GADGET 8

897 Words

Napatuwid ng upo si Ryan ng ang babae na naman ang kanina ang kaniyang caller. Sinilip niya pa ang boss niyang bading at medyo nakahinga siya nang maluwang nang mapansing wala ito sa puwesto. Muling tiningnan ang cellphone na patuloy sa pag-vibrate. Nasilip niya rin ang oras dito at alas dos kinse ng madaling araw. Huminga muna ng malalim si Ryan bago payukong sinagot ito. Buti na lang at hindi sila busy ngayon. "Hello?" pabulong na saad niya. Kakaibang ugong ang sumalubong sa kaniya. Parang gaya pa rin kaninang umaga. "Hello? Kung sino ka mang nangtitrip sa akin, pulis ako puwede kitang..." "Tulong. Tulungan mo ako." Nanginginig at mukhang paiyak na naman ang boses nito. Gaya pa rin kanina. "Ewan ko sa 'yo!" Agad na niyang pinutol ang tawag. Bakit ba kasi pinatulan niya pa at sinagot?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD