Kasalukuyang nagbabawas sa CR si Drake nang makarinig ng mga katok sa pintuan niyon. Malalakas at parang nagmamadali. "Tulong! Tulungan mo ako!" Hindi niya maintindihan ang boses nito kung lalaki ba iyon o babae. "May tao! Nakita nang nakasara!" Medyo banas niya pang sabi. Marami kasing nangloloko kapag may taong gumagamit ng banyong iyon. At madalas ay nabibiktima siya ng mga walang magawang tao sa paligid. Isang public toilet ang kaniyang ginagamit. Kaya hindi kataka-takang marami silang gumagamit niyon. Ang siste pa, alas dos na ng madaling araw, pero ngayon pang nagko-concentrate siya, at saka naman naman may kumakatok ng ganito. At nangloloko pang humihingi ng tulong. Pwe! Subalit, nagpatuloy lang ang malalakas na katok. Inis na humithit muna sa sigarilyong kasisindi lamang bago