HINDI AKO makapaniwala, nakatitig lang ako sa kanya ngayon. Nakaupo na siya sa isang lumang upuan dito pa din sa loob ng museleo niya. Umiinom siya ng tubig, and as I can see he's so thirsty, naubos niya ang isang litrong tubig na binili ni Kuya kanina matapos namin siyang mailabas sa kabaong niya ay nitso niya pero sa kabaong siya galing. Ay basta ganon na iyon nakalabas siya sa lungga niya.
"Kung inyong mamarapatin, ako'y mayroong katanungan?"aniya ng makainom na siya.
Walang nagtangkang sumagot sa kanya, lahat nakatulala pa din sa kanya.
"Mga binibini, Ginoo."tawag niya saming magpansin.
"Ay sus OMG na iyan. Panaginip lang ito Tin-tin"biglang bulalas ni Tin-tin na kinakausap ang sarili niya.
Paglingon ko sa kanya sinasampal na niya ang sarili niya. Pero hindi iyon ang nakakagulat doon, ang biglang paglapit ni Teofelo sa pinsan ko.
"Hindi kaaya-aya ang makita ang isang binibini na sinasaktan ang kanyang sarili."puno ng pag-aalala nitong saway sa pinsan ko.
Tumili naman si Tin-tin at naitulak niya si Teofelo hindi naman masyado ang pagtulak ni Tin-tin sa binata. Pero napaupo ang binata sa gulat na din habang nakatitig sa pinsan ko.
Sinamaan ko ng tingin si Tin-tin, kahit na hindi naman siya nakatingin sakin.
"Ahh! lumayo ka sakin. aswang!"sigaw ni Tin-tin.
"Tin"saway naman ni Kuya.
Nilapitan na ito ni Kuya para pakalmahin. Ako naman ang lumapit kay Teofelo para kumustahin siya sa pagtulak ng pinsan ko.
"Are you okay, Teofelo?"nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Doon lang niya ako tinignan, mabini siyang ngumiti sakin at muling tumunghay sa pinsan kong medyo nahihimasmasan na.
"Hindi ako aswang binibini, hindi ko lang malaman kung bakit ko namulatan na nasa loob ako ng isang ataul at nakahimlay sa libingang ito. Ngunit nakatitiyak akong hindi ako isang halimaw."mababasa sa bawat salita niya ang lungkot.
"Tin-tin naman kasi!"sermon ko sa pinsan ko.
Doon lang nila ako tignan na tatlo. nagdadabog akong nilapitan ang pinsan ko at sinamaan ko siya ng tingin.
"Say sorry to him."utos ko pa sa kanya.
Nanlaki naman ang mata ni Tin-tin habang nakatitig sakin.
"Ako magsosorry sa kanya?"anito at itinuro si Teofelo. "Hindi ako magsosorry sa isang katulad niyang freak!"sigaw na naman nito.
Naikuyom ko ang kamao ko sa panggigigil sa kanya.
"Tama na nga kayong dalawa."saway naman ni Kuya samin.
Binalingan ni Kuya si Teofelo na tahimik lang na nakatingin samin.
"Teofelo, tama ba ako? iyon kasi ang nakasulat sa lapida mo."ani Kuya sa binata.
Tumango naman si Teofelo bilang sagot kay Kuya.
"Hindi mo naman siguro masisisi ang pinsan ko kung bakit siya takot sayo. tama ba?"I sense na iniisip ni Kuya ang mga word na sasabihin niya.
Oo nga at nagtatagalog kaming magkapatid, but we really grow up in America where we can only speak tagalog kapag kasama namin ang mga parents namin which is madalang din namang magyari dahil busy sa trabaho. Kaya alam kong nahihirapan din magtagalog si Kuya lalo pa at malalalim ang tagalog ng kausap niya.
"Walang hindi matatakot sayo, kahit ako natakot. Alam ng buong bayang ito matagal ka ng patay. Nakita mo, nasa loob ka ng puntod na ito. Nandito lang kami kasi nagmamagandang loob lang ang kapatid ko, gusto niyang linisin ang puntod mo tapos aalis na sana kami. Kaso heto nga at nangyari ang nangyari."paliwanag ni Kuya dito.
"Wala akong maapuhap na maaaring paliwanag ng mga kaganapang ito. Ngunit, nais ko kayong bigyan ng ikaluluwag ng inyong kaloob na hindi ako masamang tao."paliwanag ni Teofelo.
"Maaaring matagal na panahon man akong nakahimlay sa libingang ito, ngunit sa aking balintataw ito'y panandalian lamang. Nais kong muli ay lumapit at humingi ng kaunting tulong. Wala akong ibang maaaring lapitan, dangan lamang nasisindak kayo sa akin kapalarang kinasadlakan"patuloy niya.
Nilapitan ko siya, though I really don't understand all he said.
"Ahm... tutulong ako sayo. Ano ba ang tulong na kailangan mo?"pagpiprisinta ko sa kanya.
Muli siyang ngumiti sakin, pero hindi naman talaga ngiti kasi malungkot pa din. Muli siyang tumingin kila Kuya.
"Nais ko lang matunton ang aking angkan, upang sa kanila humingi ng tulong"sagot niya.
Nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabi niya.
Paano naman namin siya matutulungan kung maging kami din naman hindi namin alam kung nasaan na nga ba ang pamilya niya. Hindi pa din yata aware si Teofelo sa kung anong taon na ngayon at kung ilang taon na nga ba siya nakahiga sa puntod niya.
.................................
Nakaupo kaming lahat nag-iisip ng pwedeng gawin, para mailabas namin siya sa museleo na walang nakakapansin.
"Malabong mailabas natin siyang hindi mapapansin. Tignan niyo nga ang damit niya, ang dumi na nga makaluma pa"ani Tin-tin habang tinuturo-turo pa si teofelo.
Mukhang nahimasmasan na nga ng tuluyan ang pinsan ko, hindi na kasi siya nakasigaw kung magsalita pero malakas pa din ang boses niya na normal naman.
Tama si Tin-tin, marumi at makaluma talaga ang suot ni Teofelo. Nakabarong siya sa tingin ko na lumang-luma na at makikitang may mga putik o alikabok ang suot niya.
Nakatingin si Teofelo kay Tin-tin habang nagsasalita siya.
"Bakit mo ako tinitignan ng ganya ha?"pagtataray na naman ng pinsan kong maldita.
Ngumiti ng alanganin si Teofelo bago umiwas ng tingin.
"Paumanhin Binibining Tin-tin ngunit, naninibago lamang ako sa kasuotang iyong saplot"alanganin niyang sagot.
Saming dalawa kasi nakasando lang si Tin-tin at mini short. Ako kasi nakalong sleeve na nakamaong pants pa. Ayoko kasing mangitim at isa pa maglilinis kami ng museleo kaya naman inasahan ko na baka magkati-kati ako kung hindi ko babalutin ang katawan ko. Ito lang si Tin-tin feeling pupunta ng beach ang porma.
"Uso ito ngayon noh!"sabi niya kay Teofelo na nakaingos.
Napailing na lang ako habang nakikinig sa pinsan kong pasaway.
"Uuwi ako sa bahay, kukuha ako ng damit. Mukhang magkasize lang naman tayo."singit ni Kuya.
Tumayo na siya pero hindi naman naglakad palabas. Nakatingin siya sakin, na para bang inaaya niya na akong umuwi din kasama niya.
Nakatingin din si Teofelo kay Kuya, sa tingin ko naman nagtatanong ang paraan ng pagtingin niya kay Kuya di siguro naintindihan ang sinabi ni Kuya.
"Bakit nakaupo ka pa dyan? tumayo ka na Divine. Ikaw din Tin"sabi na eh, hindi aalis itong hindi kami kasama.
"Maganda pa nga"sabi naman ni Tin-tin
Pinagpagan pa niya ang binti niya ng tumayo na siya, nahuli kong tumingin si Teofelo kay Tin-tin na naman. Naiinis na ako, may pagkamanyakis pa yata itong hinayupak na lalaking ito.
Tumikhim si Teofelo, nagpalinga-linga siya bago tumayo at nilapitan ang ilang tela na inalis namin kanina sa mga gamit. Marumi na ang mga ito dahil sa alikabok, pero kinuha niya ito at nilapitan si Tin-tin. habang naglalakad siya pinapagpag niya ang tela para maalis ang ilang alikabok doon.
"Binibining Tin-Tin, ipagpaumanhin mo. Ngunit hindi kaaya-aya na ipakita mo sa mga kalalakihan ang iyong katawan na tanging ito lamang ang saplot"anito at tangkang ibabalot si Tin-tin.
Bigla namang tumakbo si Tin-tin sa likod ni Kuya at nagtago.
"Kuya Dominic, uwi na tayo please!"sabi pa niya sa kapatid ko.
Nakatingin lang ako kay Teofelo na nakatingin din naman kay Tin-tin at Kuya.
Huminga ng malalim si Kuya.
"Ah, Teofelo okay lang, ayos lang di na kailangan ng hawak mo. kasi ano..."napakamot si Kuya sa ulo niya at mukhang nag-iisip ng sasabihin.
"ang hirap ipaliwanag."sabi na nga ba, iyon ang iniisip ko kaya natigilan ng pagsasalita di kuya.
Tumayo naman ako at lumapit na din kila kuya.
"Babalik kami"paalam ko na lang at hinila na lang sila kuya.
Pero bumalik din agad ako sa kanya.
"Wag kang aalis o lalabas man lang ha. babalik kami, hintay ka"sabi ko at hindi ko alam kung naintindihan niya pero tumango naman siya.
Habang naglalakad kami pabalik sa bahay tahimik lang kaming tatlo. Himala nga si Tin-tin tahimik lang na naglalakad na kala mo nag-iisip.
Hapon na ng makabalik kami sa museleo, akala ko din di na sasama si Tin-tin pabalik pero eto nga at kasama pa din namin siya.
Binigyan namin ng pagkain si Teofelo at damit ni Kuya. Hinintay namin siyang makabihis, kahit papaano naging okay ang itsura niya pero marumi pa siyang tignan.
"Bakit hindi ka kumain?"takang tanong ko sa kanya ng makita namin na hindi man lang nagalaw ang pagkain na binaon namin para sa kanya.
"Binibining Divine, ako nga'y dayukdok, ngunit ako'y nag-aalinlangan sa mga pagkain inyong hinanda. Ni minsan hindi ko pa nasilayan ang mga pagkaing nakahanda sa aking harapan"paliwanag niya.
Napatingin ako kay Kuya, ano ang dayu...dayu anong sabi niya.
"Kainin mo na lang, gutom ka pala eh"masungit na sabi ni Tin-tin.
Pinagtaasan ko siya ng kilay, like I'm asking what the hell is this or can you f*****g explain it to me.
"Dayukdok, gutom na gutom"parang naintindihan niya ang signal na pinaparating ko sa kanya.
Nakatingin lang kami sa kanya na hinihintay pa ang ibang paliwanag niya samin.
"Hello, teacher here. student nga lang po"anito.
Ngayon ko lang nalaman ang course niya, sabagay maging siya siguro hindi niya alam kung ano din ang kinukuha kong course.
I'm taking civil engineering by the way. And Kuya Dominic as I said before taking physician. Ang alam ko pa nga neurology ang kukunin niyang major.
Lumapit si Kuya kay Teofelo at itinuro kung paano kainin ang dala namin. Fried chicken at vegetable saute lang naman ang dala namin na may kanin. Wala bang ganito noong unang panahon at hindi niya alam ang pagkain na ito.
"Ito, alam mo naman siguro ang kanin. Imposibleng walang kanin noong unang panahon."paliwanag ni Kuya na pinapakinggan lang ni Teofelo. "Ito naman piniritong manok lang na binabutan ng harina at itlog. At ito mga gulay lang na ginisa, hindi ko alam ang tagalog ng mga gulay na ito sorry hindi ko masasabi sayo kung ano-ano ang mga ito. Pero masasabi ko masarap lahat iyan kaya kumain ka na"patuloy ni Kuya sa pagpapaliwanag.
Nakikinig lang talaga si Teofelo. Hindi mo alam kung nakikinig siya na naiintindihan niya ang naririnig, o nakikinig lang siya pero wala siyang maintindihan.
Tumingin na naman si Teofelo kay Tin-tin matapos magpaliwanag ni Kuya. Pinanlakihan naman ng mata ni Tin-tin si Teofelo.
"Di ko ipapaliwanag lahat iyan sayo. Bahala kang umintindi dyan. Kumain ka na lang dyan, daming arte sa katawan, ay sus OMG ka talaga"react ni Tin-tin di naman siya kinakausap.
Huminga ng malalim si Teofelo bago nagsimulang sumubo. Inuna niya ang kanin, sunod kinakatan niya ang manok. Ngumuya, lumunok, nagsubo ng kanin, sunod ang gulay, ngumuya, nilunok ulit. Tapos tumingin siya samin na para bang nahihiya, pero sandali lang kasi pagyuko niya sunod sunod na ang pagsubo niya.
"Ayay! Dahan-dahan lang Teo, mukhang di pinakain ng ilang dekada ah"saway naman ni Tin-tin na timatawag.
"Correction Tin, dalawang century siyang di kumain"natatawa din si Kuya na nagbiro.
Napatingin na lang kami kay Teofelo ng umubo na ito at tinatapik ang dibdib.
Naiiling na nilapitan ko siya at binigyan ng bottle water. Ang bilis niya din naubos ang tubig.
"Maari ko bang malaman ang kahulugan ng century?"tanong niya ng maginhawaan sa pagkakabulunan.
Sumusubo pa din siya habang patingin tingin kay Kuya.
Si Kuya naman napatingin kay Tin-tin. Sakin kasi wala siyang aasahan sasabihin ko lang din ang salitang century o kaya hundred years.
"Kayo ah, teacher ako di translator"angal ni Tin kay Kuya.
Tumingin siya kay Teofelo.
"Ang century, isang daang taon. Parang ganon. Tapos sa nangyari sayo, dalawang daang taon kang tulog dyan na di ka naagnas---"
Hindi na natapos pa ni Tin-tin ang sasabihin niya ng biglang tumayo si Teofelo at patakbong lumabas ng museleo. Hinabol naman namin siya agad, agad din namin siyang naabutan kasi huminto din siya sa pagtakbo pagkakita sa paligid niya.
"Teofelo"tawag ko sa kanya.
Nakatingin lang siya sa paligid namin.
"Anong panahon na ngayon?"tanong niya na hindi kami nililingon.
"2019 na"
"2019"
Sabay kami ni kuya na sumagot.
Huminga ng malalim si Teofelo bago tumingin na naman kay Tin-tin.
"Dalawang libo, labing siyam na taon na ngayon"ani Tin-tin.
Napaluhod naman ai Teofelo ng marinig niya ang taon ngayon mula kay Tin-tin.
Para siyang nanlulumo sa mga nalalaman niya. Wala naman kaming magawa kundi ang tignan lang siya.