Chapter 04
Nakaupo si Bliss sa isang bench sa gilid ng daan kung saan maraming tao ang naglalakad kasama ang mga pamilya nila, bagsak lang ang balikat niya na pinapanuod ang mga dumadaan sa harapan niya bago binaligan ng tingin ang motor bike niya na sira ang unahan at ang natirang magnolia flower na hindi narin mapapakinabangan dahil sira na ang mga petals nito na ikinabuntong hininga ni Bliss.
Mag-iisang oras na siyang naka-upo roon at hindi alam ni Bliss kung paano ang gagawin niyang paliwanag kay Mr. Ursula sa nangyari sa magnolia flower na order nito. Alam din ni Bliss na masesermunan na naman siya ng ina ni Margareth at idadamay nito ang sahod niya sa katapusan na ikinabalik ng inis ni Bliss sa lalaking may dahilan kung bakit nasira ang trabaho niya ngayong araw.
Hindi mapigilan ni Bliss na mainis na naman sa lalaking hindi man lang marunong humingi ng sorry sa ginawa nitong purwisyo, walang pakielam si Bliss kung gwapo ang nakabangga sa kaniya dahil mas may pakielam pa siya sa sasahurin niyang mababawasan dahil sa kapabayaan ng lalaking ang natatandaan lang ni Bliss ay ang mga blanko nitong mga tingin.
“Mapapagalitan at mababawasan ang sahod ko ng dahil sa kaniya, napaka reckless niyang magmaneho tapos pag naka-disgrasyo wala pa siyang pakielam. Bakit ba nagkalat ang mga ganung tao! Muntik pa akong madamay sa barilan kanina, buti nalang walang nangyari sa aking masama.”pahayag ni Bliss na napunta ang isipan niya sa nangyari kanina.
Sa pagkakatanda ni Bliss ay lagi naman siyang dumadaan doon pag nagde-deliver siya ng mga bulaklak na inoorder sa flowershop ng mag-ina at ngayon niya lang naranasahan na muntik na siyang mapasali sa barilan na tulad ng nangyari kanina.
Buntong hiningang inalis nalang ni Bliss sa isapan niya ang mga nangyari kanina at pagtutuunan ng pansin kung anong solusyon sa problema niya ngayon. Dalawa kasi ang option na pwedeng mangyari sa kaniya, una ay pag-nalaman ng mag-ina ang nangyari sa oder ni Mrs. Ursula ay pwedeng ibawas sa kaniya ang bayad sa mga nasirang bulaklak o pangalawa, maari at kung mamalasin siya sa mood ng mag-ina ay baka mawalan pa siya ng trabaho at hindi niya alam ang gagawin niya pag nangyari ‘yun dahil mawawalan siya ng pambayad sa renta sa tinutuluyan niya lalo na at mahirap pakiusapan ang tenant niya.
“Anong gagawin ko ngayon? Kahit alin sa dalawang option na naiisip ko ay parehas hindi maganda. Sigurado ngayon umuusok na naman ang ilong ni Margareth dahil hindi pa ako bumabalik.”sambit ni Bliss na sumandal sa kinauupuan niya at tumingala sa maaaliwalas na kalangitan.
“Okay pa ako mom, dad. Huwag kayong mag-alala sa akin diyan, kahit mahirap kakayanin ko po lahat.”pahayag ni Bliss na bahagyang ngumiti
Naging mahirap man ang pinagdaanan ni Bliss simula ng maulila siya sa kaniyang mga magulang, wala man siyang kinalakihan na nanay at tatay ay pilit niyang kinakaya ang lahat kahit mahirap, pinahahalagahan niya ang buhay niyang iniligtas ng kaniyang mga magulang kaya lagi niyang inaalagaan ang sarili niya.
“Bliss?”
Agad na inalis ni Bliss ang pagkakatingin niya sa kalangitan at bumagsak ‘yun sa isang may edad na babae na may katabaan ang pangangatawan na agad niyang ikinatayo sa pagkaka-upo niya.
“M-mrs Ursula kayo po pala.”
Napangiti sa kaniya ang ginang at naglakad palapit sa kaniya, may mga dala itong paper bags na halatang galing ito sa mall. Maganda naman ang ginang, hindi lang ito makita ng ibang tao dahil mas una nilang pinapansin ang size ng katawan ni Mrs. Ursula. Naiinis nga si Bliss sa mga taong ang hilig mag body shaming na akala mo perpekto pero marami din namang mga flaws na mas malala pa sa nilalait nila.
“Bakit ka narito?”magiliw na tanong nito na hindi naiwasan ni Bliss na ma-guilty dahil nasira niya ang mga bulaklak na inorder nito.
Alam ni Bliss na ang magnolia flower ang paborito nito dahil ito lagi ang binibili nito, may iba’t-ibang klaseng bulaklak ang magnolia at bawat klaseng ‘yun ang binibili sa kanila kaya nasisiguro siyang paborito niya ang mga bulaklak ng magnolia na ngayon ay sira-sira na.
“Patawad po Mrs. Ursula.”agad na yukong paghingi ng despensa ni Bliss na hindi niya nakita ang pagkunot ng noo ng ginang dahil sa sinabi niya.
“Sorry saan?”naguguluhang tanong nito na ikinatunghay ni Bliss at nalulungkot na kinuha ang mga natirang sirang Magnolia flower at ipinakita ito kay Mrs. Ursula na kinuha ang mga nasirang bulaklak.
“Sorry po talaga, may nangyari po kasi kaya nasira po ang order niyo Mrs.Ursula. Ako nalang po ang magbabayad ng nasirang order niyo, sorry po talaga.”nahihiyang paumanhin ni Bliss sa ginang na bahagyang napangiti.
“Upo tayo.”aya nito na nauna ng umupo sa bench na inuupuan ni Bliss, dahan-dahan naman siyang tumabi dito habang nakatingin ito sa kaniya.
“Ano bang nangyari at nagkaganito ang mga magnolia na inorder ko?”mahinahong tanong nito na ikinahinga ng malalim ni Bliss bago nagsimulang magpaliwanag
Detalyadong isinalaysay ni Bliss ang mga nangyari sa kaniya dahilan kung bakit hindi niya nadeliver ng maayos ang mga bulaklak. At habang nagkukwneto siya ay hindi mapigilan na makita ang pagka-inis niya sa dahilan ng aberya na nangyari sa kaniya na bahagyang ikinatawa ng kaniyang kausap.
“A-anong pong nakakatawa?”naguguluhang tanong ni Bliss dito
“Nararamdaman ko kasi ang inis mo sa lalaking dahilan kung bakit nasira ang mga magnolia ko, nakakatuwa lang dahil bigla kong naalala kung paano kami nagkakilala ng namayapa kong asawa. Hindi rin naging maganda ang una naming pagkikita, nasira niya ang dala kong Magnolia flower na bigay ng aking lola na namatay na. Grabe din ang inis ko sa kaniya lalo na at inasar niya pa ako dahil sa size ng katawan ko. Lagi ng nagtatagpo ang landas namin at inabot niya ako ng magnolia para humingi ng sorry sa akin.”kwento ng ginang na bahagyang ikinasimangot ni Bliss.
“Naku, malayo po ang asawa niyo sa lalaking bumangga sa motorbike ko. Walang emosyon ang kaniyang mga mata, blanko at higit sa lahat hindi siya marunong humingi ng sorry.”pahayag ni Bliss na hindi niya mapigilang magreklamo na muling ikinatawa ni Mrs. Ursula.
“Alam mo bang pinagtatagpo ang mga puso ng dalawang tao in a strangest ways nang hindi natin inaakala. ‘Yung akala natin ay wala lang pero ‘yun na pala ang simula ng pagsusulat ng kwento niyong dalawa.”
“Ano pong ibig niyong sabihin?”naguguluhang tanong ni Bliss na ikinatitig ni Mrs. Ursula sa hawak niyang mga sirang Magnolia.
“Alam mo ba ang ibig sabihin ng bulaklak na Magnolia?”pag-iibnag tanong nito na ikinabagsak ng tingin ni Bliss sa magnolia na hawak ni Mrs. Ursula.
“Ang meaning ng Magnolia ay dignity and perseverance, it’s also means the love for nature. Marami na akong nakasalamuhang mga tao na mabait pagkaharap ka pero pinagtatawanan nila ang mga flaws mo. Minsan naiiyak ako dahil sa mga panliliit nila sa akin lalo na dahil sa katawan ko, ang asawa ko sa tuwing nakikita niya akong umiiyak ay binibigyan niya ako ng magnolia upang ipaalala sa akin na kahit maliitin ako ng iba, laiitin nila ang kung anong size ng katawan basta may dignidad ako sa sarili ko at may pagti-tiyaga na maabot ang mga gusto ko ay magtatagumpay ako despites of my flaws. Ang asawa ko na sa simula ay kaaway ko pero sa huli ay naging kakampi ko na.”kwento nito na ngiting ikinalingon nito kay Bliss.
“Alam mo ba kung bakit itong bulaklak na ito ang laging binibili ko?”
“Kasi po paborito niyo?”sagot ni Bliss na ngiting ikinailing ng ginang
“Binibili ko ang magnolia na ito para sabihin sa sarili ko na kailangan kong magtiyaga sa buhay ko kahit maraming tao ang minamaliit ang pagiging plus size ko hanggang sa dumating ang oras na sundan ko na ang asawa ko sa langit.”
Natahimik si Bliss sa sinabi nito, hindi niya alam na mag-isa na pala sa buhay si Mrs. Ursula at namayapa na ang asawa nito na ramdam ni Bliss na mahal na mahal nito ang asawa nito.
“Pasensya na po kung nasira ko po ang bulaklak na may mahalagang meaning sa inyo Mrs. Ursula.”muling paghingi ng tawad ni Bliss sa ginang na ikinahawak nito sa kamay niya.
“It’s okay, lahat ng mga bagay na nangyayari may dahilan. Alam mo minsan, para sa akin ang bulaklak ng magnolia ay nagiging daan para magkakilala ang dalawang taong nakalaan para isa’t-isa.”pahayag nito na ikinakunot ng noo ni Bliss
“Ang sinasabi niyo pa ba ay ‘yung lalaki---“
“Babayaran ko ang mga magnolia na ito.”putol na sambit nito kay Bliss na ikinagulat nito
“Po? Naku po Mrs. Ursula huwag niyo na pong bayaran ‘yan.”
Hindi pinansin ni Mrs. Ursula ang pag-tanggi ni Bliss at kumuha ito ng pera sa wallet niya at inabot ito sa kamay ni Bliss.
“Tanggapin mo na ‘to, I’m sure pagagalitan ka ni Paulina pag nalaman niyang nasira mo ang order ko. Don’t worry magaganda pa rin naman ang mga magnolia na ito at mailalagay ko pa siya sa vase sa kwarto ko.”ngiting sambit nito na ikina teary eye ni Bliss at niyakap si Mrs. Ursula.
“Maraming salamat po.”
“walang anuman, isa pa ayokong pagalitan ka ni Paulina sa bagay na hindi mo naman sinasadya.”pahayag pa ni Mrs. Ursula na ikinangiti ni Bliss.
Ilang minuto pang nag-usap sina Bliss atMrs. Ursula bago sila magpa-alam sa isa’t-isa. Pabalik na si Bliss sa sunshine flowershop na laking pasalamat niya dahil kahit sira ang unahan ng motor bike niya ay nagagamit pa rin niya ito. Nang makarating siya sa flowershop ng mag-ina ay kakapasok pa lang niya sa loob ng magulat siya ng may tubig na bumuhos sa kaniyang mukha na ikinalingon niya kay Margareth na may hawak na mineral water na masama ang tingin sa kaniya.
“Bakit ngayon ka lang?! Diba sabi ko sayo Bliss bumalik ka kaagad dito sa shop pero mukhang tumambay ka pa ata sa labas eh. Alam mo bang dahil sayo hindi na ako nakasama sa lakad ng mga kaibigan ko!”inis na sermon nito kay Bliss.
Basa ang mukha ni Bliss at pati damit niya ay bahagyang nabasa dahil sa ginawang pagbuhos ni Margareth sa kaniya na ikinapigil ni Bliss sa sarili na sabayan ang pag-iinarte ni Margareth at pinili nalang na manahimik.
“Sorry, hindi ko napansin ang oras habang kausap ko si Mrs. Ursula.”paliwanag ni Bliss na lalong kinakitaan niya ng insi sa mukha ni Margareth.
“So talaganag nakipag tsismisan ka pa sa matandang baboy na ‘yun! Alam mo bang nagsayang ka lang ng oras sa pakikipag-usap sakaniya na kung bumalik ka kaagad ay marami ka pang nagawa.”singhal nito sa kaniya na seryosong ikinatitig ni Bliss dito dahil sa narinig niyang panlalait kay Mrs. Ursula na pinandilatan pa siya ng mata nito.
“Ano?! May sasabihin ka?!”
“Hindi mo dapat pinagsasalitaan si Mrs. Ursula ng ganiyan.”
“Wow! So close na kayo ng plus size na matanda na ‘yun Bliss?”ngising panlalait pa ni Margareth na lihim na ikinakuyom ng kamao ni Bliss.
“Walang kalait-lait sa isang Plus size Margareth, hindi mo dapat nilalait ang isang tao base sa itsura nito.”seryosong pahayag ni Bliss na pang-asar na ikinatawa nito sa sinabi niya.
“Nakakatawa ka naman Bliss dahil sa pagtatanggol mo sa plus size na old woman na ‘yun, ewan ko sayo! Punasan mo ‘yang basang sahig at mag-ayos ka nan g mga bagong dating na mga bulaklak. Pasalamat ka wala si mommy dito dahil mas malala pa ang gagawin ni mommy dahil sa paglalakwatsa mo imbis na magtrabaho ka ng maayos. Linisin mo ‘yan ah! Uuwi na ako dahil wala narin naman akong pupuntahan at kasalanan mo ‘yun, bwiset!”pahayag nito bago dinanggi sa balikat si Bliss at dere-deretsong lumabas ng shop na ikinabuga ng hangin ni Bliss para i-release ang inis niya kay Margareth.
“Bakit ba ang daming taong mapang lait pero mas kalait-lait pa ang mga ugali nila.”sambit ni Bliss na naiiling na kinuha ang mop sa may gilid para linisin ang basang sahig na si Margareth din naman ang may kasalanan.
Nagtitiis si Bliss sa ugali ng mag-ina dahil kailangan niya ng trabaho para kumita, kahit may times na pikon na pikon na siya ay pinipigilan nalang niya ang kaniyan sarili dahil sa hirap ng buhay ay kailangan niyang magtiis lalo na at mahirap maghanap ng trabaho sa mga panahon na ito.
Pagkarating naman ni Trace sa bahay ni Paxton ay dere-deretso lang siyang naglakad papasok sa loob na nadatnan pa si Maki na mag-isang nanunuod ng isang movie na wala siyang balak na pansinin at deretso n asana siyang aakyat sa hagdanan ng lingunin siya ni Maki.
“Oh! Welcome back Tracey, nagkita na kayo ng tatay mo?”
“Yes.”malamig na sagot ni Trace na ngiwing ikinayakap ni Maki sa kaniyang sarili.
“Pag matipid kang sumasagot sa tanong tapos ganiyan pa kalamig ang tono ng boses mo hindi ko maiwasang lamigin Trace. Lagyan mo naman ng emosyon ang pagsagot mo.”reklamo ni Maki na ikinakunot ng noo ni Trace
“What kind of emotion you were saying that I should have?”blanking tanong nito na bahagyang ikina-ungos ni Maki.
“Wala, don’t mind what I said. Oo nga pala, tumawag si Kuya Paxton. Uuwi na sila ni Ate Irish bukas galing sa birthday nung panganay na anak ng lider nila kaya maghanda na ulit tayong hanapin si Calderon. I’m sure gumagawa na naman ng scheme ‘yun lalo na at may hawak siyang kopya ng mga design ni Kuya Paxton. Magtago siya ng maayos dahil I’m sure may maililibing na naman si Kuya Paxton sa lupa.”pahayag ni Maki na akmang iiwan si Maki sa sala ng hawakan siya ni Maki sa braso niya na walang emosyong ikinatitig niya dito.
“Don’t touch me Laocheko.”malamig nab anta nito na agad ikinabitaw ni Maki sa pagkakahawak nito sa braso at bahagyang ngumuso.
“Grabe ka De Leon, naga-alcohol ako three times a day at naliligo ako araw-araw. Minsan lang ako humawak sayo ayaw mo pang pagbigyan.”angal ni Maki na hindi binigyang pansin ni Trace na blanking tingin ang ibinibigay lang sa kaniya.
“Kinikilabutan ako sa ganiyang tingin mo De Leon, gusto ko lang naman itanong kung bakit namumula ‘yang pisngi mo. Anong nangyari diyan?”curious na tanong ni Maki na ikinahipo ni Trace sa pisngi niyang nasampal ng babaeng na-encounter niya kanina.
“There’s a woman who slapped me.”malamig ang boses na sagot ni Trace na bahagyang ikinagulat ni Maki
“Eh?! Sinong babae ang may lakas ng loob na sampalin ang mukha mo? Mukhang malakas ah pagkakasampal sa pisngi mo ah, masakit ba?”tanong ni Maki na ikinababang kamay ni Trace
“I can’t feel anything Laochecko, so don’t bother to ask.”walang emosyon na sagot ni Trace na akmang iiwan na si Maki ng lumabas si Ruhk mula sa kusina na may hawak na malaking bowl na ikinalingon ni Trace dito.
“Your back De Leon, I’m almost done in our dinner. Just eat with us if you want.”aya ni Ruhk na ngiwing ikinalapit ni Maki kay Trace
“mas okay nang mag diet tayong dalawa Trace kaysa kainin natin ‘yang niluto ni Verchez na pwedeng ikamatay nating dalawa.”pahayag ni Maki na ikina poker face ng mukha ni Ruhk.
“How ungrateful bastard you are Laochecko, hindi mo pa natitikman sinisiraan mo na ang luto ko. You want me to ruin your sh*tty face Mr. Kinulang sa height?”
“Ayy gago! Hoy Ruhk palaboy kinalimutan ko na ‘yang tawag ni Ate Irish sa akin tapos ipapaalala mo pa?! Totoo naman ang sinabi ko na pwede kaming masugod ni Trace sa ospital pag kinain namin ‘yang out of this world mong dish. Langya! Kahit si Lia nga ayaw kainin ang mga luto mo sa kaniya.”singhal na pahayag ni Maki na ikinalakad ni Ruhk palapit sa hagdanan na pinupwestuhan nina Trace.
“Call my Lia again by the name I’m calling to her and I’ll choke you into death you f*cking dimwit!”inis na banta ni Ruhk na ikinangisi lang ni Maki sa kaniya ng sabay silang mapatingin kay Trace na dumampot ng piraso ng ulam na niluto ni Ruhk sa dalang nitong malaking bowl at agad itong sinubo na ikinalaki ng mga mata ni Maki.
“Holy mother of cow De Leon! Nagpapakamatay ka ba?!”gulat na pahayag ni Maki na sinamaan ng tingin ni Ruhk
“You want me to f*cking kill you Loachecko? Tell me and I’m willingly kill you in all ways that I can.”banta ni Ruhk ng magsalita si Trace gamit parin ang malamig nitong tinig.
“It’s awful but its still food so don’t waste it, Master Paxton would not like wasting his foods.”sambit nito bago tuluyan ng iniwan ang dalawa na sinundan lang siya ng tingin na ikinalingon ni Maki sa malaking bowl na hawak ni Ruhk at kumuha ng kapirasong ulam at tinikman iyon na kulang nalang ay isuka niya ang natikman niya dahil sa lasa nito.
“Tangna Verchez! Sinasabi ko na nga ba may balak kang patayin kami sa mga niluluto mong gago ka! Bakit napaka alat naman ng lasa niyan, ibunuhos mo ba lahat ng asin sa niluto mo?!”singhal na reklamo ni Maki na halata sa mukha nito ang pagkadisgusto sa natikman niya na ikinapoker face na ikinalingon ni Ruhk sa kaniya.
“Then why your still alive you f*cking damn shitty asshole ungrateful human?”
“Order nalang tayo Verchez parang awa mo na.”suhestiyon ni Maki na muling binalik ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay ni Paxton.
“Kakaiba talaga si Trace, nakakamatay na ang lasa ng luto mong tinikman niya pero straight face pa din ang mukha at wala man lang expression ang mukha. Blanko pa din at walang emosyon. Sana all.”kumento ni Maki na may pagkalakas na ikinasipa ni Ruhk sa kaniya mula sa tagiliran nito na muntik ng ikawalan ng balance ni Maki na sinamaan ng tingin si Ruhk
“Problema mong palaboy ka? Bakit pag sipa kang nalalaman diyan?!”
“Call a f*cking delivery food so we can eat, gago!”singhal ni Ruhk na naglakad na pabalik sa kusina na ikinaungos ni Maki.
“Frustrated na gagong chef!”kumentong angal ni Maki na bumalik na sa kinauupuan niya at pinagpatuloy ang pinapanuod niya habang dina-dial ang number ng delivery food na sasalba sa gabi nila..