"ISINUMPA kami," Ani ng nanay ni Teofelo na si Teodora.
Mula sa museleo ng pamilya De Asis dinala ng mag-anak kaming magkapatid sa bahay ng mga ito. Hindi na naming kasi nakita pa si Tin-tin, tinawagan ito ni Kuya ang sabi nakauwi na nga daw ito at takot na takot na daw siya sa mga nangyayari.
Matatagpuan ang tahanan ng mga De Asis sa pinakadulo ng bayan ng San Andres. Tago ang mansion ng mga De Asis kaya walang nakakaalam na nasa tabi-tabi lang pala sila.
"What kind of curse it is? I mean, how can Teofelo fall in this kind of cursed? How can you reverse it? Is there any clue what will happen next." Hindi ko maiwasa na itanong.
Gladly that these people can understand me and vice versa. At least mapapaliwanag nila ng mabuti ang nangyayari na hindi na namin kailangan ng translator. Hindi naman sa against ako kay Tin-Tin na tumutulong samin, kaso lang mas gusto ko pa din naman na nasa akin lang ang full attention ni Teofelo.
"A woman fell in love with my brother. And cursed us all, crazy bit*h. Teofelo went to a deep sleep while us..."huminga ng malalim ang nakatatandang kapatid ni Teofelo. "Hindi kami namamatay, hindi tumatanda at higit sa lahat hindi kami natutulog." Patuloy nito.
We already know that, kanina sinabi na nila iyon ng nasa sementeryo pa lang kami. All I want to know is the whole details.
I look at my brother, his trembling and looks nervous.
"Like a vampire!" Kinakapos na hininga na bulalas ni Kuya.
I felt him holding my hand tight. I do the same thing to him, because honestly I'm scared too. We really didn't know these people in front of us. Basta na lang kaming sumama sa kanila, kahit hindi pa naman sila nagpapaliwanag samin.
Bakit ba naman kasi ang bilis kong nagtiwala sa kanila. Maybe they hypnotize me or something and I'm leading our life in danger because of this.
Tumawa ng malakas ang ama nila Teofelo. Maging ang nga kapatid at ina ni Teofelo nakangiti habang nakatitig saming magkapatid.
"Div, if I said run you will run and never turn your back." Bulong sakin ni Kuya.
I hold his hand, I know what will he do. He already did this thing to me, saving me regardless the situation. His my protector mula pa noong mga bata kami, palagi siyang nandyan.
"No running alone this time." Ganting bulong ko sa kanya.
"We're not vampire, we're only human that never dies." Ani ng ama nila Teofelo na nakaagaw ng atensyon namin.
"How can we be sure that you’re telling us truth? The thing is Teofelo, here came out from a tomb, and lived for 200 years inside of that s**t. And you and your family doesn't die. How uncanny is that Mr. De Asis?" ani kuya habang dahan dahan niya akong inilalagay sa likod niya.
"We're not a bad people here, Dominic. Biktima lang kami ng masaklap na kapalaran." Ani ng ate ni Teofelo.
"Gaya ng sinabi ko, sinumpa ang buong pamilya namin. Nasabi na ni Leonora kanina ang sumpa namin. Ang rason kung bakit kami sinumpa ay dahil sa pag-ibig. My son, Teofelo fell in love with Angelina."paliwanag ng ginang at tumingin sakin. "Kaso lamang mas naunang nakilala ng anak ko ang babaeng nagbigay ng sumpa sa aming lahat. At ang babaeng ito ay mahal na mahal ang anak ko. Angelina and Teofelo loved each other so they dicided to get married and that witch learned about it. Sa araw ng kasal ng anak ko at ni Angelina nagpakita ang babae iyon. Isinumpa niya ang anak ko na matutulog siya ng walang hanggang at gigising lamang siya sa oras na sila na ng babaeng iyon ang magkakaibigan. Samantalang nawala na lang ng parang bula si Angelina sa araw ng kasal nila." Patuloy pa nito.
"Noon una, ang akala namin si Teofelo lang ang isinumpa ng babaeng iyon. Taon ang binilang para malaman namin na kasama kami sa sumpa. Tumanda na ang lahat sa paligid namin pero walang nangyaring kahit na ano sa aming buong pamilya."malungkot na pagpapatuloy ng ginang.
"Ina." Niyakap ni Teofelo ang ina nito.
"Hindi namin kayo pipiliting maniwala sa mga sinasabi namin. Pero sana wala ng ibang taong pwedeng makaalam nito,"ani ng ama ng tahanan.
No words came out from me and even my brother, nakatitig lang kami sa buong pamilya ni Teofelo.
"Sana matapos na ang sumpa!"bulalas ng kuya ni Teofelo.
..................
"YOU SAID YOUR FAMILY HAD A CURSE, how can you remove it? Wala man lang bang iniwanan na hint iyong witch?"curiosity really strikes at me again.
Hindi yata matatapos ang araw na ito na hindi ko malalaman ang lahat ng gusto kong malaman tungkol kila Teofelo at sa sumpa ng buo nilang pamilya. Alam kong natanong ko na kanina iyon, pero feeling ko kasi may kulang pa din. Hindi pa din nasagot ang mga gusto kong masagot.
Good thing that Teofelo's family is living at this time on earth. Meaning masasabayan nila o maipapaliwanag ng mga ito ang lahat ng hindi ako nahihirapan na intindihin ang mga sinasabi ng mga nila.
But still, I don’t understand everything they said. Or maybe they’re not telling everything I want to know. That they’re hiding something that is important, that’s why I feel like they’re not really telling the truth.
"I really don't know where I should start explaining really."Ani ng ate ni Teofelo.
Teofelo was cast away together with his mother and father, ang rinig ko kanina ipapaliwanag ng ina ni Teofelo kung ano ang nangyayari. Sana maliwanagan na din si Teofelo, I’m glad that we help him a little.
Though I really doubt it kung nakatulong ba talaga kami.
So ngayon kami-kami na lang ang nasa sala, mga kapatid ni Teofelo at kaming magkapatid. Their house is a mixture of old and modern house, extravagant is under statement to describe the whole house. Makikitang mayaman ang mga De Asis. Maybe the wealth they acquired over the years of staying here in world.
Hindi biro ang dalawang daang taon na pananatili sa mundo para hindi nila makuha ang ganitong karangyang buhay.
"Usapan sa buong bayan na naging---"
"Vampire kami."pagtatapos ng kapatid na lalaki ni Teofelo sa sasabihin ng kuya ko.
"Alam namin iyon, sa dalawang daang taon ba naman naming naninirahan sa mundong ito hindi pa namin narinig ang mga sinabi nilang iyon samin."dagdag pa into.
"We're not vampires, rest assured din na hindi namin kayo kakatayin na parang nasa wrong turn na pelikula kayo, at hindi kami mangkukulam na nag-iipon ng mabibiktima para sa ginagawang kung ano-anong anik-anik sa katawan para lang humaba ang buhay namin." Pagdadagdag din ng ate ni Teofelo.
“Kung kami ang papipiliin, mas gusto naman naming patay na kami ngayon at nagpapahinga na lang kung saan ang mga katawang lupa namin.” Sabad ulit ng kuya ni Teofelo.
"Anong klaseng sumpa ang meron kayo kung ganon?"tanong ni Kuya sa mga ito.
"Okay I'll make it short and brief,"ani ng ate ni Teofelo. "My brother, Teofelo is a kind hearted man. Mabait na gwapo pa ang sabi ng mga nakapaligid samin noon. Sobrang matulungin siya sa lahat, na kahit isusubo na lang niya ibibigay pa niya sa iba. Sa ugali niyang iyon nakilala niya ang nagsumpa sa kanya, isang dayo dito sa bayan namin."patuloy nito.
Huminga ito ng malalim bago magpatuloy sa pagkukwento.
"Mabait naman iyong dalaga na tinulungan ni Teofelo, kahit pa walang nakakaalam kung saan siya nanggaling. Basta na lang siyang nagpakita sa bayan, doon siya tinulungan ni Teofelo. Pinatuloy niya sa isang kamalig namin, bilang tulong sa dalaga. Binigyan pa ng trabaho sa sakahan namin. Dahil sa mabait ang kapatid ko nahulog ang loob nito kay Teofelo, nainlove. Kaso hindi alam niya na may mahal ng iba ang kapatid ko. Si Angelina."anito na nakatitig sakin habang nagsasalita.
"Gaya ni Teofelo mabait din sa kapwa si Angelina, kaya mabilis din niyang nakapalagayan ng loob ang dalawa si Angelina at ang babaeng iyon, naging matalik na magkaibigan silang tatlo. Pero isang araw nagulat na lang ang lahat ng ianunsyo ni Teofelo ang nalalapit nilang kasal ni Angelina. Sobrang nasaktan ang pobreng dalaga, kaya bigla itong nagpakalayo-layo siya. Sa araw ng kasal nila Teofelo at Angelina nagpakita ulit siya at isinumpa si Teofelo at ang buong pamilya namin. Sa araw din na iyon sa harapan ng altar biglang naglaho si Angelina at wala kaming alam kung anong nangyari sa kanya mula sa araw na iyon. Nawalan ng malay si Teofelo at isinigaw ng dalaga na magigising lang si Teofelo sa araw na itinakda ng maging isa ang kanilang puso. Sa taong lumipas, walang nagbago sa pamumuhay namin bukod sa hindi kami tumatanda, hindi natutulog, hindi namamatay. Katulad niyo pa din kami sa pang-araw araw na buhay dito sa mundo." Mahabang pahayag niya.
Nagkatinginan kami ni Kuya at sabay pa kaming huminga ng malalim.
"Bakit nasa museleo si Teofelo at nakalibing?"si Kuya ang unang nagtanong.
Ganoon din ang gusto kong itanong sa kanila. Naunahan lang ako ni kuya.
"Ang sabi ng mga matatanda sa amin baka maging halimaw ang kapatid namin kung hindi namin siya ilalagay sa isang lugar na ligtas ang lahat."sagot ng Kuya ni Teofelo
"Pero mas nanaig ang takot namin na baka may gawing kakaiba ang buong nayon sa kapatid namin kung hindi namin palalabasin na namatay na siya. Walang masyadong tao sa simbahan ng araw ng kasal dahil iyon ang gusto ni Angelina. Tanging kaming buong pamilya ni Teofelo at ang ina'y at itay ni Angelina lamang ang tao sa simbahan. Kaya walang nakakaalam sa totoong nangyari sa kapatid naming."dagdag naman ng ate nila.
"Ano ng mangyayari ngayon na gising na si Teofelo?"alanganin kong tanong.
Sabay na bumuntong hininga ang dalawa sabay kibit balikat.
"Honestly wala kaming ideya sa pwedeng mangyari,"ani ng Ate ni Teofelo.
"Teka, ang sabi mo magigising lang si Teofelo kung pwede ng maging isa ang mga puso ng dalaga na nagsumpa kay Teofelo at si Teofelo mismo, tama ba ako?"sabad ulit ng kuya ko.
That caught my attention right away.
"Yes"
"So meaning, ang dalaga lang na iyon ang pwedeng bumuhay sa kapatid niyo?" Tanong ni kuya na nakatitig sakin.
Naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya sakin kaya umiwas ako. Na napansin ko din na nakatitig din pala sakin ang magkapatid.
Why are they looking at me like that? Do I look like that witch?
"Hindi ko alam kung tama pa ba ang pagkakaintindi ko sa nangyari dalawang taon na ang nakakaraan o mali na ako. Kasi sa nakikita ko, iba ang kasama ngayon ng kapatid ko." Sagot ng ate ni Teofelo na hindi inaalis ang titig sakin.
"Then who?"
Ramdam ko ng magsalita si Kuya hindi niya inaalis ang titig sakin.
"Angelina, ikaw si Angelina. Ang nobya ng kapatid ko na nakatakda niyang maging asawa noong panahon na iyon, Devine." Sagot ng Ate ni Teofelo.
..................
INIWANAN NA NAMIN SI Teofelo sa mga kamag-anak nito.
Malungkot ako habang nakatitig sa kanya habang papalayo kami ni Kuya sa bahay nila. Pero kailangan na namin siyang iwanan sa pamilya niya. Ngayon na kasama na niya ang mga ito alam niyang hindi ko na ito basta makikita ulit.
Pero pinanghahawakan ko ang sinabi ng ate ni Teofelo. Na ako daw si Angelina, ang nobya ni Teofelo. At first hindi ko naintindihan but when kuya Dominic say's na imposibleng girlfriend ako ni Teofelo noon hindi ko pa lang naintindihan ang mga sinabi ng ate ni Teofelo.
Now I understand why I have this feeling na puntahan at panghimasukan ang museleo ng pamilya ni Teofelo. Dahil tinatawag niya ako marahil. Baka talagang nakatadhana na kaming magkita ngayon at gawin ang dapat naming gawin noon.
Oddly but I find it amazing and romantic. No one can tell about the mystery of falling in love. Like what is happening right now between me and Teofelo. We had this bond that binds us together since tge very beginning.
"Anong iniisip mo?"napatalon pa ako sa gulat ng bigla na lang nagsalita sa likod ko si Kuya.
Malakas siyang tumawa bago tumingin sa tinititigan ko kanina pa.
Nasa likod bahay kami na ang makikita ay palayan. Malawak na palayan na halos wala kang makitang katapos na bukid.
"Kung iniisip mo ang sinabi ng ate ni Teofelo na ikaw si Angelina, wag mo ng isipin iyon,"anito habang nakatanaw din sa palayan.
"What if I'm really Angelina kuya? Look I was the one who insist to get in that museleo. And my name, it happens to had Angelic, Devine Angelic. Paano mo ipapaliwanag iyon kuya?" Hinarap ko siya habang nagsasalita ako.
Nagkibit balikat ito bago ako pinakatitigan sa mga mata ko. Napakaseryos niya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sakin.
"Devine, as long as you keep away from that family wala tayong magiging problema. Ngayon na nahanap na ni Teofelo ang pamilya niya tapos na ang obligasyon natin sa kanya. Nagkataon lang ang lahat Devine, nagkataon lang. And I'm warning you Devine, kapag hindi ka tumigil I don't have the rights to decided about this staying here. Pero sinasabi ko sayo kaya kong baguhin ang desisyon nila Daddy na manatili dito. And if I need to drag you and force you to come with us going back to US I will do that with no second thought, little sister."anito bago ako iwanan.
Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya. Why the hell my brother looks so possessive while talking. May emosyon akong nakita sa mukha niya pero hindi ko alam kung para saan ang emosyon na iyon.
Pinagsawalang bahala ko na lang kasi baka ganon lang siya dahil protective siya pagdating sakin. His been like that since we were a kid up until now.
Tumanaw ako ulit sa palayan.
"Hay Teofelo, what will I gonna do now with you,"kausap ko sa sarili.
Saka parang loka-lokang ginulo ang sarili kong buhok bago sumunod sa kapatid kong tinutopak na naman.
..........................