"OMG, DIVINE is that you?"gulat na gulat pa at may pagkaeksaheradang tanong ni Tin-tin pinsan ko.
May nakakabigla ba na makita niya ako ngayon?
Parang ang tagal naman naming nawala sa lugar na ito. Eh walong taon lang naman kaming nagstay sa ibang bansa. I even remember the old time when we're still living here. Wala naman nagbago sa buong paligid o kung meron man hindi naman ganoon ang laki ng ipinagbago.
My father is a well known Architect, kinukuha siya ng mga kilalang tao inside and outside thw country to design their building. At dahil magaling ang daddy ko sa trabaho niya kinuha siya ng isang kilalang architectural firm sa ibang bansa. And as his family, dala niya kami kahit saan ito magpunta.
After eight years balik bayan kami para bumisita sa mga kamag-anak namin. Excited ang buong pamilya bukod sakin na gusto ko ng bumalik sa America. My life belong there now, nandoon na ang mga kaibigan ko.
"Hi, Tin-tin."bati ko pinsan ko.
Kahit na wala sa loob Kong umuwi, I know how to treat my relatives well. I still remember their names. May muwang naman na ako sa mundo ng umalis kami dito.
"Amputa, may american accent ka ng bruha ka."bulalas ni Tin-tin sabay tawa ng malakas.
Nagkatinginan kami ni Kuya, ako tumaas ang kilay ko samantalagang si Kuya nakitawa na din kaya Tin-tin. My older brother and Tin-tin have almost the same age, Tin-tin is twenty while my brother is twenty-two. And I'm only eighteen by the way.
Nakangiwi akong tumingin ulit kay Tin-tin na tawa Pa din ng tawa.
I understand whatever she said, ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niya pa akong murahin. At higit sa lahat HI lang ang sinabi ko sa kanya and she reacted that way. What more kung more english words na talaga ang sinabi ko sa kanya.
"Ikaw naman Tin, mukhang nakalunok ka ng mega phone ah. Ang lakas ng timbre mo, may kasama pang mura."sabi ni kuya sa pagitan ng pagtawa nito.
"Sus, ano namang ikinalakas ng boses ko? natural ko lang naman ito."tumatawa pa ding sagot ni Tin-Tin.
Silang dalawa na ang nag-usap at sila naman ang nagkakaintindihan. Kung saan-saan na nga napadpad ang usapan nila. I really don't speak a lot, kahit sa mga friends ko sa US. I'm kind a listener that speaker type of person. And besides, tanda Pa naman siguro ni Tin-tin ang ugali ko.
"Di ka pa din nagbabago Divine, wala ka pa ding hilig umimik."good thing tanda Pa nga niya talaga ang ugali ko.
"Para mo namang 'di kilala ang kapatid ko. Mas gusto niyang kausapin ang mga libro niya kaysa sa totoong tao"biro naman ni kuya, which is true.
I just smile and nod with them as my answer. Wala nga ako sa mood na makipaghuntahan. Maybe I still have a jet log, after all we just arrived yesterday.
"Tara na lang sa simenteryo, dalawin natin sila lolo at mga Tito at Tita natin."aya na lang ni Tin-tin makalipas ng ilang minuto nilang daldalan ni Kuya.
"Mabuti pa nga."sang-ayon naman dito ni Kuya.
Tumayo na sila para gumayak na papuntang sementeryo. November 1 kasi ngayon, so technically kapag ganitong araw asahan na ang mga pilipino ay nasa sementeryo ngayong araw para dalawin ang mga namayapang mga kamag-anak.
"Is it necessary for me to come?"hindi sa nag iinarte ako, sa mas gusto Kong matulog na lang kaysa ang maglibot.
"Yes, if you like to come."sagot ni kuya habang naghahanap ng maisusuot.
Sinimangutan ko siya bago nagdadabog na nagtungo sa kuwarto ko. Well, kahit na walong taon kaming buong mag-anak na wala dito na maintain ang bahay namin. Thanks to Tita Mercy, nanay ni Tin-tin sa kanila kasi inihabilin ni Daddy ang bahay namin. Kaya intact pa lahat ng mga gamit namin except for some of our appliances na ang iba sira na dahil sa katagalan na walang gumagamit.
Nanghahaba ang nguso ko habang nakasunod sa kuya ko at kay Tin-tin pati na din si Boyong, kapatid ni Tin-tin na sumama na samin. Naglalakad lang kami dahil medyo malapit lang naman ang sementeryo samin.
"It's so hot, Kuya!"reklamo ko ng nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad.
Nilingon niya ako at nginitian lang bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero maya-maya lang may inabot siya sakin na panyo.
"Bakit naman kasi di ka nagdala ng payong?"bulong niya sakin habang inaabot niya sakin ang panyo.
Inirapan ko lang siya at hindi na nagreklamo pa. Pagdating namin sa sementeryo ang daming tao. Parang hindi mahuluga ng karayum ang buong paligid, it's a public cemetery kaya madaming tao.
Hindi na ako nagulat ng kunin ni Kuya ang braso ko at akayin niya ako sa paglalakad. He's kind a protective big brother to me hindi na ako naninibago dahil ganito na siya ever since.
"Wag kang lalayo sakin, baka mawala ka madaming tao."bulong pa niya sakin.
"How can I stay away from you, if you already holding my hand Kuya?"sarcastic kong tanong sa kanya na nginisihan niya lang ako.
hanggang sa makarating kami sa puntod ng mga kamag-anak namin. Thankfully may bubong naman kaya kahit papano may lilim kami. Nandoon na ang iba naming mga kamag-anak, noong una bati-bati kwento-kwento, dahil ngayon na lang nila kami nakita. Pero later on mga nagdadasal na sila at tahimik na maging si Tin-tin tahimik na.
I'm new with this, kasi noong maliit ako hindi naman ako masyadong attentive sa mga ganitong okasyon.
While contemplating and just observing the people around me I'm also observing the whole place.
Then all of a sudden nagawi sa isang sulok ng sementeryo ang paningin ko. I'm now looking an old museleo, its old and creepy.
Natawag ang pansin ko kasi bukod nga sa luma na siya at nakakatakot tignan mukhang walang bumibisita sa museleo na iyon.
"Saan ka pupunta?"tanong ni Kuya sakin.
I looked at him and signaled him where I'm going to go.
"Why?"bulong niya sakin.
"I just want to see it closely."bulong din.
Tahimik kasing nagdadasal ang mga kasama namin nakakahiya naman na marinig nila kami ni Kuya na nagtatalo.
"You stay here Divine, stop what your curiosity is going into, right now."utos niya sakin.
Hindi ko naman siya pinakinggan at nagtuloy pa din ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng museleo.
Pansin ko din ang laki niyang museleo at ang lawak ng bakuran niya. Para siyang bahay tapos may malawak na garden pero lahat tuyot na ang tanim. Tapos wala talagang taong nagagawi dito kaya pansinin talaga ang lugar na ito.
"Ang tigas talaga ng ulo mo Divine."sita sakin ni Kuya.
Nasa likod ko na siya at nakasimangot habang nakasunod sakin.
"I just want to see it."ulit ko sa nauna ko ng sinabi sa kanya kanina.
Paglapit namin sa may gate na hanggang dibdib ko nakalock ito na mukhang matagal ng di nabubuksan. Panay kalawang na din kasi ang mismong lock niya, tapos ang fence din niya puro kalawang na din.
"Nakita mo na tara ng bumalik."aya sakin ni Kuya.
"Sandali!"saway ko naman ng abutin niya ang braso ko.
"Wag ng makulit, Divine!"saway niya sakin.
Parang may bumubulong sakin na pumasok sa loob, kaya nagpabigat ako para hindi niya ako mahila. Nang mabitawan niya ako, agad akong tumakbo palapit pa lalo sa gate, konting tulak ko lang nasira ang gate.
Manghang napatingin ako sa bumagsak na gate, nakuha na nga namin ang atensyon ng mga tao sa malapit. May mga nagbulungan habang nakatingin samin but I don't care at all. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ang makapasok sa mismong museleo.
"Divine!"tawag ni kuya sakin na hindi ko pinansin.
Deretso lang ako sa mismong pintuan, di tulad sa may gate na kinakalawang ang lock dito hindi ko makita ang lock. Pero kahit na anong tulak ko hindi mabuksan ang pintuan.
"Ineng hindi mo talaga mabubuksan ang pinto na iyan."boses ng isang matandang lalaki.
Nasa likod ko na naman ang kuya kong sambakol na ang mukha habang masama ang tingin sakin.
"manong, how can I open this door and come inside of this museleo?"tanong ko sa matanda.
Napakamot naman sa kakapiranggot na buhok si Manong habang nakatitig sakin.
"Anong sabi mo ineng?"tanong niya sakin.
"Sabi po niya, paano po ba mabubuksan at makapasok sa loob?"si kuya na ang nagsalita.
"Ay! naku, walang pwedeng pumasok sa loob ng museleo ng mga De Asis. Sila lang ang pwedeng magbukas ng museleo nila,"anito.
Laglag ang balikat ko na nakasimangot na nakatitig sa pintuan.
"Ano tara na?"aya sakin ni Kuya.
"But we're De Asis!"pagsisinungaling ko.
Pinanlakihan ako ng mata ni Kuya habang nakakunot ang noo ni Manong na nakatingin din sakin.
"Manong, De Asis po kami, pwede niyo pong buksan ang pinto?"tanong ko sa kanya.
Napatingin naman si Manong sa kapatid ko.
"Siguro naman po may susi kayo? I think kayo po ang caretaker ng cemetery na ito?"tanong ko pa din sa kanya.
"Ah..eh!"alanganin na sagot ng matanda.
"Hindi mo ba narinig, Divine mga de Asis lang pwedeng magbukas hindi si Manong."bulong sakin ni Kuya.
"Look at him kuya, he carry a lot of keys. But of all the keys he's holding there's a small and old key on it. You can check it for yourself."bulong ko din sa kanya.
Napansin ko na iyon kanina ng lumapit si Manong samin, may mga susing nakasukbit sa bewang niya. Hindi lang mga kasi super daming susi, hindi kaya nabibigatan si manong sa mga susi na iyon. But only one key got my attention, and that is the oldest key on that bunches of keys.
"Manong, De Asis po kami. Our great-great grandfather is De Asis po. Kaya De Asis kami, but unfortunately wala po kaming susi. See luma na po kasi ang Museleo namin, we lost our key."pagtatahi ko pa ng kwento.
Napailing na lang ang Kuya ko, I know hindi na siya kokontra sakin.
"Ano daw ang sabi niya boy?"baling ni Manong sa kuya ko.
Napahagalpak naman ng tawa ang Kuya ko sa sinabi ni Manong. Ako naman napasimangot ang haba ng sinabi ko sa kanya di niya naman pala ako naintindihan.
Inulit ni Kuya ang sinabi ko in pure tagalog na. Noong una hindi naniniwala si Manong pero later on nauto din siya ni Kuya. See susuportahan niya ako sa lahat ng kalokohan ko di ba.
"Mga De Asis lang ang pwedeng pumasok sa loob. Iyong ang kabilin-bilin sakin ng tatay ko na bilin din sa kanya ng lolo ko at ng mga ninuno namin. Kaya kayo na lang ang papasok sa loob."sabi ng matanda.
Napataas ang kilay ko ng makitang para siyang natatakot habang sinasabi ang mga bagay na iyon. Pero hindi ko na lang masyadong pinagtuunan ng pansin ang takot ni Manong.
I felt excited while walking inside, habang naglalakad ako panay ang hawi ko ng mga agiw. Tama ba agiw ang tawag sa spider web. Nakalimutan ko na kasi ang Tagalog noon.
"s**t!"impit na mura ng kapatid ko.
Nalingunan ko siyang nagtatanggal ng spider web sa balikat niya and I think there's something na nahulog sa kanya kaya siya napamura.
"Damn it Divine, lumabas na tayo dito. Baka kung anong sakit pa makuha natin dito."inis na bulalas niya.
"Just wait kuya okay, I just wan't to see what's inside."sagot ko habang patuloy sa paglalakad.
Ang laki niya sobra, mula sa pinto may malaking hall na bubungad sayo na akala mo sala pero bakante lang naman. may mga natatakpan na mga gamit pero sa tingin ko sira na ang mga iyon dahil sa kalumaan.
From the entrance may isa pang pinto na papasukin, but unlike the gate and front door wala ng lock ito, so we came in.
And there bumungad samin ang isang nitsong kulay itim na marmol. Maalikabok siya sobra, but to my surprise na ang inaasahan kong madaming nitso dahil malaki ang Museleo'ng ito ang nadatnan namin isa lang.
Agad ko itong nilapitan at hinanap ang lapida niya.
"s**t, so creepy damn it!"bulalas na naman ng kapatid ko.
Paglingon ko sa kanya, panay din ang lingon niya sa paligid namin habang yakap-yakap ang sarili.
"Teofelo de Asis"basa ko sa pangalan sa lapida niya.
"s**t!, it's the oldest tomb I've ever seen."bulalas ng kapatid ko.
nakatingin na din pala siya sa lapidang binabasa ko.
It say, this Teofelo de Asis was born at the year 1801 and died at the year of 1819. Well for me it is also the oldest tomb I've ever seen in my entire existence. At hindi ko aakalain na sa pilipinas ko pa matatagpuan ang ganitong kalumang puntod.
I look around, baka may iba pang puntod dito pero wala na talaga. Then in front of me was a huge portrait I guess, nakasabit kasi siya na natatakpan ng tela.
"Ano na naman ang nakita mo?"angil ni Kuya.
Nginitian ko siya ng nilingon ko siya sabay turo ng nakita ko.
"Wag mo ng pakialamanan iyan Divine, tara ng umuwi!"aya niya sakin.
"Nandito na tayo kuya, why so grumpy?"kantiyaw ko sa kanya.
"Grumpy? ako? loko ka ah. I'm not grumpy, I just don't like this place!"inis na sagot niya sakin na tinawanan ko naman.
Nilapitan ko na ang portrait, without any hesitation I pull the covered of it and I'm not mistaken, portrait nga ang nakatakip.
Isang lumang portrait ng isang binata.
Nakaside view lang ang binata pero halata ang gandang lalaki niya.
Seems like I fell in love at first sight with him.
Ang gwapo niya, and neat niyang tignan which is my weakness. Kapag good boy image mabilis akong ma-attract sa lalaki.
"Teofelo, nice meeting you."kausap ko sa portrait niya.
Muli kong tinignan ang puntod at nilapitan. Hinaplos ko ang puntod niya habang nakatitig ako sa portrait niya.
Sayang at patay na siya.
"Wag mong sabihin na crush mo na siya?"nanlalaki ang mata ni Kuya habang nakatitig sakin.
Nginitian ko lang at muling tinignan ang portrait.
"Tara na, nakita mo na wala ka ng idadahilan sakin. Baka hinahanap na tayo nila Tin-tin."aya na naman sakin ni Kuya.
Well I felt like there's a hole inside my chest habang hila-hila na ako ni kuya palabas ng museleo. I look again for the last time sa portrait ni Teofelo.
"I wish I'll meet you in this life time!"bulong ko habang nakatitig sa larawan niya.
Hibang na kung hibang, hindi naman masamang humiling di ba.
Bakit naman kasi magkaibang panahon pa kami, sana nabuhay na lang ako ng panahon niya. Sana nakilala ko siya, at baka naakit ko pa siya kung nagkataon.
Natawa ako ng lihim sa kapilyahan ko.
Siguro tinawag mo ako kaya di ako nagpapigil na makapasok dito sa himlayan mo.
Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko.
Hanggang sa nakauwi kami, si Teofelo na lang ang laman ng utak ko. Balak kong bumalik sa museleo niya bukas. Lilinisin ko ang paligid at ipagtitirik siya ng kandila kahit naman papaano may bumisita sa kanya na mukhang wala na talagang bumisita pa sa kanya kahit kailan.
..............................................