GADGET 2

911 Words
Hindi makapaniwala si Ryan na natalo siya sa bid. Medyo malaki na kasi ang presyo at alam naman niyang hindi niya kakayanin ang ganoon kalaking presyo. Tiyak ang kahirapan niya kung nagkataon. Ubos malamang ang savings niya. Kaya kahit pa nanghihinayang siya, wala na naman siyang magagawa. Sayang lang talaga dahil isa sana siya sa magkakaroon ng tatlong unit na iyon. At ang mas nakakabuwiset pa, tumatawag na naman si Noah. Hindi na sana niya sasagutin dahil parang nang-aasar lang ito. Malamang kasi alam naman nito na hindi niya nakuha ang gadget dahil nakasama ito sa on-line shopping group ng site. "Rye?" "Noah, ano bang kailangan mo? Alam mo namang hindi ko nakuha ang gadget kaya..." "Kaya nga ako napatawag. May good news ako about sa gadget na iyon" Napakunot-noo si Ryan. Sandaling sinulyapan ang boss na bading na nasa di kalayuan lang sa puwesto niya. Sobrang higpit nito at ayaw na ayaw nitong nakikipagkuwentuhan lang sila lalo pa at sa oras ng trabaho. May kahuntahan itong supervisor na lalaki na taga kabilang department ata. Sumandal si Ryan at nagkunwaring may kausap na kliyente. Nagtitipa sa keyboard at pamaya-mayang hawak sa mouse. Pasimpleng kinausap si Noah. "What about it?" "Para ma-explain ko sa 'yong maigi, punta ako sa inyo mamaya. May kasama ako, ha?" Magsasalita pa sana si Ryan na sa iba na lang sila magkita nang mapaigtad sa kalabit ng kanilang boss. "Yah sir, sure. I'll explain everything afterwards, sir." Tumango-tango pa si Ryan bago alanganing sinulyapan ang boss na nasa kanang gilid lang niya. Nakaismid na umalis ang baklang boss niya. Napapalatak naman si Ryan nang marinig na tumawa sa kabilang linya si Noah at isang see you later iniwan nito bago nawala sa kabilang linya. Sana lang talaga at good news ang dala nito. Dahil kung hindi, iba-block na niya ito ng tuluyan sa friends list niya. *** "Ano? Nababaliw na ba kayo? No way!" Halos lumabas na ang litid ni Ryan sa pagsigaw. Mahigpit niya ring hinawakan ang bote ng alak na hindi pa nabubuksan. Sobrang nagulat at nagalit kasi siya sa narinig na suhestiyon mula sa kasama ni Noah. Drake raw ang pangalan nito. Malaking lalaki na papasang goon sa mga action movies. Malaki rin naman ang katawan niya dahil nagdyi-gym siya, pero mas malaki ito. Hindi kataka-takang bouncer ang trabaho nito sa isang club sa manila. Bukod sa nakakatakot ang mukha nito, nakakatakot din itong maging kaaway, malamang. Sabay na ngumisi at nagkatinginan pa sina Drake at Noah, bago tumungga ang mga ito sa kani-kanilang bote. Tuluyan namang binuksan ni Ryan ang sariling inumin at tumungga. Para siyang uhaw na uhaw pagkarinig sa balak ng dalawang ito. Hindi siya makapaniwala na ganitong klaseng suhestiyon ang sasabihin ng mga ito para mapasakaniya ang inaasam-asam na gadget. Sunud-sunod ang ginawa niyang pagtungga sa tangang bote. Sabi na, kahit kailan ay walang matinong maitutulong itong si Noah. "'Tol, pakinggan mo muna kami, ha?" Nakangising tinapik pa siya nang nagsalitang si Drake. Nakakaloko pa ito! Nilingon niya ito nang naniningkit na mga mata. Kasabay nang pagpalis sa nakapatong nitong kamay sa kaliwang balikat niya. Feeling close kaagad. Tatawa-tawa pa itong kumuha ng pulutan at ngumuya-nguya. Prenteng nagde-kuwatro pa bago sumandal sa sofa. "Alam mo, masiyado kang kabado. Tsk, hindi mo makukuha ang mga gusto mo kung lagi kang matatakot." Umiling-iling pa ito. Akala naman nito ay ganoon lang kadali ang gagawin nila. "Anong akala mo sa akin, tanga?! Kung nakakaya ninyo ang ganiyang gawain..." "Rye, whoah, wait lang makinig ka muna." Tumayo at tumabi pa si Noah sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Ipiniksi lang iyon ni Ryan. Nakakuyom na ang mga kamao niya at pilit na kinakalma ang sarili. Hindi niya nais na magkagulo lalo pa at narito sila sa kaniyang tahanan. "Relax, Rye. Makinig ka muna. Hindi ka masasangkot dito. Kami lang," marahan ang ginagawang pagsasalita ni Noah. Pakiramdam niya ay isa siyang batang pinagpapaliwanagan. Huminga nang malalim si Ryan bago patamad na sumandal sa sofa. Nanatiling hawak ang bote ng beer at mataman nang tumingin sa dalawa. "Speak." At tumungga ito sa bote habang nakatingin kay Noah. Sumulyap muna si Noah kay Drake na tumango naman bago muli siyang hinarap. "Expert itong si Drake sa mga ganiyang bagay at hindi pa siya nahuhuli. Well, isang beses pala," sabay pang natawa ang dalawa, "pero nalusutan naman. Gets mo, madali na para sa kaniya ang lahat." Nang-uuyam ang pagngiti ni Noah. Parang sinasabi nitong sisiw lang ang gagawing pagpatay sa taong nakabili ng gadget. Tama, papatayin para wala ng habol. Hindi lang basta kukunin, papatayin ang may-ari. Ganoon lang daw kadali. Pwe! Napag-alaman nilang medyo may edad ng lalaki ang nakakuha ng kakaibang cellphone. Mag-isa na sa buhay pero may ilang laundry business. Kinausap na nga niya kung maaari bang bilhin na lang niya. Kaso ang gusto ay doble sa walong daang libong piso na pagbili nito. Oo, umabot sa ganoong halaga ang naturang gadget. "Isa lang naman ang hinihingi niyang kapalit," natigil sa ere ang bote na sana ay tutunggain ni Ryan. Saglit pang nagpalitan ng makahulugang tingin ang dalawa. Ibinaba naman ni Ryan ang bote at hinintay ang sasabihin ni Noah. Tumikhim pa ito bago matiim siyang tinitigan. "Magagawa ko ng maayos at mapapasa 'yo ang gadget na pinakakaasam mo kung..." sabad ni Drake at ibinuka sa harap niya ang kanang palad nito. "...iinumin mo ito." Tumambad kay Ryan ang isang pirasong tabletas na kasing laki ng BioFlu, kulay green nga lang ito. Drugs! jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD