GADGET 5

1054 Words
Hindi na nagawang magpalit ni Ryan ng damit sa sobrang pagod at antok. Kaya pagkarating sa loob ng kuwarto, agad siyang dumapa at natulog. Pero, naalimpungatan siya sa sunud-sunod na tunog ng notification sa cellphone. Kinapa-kapa niya ang kama gamit ang kaliwang kamay. At nang mahagilap ang hinahanap ay nakapikit pa ang isang mata na sinilip iyon. Medyo nasilaw rin siya sa liwanag na dala nito kaya hindi niya mabasa. Patamad na gumulong siya pakaliwa para makatihaya. Umusog din siya pataas para makaunan. Sinanay niya ang mata sa liwanag na dala ng cellphone bago tsinek ang orasang nasa itaas nito; alas tres y media pa lang pala. Binuksan niya ang f*******: at bahagya pang napangiti dahil halos umabot sa trenta ang notification niya. Sabi na, marami ang magko-comment sa bago niyang gadget. Hindi siya nangangamba na baka malaman na nasa kaniya ang cellphone ng namatay na may-ari niyon. Hindi kasi ipinaalam ng lalaki na nabili nito ang aparato. Ibang pangalan ang ginamit nito. Hindi niya rin alam kung bakit ganoon ang ginawa nito. Baka nga dahil malaking pera na ang sangkot, manakaw pa sa kaniya. Na nangyari na nga. Ito ay ayon lang naman sa mga kuwento kanina ni Noah. Hindi naman nito sinabi kung paano nila nalaman iyon. Kaya safe siya dahil tanging ito lang ang nakakaalam na mayroon siyang kakaibang cellphone. Bumilib nga siya kina Drake and Noah sa galing ng mga ito na malaman kahit pa naitago ang tunay na katauhan ng bumili. Pero kagyat na nawala ang antok niya at tuluyang napabalikwas nang bangon nang mabasa ang isang comment sa picture na pinost niya. Kinusot niya pa ang mata at inilapit ang cellphone sa mata para makasigurado sa nabasa kanina. Allanis May Riparip: luh? Ang astig! Totoo ba 'yan o edit? Kael Jun-Jun Zee: pre, anong apps gamit mo? Parang totoo... galing naman! Medyo nalito pa siya dahil ang akala niyang pinatutungkulan ng mga ito ay ang cellphone mismo. Pero isang comment ang nagkumpirma ng hinala niyang itsek muli ang selfie niya kanina. Jason Vim: katakot naman iyan! Edit man o totoo, nakakatakot pa rin. Walang ulo! Lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib at agad na klinik ang picture. Tinitigang maigi. Nakahinga siya nang maluwag na may ulo naman siya sa larawan. Unti-unti zinoom niya ito at bigla nabitawan niya ang cellphone. Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin pa rin sa pugot na ulong nasa likuran niya! Nakasakay sa backseat ng kotse! At hindi niya man lang iyon napansin! *** "Mga ga*o kayo?! Sabihin n'yo sa akin kung paano ninyo pinatay ang lalaking iyon!" Nanggagalaiti sa galit si Ryan. Sinugod niya ang dalawa; si Drake at Noah na nag-iinuman sa isang tindahan sa Tondo. Nag-commute lang siya dahil baka magpakita sa kaniya ang lalaking may-ari ng cellphone. Sigurado siya ang lalaki iyon! Dahil nangyari lang naman iyon no'ng mapasakamay niya ang gadget. Dis-oras na ng gabi pero wala siyang pakialam. Hindi sinasagot ni Noah ang tawag apat na araw na ang nakalipas mula ng may makita siya sa larawan. Buti na lang at alam niya kung saan ito nakatira. Hindi na rin siya nakapasok at tumawag na lang dahil emergency. Emergency naman talaga dahil hindi siya matahimik sa nangyaring iyon. "Susugod ka rito para lang tanungin iyan? Ano pa bang gusto mo? Nasa iyo na ang..." Malakas na hinampas ni Ryan ang lamesang nasa harapan ng dalawa na siyang naging dahilan kung bakit natigil ang pagsasalita ni Drake. Natumba pa ang isang bote sa lakas ng uga, buti na lang at wala na itong laman. Hindi na napigilan ni Noah si Drake ng biglang haklitin nito si Ryan at kinuwelyuhan. Isinalya sa lamesa at inambaan ng suntok. "Huwag, p're!" Pigil ni Noah. Nagtitimping lumayo si Drake bago tinulungan ni Noah si Ryan na bumangon. "Tinulungan ka na namin na mapasa 'yo ang gusto mo! Ano pa bang problema?!" malakas na sigaw ni Drake. Hindi naman nasindak si Ryan bagkus ay nakakuyom ang kamao nito at pinipigilan lang na gumanti kay Drake. Parang wala namang pakialam ang mga mangilan-ngilan na nakakita sa pangyayari. Mukhang sanay na sila sa mga ganitong kaguluhan. Kahit ang may-ari ng tindahan ay hindi man lang nabahala. "Hindi ninyo alam kung ano ang nangyari sa akin mula ng mapasaakin ang cellphone na ito!" ganting sigaw ni Ryan. Saglit na hindi umimik ang dalawa, mayamaya pa ay inakbayan siya ni Noah. "Tara, sa bahay natin iyan pag-usapan." Sinenyasan nito si Drake na sumunod bago iginiya si Ryan patungong masikip na eskinita. *** "Ito lang? Bakit, nakita mo ba ito nang lumingon ka sa backseat? Sabi mo, may narinig kang kalabog? Baka may nangtrip lang sa 'yo. O, baka naman, ikaw lang ang may gawa nito para..." "Hindi ko nanaising paglaruan ang ganiyang bagay dahil wala naman akong mapapala!" Inagaw ni Ryan ang cellphone kay Noah kaya hindi nito natuloy ang nais pang sabihin. Katahimikan ang sunod na namayani sa paligid. Galit na huminga ng malalim si Ryan bago nagsalita. "Nasaan ang may-ari ng cellphone na ito?" Iwinagayway niya pa ang tangan sa dalawang nagkatinginan lang naman. "Hindi namin alam." Matiim na tumingin si Drake kay Ryan bago makahulugang tumingin kay Noah. "Sinungaling! Pinatay ninyo ang lalaking iyon tapos hindi ninyo alam kung nasaan? Ayon sa balita, nawawala siya. Saan ninyo dinala ang bangkay niya?" Galit pa ring turan ni Ryan. "Kung alam ko lang na ganiyan ka pala magpasalamat sa mga taong tumulong sa 'yo, e di sana hindi na lang ako pumayag sa plano." Naniningkit sa galit ang mga mata ni Drake na itinuon nito kay Ryan. "Hindi naman talaga ako pumayag! Pero bakit itinuloy ninyo pa rin?!" "Dahil gusto mo ang gadget na iyon, 'di ba? Ikaw ang dapat sisihin sa lahat ng ito!" Galit na tumayo si Drake na siyang ikinatumba ng upuan nito. Walang sabi-sabing tinungo na nito ang pinto at pabalagbag na ibinagsak. Nagkatinginan naman ang dalawang naiwan. Walang sala at tanging maliit na espasyo lang para sa kainan at tulugan ang tinutuluyan ni Noah. "Umuwi ka na. Kalimutan na natin ang lahat ng ito. Tutal naman, tatlo lang tayong nakakaalam. Nagkataon lang iyang nakuhaan mo. Hindi iyan totoo." Tinapik-tapik pa ni Noah ang balikat ni Ryan na naniningkit ang mga matang tumingin sa kaniya. "Hindi pa tayo tapos." At galit na tumayo ito at lumabas na rin ng bahay na iyon. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD