BAKIT napapadalas yata ang punta ni Nanay Elena sa bahay naming magpipinsan? Ang nakakapagtaka pa, palagi ang kumusta niya sakin. Kung kumusta na daw ba ang pakiramdam ko at kung wala daw ba akong nararamdaman na kahit na ano? “Devine, puwede ba tayong mag-usap?” it’s Tin-tin. Nagulat ako na siya ang unang nag-approach sakin, at hindi niya ako iniiwasan ngayon. “Ano naman ang pag-uusapan natin?” I sounded like I’m a b*tch. Ang maldita ko talaga. Then I saw Teofelo coming, bumilis na naman ang pintig ng puso ko habang papalapit siya sakin. Pero lahat ng excitement na nararamdaman ko kanina nawalan ng makita kong umakbay siya kay Tin-tin and Tin-tin let him be. “Kung ang sasabihin mo sakin ay tungkol sa nagkakamabutihan na kayo ni Teofelo so be it. I already know this, sinabi mo na s