"MADAMING kwento-kwento tungkol sa pamilyang De Asis,"ani Tin-tin.
Naikwento kasi ni kuya ang ginawa naming pagpasok sa museleo ng mga De Asis kanina.
"Parang natatandaan ko na nga din iyan."sabi naman ni Kuya.
Napataas ang kilay ko while listening to them. Kanina lang parang wala namang alam si Kuya pagdating sa mga de Asis. Tapos ngayon may alam na siyang kwento.
"Iyon bang aswang daw sila."dagdag pa ni Kuya.
There, they really got my attention by telling that story. Kung kanina nasa tabi-tabi lang ako ngayon naupo na talaga ako sa tabi nila. Bakit hindi ko yata alam ito, sabagay naman kasi bata Pa ako noon. Wala akong ibang nasa isip noon kundi mag-aral at maglaro.
"How come that there 'aswang' thingy about them?"curious kong tanong sa kanila.
Sabay pa silang napatingin sakin. Seryosong parehas na akala mo nakakita ng multo sa likuran ko kasi parang takot din sila habang nakatingin sakin.
"Hey, something wrong?"kinakabahan ko ng tanong sa kanila.
Pero laking pagkadismaya ko ng bigla na lang tumawa ng malakas ang dalawa.
"Ang seryoso mo naman masyado Divine."sabi pa ni Tin-tin habang tumatawa.
Habang humahagalpak sila ng tawa, ako naman nakamukmok kasi naiinis na ako sa kanilang kalokohan. Nagsilapitan na ang mga iba pa naming pinsan maging mga magulang namin.
"Bakit kasi pinasok niyo ang museleo ng mga de Asis?"tanong ni Tita Mercy.
"Ito po kasing si Divine masyadong curious sa paligid."sisi pa sakin ni Kuya.
"I still remember, madaming kwento about that family."singit ni Daddy.
All my attention now are on my dad. I patiently waited for his story to tell. Para akong batang paslit na naghihintay ng bed time story ng mga magulang ko para makatulog.
"Ang sabi kasi ng mga matatanda noon. Sinumpa nga daw na maging aswang ang bunsong anak ng mga de Asis. Iyong nakalibing doon sa museleo"simula ni daddy sa kwento niya.
So Kuya Dominic's story is true. May basehan kaya ang mga ito, o talagang kwento lang ng mga matatanda.
"Ang sabi, kaya nga ng mailibing ang bunso nila bigla na lang ding nawala ang buong pamilya dito. Iniwanan ang buong ari-arian nila."dagdag pa ni Tita Mercy.
"Ang sementeryo kung saan nakalagak ang bunso nila sakanilang lupain iyon. Ibinigay na lang sa taong bayan. Maging ang mga sakahan dito sa kanila din lahat ito. Pati ang kinatitirikan ng bahay natin. Kaya nga walang may mga titulo dito kasi hawak pa din ng mga De Asis ang original title."kwento naman ni Tito Bert kapatid nila daddy.
"How come po that even it's been a long time nasa kanila pa din ang title ng mga land dito?"tanong ko referring to tito Bert'a story.
"Wala kasing nangangahas na magpatitulo kahit pa sabihin na dalawang daang taon ng wala ang mga de Asis dito."sagot niya.
"Parang nakakahiyaan na ng mga tao dito. Kasi kahit na wala sila, ni wala nga silang nakukuhang kahit na ano mula sa mga taong dito, sila pa din ang nagbabayad ng amilyar o buwis ng mga lupa."dagdag pa ni Tita Mercy.
I silently say wow. Ganoon kayaman ang mga De Asis. Hanggang ngayon may mga buhay pa din silang kaanak.
"But dad, back to that aswang issue, may mga kwento po ba regarding doon sa aswang ung bunso?"tanong ni kuya.
When I looked at him I can see that his now interested too. Evident is written all over his face. Tutok na tutok siyang nakikinig. Napangiti na lang ako, hindi na lang ako ang interesado sa kwentong ito.
"Sa pagkakatanda ko, ang kwento ni Inang noong mga bata kami..."simula ni Tita Mercy pero huminto din na para bang nag-iisip.
"Sabi ni Inang, pinatay daw ng bunso ng mga de Asis ang kasintahan niya bago ang kasal nila."si Daddy ang nagtuloy.
"Pero sabi din ng mga matatanda bigla na lang daw kasing nagkasakit ung bunso ng de Asis tapos bigla na lang nilang ipinalibing ng wala ng burol."ani naman ni Tito Bert.
"Tapos nga nawala na lang ung buong pamilya na 'di alam ng mga tao dito kung saan nagpunta"patuloy ni Tita Mercy.
"But, there's no real evident about it?"ani ko naman.
"Meron, may mga nakitang mga patay na hayop malapit sa bahay nila noon na butas ang mga leeg tapos ubos ang lahat ng dugo"pamysterios pa si Tito Bert habang nagkukwento.
"May mga babae pa ngang nawawala noon sa buong nayon"dagdag pa ni Tita Mercy.
Me, Kuya Dominic, Tin-tin and the rest of my cousin who's listening to them are all ears and our full attention was with them. As in tutok na tutok kami sa pagkukwento nila.
"May matanda noon, na nagpapatunay ng kababalaghan na nangyari ng taon na buhay pa ang lahat ng mga de Asis."patuloy nila Dad.
"Isama pa ang mga caretaker ng museleo."biglang tumingin sakin si Tito Bert while telling that.
"Ang sabi ng pinakamatandang supoltorero noon, ang sino mang magbubukas ng museleo ng mga de Asis at mapapasahan ng sumpa."patuloy ni Tito Bert.
Parang bigla akong kinilabutan. Hindi ba at ako ang nagbukas ng museleo kahapon.
"Sumpa ng pamilyang de Asis."sabay pa sila Daddy at Tita Mercy na nagsalita.
And while speaking nakatingin sila sakin. Kinakabahan na ako sa paraan ng pagkakatitig nila sakin.
"Divine anak, wala ka bang nararamdaman ngayon na kakaiba?"tanong pa sakin ni Daddy na may pag-aalala.
For me, wala pero para nga akong kinilabutan sa mga sinasabi nila ngayon samin. Or should I say, sinasabi nila sakin.
Nagha-hyperventilate na ako, I feel weird already, like someone is looking at me at the moment.
Lilingon na sana ako sa kanan ko ng bigla na lang may humawak sa balikat ko and that make me scream as much as I could. Na kulang na lang buong baga ko lumabas sa pagsigaw ko.
Natigil lang ako sa pagsigaw ng mga tumatawang tao na ang naririnig ko sa paligid ko.
"Domingo, ano na naman ang ginawa mo at natakot ng ganito ang bunso ko."sermon ni Mommy kay daddy na super ang tawa.
I look at them all, ang lakas ng tawa nilang lahat. Si Mommy lang pala ang humawak sakin sa balikat ko. My dad make fun of me again, madalas naman talaga na ganito tandem sila ng kuya ko.
Nanghahaba ang nguso ko na inirapan silang lahat bago ako tumayo at nagwalk out.
"Sus, ang bunso nagtampo na agad."narinig kong sabi ni Kuya na hindi ko pinansin.
I just walk and walk hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. Ngayon ko lang napansin, late na pala. It's already 12 midnight, at lahat kami magkakasama sa labas at nagkukwentuhan ng kababalaghan.
But I didn't careless about the time. My whole mind is thinking about the youngest of the de Asis.
Teofelo de Asis.
Ano ba talaga ang nangyari sa kanya noon. Bakit ang daming version ng kwento ng buhay niya.
To think that is been 200 years since his in this world. Pero ang mga tao sa paligid ng museleo niya may mga story about them. About him to be exact, na maging si Daddy alam ang story niya.
Huminga ako ng malalim bago nagpasyang matulog na. Babalikan ko pa nga pala siya bukas. Oh I mean babalik pa ako sa museleo nila para bisitahin siya. Well ang puntod niya I mean.
...........................
"ANO NA NAMAN ang ginagawa natin dito?"reklamo ni Kuya.
Tinignan ko siya ng di makapaniwala. He always include himself with me. Hindi ko naman siya isinasama kanina, kusa siyang sumama.
Nasa tapat na kami ng museleo ng mga de Asis. May mga tao pa din sa sementeryo pero di katulad kahapon na madami talaga.
"Sus!, akala ko kung saan ang gora natin dito lang pala."reklamo din ni Tin-tin.
"No one ask the two of you to come with me in the first place. Stop complaining okay."iritable kong saway sa kanila.
Pinagpatuloy ko ang pagpasok sa loob ng bakuran ng museleo hanggang sa loob mismo ng museleo.
First thing I did is to take off all that covered the whole place para lumiwanag naman kahit papaano.
"Sus!, talaga"narinig kong reklamo ni Tin-tin.
Pero nakita ko naman siyang naglilinis na din tulad ni Kuya. Pangiti na lang ako ng lihim while looking at them cleaning kahit na puro sila reklamo.
May dala kaming panglinis, walis ting-ting at pangtabas. After an hour of cleaning the receiving area ng museleo makikita mo na ang agad ang difference from kahapon to now. May liwanag na kasi, dahil naalis na ni Kuya ang mga nakaharang sa may parang bintana na mga sanga at baging ng mga puno at d**o. While me and Tin-tin naman sa loob naglinis, tinanggal namin ang mga lumang curtains na naka-hang sa wall.
"Ay sus!, naburn ang nga fats ko."reklamo na naman ni Tin-tin.
Hindi naman siya mataba, like me she's a petite type of girl. Pero pwede ding tawaging voluptuous body dahil sa curves ng katawan niya.
"Next, iyong tomb na."excited kong bulalas.
Pinagtaasan ako ng kilay ni Tin-tin ng makita niya akong parang kiti-kiting pumasok sa pinaka-main room ng museleo. Sa kwarto kung saan makikita ang puntod ni Teofelo de Asis.
"Sus OMG!"bulalas ni Tin-tin sa likuran ko.
I didn't bother to look at her. Alam ko naman kung bakit siya nagreact ng ganon.
Bubungad kasi agad sa paningin mo ang portrait ni Teofelo. And I know we had the same reaction for the first time seeing his handsome portrait.
"Siya ba ang nakalibing dito?"tanong niya pa.
Like kanina hindi ko siya sinagot. Basta nagsimula na lang akong maglinis. Inuna kong alisin ang mga curtains again para lumiwanag dito sa loob.
"Shete! Ang pogi naman pala ng bunsong anak ng mga de Asis"sabi na naman ni Tin-tin.
Nang malingunan ko siya nakatingala siya ngayon sa portrait at manghang mangha na nakatitig dito.
"Hey, start cleaning so we can go home na!"saway ko sa kanya.
I don't know why I feel possessive about the portrait. Parang ayaw kong may ibang humahanga kay Teofelo, though ang pinag-uusapan dito ay patay na 200 years ago pa.
"Ay sus OMG ka naman cousin dearest nagselos ka pa. Litra---"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng sabay kaming napatingin sa puntod.
"Narinig mo iyon?"puno ng kaba na tanong niya sakin.
I just nodded and keep staring at the tomb.
Napakislot ako ng bigla na lang kaming nakarinig ng parang may kumalabog sa loob.
Napatakbo si Tin-tin palapit sakin at nagtago sa likod ko.
"OMG mommy ko, mommy ko!"she keep on chanting that while weeping.
Sabay kaming napasigaw ni Tin-tin ng biglang pumasok si kuya at talaga namang naggulat siya.
"Kuya!"sigaw kong saway sa kanya.
Tumawa lang siya sa naging reaction namin.
"Mga itsura kasi ninyong dalawa, kala mo nakakita kayo ng multo"pang-aasar pa niya samin.
Hindi kami nagsalita ni Tin-tin, basta nakatingin lang kaming parehas kay Kuya na natigil sa pagtawa ng marinig namin ulit ang kalabog mula sa loob.
Loob ng puntod ang tinutukoy ko ha.
"Tulong"halos pabulong lang pero dahil sobrang tahimik sa kinatatayuan naming lahat rinig na rinig namin ang mga salitang iyon.
Nagkatinginan pa kami nila Kuya, kita ko ang takot sa mukha niya habang nakatitig siya samin ni Tin-tin.
"Ako'y humihingi ng tulong sa sinomang maaaring ako'y matulungan"muling pabulong na salita.
Kasunod ng mga salitang iyon ay ang mga kalabog na naman na nagmumula sa loob ng puntod.
Natulala na ako, hindi ko na alam ang nangyari sa paligid ko. Parang nagising na lang ako ng yugyugin ako ni Tin-tin na umiiyak.
Pagtingin ko sa harapan namin si Kuya binabasag na ang nitso'ng nasa harapan namin.
"Kuya!"saway ko sa kanya.
"He need's help Divine!"sigaw naman nito sakin.
Kaysa umiral ang takot ni Kuya, mas umiral sa kanya ang pagiging medical student niya.
"Please lang OMG pahintuin mo ang kuya mo, Divine!"bulong ni Tin-tin na umiiyak na sa tabi ko.
Tinignan ko lang si Tin-tin na umiiyak sa tabi ko.
Honestly ayokong tumigil si Kuya sa kung ano man ang ginagawa niya ngayon. Gusto ko pa ngang tumulong pero natatakot naman ako at the same time. Takot na baka totoo ang sinabi nila Daddy kagabi na vampire si Teofelo. Na mapapakawalan namin ang isang aswang na inilibing na 200 years ago.
"Divine, I need a help in here!"inis na sita sakin ni Kuya ng makita niyang nakatayo lang kami ni Tin-tin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, si Tin-tin naman mas lalong lumakas ang atungal niya at hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya.
"Mommy ko...OMG ko naman po!"sabi niya sa pagitan ng paghagulgol niya.
Paglapit ko kay Kuya tinulungan ko na lang siyang hilahin ang kabaong. s**t ang bilis ni Kuyang nagiba at nabutasan ang puntod gamit lang ang itak na hawak niya. Marupok na siguro dahil sa katagalan na din ng pagkakasemento kaya ilang hampas lang ni Kuya nabasag na agad ang puntod.
Nang mahila namin ni Kuya ang kabaong, nagkatinginan muna kaming dalawa. Para bang bigla nag-alangan kaming dalawa na buksan ang kabaong.
"Ay sus, kayong dalawa kapag binuksan niyo yan at biglang lumabas ang aswang dyan pare-parehas tayong mamamatay na virgin!"sigaw ni Tin-tin.
Sabay kaming napalingon sa kanya ni Kuya.
"Seryoso ka sa sinabi mo Tin?"naiinis kong bunganga sa kanya.
Natigilan naman si Tin-tin sa pagngawa. May sasabihin sana siya kaso hindi na niya naituloy pa, basta nanlaki na lang ang mata niya, nakanganga ng malaki ang bibig niya. Dahan-dahan pa siyang nagtaas ng kamay na para bang may tinuturo siya sa likuran ko.
"Divine."halos kapusin ang hininga ng kuya ko ng tawagin ako.
"Wh--"natigilan din ako at gaya ni Tin-Tin ang reaction ko habang nakatitig sa kaharap ko.
"Ako'y nagpapasalamat sa inyong butihing puso sa pagsagip saakin, mga binibini at ginoo."anito habang magkatitigan kaming dalawa.
..........................