MALAKAS NA TAWANAN ang narinig ko mula sa may balkunahe ng bahay namin. Pero paglabas ko wala naman doon ang mga nagtatawanan kundi nasa may ilalim sila ng punong manga malapit sa bahay namin.
Nagkukumpulan doon ang mga kamag-anak ko, pero hindi sila ang nakakuha ng atensyon ko kung hindi si Teofelo.
Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa si Teofelo. Well yes aaminin ko inaasahan ko pa din naman na makikita ko siya. But not this early, parang kailan lang ng huli kaming nagkita.
Ang neat niyang tignan ngayon, malayo na sa unang beses na nakita namin siya. Ang linis linis niya, ang bango pang tignan.
"Teofelo!" Masayang tawag ko sa kanya.
Halos isang linggo din ang lumipas bago ko siya ulit nakita.
"Magandang umaga binibining Devine,"bati nito sakin.
Ang matamis na ngiti ko ay biglang nawala ng makitang magkatabi si Teofelo at Tin-tin. Tapos bigla na naman napatingin si Teofelo kay Tin-tin na busy lang sa pagkain ng manga.
Napatingala ako ng wala sa oras, wala naman bunga ang manga namin. Saan kaya nakuha nila Tin-tin ang manga. Then I look again at Tin-tin na sarap na sarap sa kinakain na manga na isinasawsaw pa sa ginisang alamang.
"Halika Devine, nag-agahan ka na ba? Ito kasing si Teofelo nagdala ng sangkatutak na manga." Masayang tawag sakin ni Tita Mercy.
Nakatingin na naman ako kay Tin-tin na walang pakialam habang kumakain ng manga. Na sa kasamaang palad nakatitig naman si Teofelo na siyang-siya sa nakikita.
"Naalala ko po kasi na gustong kumain ng manga ni Binibing Tin-tin noong huling beses na nandirito po ako,"ani Teofelo.
Napataas ang kilay ko ng makalapit ako ng tuluyan at naupo sa tabi ni Kuya na tahimik na kumakain ng manga.
Hindi ko alam kung dahil ba sa isang lingo kong hindi nakita si Teofelo o may iba talaga sa kanya ngayong araw. Parang may iba kay Teofelo bukod sa pananamit niya. Hindi ko naman alam kung paano ko ide-describe ang kakaiba kay Teofelo ngayong araw.
"Naku, sa panahon ngayon malayo pa ang pagbubunga ng mga manga pero nakahanap ka ng kapritso nitong maldita kong anak." Sabi ni Tita Mercy kay Teofelo.
Tanging ngiti lang ang sagot ni Teofelo kay Tita Mercy.
"Naku! Ikaw din naman kapatid ko, parang ikaw pa ngayon ang kinikilig sa boyfriend ng anak mo." Tudyo ni daddy kay Tita Mercy.
Bakit nga naman kasi parang kinikilig si Tita Mercy habang nagsasalita. Kulang na lang nga mamula ang pisngi ni Tita Mercy habang nagsasalita. Wala akong maintindihan basta nakatitig lang ako kay Teofelo na nakatitig din naman kay Tin-tin.
Why are you staring at her and not me, Teofelo?
Nanghahaba ang nguso ko na kinuha ang isang buong manga na nabalatan na. Kakagatin ko na sana ng pigilan ako ni Kuya Dominic.
"Mag-agahan ka muna. Baka sumakit ang tiyan mo d’yan." Saway niya sakin.
Nagdadabog na tumayo ako at nagmamartsang bumalik sa loob ng bahay namin. Pero bago ako makapasok sa loob ng bahay nilingon ko pa sila sa huling beses. Nahuli kong nag-uusap na sila Tin-tin at Teofelo. At kita ko kung paano tumawa si Tin-tin maging si Teofelo.
I’am jealous, dapat ako ang nasa tabi ngayon ni Teofelo. I’m should be the one who's laughing beside of Teofelo and not Tin-tin.
...........................
"ANONG GINAGAWA mo Tin-tin?" Hindi ko napigilan na sitahin na si Tin-tin.
Nasa likod bahay kaming dalawa ngayon. Kanina habang nagtatanghalian kaming buong mag-anak kasalo namin si Teofelo sa hapagkainan at ang sweet nilang dalawa. Para kasing nananadya na si Tin-tin, alam naman niyang nakatingin ako pero sige lang ito sa pasweet sweet nito kay Teofelo.
Well sinusubuan lang naman ni Tin-tin ng kung anong kinakain niya. Ito namang si Teofelo nakangiti lang habang panay ang nganga at tanggap ng pagkain na isinusubo ni Tin-tin dito.
Kaya ng matapos ang tanghalian hinila ko agad si Tin-tin sa likod bahay para sitahin.
"Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Naguguluhang balik tanong niya.
Naiinis na tumawa ako habang nakapameywang sa harapan niya. Ngayon naman nagmamaang-maangan naman si Tin-tin na painosente pa habang nakatingin sakin.
"There!" Inis kong turo sa bahay namin. "Your playing lovey dovey with Teofelo in front of me." Inis kong sita sa kanya.
Jealousy is eat up my rationale but the hell I care. Ni hindi ko na nga iniisip na mas matanda nga pala sakin si Tin-tin, o ang relation namin na kami ang magkamag-anak dito.
This time naman si Tin-tin na ang tumawa.
"Ay! sus OMG ka pinsan. Natural kailangan kong umarte na sweet d’yan sa freak na Teofelo na iyon. Ano bang pakilala natin sa kanya diba boyfriend ko. Alangan namang irap-irapan ko siya eh ‘di nabuking tayong lahat. Anong ipapaliwanag natin na nakita lang natin siya sa libingan niya na humihingi ng tulong!" naiinis na sagot niya na pinameywangan pa ako.
"That's the point, noong nakita natin siya takot na takot ka. And the last time we went to his museleo you even run away. Tapos ngayon para kayong ewan na super sweet!" Ewan ko kung bakit ko nasabi iyon.
Basta I burst out what I feel right now, naiinis na kasi ako. Why all Teofelo’s attention was with Tin-tin? Bakit palagi akong itsapwera sa kanila.
Natigilan si Tin-tin pero sandali lang at agad na nakabawi. Naiinis na inirapan niya ako, well hindi naman ako nagpapatalo ano. So inirapan ko din siya, ako pa ba ang iirapan niya mas maldita ako sa kanya.
"Alam mo kung nagseselos ka, dapat sinabi mo na lang agad sakin hindi iyon kung ano-ano pa sinasabi mo. Sabihan mo iyong freak na Teofelo mo na layuan ako tapos ang usapan!" Tinalikuran niya ako matapos niyang sabihin iyon.
Naiinis na sinundan ko siya ng tingin. Nanggigigil akong impit na napatili sa inis ko kay Tin-tin. Pagpasok ko sa loob ng bahay namin hindi ko na nakita si Tin-tin maging si Teofelo wala na din.
"Saan nagpunta si Teofelo?" Tanong ko agad sa kapatid ko na busy sa paglalaro ng PS4 niya.
"Sumunod kay Tin,"anito.
Nagmamadali ko silang sinundan sa kung saan man nagpunta ang dalawa. Nasa pintuan ako ng makita ko ang dalawa na papunta sa ilalim ng punong manga.
Binilisan ko ang paglalakad para makalapit ako agad sa kanila.
"Pwede ba layuan mo na ako, dahil sayo nag-aaway kami ng pinsan ko." Narinig kong bulalas ni Tin-tin na nakapagpatigil sa paglalakad ko.
Napatingin sa gawi ko si Tin-tin bago tumingin kay Teofelo. Dahil nakatitig si Teofelo kay Tin-ton nakita nitong tumingin sakin ang pinsan ko kaya lumingon din ito sa gawi ko.
"Binibining Devine,"anito.
"Aalis ako, at utang na loob wag mo na akong sundan pa. At ikaw naman Devine kausapin mo na siya, ayoko ng sigawan mo ng dahil lang sa kanya. Because believe me I’ll choose you beause your my cousin and not him that is just a stranger to me." Sabi ni Tin-tin bago niya kami iwanan ni Teofelo.
Then before Tin-tin left us, I saw how sad she was while looking at me. And a lone tear fell on her eyes before turning back on us.
It's like a wake up call to me, my cousin I hurt her.
What have I done? Ano bang nangyayari sakin na hindi ko na naisip na masasaktan ko si Tin-tin.
"Devine,"ani Teofelo na ikinatitig ko sa kanya.
Tama ba ako ng narinig, Hindi na niya ako tinawag na binibini.
"Nalalaman ko na dahil sa iyong mabuting intensyon kaya ako nakalabas sa making himlayan. Ngunit hindi noon madidiktahan ang anomang emosyong nabubuo sa aking puso para kay binibining Tin-tin. Nalalaman ko din ang nakaraan na dapat kong ikonsedera sa mga oras na ito ngunit hindi ko din maikakaila ang atraksyon na nabubuo mula sakin para kay binibining Tin-tin. Sana'y hindi ito maging hadlang para sa pagkakamabutihan ninyo ni Binibining Tin-tin. Ngayon palamang ako'y humingi na sa'iyo ng kapatawaran Binibining Devine,"anito bago ako talikuran.
Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makalabas siya sa gate namin. Doon may naghihintay na sasakyan kay Teofelo.
Huminga ako ng malalim, pakiramdam ko may mabigat na bagay sa may dibdib ko. Hindi ko man naintindihan ang lahat ng sinabi ni Teofelo I know I hurt them. I hurt Teofelo and Tin-tin.
"Devine, sinabi ko na sayo. Wag mong ipilit ang kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon if it's about that Teofelo,"ani kuya.
Napatalon pa ako sa gulat na nasa likuran ko pala siya. Paglingon ko nakakunot ang noo niya na titig na titig sakin. Sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin na lumapit na pala sakin ang sarili kong kapatid.
"You should learned how to let go Devine, and be more attentive to all the things around you. Sinabi na nila na magigising lang si Teofelo sa panahon na ang babaeng sumumpa sa kanya ang tinitibok ng puso niya. At hindi ikaw iyon Devine, kaya tumigil ka na,"anito bago din ako talikuran.
Doon para akong nanghihinang napaupo at tuluyan ng umiyak.
What's wrong with me really?
Bakit kailangan ako ang magpaparaya?
Hindi ba ako naman ang unang nakakita kay Teofelo. Hindi ba kami ang nakatadhana?
....................
FLASH BACK…
MALAKAS ANG simoy ng hangin, nadadala ang lahat ng tuyong dahon sa kung saan. Ang mga tao sa nayon ay nasa kanya-kanya ng mga tahanan dala ng masamang panahon.
Ngunit si Teofelo ay nasa labas pa rin ng kanilang tahanan upang sigurohin na ang mga tauhan nila sa sakahan ay nakauwi ng lahat. At naisilong na ang mga dapat na isilong, ulad ng mga alagang mga hayop, mga pinapatuyong palay at iba pa.
"Isang unos maharil ang parating."Ani ng binata habang ito'y nakatingala sa kalangitan.
Nang masiguro nitong wala ng kahit na anong manggagawa sa kanilang sakahan nagpasya na din itong umuwi upang magpahinga.
Habang nasa daan patungo sa kanilang tahanan, may kung anong bagay o maaring isang tao ang kaniyang natatanaw. Dala ng pangamba na maaaring ito’y humihingi ng saklolo, nagmamadali niya itong nilapitan ng magsimula ng bumuhos ang ulan.
"Binibini!" Gulat na bulalas ng binata ng mapagsino ang taong kaniyang makakasalubong sana.
Tumingin sa kanya ang dalaga ngunit nawalan ito ng malay tao na agad naman na nasalo ng binata.
Dali-dali niya itong binuhat at dinala sa kanilang tahanan.
"Teofelo, anak!" Puno ng pag-aalalang salubong ng butihing ina ng binata.
"Ina, maaari niyo po ba akong matulungon." Hinihingal na saad ng binata.
Lumabas na din mula sa silid ang kanilang ama at ang kaniyang mga kapatid. Nasa likuran ng mga ito si Angelina, ang tagapag-alaga ng anak na babae ng nakakatandang kapatid na babae ni Teofelo.
Puno ng pag-aalalang nilapitan ng ginang ang dalagang buhat-buhat ng anak.
"Mataas ang kaniyang lagnat, ihiga mo na siya sa papag ng mapalitan na ang kaniyang kasuotan. Angelina, maari mo ba akong ikuha ng maligamgam na tubig at pampunas sa dalagang ito."Baling ng ginang sa dalaga.
"Masusunod po ginang!"
Pinagtulungan ng mga kababaihan na mapalitan ng kasuotan ang dalagang dala ng binatang Teofelo. Maging ang pag-aalaga sa dalaga ay pinagtulong-tulungan din ng mga kababaihan sa kanilang tahanan.
"Maari ko bang malaman kung saan mo nahanap ang dalagang ito, Teofelo?"tanong ng ama ng tahanan sa anak ng makapagpalit na ito.
Ipinaliwanag naman ni Teofelo sa ama ang mga pangyayari. Wala rin lang siyang kaalaman kung saan nagmula ang dalaga.
"Ipanalangin na lamang natin ang kaniyang kagalingan, at nawa’y ilayo s’ya sa mas malala pang karamdaman." Saad ng ama ng tahanan ng mga De Asis.
Makalipas ang dalawang araw natapos ang unos kasabay ng paggaling ng dalagang tinulungan ng binatang si Teofelo.
Mabilis ang paggaling nito, isang mahinhin at napakabutihin dalaga nito na agad na nakapalagayang loob ng mga De Asis.
"Mirasol!"masayang tawag ng dalagang si Angelina dito.
Masaya sinalubong naman ito ni Mirasol. Sa nakalipas na araw ang dalawang dalaga ang laging magkasama. Kaya naman nagkapalagayan ng loob ang dalawa at ngayo'y matalik ng magkaibigan.
Mirasol ang ngalan ng dalagang natulungan ng binatang si Teofelo. Hindi naman maalala ng dalaga kung ano ang buo nitong ngalan. May hinala ang pamilyang De Asis na dumaan sa isang sakuna ang dalaga. Walang anomang matandaan ang dalagang si Mirasol sa buhay nito maliban sa ngalan nito, maging ang bayan na pinagmulan nito’y hindi mabatid ng dalaga.
"Ang sabi ni Teofelo inaayos na ang magiging tahanan mo." Masayang balita nito.
Hindi nagtagal ang binata naman ang siyang dumating upang saluhan ang dalawang dalaga sa veranda ng tahanan ng mga De Asis.
Napagpasyahan ng buong pamilya De Asis na pansamantalang kupkupin ang dalaga habang ito’y walang maalala sa nakaraan nito. Ang tulong na ipinaabot ng pamilyang De Asis sa dalaga ay ang bigyan ito ng trabaho sa sakahan ng mga De Asis at kasama na ang tahanan na matutuluyan nito.
"Senyorito Teofelo." Magiliw na bati ni Mirasol sa binata.
Agad namang ngumiti ang binate ng matanaw ang dalawang dalaga.
"Teofelo na lamang Mirasol. Hindi naman nagkakalayo ang ating edad." Sagot nito.
Kimi lamang na ngumiti ang dalaga, hindi naman maiwasan na makadama ng kakaiba ang dalagang si Mirasol habang nasa kaniyang harapan ang binata.
"Ang turan ng kabesa ng mga magsasaka ni Ama maaari ka ng lumipat sa munting barong-barong na kanilang pinagtulong-lungang itayo para saiyo Mirasol. Naroon si Domingo upang ika’y tulungan sa anomang iyong pangangailangan." Masayang pagbabalita ng binata.
Pinamulahan ng pisngi ang dalagang si Mirasol ng pinakatitigan siya ng binatang si Teofelo. Hindi lignin sa mga kababaihan sa nayon na ito ang kakisigang taglay ng binatang si Teofelo. Nadidinggan ng dalagang si Mirasol ang hayagang paghanga ng karamihang kababaihan sa nayon. At hindi siya naiiiba sa mga ito, sino nga namang hindi hahanga sa binatang si Teofelo. Bukod sa kakisigang taglay nito’y napakabuti ng puso ng binata na siyang hinahangaan hindi lamang ng mga kadalagahan sa nayon maging ng buong nayo’y humahanga sa binata.
Sa pagyuko ng dalagang si Marisol hindi niya napansin ang masuyong pagsulyap ni Teofelo kay Angelina na puno ng paghanga at pagmamahal.
...................
HINIHINGAL na napabalikwas ako ng bangon. Paghawak ko sa noo ko na basa ng pawis.
Alam ko may napanaginipan ako pero hindi ko maalala kung ano iyon. Pero bakit ako umiiyak ng magising ako? I felt frustrated and anxious all of a sudden. Gusto kong malaman ang panaginip ko na iyon.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang dahilan kung bakit ako parang pagod at umiiyak paggising ko.
Sa paggising ko ng umaga, iniisip ko pa din ang panaginip ko.
"Weird as it might sound, but I dreamed something last night." Pagkukwento ko kinaumagahan.
Kami lang ni kuya ang nasa kusina. Ang mga magulang namin maagang nagpunta ng bayan dahil magsisimba ang mga ito tapos mamamalengke na din pagkatapos ng misa.
"What kind of dream?"
Nagkibit balikat ako bilang sagot.
"I don't remember really, but when I woke up I feel like I'm exhausted and I was crying. Weird right, kuya?"
Tango lang ang sagot nito kasi puno ng pagkain ang bunganga niya.
"Maybe, it's like you have something in your mind before you fell asleep and it continued in your dream." Anito makalipas ang isang minuto.
Bigla napaisip ako sa sinabi niya. Well yes, I was thinking about our situation. Me, Teofelo and Tin-tin. Ang gulo na kasi, o sadyang ako lang ang nagpapagulo ng lahat.
Kung anoman ang panaginip ko na iyon sana maalala ko pa nga. Para kasing ang importante niya masyado kaya hindi siya maalis sa isip ko kahit na hindi ko naman talaga maalala kung ano ang buong panaginip ko.
“By the way, daddy said we’re going back to US this Wednesday. So pack all your things, ikaw pa naman ang taong ang daming dala-dala kapag nagibiyahe.” Ani ni kuya na ikinagulat ko.
Pero dapat ba talaga na magulat ako? Kasi sa totoo lang inasahan ko na dapat ito, kasi dalawang linggo lang naman ang bakasyon namin.
Pero bakit ganoon? Bakit parang ang bilis naman yata ng bakasyon namin. Dalawang linggo na pala agad ang lumipas noon.
Paano ko iiwanan si Teofelo nito ngayon.