Paupong ibinagsak ni Noah ang katawan sa nanlilimahid na sofa. Sumandal sa bakbak na sandalan na tanging kahoy na lang ang upuan. Kinapa niya ang bulsa sa kanan pero nainis nang kaha na lang ng sigarilyo ang naroon, wala ng laman. Magulo rin ang maliit na espasyong inuupuhan niya sa halagang isang libo. Oo nga pala, tatlong buwan na siyang hindi nakakapagbayad. Kaya madalas siya sa labas dahil malamang ay minu-minuto siyang pupuntahan ng may-ari niyon na kasing taba ng inahing baboy. Inis na tumayo siya at dumiretso ng lamesa. Nagkalat ang pinagkainan at pinag-inuman nila no'ng isang araw pa. Halos iniipis na at puro langgam ang nasa ibabaw ng mga plato at basong ginamit, pati na rin ang lababong puno ng hugasin. Nagugutom na siya at wala man lang pagkain. Wala siyang naraket kanina. Hi