Sinasabayan ni Ryan nang paggalaw ng ulo ang musikang nanggagaling sa kaniyang bagong headset. Nabili niya ulit ito on-line dahil luma ng 'yung isa. Maganda ang tunog at kahit hindi pa ganoon katodo ang volume ay malakas pa rin. Alas nuebe ng umaga. At habang nagsa-sound trip siya ay kinalikot niya ang cellphone. Nais niyang malaman kung ano bang kakaibang specs ang sinasabi ng nagpasubasta niyon. Rock ang tugtog niya kaya hindi niya masiyadong naririnig ang paligid. Sabagay, mag-isa na lang naman siya at naka-lock ang pinto ng bahay. Kasalukuyan pa rin siyang nakasandal sa headboard ng kama dahil mamaya pa naman ang pasok niya. Bahagyang bukas ang pinto at kita rito ang sala. Nasa mga apps na siya ng cellphone ng biglang parang may naaninag siyang dumaan. Napasulyap siya sa unahan pero