MATAPOS ANG halos limang araw na unos, sumikat din ang haring araw. Nakalabas ng muli ang mga tao ng San Andres upang gawin ang kanilang hanap buhay, at iyon ay ang pagsasaka. Nagbubunyi ang lahat dahil na rin sa kapanganakan ng unang anak ng nakatatandang De Asis na si Jose De Asis. Nauna mang ikinasal si Jose De Asis at ang may bahay nitong si Juanita’y nahirapan sa pagbubuntis ang ginang. Ilang taon din ang hinintay ng dalawa upang sila ay magkaroon ng supling. Hindi katulad ng nag-iisang anak na babae ng mga De Asis na si Leonora Cruz y De Asis na agad na nagbuntis sa unang taon pa lamang ng kasal nito. Na ngayo’y mayroon na itong dalawang supling, na sina Bernardino at Cresensiana. Tanging ang bunsong anak na lamang ng mag asawang Eulugio at Teodora De Asis ang hindi pa naikakasal