ANG GABI NG PIGING. Nagkakasiyahan ang buong nayon ng San Andres. Mayroon nagkakantahan, nagsasayawan sa saliw ng masayang tugtugin. Isa nga itong pagbibigay ng pasasalamat sa magandang ani para taon na ito. “Mirasol halika hija, at ipapakilala kita sa mga kaibigan ko.” Magiliw na pahayag ng ina ni Teofelo. Hindi naman maalis ang mga ngiti sa mga labi ng dalagang si Mirasol. Pakiramdam nito’y kaisa siya sa pamilya ng mga De Asis. Kung ituring siya’y hindi isang tauhan sa sakahan ng mga ito kung hindi’y para na siyang isa sa mga anak ng mga ito. Sa sobrang kagalakan ng dalaga hindi niya napagtuunan ng pansin na wala roon sina Teofelo at Angelina. Palalim na ang gabi ng kaniyang magpasyahang hanapin ang dalawa. Nais niyang ibahagi ang kaniyang kasiyahang nadarama ng mga sandaling ito k