"MAY SASAKYAN na ba ng panahon mo?"narinig kong tanong ni Tin-tin.
Well parang nasagot na ang tanong namin, nakatitig si Teofelo sa sasakyan namin. Namumutla.
Hindi niya ba napapansin ang mga sasakyan noong isang araw na galing kami sa musoleo niya. Naglakad lang kami galing sementeryo hanggang dito sa bahay naming.
“Ipagpaumanhin mo binibining Tin-Tin, totoo ngang nasilayan ko na ang ganitong uri ng sasakyan sa nakalipas na araw. Nguti ito ang unang pagkakataon na ako’y lululan sa…sa…”
Ganoon na lang ang pagtaas ng kilay ko ng hilahin na lang basta ni Tin-Tin si Teofelo.
“Huwag kang umakto d’yan na para kang kakainin ng buhay ng sasakyan.” Nirinig ko pang sabi ni Tin-tin.
Itinulak na lang basta ni Tin-tin si Teofelo papasok sa sasakyan. Samantalang nasa loob naman na ang kuya niya, nakaupo na ito sa driver seat. Gusto ko sana na sa likod sumakay pero nandoon na sila Tin-tin at Teofelo. Alangan namang gawin naming driver ang kapatid ko, kaya no choice ako kundi ang sa passenger seat naupo.
“Why do I have this feeling that you’re not happy sitting besides me?” Nagulat na lang ako ng magsalita si Kuya.
Nilingon ko sila Tin-Tin na parang may sariling mundo na sa likuran na hindi na kami pansin ng kapatid ko. Tapos nakasimangot na akong tumingin kay kuya na nakangisi naman sakin, ginulo nito ang buhok ko sabay kindat.
“Hayaan mo na sila, Teofelo needs to learned and only Tin-tin can do the teaching.” Ani kuya habang binubuhay ang makina.
“Mahabagin Poon!” narinig naming bulalas ni Teofelo ng magstart na ni kuya ang sasakyan.
Sabay kaming napalingon ni kuya sa dalawa, si Tin-tin tawa ng tawa habang si Teofelo naman nakayakap na halos kay Tin-tin. I don’t like what I’m seeing right now, but I can’t do anything about it right now.
“Ano ka ba naman Teo, ang bagay na ito’y hindi ka sasaktan. Maari ka bang huminahon, ang sasakyan na ito ay tulad din ng mga kalesa ng iyong panahon. Dangan lamang na ito ay pinapatakbo ng makina, at hindi kabayo.” This is what I’m saying, only Tin-tin can explain things to him that he’ll understand.
“Ngunit—“
“Saan tayo?” tanong ni Kuya na tumatawa din habang nakalingon pa din kila Teofelo at Tin-Tin.
I look at the other side of the car when I saw how Teofelo look at Tin-tin. I don’t like it, I feel so damn jealous. I should be the one whose sitting beside Teofelo now not Tin-tin, I should be the one who will comport him and teach him what he needs to know.
“Sa San Bartolome, Kuya Nic. Hanapin natin ang ibang mga kamag-anak ni Teo doon.” Sagot ni Tin-tin.
Paglingon sakin ni Kuya biglang nawala ang ngisi nito, pero sandali lang naman dahil agad din na ngumiti ito. Ginulo pa nga niya ang buhok ko bago pinaandar ang sasakyan.
“Ngumiti ka na d’yan, sige ka baka mahipan ka ng hangin maging ganyan na ang mukha mo.” Banta pa ni kuya sakin na mas ikinasimangot ko naman.
“Nakakamangha na makita ang mga bagay na mayroon ang panahon na ito.” Narinig kong sabi ni Teofelo.
“Sa panahon ba ninyo Teofelo? Anong meron ang Pilipinas? I bet wala pang airplane ng panahon na iyon.” Sabad ni Kuya habang nagmamaneho ito.
“Kuya Nic, ang eroplano ay naimbento noong taong 1903. Kung hindi man nagganito ang buhay ni Teofelo malamang hindi na din niya aabutan ang airplane noong mga panahon na iyon. 102 years old na siya noon, patawa ka naman.” Si Tin-tin ang sumagot.
“Ipagpaumanhin ninyo, ngunit hindi ko mabatid ang inyong napapag-usapan.”
Nilingon ko si Teofelo na nakatingin na naman kay Tin-tin.
Mamaya talaga uunahan ko na si Tin-tin sa likuran para ako naman ang katabi ni Teofelo sa likuran. Naiinis na ako, nababalewala ako sa totoo lang. samantalang ako naman ang namilit noon na magpunta ng sementeryo para Makita ko si Teofelo.
“Airplane means…” ano nga ba ang isasagot ko?
Ang lakas ng loob kong magpaliwanag pero hindi ko naman alam kung paano ko ipapaliwanag.
“Eroplano, sasakyan na malaki na lumilipad sa himpapawid. Taong isang libo siyam na raan at tatlo ng maimbento ang eroplano. Ngunit sa taong isang libo siyam na raan at anim napo ang mga Pilipino ay tinawag itong salipawpaw.” Agaw ni Tin-tin ng mga ipapaliwanag ko sana.
“Lumilipat sa himpapawid? Tulad ng mga ibon?” Mangha na sagot ni Teofelo.
“Sa panahon ngayo. Hindi na lamang mga ibon ang maaari mong makita sa himpapawid. Mayroong malalaking sasakyan na naglululan ng mga tao, tulad ng sinabi namin na eroplano. Ang sasakyang iyon ang magdadala sa mga tao sa ibang bansa kapag gusto nila. Pero o ngunit maaari din namang gamitin ang eroplano dito sa Pilipinas, tulad na lang ng kung galing ka ng Maynila’y makakarating ka ng Mindanao sa loob lamang ng isa o dalawang oras lulan ng eroplano.” Paliwanag ni Tin-tin.
“Nakakamangha ang making mga bagong kaalaman, maraming salamat binibining Tin-tin.”
“Madami ka pang kailangan na malaman, kung maglalagi ka pa ng matagal sa panahon na ito. Na mukha namang mangyayari dahilan sa wala ka namang mapagpipilian kung hindi ang dimito at manirahan kasama namin.” Sabi pa ni Tin-tin.
Nakita ko kung paano parang kiligin naman si Teofelo. Nagpipigil siya ng ngiti habang nakatitig kay Tin-tin na nakatingin naman sa labas ng bintana ng sasakyan.
Naiinis na itinuon ko na lang ang buo kong atensiyon sa harapan at hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa San Bartolome.
…………………………
WALA din kaming napala sa San Bartolome, naikot na namin ang buong bayan. Nagtatanong tanong kami kung saan naming pwedeng makita ang o malaman kung ano ang history ng San Bartolome. May mga sumagot naman samin, pero mas malamang na puro kuwento-kuwento lang sa nakuha namin.
Pabalik na kami sa sasakyan naming, hapon na pero wala kaming talagang napala at nandito pa din kami sa San Bartolome. Gaya ng plano ko kanina inunahan ko si Tin-tin na makasakay sa back seat ng sasakyan. Ang ngiti ko hanggang tenga ko na pero agad ding nawala ng si Tin-tin pa din ang sumakay at ngayon ay katabi ko na.
Noong una nagtaka kami bakit hindi sumasakay si Teofelo sa sasakyan, hindi kasi siya kumikilos. Basta nakatayo lang siya sa harapan ng pintuan ng shot gun seat.
“Bakit hindi ka pa sumakay Pilo?” Takang tanong ni kuya ng ibaba na ni Kuya ang salamin at silipin ai Teofelo.
Nahihiyang napakamot ng batok si Teofelo. Ang cute niyang tignan sa style niyang iyon. Parang ang inosente niyang masyado.
“Patawad, ngunit papaano na ako makakapasok sa loob?” Tanong ni Teofelo na ikinatawa naming lahat.
Mula kasi ng bumaba kami kanina ng sasakyan pagdating na pagdating namin ng San Bartolome, naglakad lakad na lang kami. Kaya ngayon lang sasakay ulit si Teofelo sa sasakyan.
Natatawang bumaba si Kuya para turuan si Teofelo ng gagawin nito. Pati ang magkabit ng seat belt tinuro ni Kuya kay Teofelo.
“Ngunit maaari ko bang malaman, nang kami’y naupo ni Binibining Tin-tin sa likurang bahagi ng sasakya’y hindi kami gumamit ng ganitong bagay.”
“Kasi Pilo… Ah! Basta sa tuwing sasakay ka sa harapan magseat belt ka. Iyon na ang sagot doon.” Nagtawanan naman kaming dalawa ni Tin-tin.
Nang nasa biyahe na kami nagsalita na si Kuya.
“Ang hirap namang tuntunin ng mga kamag-anak mo Pilo.” Reklamo ni Kuya.
“Hinihingi ko ang inyong pang-unawa at ako’t humihingi ng paumanhin sa gulong aking idinulot sa inyo.” Sagot ni Teofelo.
“Dead end sabi ko na, pinangalan nila ang bayan na ito sa patron nila kagaya sa San Andres,”ani Tin-tin.
“So what are we going to do now?” Tanong ko naman.
"Wala naman na tayong pwedeng mapagtanungan na matanda. Kung meron man, tiyak ko di tayo matutulungan ng mga iyon. Kasi 200 years ang lumipas, Malabo talagang may buhay pang makakatulong satin bukod kay Teofelo mismo." Si Tin ang sumagot.
"May point siya"sang-ayon ni Kuya.
"How about research?" Suggestion ko.
"Malabo, kasi wala namang nakapagbook keeping ng panahon ni Teofelo" Kontra na naman ni Tin-tin.
Naiinis na ako sa kanya, sinamaan ko siya ng tingin ng lingunin ko siya. Para lang siyang tinatamad na nakasandal at nakatanaw naman sa labas ng bintana ng sasakyan. Lahat ng sasabihin ko kinukontra niya, napakakontrabida talaga niyang babae.
"Balik na lang tayo sa sementeryo, baka may clue doon sa puntod niya,"ani Kuya.
Naisip kong tama si Kuya, wala naman na kaming ibang pwedeng puntahan na may koneksyon kay Teofelo kundi doon lang. Buti na lang hindi na nagsalita pa si Tin-tin na mukhang nakaidlip kaya wala na itong nasabi pa.
Sama-sama kaming apat na bumalik sa sementeryo. Noong una nagulat si Tin-Tin ng magising siya na nasa sementeryo kami. Hindi ako nagkamali na nakatulog nga si Tin-Tin kanina.
Nauuna pa si Tin-Tin na sinusundan lang ni Teofelo, ako at ni Kuya. Para siyang nagmamadali na, siguro kasi inaantok or pagod na din talaga. Every one of us are all tired, pero wala naman kaming magagawa kundi ang kumilos na ng mabilis, time is running. Sooner babalik kami ng US, maiiwanan si Teofelo.
"Kung iyong mamarapatin Binibining Tin-tin, mayroon lamang bumabagabag saakin balintataw ukol sa iyong ngalan na nabanggit ng iyong mahal na ina" Tanong ni Teofelo habang naglalakad kami.
"Ay! sus OMG ka, wag mo ng ipaalala. Oo na kapareha mo ng mabantot ang ngalan ko." Nakasimangot na sagot ni Tin-Tin.
Bakit ba bigla na lang itong naisip ni Teofelo.
"Oo nga pala bakit at paano naging Tin-tin ang tawag sayo, Mirasol nga pala ang pangalan mo?" Isa pa itong si Kuya na nagtanong.
I don't know that too, namulatan na naming Tin-tin ang tawag sa kanya na malayo sa totoo niyang pangalan. Mirasol.
"Wala, sosi kasing pakinggan." Simpleng sagot niya.
Hindi kami makapaniwalang nakatitig sa kanya habang nagpapaliwanag siya.
"You know I hate drugs, wag niyo na akong tignan na kala mo mga nakabatak kayong lahat ng shabu." Reklamo niya samin na nakatitig sa kaniya.
Iba talaga ang trip ng babaeng ito. Mabilis Lang kaming nakarating sa Museleo nila Teofelo. Gaya pa din ng iniwanan namin noong isang araw ang itsura nito. Wala na ding mga tao sa paligid. Meron man, iilan na lang talaga ang naroon. Mga humahabol na lang siguro ng pagbisita sa mga yumaong nga kaanak.
Pero ganoon na lang ang gulat naming lahat ng may marinig kaming nag-uusap sa loob ng museleo ni Teofelo. Para pang mga nagtatalo ang mga ito habang papalapit kami mas naririnig namin ang mga boses nila.
"Ano may magic na may lumabas ding ibang tao sa nitso mo?" Natatakot na bulong ni Tin-tin kay Teofelo.
Naiirita akong tignan ang ayos nilang dalawa. Nakadikit si Tin-tin kay Teofelo, nakayakap na halos kung titignan. Na hindi naman inaalis ni Teofelo ang mga kamay ni Tin-tin na nakayapos sa braso niya. Para pa ngang nagusuhan ni Teofelo ang ginagawa ni Tin-tin na mas inilapit pa ni Teofelo ang katawan niya kay Tin-tin.
Sa inis ko hinatak ko si Tin-tin palayo kay Teofelo. Wala naman siyang naging reaction kundi ang yumakap sa braso ko. Samantalang napansin kong parang nanghiyang naman si Teofelo habang nakatitig kay Tin-tin.
Honestly naiinis na ako sa set-up namin. Dapat sakin mas malapit si Teofelo hindi ang kay Tin-tin.
"Ano gagawin natin ngayon? " Narinig naming bulalas ng kung sino man sa loob.
"Saang lupalop naman napadpad si Teofelo. Sabi ko naman kasi sayo Eulugio pumunta ka dito noong araw ng mga patay." Pagalit na bulalas ng isang babae.
"Eulugio?"ani Teofelo na parang gulat.
Hindi na namin napigilan si Teofelo ng tumakbo na ito papasok sa kwarto kung saan nakalagay ang nitso niya.
"Ama, ina." Narinig naming bulalas ni Teofelo.
In that I felt Tin-tin gasp and then run away. Nagkatinginan kami ni Kuya habang papalayo naman si Tin-tin sa amin. Bakit siya tumakbo? Don’t tell me ngayon pa siya natakot, samantalang alam naman namin ang lahat. Dapat na siyang hindi nagulat sa nalaman naming buhay pa ang mga magulang ni Teofelo.
Gustong sundan ni Kuya si Tin-tin pero hindi ako kumilos kaya hindi din siya umalis.
Then I decided to continue walking. Pagpasok namin sa loob, nakita ko na may ibang tao na kasama si Teofelo.
Apat silang kasama ni Teofelo. Unlike ng unang makita namin si Teofelo na literal na galing sa loob ng ataul at madumi. Itong nga ito, malinis tignan at nakasunod na sa uso.
"Saan ka nanggaling?" Tanong ng isang babae kay Teofelo.
Pero kaysa sumagot si Teofelo niyakap nito ang babaeng nagtanong sa kanya.
"Ina,"anito.
Napanganga ako sa narinig ko, tinignan ko silang lahat. Walang bahid na nanggaling din sila sa libingan tulad ni Teofelo. Papaanong naging ina ito ni Teofelo.
Ibig bang sabihin nito mga kaanak ito ni Teofelo.
Ang pamilya De Asis.
"Angelina!" Bulalas ng isang lalaki na nakatitig sakin.
I look at him, kamukha siya ni Teofelo. Sa tingin ko magkasingtanda lang ito at ang kuya ko. Siguro kapatid ni Teofelo ito.
"Oh my God!"bulalas din ng isang babae na sa tingin ko din kapatid ni Teofelo.
Nilapitan ako ng babae at inikutan. Kita na manghang mangha siya habang tinitignan ako.
"Ito na ba ang katapusan ng sumpa mama?"anito na nakatingin na sa babaeng kayakap ni Teofelo.
"Maari bang inyong isalaysay sa akin ang mga nangyayari. Ako'y nagugulumihanan Ina,"ani Teofelo.
"Angelina." Tawag sakin ng babae sa tabi ko. "Naalala mo pa ba ako?"tanong niya.
Nakangiwi akong tumingin sa kanya I don't know what to answer her. Ngayon ko lang siya nakita, like Teofelo. Though at first I felt something familiar with Teofelo, but bot with these people in front of us.
"Manang Leonora, siya si Binibining Divine at ginoong Dominic. Sila ang tumulong sa akin upang maalis sa loob ng himlayang ito." Paliwanag ni Teofelo.
Nagkatinginan kami ni Kuya matapos magpaliwanag ni Teofelo.
"Divine Angelic is my name, and I don't know a thing about you, sorry!" Alanganin kong sagot.
Huminga siya ng malalim bago ngiti, ang ganda niya. I can say she’s like an angel. Ang puti niya, mahaba at itim na itim ang buhok niya. she’s not look like Teofelo, she’s more look like their mother.
"Don't worry, I think nagkataon lang na nagkamukha kayo." Anito habang nakatitig pa din sa mukha ko.
"No I think, she's Angelina. Maybe she's reincarnated or something. Look Teofelo and her are together in this time. We waited for two hundred years for this to come!"ani ng lalaking di nalalayo sa edad namin.
Napanganga ako sa gulat habang nakikinig sa kanila. They knew how to speak English?
"Sandali lang naguguluhan na kami." Awat ng kuya ko
Hindi ako makapagsalita, dahil sobrang gulat na gulat ako sa mga taong nasa harapan namin.
"Sino ba kayo?"dagdag pa ng kuya ko.
"Kami ang pamilya De Asis!" sabay-sabay na pakilala ng mga ito.
Parang sasabog ang ulo ko sa gulat habang nakatitig sa kanila.
Ang inaasahan ko tulad sila ni Teofelo na makaluma din. Pero bakit parang katulad lang sila namin na namumuhay sa panahon na ito. The way they dress, I can tell that they’re one of us. Lalo pa sa pananalita nila na ‘di tulad ni Tofelo na makaluma at super lalim ng tagalog.
..........................