibigay ng malamig na hangin."paliwanag pa nito. Tapos nagulat kaming lahat ng napatayo si Teofelo ng dahil sa gulat na may kasamang konting sigaw lang naman. Nakatutok na ang mga mata niya sa TV na kabubukas lang ni Boyong. "Papaanong nakapasok ang mga tao sa bagay na iyan?"gulat na tanong ni Teofelo habang tinititigan ang TV at habang tinuturo pa ito. Nilapitan ito ni Teofelo at pinakatitigan. Napasinghap kaming lahat ng hawakan ni Teofelo ang TV, tapos tinignan ang likuran na parang naghahanap ng pintuan. "Saan sila nagsipasok? Papaanong—" Napatalon siya ng makitang inilipat ni Boyong ang channel at ngayon ay nasa national geographic channel na. Kung saan may malaking Leon ang mabilis na tumatakbo. "Teofelo!"gulat Kong sigaw ng napaupo si Teofelo sa gulat ng akala siguro at dadambahin ito ng Leon. Malakas na tawanan naman ang narinig ko kila Kuya, Tin-tin at Boyong. "Ate, saan mo bang bundok napulot si kuya Pilo. Parang ngayong lang nakalabas sa kuweba."sabi pa ni Boyong. Nilapitan naman ni Tin-tin si Trofelo para tulungan na tumayo. Bakit hindi ko naisip na tulungan kanina si Teofelo. Napasamangot na naman ako habang nakikita Kong magkalapit sila Teofelo at Tin-tin. "Naku kung alam mo lang boyoyong, mahihindik ka kung papaano kami nagkakilala ni Teo. Pero wag mo ng alamin pa at hindi mo kakayanin. Baka hindi na lang sa kama ka maiihi. Ikaw naman, wag kang masyadong pahalata na wala kang alam. Lalo pa at may kasama tayong ibang tao."baling nito kay Teofelo. "Ngunit, aking—" Napataas ang kilay ko ng pigilan ni Tin-tin ang pagsasalita ni Teofelo sa pamamagitan ng hintuturo niya. "TIN-TIN, iyan ang itawag mo sakin. Tuturuan ka namin kung papaano bumaybay ng mga salitang kalye at mga salitang napapanahon ngayon. Hindi mo kailangang talikdan ang wikang iyong kinamulutan. Ngunit sa panahon ngayon na iyong kinabibilangan, ang wikang iyong ginagamit ay maririnig mo lamang sa mga okasyon ng buwan ng wika." I feel so little, while Tin-tin saying those words to Teofelo. Halatang naintindihan naman ito ni Teofelo dahil tumatango ito habang nakikinig kay Tin-tin. Naagaw lang ang atensyon namin ng pumalakpak si Kuya. "I'm so proud of you Tin-tin. Taas kamay ko sayo, idol!"biro pa ni kuya. Ito namang si Tin-tin nag-vow na akala mo kakatapos lang ng isang performance. "Enough with it, let's just educate Teofelo."pag-iiba ko ng usapan. ............................. SINOLO KO SI TEOFELO, after na magsimula sila Tin-tin, Kuya at Boyong na maglaro ng PlayStation. Pero hindi naman kami lumayo dahil baka kailanganin ko din ng tulong nila Tin-tin. Sa may kusina kami nagpunta ni Teofelo. "Ang tawag dito Refrigerator."turo ko kay Teofelo. "Refrigerator."ulit ni Teofelo. "Yes, it's refrigerator."aniko at binuksan ito. Napanganga na naman si Teofelo habang nakatitig sa loob ng refrigerator. Ipinasok pa niya ang kamay niya nang hindi pa nasiyahan ipinasok niya din ang ulo niya doon. "Malamig sa pakiramdam. Hindi ba aircon ang nagbibigay ng lamig na pakiramdam?"baling niya sakin na nakapasok pa din ang halos kalahati na ng katawan niya sa loob ng ref. Nakakatawa siya, ang inosente niya talaga sa madaming bagay. "No, I mean hindi lang aircon ang nagbibigay ng lamig. Itong refrigerator dito nilalagay ang mga pagkain. Para hindi masira agad, or mga leftovers na pagkain."paliwanag ko. Nakatitig lang sakin si Teofelo, and I feel like I'm blushing. Ang gwapo talaga niya, and then the way he's staring at me it's like his looking at my soul too. "Binibining Divine, maari ko bang malaman kung ano ang le-let maari mo bang pakibanggit muli." Ay! Ano ba naman iyan, kinikilig na ako sa pagkakatitig niya sakin hindi naman pala niya ako naintindihan kaya pala nakatitig siya sakin. "Basta pagkain ang nasa loob ng refrigerator."sabi ko na lang sa kanya. Sunod hinila ko siya para ipakita ang gas stove. "Ito naman ang gas stove, dito niluluto ang mga pagkain."paliwanag ko. Dinemo ko pa nga sa kanya kung paano gamitin ang gas stove. Just like at the refrigerator mangha na napatitig si Teofelo sa gas stove. "Nakakamangha na makitang sa sandaling ito na maari ng gumamit ng apoy na hindi na gagamitan pa ng mga kahoy upang mapagluto."anito habang pinipihit ang switch ng stove. Paulit ulit niyang papatayin tapos sisindihan ang stove. Madami pa sana akong ituturo sa kanya kaso nag-ayang lumabas ang kuya ko para bumili ng makakain. Naiwan naman sila Tin-tin, gusto ko sanang isama si Teofelo pero pinili nitong magpaiwan.  "Ano sa tingin mo, Divine? May mahahanap pa kaya tayong kamag-anak ni Teofelo? I think we're looking for someone that doesn't exist."ani kuya ng nasa biyahe na kami papuntang bayan. "We shouldn't lose hope, kuya. I really want to help Teofelo. Can you convince mommy and daddy to make our vacation a little more longer." Naalala ko dalawang linggo lang ang bakasyon namin. Dahil iyon ay semesteral break lang naman kasi namin. Dapat sa December pa kami uuwi ng pilipinas para mas matagal kaming makakapagbakasyon pero naisip kasi ng daddy namin na sa Christmas break sa Paris daw kami pupunta. "Divine, you know we still have class to attend too. I can't help you with that, magagalit sila mommy kapag di tayo nakabalik sa US in time." Hindi naman kami nagtalo pa, at ayoko din namang makpagtalo aa kapatid ko. Hindi naman kasi ako mananalo kapag usaping pag-aaral na ang pagtatalunan namin. Sa pagbalik namin, nakita Kong magkatabi ng upuan sila Teofelo at Tin-tin na sobrang seryosong nag-uusap. "Baka bampira ka nga? Tulad ni Johnny Depp sa the dark shadow."narinig Kong sabi ni Tin-tin. Nagseselos ako sa sobrang lapit ng dalawa. In my childish mood and attitude I force myself into them and sat between the two to make them separated. "Ang luwang ng sofa, Divine."reklamo ni Tin-tin. I look at her with pouting lips and ahow her how pissed I was just seeing them that close. Inirapan lang ako ni Tin-tin, bago ito tumayo at pinuntahan si Kuya. Para siguro tumulong na mag-ayos ng kakainin namin. "Ano pinag-usapan niyo ni Tin-tin? Bakit ang lapit lapit niyo sa isa't isa?"baling ko kay Teofelo. Nahuli ko itong nakatingin kay Tin-tin na naglalagay na ng Plato sa lamesa di kalayuan sa kinauupuan namin. "Teofelo!"tawag ko sa kanya Medyo nalakasan ko ang boses ko ng tawagin ko siya. Biglang nakaramdam ako ng hiya ng lingunin niya ako. How childish you are Divine. Kastigo ko sa sarili ko. "Paumanhin Binibining Divine, hindi ko nais na ika'y makaramdam ng pagkaligalig. Tinuturuan lamang ako ni Binibinig Tin-tin ng mga bagay bagay tulad ng iyong ginagawa bago kayo lumisan ni Ginoong Dominic."paliwanag nito. Sasagot na sana ako ng tawagin na kami ni Kuya para kumain. Nahihiya ako, kaya buong duration ng pagkain namin hanggang sa magdatingan ang mga magulang namin hindi na ako kumibo pa. Kasi hiyang-hiya talaga ako. ....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD