Chapter 11

1496 Words

"Pre, mauna ka na sa akin umuwi. May lakad lang ako," paalam ni David matapos nilang mag-ligpit ng mga gamit sa table nila. Natigilan sa pagsabit ng bag sa balikat si Enver at saka napatingin sa kaibigan. "Palagi ka na lang may lakad, ah?" pagpuna nito sa kaibigan. "Sige na. Mauna na ako sa 'yo," nakangiting paalam ni David sa kaniyang kaibigan bago ito tuluyang iwan. Pinanuod na lamang ni Enver si David na mawala sa kaniyang paningin bago magpasyang umuwi sa kanilang boarding house. Sa kabilang banda, nakikinig si Charlotte sa usapan ng dalawa. Lumabas ito sa pagkakatago sa ilalim ng table niya bago nagmadaling kinuha ang mga gamit niya pasunod kay David. Ngayon ay malalaman niya na kung sino ang babaeng kinababaliwan ni David. Nasasaktan man siya na mayroon na ngang ibang gusto si Dav

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD