Four

2552 Words
KASAMA NA naming umuwi si Teofelo. Wala naman siyang ibang place na paglalagian kaya isinama na namin siya. Mabagal lang ang paglalakad naming apat. Kasi nag-iisip pa kami kung ano ang ipapalusot namin sa mga magulang namin. "Sabihin ko na lang kila mommy boyfriend ko siya"suggestion ni Tin na ikinataas ng kilay ko. "What the hell Tin?"inis kong sita sa kanya. Maging siya tinaasan ako ng kilay. "Sige nga paano niyo siya ipapakilala sa mga magulang niyo? Like da, galing kaya kayong dalawang sa amerika. Sabihin niyong friend niyo siya, eh tatlong araw pa lang kayo dito, mag-uuwi na kayo ng friend niyo agad-agad"paliwanag niya. "May point si Tin-tin, Divine"sang-ayon naman ni Kuya. Nanghahaba ang nguso ko na inirapan silang dalawa. Bakit kailangan na boyfriend pa ni Tin-tin ang pakilala niya kay Teofelo. Pwede naman niyang ipakilala na kaibigan niya lang. Tutal iyon sa kanya na din nanggaling na siya taga dito at kami balik bayan lang. Bakit boyfriend pa? "Hoy, Teo ikaw basta oo ka lang mamaya. Wag ka na lang masyadong magsasalita. Kapag tinanong ka oo lang ang sagot mo. Naiintindihan mo ba ako?"bilin ni Tin-tin sa binata. "Pilo, Pilo ang tawag sa'akin ng akin mga magulang."ani Teofelo. Napangiwi naman si Tin-tin habang nakikinig dito. "Sus OMG ka, makalumang makaluma talaga ang dating mo. Porma, pananalita at pati ba naman palayaw mo makaluma pa din."nakangiwi pa din si Tin habang nagsasalita. "Tin-tin why don't you just let Teofelo say what's on his mind."saway ko sa kanya. Umingos lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Wala ng kumibo pa hanggang sa makarating kami sa bakuran namin. Agad na bumungad sila mommy at daddy para salubungin kami. Tapos napatingin silang lahat kay Teofelo. Nakacross finger ako na sana wala silang mahalata kay Teofelo. Na hindi sana nila mapansin na isa siyang de Asis na nanggaling pa sa makalumang panahon. O kahit hindi na lang mapansin na De Asis siya iyong makaluma na lang. Kasi naalala ko hindi nga pala alam ng mga magulang namin ang itsura ng mga De Asis. "Ah Tita Angie, Tito Domingo, boyfriend ko."pakilala ni Tin kay Teofelo. Napataas ang kilay ko ng makitang nakaabistre na ang pinsan ko sa braso ni Teofelo. Kanina lang para siyang diring-diri kay Teofelo tapos ngayon heto at ang lapit lapit nila. Ang siste pa ngiting-ngiti pa siya, siguro para di magduda sila mommy. "Bakit naman ang dumi ng kasama niyo?"tanong ni mommy. Nagkatinginan kaming apat. Si kuya nagpipigil ng tawa, kasi si Mommy di talaga mawawala ang pagiging taklesa niya. Pati na din ang pagiging neat freak niya kahit kailan. "Tita naman, nadukutan ang boyfriend ko sa manila. Tapos naglakad lang siya papunta dito. Masilayan lang ang kagandahan ko."sagot na biro ni Tin. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang mga rason niya out of this world. Malabong maniwala sila mommy sa sinabi niya. Baka mabuking kami nito at mapalayas si Teofelo ng wala sa oras ng dahil sa banat ni Tin-tin. Naku kung wala lang ang mga magulang namin dito baka nasabunutan ko na siya. Pahamak. Tumawa naman ng malakas si daddy sa biro ni Tin. "Ikaw talagang bata ka."sabi pa ni Daddy habang tumatawa. Nagsilabasan naman sila Tita Mercy, baka narinig ang malakas na tawa ni daddy. Nangunguna si Tita Mercy siguro natanawan ang anak nitong may katabing lalaki. "Mercy, nandito na ang mamanugangin mo."tumatawang turan ni daddy. Iyong mahinahon na paglalakad ni Tita Mercy biglang bumilis ang mga hakbang. Nilagpasan pa nga kami at deretso siya kila Tin-tin. Bumubuwelo pa si Tita Mercy habang papalapit ng papalapot kila Teofelo at Tin-tin. "Mirasol Miranda Villanueva!"tawag ni Tita Mercy sa totoong pangalan ni Tin. Lalong natawa sila Daddy ng bigla na lang nagtago sa likod ni Teofelo si Tin-tin. Para kasinv dragon si Tita Mercy ng sigawan niya si Tin-tin. "Aray ko po, ay sus! OMG to the highest level ka naman mommy."daing ni Tin-tin ng hilahin siya ni Tita at pinaghahampas sa braso at balikat. Natawa na nga din ako sa pinaggagawa ng mag-ina. Iba pa lang magalit si Tita Mercy, kawawa naman si Tin-tin. Pero iyong tawa ko nawala ng biglang yakapin ni Teofelo si Tin-tin. "Ako po ay humihingi ng kapatawaran sa hindi namin pagtatapat ng maaga sa inyo ginang. Ngunit hindi nararapat na inyong pagbuhatan ng kamay ang inyong supling."sabad na ni Teofelo. Natigilan ang lahat, si Tita Mercy nga parang nafreeze ang kamay na ipangpapalo pa sana kay Tin. Napanganga pa ito habang nakatitig kila Tin-tin at Teofelo na magkayakap. Si Tin-tin lang ang bumasag ng katahimikan ng bigla niya pinalo sa braso si Teofelo. "Ikaw naman Mahal, pati ba naman sa aking ina nadadala mo pa ang iyong pagiging makata."may rhyme ang pagsasalita niya Ayon tuloy nagtawanan na naman sila Daddy. May nakakatawa ba sa sinabi ni Tin-tin? Para sakin nakakainis ang narinig ko mula kaya Tin-tin. Lalo pa ng tawagin ni Tin-tin na mahal si Teofelo. "Pumasok na nga kayo sa loob. Doon mo na ituloy ang pambubugbog mo dyan sa anak mo Mercy. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Bukas head line na naman kayong mag-ina."si Tito Bert na ang nagsalita. Nakalapit na pala sila samin ng di namin napansin. Kompleto kasama pa ang mga anak-anak ng mga ito. Napasimangot ako, bakit ganon si Teofelo parang sineryoso ang sinabi ni Tin-tin. Kasi hanggang sa paglalakad todo ang alalay ni Teofelo kay Tin-Tin. Nakikita ko naman na nakairap si Tin-tin kaya Teofelo. Pero bakit ganoon naiinis pa din ako sobra. Nang nasa loob na kami ng bahay nila Tin-tin magkakatabi kaming tatlo nasa gitna namin si Teofelo. Sinadya ko talagang maupo sa tabi ni Teofelo. Kasi naman bakit parang lahat ng credit na kay Tin-tin. Sino ba ang naka-discover kay Teofelo hindi ba ako. "Kayo nga eh maghiwalay at ako'y naiimbyerna sa nakikita ko."inis na sita ni Tita Mercy. Nagkatinginan naman kaming tatlo bago tumayo si Tin-tin. Hahakbang na sana si Tin-tin palayo samin ng hawakan ni Teofelo ang isang kamay nito. "Ay sus! Miss mo na ako agad? Lilipat lang ako sa tabi ni mudrabels ko baka bigla niya tayong bugahan ng apoy. Ikaw din matutusta ka, ang puti-puti mo pa naman. Sayang ang gluta na nilaklak mo."tumatawang biro ni Tin bago kinalas ang kamay ni Teofelo dito. Pinipigilan ko lang na magtaas ng kilay. Pinipigilan ko lang ding magtaray. Pero kanina ko pa gustong sumabog sa inis ko. Bakit kasi napaka-feeling close na ni Tin-tin kay Teofelo? At ito namang si Teofelo nakadepende na kay Tin-tin. Kaya mas naiinis ako ngayon kasi kitang-kita ko lahat. Kanina lang takot na takot si Tin-tin kay Teofelo. Pero ngayon kung makaasta sila akala mo ilang dekada na silang magkakilala. Nakakabanas na, ako ang nakakita kay Teofelo. Ako ang nagpumilit na puntahan siya. Ako ang nakabuhay sa kanya. Wait, where the hell did I get that idea? Ako ang nakabuhay kay Teofelo? "At saan ka naman napulot ng anak ko lalaki?"mataray na tanong ni Tita Mercy. "O-oo?"alanganin sagot ni Teofelo. Napatampal naman kaming tatlo sa ulo ng sabay-sabay. Sinamaan ko ng tingin si Tin. Kasi naman kung ano-ano ang sinasabi niya kay Teofelo. Ayan tuloy parang mapapahamak pa kami talaga. Ang sama ng tingin ni Tita Mercy kay Tin-tin. Nakita ko pa ang pagkurot ni Tita sa singit ni Tin-tin. Buti nga sayo. Natigilan din ako sa sarili Kong iniisip. Bakit ang sama ko naman yata sa isiping iyon. "Palabiro kasi iyang si Mahal ko mommy. Mahal saan na nga tayo nagkakilala?"singit ni Tin na pasimpleng pinanlakihan ng mata si Teofelo. "Sa Himalayan ng mga yumao."sagot ni Teofelo. Wala naman kaming iniinom ni Kuya pero nasamid kaming parehas. Kinakabahan na napatingin kami sa mga oldies na kasama namin. "Ano kamo?"tanong ni Tita Mercy. Nilapitan naman ni Daddy ang kapatid niya at tinapik sa balikat. "Sinisindak mo naman kasi, natataranta tuloy. Tanungin mo naman muna ang pangalan ng manugang mo bago ka magtaray dyan,"ani Daddy. Tumatawa si daddy habang sinasabi iyon sa kapatid niya. "Si Mercy, hindi naman ganyan pinakita ni nanay noon kay Mario ng pinakilala mong nobyo mo siya."kantiyaw naman ni Tito Bert. Napatayo ng wala sa oras si Teofelo na gulat na gulat. "Binibining Tin-tin, nobya kita?"gulat na tanong ni Teofelo kay Tin-tin. Wala na nagulo na ang lahat. .................... PANAY iling ko, nagkakatinginan lang kami nila Tin-tin at Kuya. Pinalabas kasi kami ng bahay. Naiwanan namin si Teofelo sa loob at siya lang ang kinakausap ng mga magulang namin. "Dapat kasi na briefing muna si Teofelo bago natin inuwe,"ani Kuya. Palakad lakad siya habang patingin-tingin sa loob ng bahay. "Sus, ngayon mo pa naisip iyan kuya Nic. Sana kanina pa."reklamo ni Tin. Ito na naman ako, gusto ko siyang sabunutan. Siya kaya ang dahilan bakit nagkandaletse-letse ang lahat. Kung ano-ano ang tinuro niya kay Teofelo. "Dapat 'don kasi inayos mo ung sinabi mo kanina. Alam mo naman na 'di siya nakakaintindi ng ibang salita natin. Sana pinaliwanag mo ng mabuti ang lahat."paninisi ko naman. "Oy!, oy, ako pa nasisi niyo ngayon. Bahala na nga kayo dyan sa Teofelo na iyon. Bakit ba nadamay pa kasi ako."inis na sagot niya sakin bago tumayo at akmang papasok na sa loob. Pero naudlot ang pagpasok niya kasi siyang labas ng kapatid niya at tinatawag na daw kami sa loob. Nag-iirapan kaming dalawa sa tuwing magtatama ang paningin namin sa bawat isa. Siya pa may ganang magalit, alam naman niya ang sitwasyon ni Teofelo. How insensitive she are. Pagpasok namin tahimik silang lahat. I sat down besides Teofelo. Bahala na silang lahat na mag-isip ng kung ano. Basta sa tabi ako ni Teofelo uupo at wala akong pakialam kay Tin-tin. "Okay ka lang?"bulong ko sa kanya. Tinignan niya ako at pasimpleng ngumiti. How idiot of me, ano ba sa tagalog ang okay? Kainis, bakit ba kasi ang hirap ng communication naming dalawa. "Mommy, kasi---"tangkang paliwanag ni Tin-tin pag-upo na pag-upo pa lang nito. "Wag ka ng magsalita naiintindihan na namin ang lahat."awat ni Tita Mercy sa sasabihin pa sana ni Tin. Nanlaki ang mata naming lahat at napatingin sa mga magulang namin. "Alam niyo na po?"si kuya ang unang nagsalita. "Oo, mahirap sa umpisa na intindihin pero wala naman kaming magagawa nandyan na iyan."ani Tita Mercy. "Mommy, di ka natakot?"manghang tanong ni Tin-tin sa ina. "Natatakot, kaso kailangan kong tanggapin anak."malumanay na salita ni Tita. Para pa ngang may sympathy si Tita Mercy habang nakatitug kay Teofelo. Tapos titingin sa anak niya sabay haplos sa ulo ni Tin-tin. "So, are we all good now?"tanong ko naman. "We're all good anak. Nabigla lang siguro kami."ani mommy. Nakahinga naman kami ng maluwag. Mukhang napaliwanag naman pala ng maayos ni Teofelo ang lahat. Natakot lang kami agad akala kasi namin hindi matatanggap ng mga magulang namin si Teofelo. "Pilo, wala akong hinangad na hindi maganda para sa anak ko. Kaya iingatan mo siya, naku hahabulin kita ng itak kapag nakita kong umiyak iyan."biglang bumunghati ng iyak si Tita Mercy. Nagulat na naman kaming tatlo, nagkatingin at nagtatanong sa bawat tinginan namin. Ano bang nangyayari.? Akala ko ba alam na nila ang lahat? Na galing si Teofelo sa nakaraan. Na nabuhay siya ulit at galing siya sa hukay. Na siya ang anak na bunso ng mag-asawang De Asis. "Nabigyang linaw ko na ang tunay kong pakay para kay binibining Tin-tin. Na ako'y nagulantang lamang na malamang aking nobya na si Binibining Tin-tin. Maaaring sa aking pagkakagitla nawaglit sa akin isipan ang estado ng aming pagkakamabutihan."paliwanag ni Teofelo. And my brain is loading... What did he said? "Naku, Tin hindi ko alam na may pagkamakata pala ang mga tipo mong lalaki."biro naman ni Daddy. "Kuya Domingo, iyang si Tin-tin ko Filipino major iyan sa Education. At sumasali sa mga activity na may kinalaman sa mga buwan ng wika madalas ang anak ko. Palaging umuuwing may parangal."sabad naman ni Tita Mercy. She's sounded so proud to her daughter. Parang si daddy lang din samin ni kuya. Kahit isang star lang makuha namin noong mga bata kami super proud na si daddy para saming magkapatid. "Basta, nobyo nobya lang muna. Hindi pa pwede ang kiss kiss o higit pa sa kiss. Dapat makatapos ka muna ng pag-aaral Tin-tin."sermon na pangaral ni Tita Mercy dito. Alanganin na tumango naman si Tin-tin. Ako naman nanlulumo, now I get it what's Teofelo's trying to explain a while ago. Akala namin ang alam na nila Daddy ay kung saan talaga nanggaling si Teofelo. .................... "ANO NA ANG gagawin natin ngayon?" Nasa likod bahay kaming apat, dito kami dumeretso pagkatapos kaming kausapin ng mga magulang namin. "Sa ngayon, wala. Basta dito muna si Teofelo maglalagi. Wala naman kasi tayong kilala na De Asis bukod sa kaniya."sagot ni Kuya. Tinignan ko si Tin-tin na nakatingin kay Teofelo na nakakunot noo. "Wala ka bang nalalaman na malayong kaanak ninyo? Maaaring nakipanuluyan ang mga kaanak mo sa kanila. Maaari tayong magsimula sa pagtatanong sa mga kaanak mo."ani Tin-tin na ang kinakausap ay si Teofelo. It makes me jealous when Teofelo smiled at Tin-tin. A genuine smile that reach his own eyes. "Mayroon kaming kaanak sa kabilang nayon. Ngunit sa akin balintataw, mayroong namumuong hidwaan ang aking ama sa making tiyo." Ngayon naman tumingin sakin si Tin-tin na nakasimangot. "Dead end, ang tinutukoy niyang kabilang nayon ay iyong San Bartolome. Walang mga De Asis sa San Bartolome,"ani Tin-tin. "San Bartolome. Nakakaligaya na malamang naisakatuparan ng aking Tiyo ang kaniyang minimithi. Nang mga panahon na yaon, aking nadidinig na minimithi ng aking Tiyo na magkaroon ng sariling nayon. Na kaniyang papangalanang Bartolome."masaya ang pagkakasabi ni Teofelo parang proud naman ito sa naabot ng tiyo. Pero ang totoo niyan, wala akong masyadong na intindihan sa sinabi niya. Masyadong malalim ang Tagalog niya para sakin. "So, may point of entry na tayo. Pwede tayong magpunta ng San Bartolome para hanapin ang mga kamag-anak ni Teo. Doon ang start natin, pero ngayon matulog na muna tayo. Antok na antok na ako, ang daming nangyaring kababalaghan ngayong araw. Drain ang powers ko,"ani Tin-tin. Sabagay medyo malalim na din kasi ang gabi. Kahit ako pagod na din naglinis pa kasi kami ng museleo ni Teofelo kaya pagod din kami. "Saan matutulog si Teofelo?"tanong ni Kuya. Napaisip naman ako, hindi nga pala namin napag-usapan ang bagay na iyon. "Sa bahay, tutal alam nila mommy BF ko nga itong si Teo. Panindigan na natin na doon siya tutuloy sa bahay namin."sagot ni Tin-tin kay Kuya na hindi ko naman nagustuhan. "Tabi kayo?"nakataas ang isang kilay ko ng tanungin ko iyon. "Natural hindi, edi kinalbo ako ng mommy ko. Tabi sila ng kapatid ko,"ani Tin-Tin. Sabay-sabay na kaming nagsipasok sa kanya-kanya naming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD