“MIRASOL, nakaranas ka na ba ng paghanga sa isang binata?”
Nasa kaparangan ang magkaibigang Mirasol at Angelina. Ipinapasyal ng dalawa ang mga anak ni Ginang Leonora.
“Nakahihiya mang sabihin ngunit oo Angelina, mayroon akong tinatanging binata sa mga oras na ito.” Pag-amin ng dalagang si Mirasol.
Alumpihit naman sa tuwa ang dalagang si Angelina.
“Maari ko bang malaman kung sino ang iyong tinatangi?” Puno ng ligaya na saad nito.
Ngunit nag-alangan naman ang dalagang si Mirasol na sagutin ang katanungang ito ni Angelina.
“Angelina, Mirasol.”
Sabay na napalingon ang dalawang dalawa sa bagong dating. Ang mga bata’y sabay sabay na tumakbo palapit naman sa binata na may dala-dalang buslo na sa unang sipat pa lamang ay malalaman ng ito’y naglalaman ng makakain.
Tumayo si Mirasol upang salubungin ang binata. Ngunit naiwan ang dalagang si Angelina na noon’y nakaingos sa bagong dating. Wala man lang kaalam-alam ang dalagang si Mirasol sa paligid nito.
“Binibini, maari mo na ba akong pansin’t kausapin.” Saad ni Teofelo ng siya’y tuluyang nakalapit sa dalaga.
Ang mga bata’y kanya-kanya na ng halungkat sa buslong dala ng kanilang tiyuhin. Samantalang si Mirasol nama’y hindi maalis alis ang titig sa binata, habang ito ay naghahanda ng kanilang pananghalian.
“Maaari, ngunit sa aking pagkakatanda’y may namumuong sigalot sa aking pananaw. Maari ba akong huwag na lamang magbigay ng aking opinyon. At manahimik na lamang, senyorito?” Nakaingos at sa kabilang panig nakatanaw ang dalagang si Angelina.
Malalim namang napahugot ng hininga ang binatang si Teofelo. Nilingon nito ang mga pamangkin na galak na galak na kumakain ng kaniyang dala.
“Mirasol, maari mo ba akong tulungan sa iyong kaibigan. Mayroon lamang kaming hindi napagkaunawaang dalawa. Narito na ang mga manga na kaniyang hiniling kamakailan lamang. Ako’y umakyat pa ng puno ng manga upang makapitas ng kaniyang ninanais—”
“Senyorito, nalalaman mo ba ang iyong sinasabi? Nakaharap po ang mga anak ng inyong nakatatandang kapatid, maging ng aking katangi-tanging kaibigan. Hindi yata’t ako’y nagiging lapastangan, senyorito.”
Malakas na tumawa lamang ang binatang si Teofelo. Naguguluhan namang nakatingin si Mirasol sa dalawa na magkapanabay na nakaupo sa inilatag nilang banig.
“Aking binibining Angelina, ika’y kaaya-aya sa aking paningin. Tayo ng kumain ng aking pananghaliang dala. Mayroon na ang iyong tinatanging manga, maari mo bang alisin ang iyong hinampo sa iyong abang lingkod.” Panunudyo pa ni Teofelo sa dalaga.
Siyang-siya naman ang mga bata na nakatunghay sa dalawang magsing-irog. Tanging ang mga bata ang kanilang saksi sa pag-iibigang hindi pa maisaboses.
Wala mang malinaw na usapan sina Teofelo at Angelina, nababatid ng dalawa na para sila sa isa’t isa. Na ang kanilang mga damdami’y iisa ang tinatahak.
………………..
NAGISING na naman ako sa isang panaginip na hindi ko maalala ang kahit na anong nangyari. Basta paggising ko masama na naman ang loob ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko, na para bang may nakadagan sa dibdib ko.
Early in the morning bad mood na ako, at mas lalo akong nawalang gana ng araw na ito dahil sa nakita ko.
Si Teofelo na masigasig na nagsisibak ng kahoy.
Wala naman sanang kakaiba sa pagsisibak niya ng kahoy. Ang ikinaiinis ko lang ay, nagsisibak siya ng kahoy para kila Tin-tin. Now it’s official that Teofelo is courting Tin-tin, and I don’t like it.
Mas ikinaiinis ko pa ay ang nalalapit naming pag-alis. Sa isang araw na iyon, and our situation is getting worst.
Iniiwasan na ako ni Teofelo. His talking to me because his polite and just being thankful with me because I’m the one who saw him. Pero bukod doon wala na.
“Good morning Teofelo.” Bati ko sa kaniya.
Tumigil naman siya sa sisibak ng kahoy. Ngumiti siya pero halatang napipilitan lang o ako lang ang nag iisip.
“Good morning too Divine,” bati niya din.
This is one of Teofelo’s changes, he can now gradually adopt the new era. Hindi man totally na na-adopt na niya ang buhay sa ngayon pero unti-unti natututo siya.
Just like how he manage to great me back in English.
“Naku! Pilo tumigil ka na d’yan at hindi mo naman kailangan na magsibak ng kahoy may gasul naman na kami.” Saway ni Tita Mercy kay Teofelo.
“Baka po kailanganin niyo pa din po ng kahoy, Tiya Mercy. Mas… mas maganda po na may… stock na kahoy po kayo.” Pautal utal siya kung magsalita, siguro dahil iniisip niya kung paano niya sasabihin ang mga salitang gusto niyang sabihin.
“Divine, hija nandiyan ka pala. Buti ka pa at gising na iyong pinsan mong lukaret natutulog pa. Luluwas pa naman iyon ngayon pa-Maynila.” Baling sakin ni Tita Mercy.
“Good morning po tita.” That’s all I can say.
Agad Kong nilingon si Teofelo na nagsisinop na ng mga nasibak na nitong kahoy. Hindi na naman niya ako pinapansin.
“Teofelo pwede ba tayong mag-usap.” Nilakasan ko na ang loob ko.
Alam Kong nasa tabi lang namin si Tita Mercy. Alam ko ding magtataka siya bakit kailangan Kong makausap si Teofelo. Because from the very beginning alam talaga ng mga kamag-anak namin na si Tin-tin ang gusto ni Teofelo hindi ako. At iyon ang hindi ko matanggap hanggang ngayon.
But I don’t have a care right now, I’m running out of time. Sa isang araw aalis na kami pero ganito pa din ang pakikitungo sakin ni Teofelo. I’m taking the risk now, wala naman sigurong mawawala sakin. I need to clarify things between me and Teofelo.
“Maiwan ko na nga muna kayong dalawa. Gigisingin ko lang si Mirasol ng makagayak na ang malditang iyon. Tanghali na nasa higaan pa…” nagsasalita si Tita Mercy habang papalayo siya samin.
Huminto lang sa ginagawa niya si Teofelo ng nakapasok na sa loob ng bahay si Tita Mercy.
“Miss Devine, kung anoman ang iyong nais na—”
“Stop Teofelo, I just want to say is aalis na kami sa isang araw. We’re going back in US, matagal akong mawawala. Maybe taon bago ako makabalik, baka nga in that time kayo na talaga ni Tin-tin.” Pigil ko sa iba pa niyang sasabihin.
Nanahimik lang si Teofelo kaya sasamantalahin ko na ng pagkakataon na ito para makausap ko siya at masabi kung ano ang nararamdaman ko.
“In just two weeks since I met you, you already had a soft spot here in my heart. And as days goes by it grows little by little until I finally sort things out. I love you Teofelo, you can say that it was too early to say it that you might think I’m a weird to fall in love in just two weeks. But look, if your sister tells us that I was Angelina in your past life we are really meant for each other. That I’m your soulmate, that we’re destined to be together. I—”
“Binibining Devine, ipagpaumanhin mo. Ngunit maaaring ako’y nag-aaral upang makibagay sa panahon na mayroon tayo ngayon. Ngunit mayroon akong limitasyon na hindi ko mawari nang buo ang lenguwaheng iyong ginamit. Ang aking nakakatandang kapatid na lalaki’y nasabi sa’king ang aking mga nalalama’y basic sa lenguwahe ng ingles.”
Parang gusto kong kutusan ang sarili ko, bakit ba hindi ko naisip iyon? Bakit kasi naging kampante na naman ako at hindi ko naisip na may limit ang mga alam ni Teofelo.
“Nais ko din kunin ang pagkakataon na ito Binibining Devine, nais kong humingi ng paumanhin sa’yo. Nalaman ko na ang buong pangyayari sa aking nakaraang buhay. Hindi ko mawari na kung bakit nabura sa aking alaala ang mga nangyari noon. Na kung bakit hindi ko maalala na ako’y umiibig sa isang dalagang nagngangalang Angelina. Nababatid ko ding nasabi na sayo ng aking kapatid na ika’y nahahawig sa Angelina na nasa aking nakaraan. Nababatid ko ang gusting mangyari ng aking mga kapatid na ikaw ang aking suyuin. Ngunit—” napalingon siya sa likod ko kaya maging ako napalingon din.
Doon nakita ko si Tin-tin na bagong gising lang na nakatanaw sa may pintuan. Nakasimangot na nakatingin samin, nang makita niya kami umirap siya bago kami talikuran.
“Hindi ko maipaliwanag kung bakit sa unang beses na magtagpo ang aming mga mata ni Binibining Tin-tin may kakaiba na akong nararamdaman sa aking puso. Hindi ko magawang supilin ito o pigilan. Ipagpaumanhin mo binibining Devine, Ngunit nais ko sanang makausap si binibining Tin-tin ng mga sandaling ito.” Hindi na niya ako hinintay na sumagot basta na lang niya akong nilagpasan.
Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko, o sasabihin ko kay Teofelo.
………………………..
NAKATITIG lang ako sa mga maleta ko na nasa gilid ng kwarto ko. Bukas flight na namin pabalik ng US, siguro kung hindi ko nakilala si Teofelo hindi ako ganito. Hindi ko gugustuhin na maiwanan dito o itong nararamdaman kong mabigat sa dibdib ko na aalis kami ng bansa.
Dati ng unang beses kaming aalis ng bansa sobrang excited ako na makaalis, naalala ko pa nga na hindi ako nakatulog noon sa sobrang excitement ko.
“Hey! Bakit ang lungkot yata ng baby ko?” It’s my brother.
Pinanghabaan ko siya ng nguso ng basta na lang siyang pumasok sa loob ng kwarto ko. Well palagi naman niyang ginagawa ito, sanay na dapat ako. Pero dapat din na masanay ang kuya ko na dalaga na ako, na hindi na siya pwedeng basta na lang pumasok sa loob ng kwarto ko basta-basta.
“Kuya, do you know the word privacy?” pagtataray ko sa kaniya na tinawanan lang ako.
Naupo na ito sa tabi ko at ginulo ang buhok ko, sabay akbay sakin.
“Gumayak ka, let’s go shopping,” aniya.
Pinakita pa niya ang card niya sakin, na nakangisi siya. Kahit feeling ko tinatamad ako gumayak ako, shopping daw kasi eh. One of my weaknesses and at the same time libre so again one of my weaknesses.
Kaming dalawa lang ang nagpunta ng Mall. Tin-tin is not around and so as other cousins. Malayo kasi ang mga colleges dito sa bayan namin, meron mang college limited lang ang course na offer. Kaya ang iba naming mga pinsan sa Manila nag-aaral ng college, tulad ni Tin-tin.
Kahapon pa umalis si Tin-tin, hindi man lang kami nakapag-usap na dalawa. I want to say sorry to Tin-tin, I know I’m the one who is wrong in here. Hindi ko dapat siya inaway ng ganoon, hindi naman niya ginusto ang mga nangyari. Tama naman si Tin-tin na nadamay lang siya at tinulungan niya lang kaming pagtakpan si Teofelo noon.
Hindi din naman kasalanan ni Tin-tin na nagkagusto sa kanya si Teofelo instead of me.
“Hey! Nasa Mall na nga tayo. Libre ko na lahat ng gastos mo, pero panay pa din ang panghahaba ng nguso mo dyan.” Sita sakin ng kapatid ko.
“Kuya, am I not lovable or desirable for you?”
I saw him gulp three times, and look at the other way.
“Why are you asking me that? Your my…sister. Of course I will sided you no matter what.” He said with unsure tone of his voice.
I feel like I was betrayed by my own brother, before I like that his sided me.
“Kuya naman eh! Be honest this time. Okay! All of a sudden I feel like I’m the ugliest girl in the world!”
Tumawa lang si Kuya after kong sabihin iyon, mas Lalo tuloy akong naiinis sa kaniya. Pero sandali lang, kasi nang huminto siya sa pagtawa at biglang nagseryoso na nakatitig sakin, I felt awkward in instance just by his stares at me like am the only person in this place in his eyes.
“You’re the most beautiful woman in this world, Devine. No one can argue with that, I’ll beat those who will say that your not beautiful Devine.” He said while looking at me intently.
To ease the awkwardness I felt while his looking at me, I turn my gaze at my right.
“Kuya look at those,” she said.
Hindi ko na nilingon pa ang kuya ko, alam ko naman na tinignan na niya ang tinuturo ko. It’s Teofelo’s siblings with their mother.
“Tita Teodora!” tawag ko sa nanay ni Teofelo.
Medyo napalakas ang tawag ko, pinagtinginan pa kami ng mga tao. Most especially pinagtinginan ako ng mga tao.
“Oh! hi there Devine and Dominic.”
Linapitan nila kami, ako naman ay tumayo para salubungin na din sila.
“Kumusta po kayo?” l asked them.
Politely they answered me with a gestured that they’re okay. For a minute no one dares to speak, until I take all the courage to start a conversation.
“Nasaan po si Teofelo? Bakit hindi niyo po siya kasama ngayon?”
I assumed na dapat kasama lang nila si Teofelo. Because Tin-tin is already in Manila right now.
“His with that Tin-tin his always bragging about,”ani Ate Leonora.
Nakairap siya habang nagsasalita, I feel like she doesn’t like my cousin. Dapat ba akong matuwa nito, I can sense na sakin ang boto ng kapatid ni Teofelo.
“She’s our cousin.” Sabad naman ni Kuya.
“Bakit hindi pa namin siya nakikita? When ever we told Teofelo to bring this Tin-tin in our house he’ll just said that Tin-tin is shy and all. Parang ayokong maniwala.” Pagtataray pa ni Leonora.
“Ora, tama na iyan. Hindi ba napag-usapan na ng pamilya na igagalang natin kung ano man ang desisyon ng kapatid ninyo.” Saway ng naman ni Tita Teodora sa anak.
“Pero ina, kailangan nating bantayan si Teofelo. Baka dahil sa ginagawa niya mapahamak na naman tayong lahat. Hindi natin alam kung ano ang kaya pang gawin ni Mirasol. Nakikita niyo naman ang nangyari sa buhay nating lahat.” Tumayo na si Ate Leonora at naiinis na umalis.
Agad naman itong sinundan ng kapatid nito na hindi na nagawang magpaalam.
“Pagpasensiyahan niyo na ang mga anak ko. Nitong mga nakaraang araw kasi naiinitin ang mga ulo nila. Hindi ko ililihim na nagtatalo ang mga anak ko ngayon dahil sa nangyayari.” Paliwanag naman ni Tita Teodora.
Natahimik na naman kami, nakatanaw naman sa malayo ang nanay ni Teofelo. Parang ang lalim ng iniisip nito.
Everything is complicated as of the moment. Ang hirap ipaliwanag ng mga nangyayari, hindi ko kayang ipaliwanag.
When we decided to take our vacation here in the Philippines I never thought I’ll be entangled in this kind of situation. I don’t even believe it myself that these is really happening right now. It’s like I’m actually reading a fantasy book that everything is happening is a fiction.
“Natatakot lang naman po si Tin-tin sa inyo. Hindi niyo naman masisisi ang pinsan namin. Hindi normal ang pamilya niyo. Maraming mga kuwento ang lumalabas patungkol sa pamilya niyo na talagang kinakatakot ng mga tao. At hindi naman iba si Tin-tin sa mga iyon.” Bigla nagpaliwanag na lang ang kapatid ko.
Teofelo’s mother smiled at us when she look at us.
“Alam ko naman iyon, ang hindi lang makuha ng mga anak ko ay kung bakit iba ang gustong makasama ni Teofelo ngayon. Natatakot silang baka bigla na lang lumabas si Mirasol at malaman na hindi na naman sila ang magkakasama ngayong panahon na ito.”
I can’t understand it really.
“Sinabi ko na sa kanila na hayaan ang kapatid nila sa gusto nitong mangyari. Pero hindi mo din maiaalis sa kanila ang magalit o magtampo. Hindi biro dalawang daang taon na palaboy laboy kami sa mundo.” Dagdag pa nito.
“What if, wala naman na talagang lunas ang sumpa ninyo? What if this witch is really not existing anymore? What will you do?” all of a sudden my brother asked it.
“To be honest, sa dalawang daang taon na buhay namin wala kaming ideya o ano mang sagot sa sumpang binitiwan samin ni Mirasol.”
Magsasalita na sana ako ng tumunog naman ang cellphone ni Kuya na nakaagaw ng atensiyon namin.
“Yes, mommy?”
Nginitian ko naman ang nanay ni Teofelo ng magkatinginan kaming dalawa.
“What? We’re on our way, stay calm mommy. We’re coming okay, stay calm mommy.” May pagmamadali ang pagsasalita ng kapatid ko.
Base pa sa tono ng pananalita niya, parang emergency ang nangyayari.
Kinabahan naman ako bigla Lalo pa at mukhang hindi maganda ang sinabi ni Mommy sa kapatid ko.
“Devine, si daddy nasa ospital.” Ani kuya na ikinagulat ko.
Hindi na kami nakapagpaalam pa sa nanay ni Teofelo basta na lang kaming tumakbong magkapatid. Naalala ko na lang ang pagiging rude namin nasa sasakyan na kami papunta ng ospital.
Hihingi na lang ako ng sorry sa nanay Teofelo kapag nagkita kami ulit.
Sa ngayon ang buong atensyon ko ay nasa daddy namin na hindi ko alam bakit isinugod sa ospital.