IT’S been two days since the last time I saw Teofelo. Tuloy pa din ang buhay namin, kasama pa din namin sa bahay si Tin-tin at ang iba naming mga pinsan. Pero pansin na ng lahat na hindi kami nagpapansinan ni Tin-tin. Umiiwas din kasi si Tin-tin sakin. Kaya nahalata ng lahat na may gap kami ni Tin-tin. Kapag parating ako kahit masayang nakikipagkuwentuhan si Tin-tin sa iba naming mga pinsan aalis siya. Kapag siya naman ang bagong dating tahimik lang siyang papasok sa loob ng kuwarto niya at magkukulong na doon. “Nag-usap na ba kayo ni Tin-tin?” tanong ni kuya isang araw. Nasa mall kami para mamili ng gagamitin ko sa final project ko sa isang subject ko. “Nope.” Nakita ko lang siyang umiling. “Devine, hindi naman kasalanan ni Tin ang kung anong nangyayari sa buhay ni Teofelo ng