Chapter 05

2913 Words
Chapter 05     “Achooo! Ahhh! Bakit ba ako biglang sinipon?!”angal ni Bliss habang napapatigil siya sa pag-aayos ng mga bulaklak.   Hindi maganda ang gising ni Bliss dahil pakiramdam niya ay lalagnatin siya, hindi niya alam kung bakit bakit niya kaninang umaga ay parang ang bigat na ng pakiramdam niya. Ayaw isipin ni Bliss na dahil lang sa pagkabuhos sa kaniya ng tubig ni Maragareth kahapon kaya hindi maganda ang pakiramdam niya ngayon. Ayaw ni Bliss ng ganitong pakiramdam lalo na at nasa trabaho siya, mabuti nalang at wala ang mag-ina kaya walang nagbubunganga sa kaniya dahil kung nagkataon baka lalong sumakit ang ulo niya.   Nagiging payapa lang ang sunshine flowershop pag wala ang mag-ina pero madaming iniwan na trabaho sa kaniya ang ina ni Margareth. Marami siyang naka line up na delivery ngayon na kailangan niyang maihatid sa tamang oras, dahil mag-isa lang siya na nagta-trabaho sa shop ay nag-iisip pa ng gagawin si Bliss kung paano iiwan ang shop gayong baka may costumer na bumili sa shop habang wala siya at nagded-deliver. Ayaw kasing kumuha ng ibang employee ang ina ni Margareth kaya minsan si Bliss ang nahihirapan.   “Apat ang deliveries ko ngayon, isang bouquet ng pink roses kay Mr. Palco, tapos daisies kay Ms. Aquino. Malapit-lapit ang location nila kahit papaano, makakabalik ako kaagad sa shop. Ang problema ko ay ang delivery ko ng Tulips kay Mrs. Valdez at Carnation kay Mrs. Kiosk. Malayo-layo ang lugar nila mula dito sa sho---achhooo!”bahing ni Bliss na ikinaputol ng pagka-usap niya sa kaniyang sarili na naiiling na ikinabuntong hininga niya.   Naglakad si Bliss sa counter at kinuha ang tubig niya para uminom ng tubig, hindi siya pwedeng magka-sakit dahil pagnawala siya kahit isang araw ay baka pagbalik niya ay may kapalit na siya.   “Ang hirap kumita ng per---“   “BLISSSS.”   Muntik ng maibuga ni Bliss ang ininom niyang tubig dahil sa gulat sa pagdating Pietro sa shop.   “Ano ba Pietro! Kailangan talaga papasok ka lang kailangan mo pa akong gelatin.”sitang reklamo ni Bliss na bahagyang napaubo dahil muntik pa siyang masamid sa pagsulpot ng kaniyang kaibigan.   “Ayy! Sorry naman, akala ko kasi di ka magugulatin.”biro nito na ikinaiiling nalang ni Bliss.   “Anong sadya mo rito? Hindi ka mahilig sa bulaklak kaya alam kong hindi ka bibili tsaka wala kang jowa ngayon para pagbigyan ng bulaklak.”pahayag ni Bliss na bahagyang ikinasimangot ni Pietro.   “Kailangan ba pag pupuntahan kita dito sa shop ng dalawang mangkukulam kailangan ba bibili ako ng bulaklak? Hindi na kasi kita naabutan sa apartment mo kaya dito nalang kita pinuntahan, sinadya na talaga kita dito kasi nalaman kong wala ‘yung dalawang delubyo dito.”   “Grabe kang makapanglait sa kanilang dalawa Pietro, bad ‘yan.”ngiting sita ni Bliss na ibinaba ang hawak niyang mineral water at tinuloy na ang pag-aayos na ginagawa niya.   Ihahanda pa niya ang mga idi-deliver niya.   “Bakit? Grabe din naman silang makapang-lait ah! Akala mo perfect eh ang babaho naman ng mga ugali.”inis na pahayag ni Pietro na naiiling nalang na ikinangiti ni Bliss sa kaibigan.   “Bakit ka ba napadaan dito at hindi mo nalang hinintay ang pag-uwi ko sa bahay.”tanong ni Bliss habang kinukuha na ang mga bulaklak na aayusin niya na para sa delivery niya na ikinalapit ni Pietro sa kaniya.   “Gusto mo bang rumaket Bliss? Don’t worry safe ‘to tsaka malaki ang makukuha mong sahod, one day lang naman.”pahayag ni Pietro sa rason kung bakit niya pinuntahan si Bliss na ikinatigil nito sa ginagawa at nilingon si Pietro.   “Raket?”   “Oo, isang araw lang pero bongga ang kita frenny.”   “Ano namang raket ‘yan? Sure ka bang safe ‘yan?”naninigurong tanong ni Bliss na muling itinuloy ang ginagawa niya   “Oo naman, ipapahamak ba kita? Tsaka alam ko naman na kulang ang pinapasahod ng dalawang witch sayo nuh na dapat malaki ang sahod na ibigay nila sayo dahil all around ka. Pero dahil nga maiitim ang budhi nila at wala silang konsensya ay tinitipid nila ang gay among masipag magtrabaho.”sambit ni Pietro na makikitaan talaga ng inis kay Margareth at sa ina nito.   Naputol ang pag-uusap nilang dalawa ng sabay silang napalingon sa may pintuang nagbukas kung saan pumasok doon ang isang gwapong lalaki nan aka polong asul na nakatiklop ang magkabilang manggas nito, naka denim na pantalon at itim na leather shoes at lalong ikinagwapo nito ang army cut nitong buhok at piercing sa magkabilang tenga nito na ikinalingon ni Bliss sa kaibigan na tulad ng inaasahan niya ay natulala ito sa gwapong costumer na pumasok sa shop na ngiting ikina-iling ni Bliss.   Hinarap ni Bliss ang gwapong costumer na iginagala ang paningin sa buong shop.   “Hello po, welcome sa sunshine flowershop. Ano pong bulaklak ang gusto hinahanap niyo?”magiliw na tanong ni Bliss sa gwapong costumer na ibinaling sa kaniya ang tingin at bahagyang ikinangiti nito na ikinalingon niya kay Pietro ng mapahawak ito sa braso niya.   “Ang gwapong nilalang ng nakikita ko Bliss.”mahinang kumento nito na lihim na siniko ni Bliss dahil baka mailang ang costumer nila bago muling nilingon ang gwapong lalaki na hindi niya masisisi si Pietro kung bakit natutulala ito sa gwapong costumer nila dahil gwapo naman talaga ito at parang anak ni Zeus na bumaba sa  mount Olympus.   “C'è una ruta qui?” tanong nito na bahagyang ikinatigil ni Bliss sa kinatatayuan niya dahil sa lenggwahe na ginamit nito.   “Oh! I’m sorry, I always tell to myself na wala ako sa Italy pero nakakalimutan ko pa rin.”despensa nito na bahagyang ikinatango lang ni Bliss.   “O-okay lang.”   “Apam pala ‘tong costumer mo Bliss eh.”bulong ni Pietro sa kaniya na patago niyang tinapik ang tagiliran nito.   “Meron ba kayong rue dito?”ngiting tanong nito na agad ikinalingon ni Bliss sa isang part ng mga bulaklak kung saan napangiti siyang binalik ang tingin sa gwapong costumer.   “Meron, actually minsan lang kami makakuha ng rue mula peninsula at minsan nauubos din agad ‘yun sa shop namin but may mga bagong dating kaming rue.”   “That’s great, I’ll buy four stems of it and five stems of dark crimson roses.”pahayag nito na hindi napigilang ikatitig ni Bliss sa gwapong costumer niya ngayong araw.   “That’s ironic, rue’s meaning is repentance while the dark crimson rose is mourning.”hindi napigilang kumento ni Bliss na bahagyang ikinangiti ng gwapong lalaki sa harapan niya.   “You knew meanings of flowers?”   “Pinag-aralan ko lang, mahilig ako sa mga bulaklak eh.”nahihiyang sagot ni Bliss   “Aayusin ko na ang order mo.”sambit pa ni Bliss na ngiting ikinatango nito at iniwan si Pietro para asikasuhin ang order ng gwapong lalaking naririnig niyang pabebeng kinaka-usap ni Pietro.     Binilisan ni Bliss ang pag-kuha at pag-aayos ng order ng gwapong lalaki dahil baka naiilang na ito kay Pietro, lumalabas kasi ang pagiging flirty ng kaibigan pag may gwapong lalaking nakikita. Nang maayos na ni Bliss ang pagkakalagay ng rue at dark crimson roses sa bouquet na inayos niya ay agad niyang binalikan ang dalawa at ngiting iniabot ang order ng gwapong lalaki.   “670 pesos lang.”sambit ni Bliss sa gwapong lalaki na ngiting kinuha ang wallet nito at naglabas ng isang libo at inabot kay Bliss.   “Keep the change Mia signora, I’m impressed sa ayos ng mga bulaklak na order ko.”pahayag nito na may kinuha ulit sa wallet nito at iniabot kay Bliss   “That’s my business card, I’m preparing a business opening here in the Philippines and I want to order flowers here that I can use in decoration. Call me by the end of this month, I’ll give you more information about this.”pahayag nito bago bahagyang yumuko kay Bliss at naglakad na palabas sa shop na ikinailang kurap ni Bliss ng kuhanin ni Pietro ang business card na inabot ng gwapong lalaki sa kaniya.   “Bianco, Vincenzo President of Astaldi Sanpaolo Group of companies in Rome Italy? Hala bakla! Eh mayaman ang gwapong lalaking ‘yun?”gulat na sambit ni Pietro na ikinakunot ng noo ni Bliss na napansin ng kaibigan.   “Oh? Bakit nakakunot ‘yang noo mo? Diba dapat masaya ka dahil nakakuha ka ng costumer na sayo kukuha ng mga bulaklak, magbubunyi ang mga mangkukulam mong amo pag nalaman ‘yan baka si Margareth pa ang personal na magdeliver pag nalaman niyang gwapo ang costumer niyo.”pahayag na kumento ni Pietro na ikinakuha ni Bliss sa business card na binigay ng gwapong lalaki.   “Para kasing narinig ko na ang pangalan ng company na ‘yan, hindi ko lang kung saan?”takang sambit ni Bliss habang nakatitig sa business card   “Ayyy! Ano ‘yan may familiarity sound ang business ni pogi sayo? Ang taray.”   “Baliw, para kasing narinig ko na ang pangalan ng company na ‘yan eh. Sa balita ba o sa radio ko ba narinig?”   Pilit iniisip ni Bliss kung saan niya ba narinig ang Astaldi Sanpaolo Group of companies na nasa business card ng kuhanin ni Pietro ang atensyon niya.   “Sa susunod mo na isipin kung saan mo narinig ang pangalan ng company ni Pogi, mabalik tayo sa raket na sinasabi ko sayo.”pag-iibang topic ni Pietro na inilagay ni Bliss ang business card sa ibabaw ng counter at pinagtuunan ng pansin ang kaibigan.   “Ano bang raket ‘yan?”   “Bunny girl sa isang auction.”ngiting sagot ni Pietro na unti-unting ikinalaki ng mata ni Bliss.   “BUNNY GIRL”         “Auction? Sigurado ka ba Kuya Paxton na matatagpuan natin si Calderon sa Salcedo Auction?”tanong ni Maki kay Paxton na poker face na binalingan siya ng tingin.   Pagkarating palang nina Paxton at Irish galing sa Japanese Garden sa Laguna ay tinawag ni Paxton ang tatlo para sa isang naudlot na trabaho na tatapusin na nila ngayon. Pinag-uusapan lang nila ngayon kung paano na nila makukuha si Calderon upang pagbayarin na ito sa mga pagnanakaw nito sa mga designs ni Paxton. Sila lang apat nina Trace ang nasa sala dahil nasa kwarto si Irish at nagpapahinga pa dahil sa naging byahe nila.   “Tanga lang Laochecko? Sino bang nagbigay sa akin ng files na pupunta si Calderon sa Salcedo Auction para i-bid ang mga ninakaw niyang designs sa akin? Diba ikaw?”singhal ni Paxton na pang-asar na ikinangisi ni Ruhk na ikinapalakpak ni Maki ng maalala niya ang sinasabi ni Paxton   “Oo nga pala, ako nga pala nag hanap ng information na ‘yan.”natatawang sambit ni Maki   “Nagtaka ka pa sa kaniya Ignacio, that man is stupid to the f*cking highest level.”ngising kumento ni Ruhk na nakasimangot na ikinalingon ni Maki sa kaniya.   “Huwag na kayong mgasimula ng asaran mga gago kayo, magseryoso kayo dito dahil gustong-gusto ko ng bigyan ng leksyon ang Calderon na ‘yan. Ayokong maging threat pa ‘yan kay Irish para gamitin sa akin, my wife is pregnant so I don’t want any danger comes to her. I won’t f*cking allow it.”pahayag ni Paxton na ikinalingon nito sa walang imik pero nakikinig na si Trace   “Kayong tatlo ay papasok sa auction para hanapin ang tangnang Calderon na ‘yun, kuhanin niyo siya bago pa niya isalang sa bid ang pagmamay-ari ko. Hindi ka muna sniper ngayon De Leon, mayamang bidder ka with Verchez. Pag may nakuha na kayong chance, tsaka niyo dagitin si Calderon. Iwasan nyo lang na may mapahamak na civilian dahil for sure may kasamang tauhan ang gagong ‘yun.”bilin ni Paxton kay Trace na blankong ikinatango nito   “Aish! Nakakawala ka ng lakas kausap De Leon, hindi ko maisip paano ka naging pinsan ng kambal at ng asawa ko.”pahayag na kumento ni Paxton   “Kuya Paxton naman, malamang anak ni Don Lucian si Trace tapos kapatid niya ang ina ni Ate Irish kaya magpinsan sila.”sabat na pahayag ni Maki na poker face ulit na binalingan ng tingin ni Paxton.   “Huwag mo kong kausapin Laocheko baka magdilim paningin ko sayo.”sita ni Paxton na ikina-nguso ni Maki at ikinailing nalang ni Ruhk.   “Before the auction that Calderon will participate, there will be another auction that will happen in Salcedo Auction, bidding of woman. I think Calderon might join in that bidding because we know him not only a f*cking theif but also f*cking horny bastard.”pahayag ni Ruhk na ikinasang-ayon ni Paxton.   “Kung makakuha kayo ng magandang pagkakataon para i-corner siya gawin niyo na, sirain niyo ang masayang gabi ng tarantadong ‘yan. Gusto kong sumama sa paghuli sa gagong ‘yan kaya lang may hinahanap din kami na kailangan naming makuha para sa bound namin.”sambit ni Paxton   “We understand that you need to do your task in Underground, so leave everything to us. We will give Calderon to you after you finish your task that you need to do with your friends.”sambit na sagot ni Ruhk na ngising ikinatango ni Paxton   “Galingan niyo ang paghuli sa tarantadong ahas na ‘yun.”pahayag ni Paxton na ikinalingon ulit nit okay Trace.   “Nalaman ko kay Uncle Lucian na may usb na nakuha sa kaniya ang isa sa tauhan ng kalaban niyong clan sa US. Nasabi niya na hindi mo pa nababawi ang nakuha kay Uncle Lucian, may plano ka ba?”tanong ni Paxton na walang emosyon na ikinalingon ni Trace sa kaniya   “That man has a scheduled of flight tomorrow night using a public plane, he will think to mix up in a crowded place so I can’t catch him. I’m going to visit him in a place he was hiding with some of his fellow comrade before his flight.”malamig na paliwanag ni Trace na ikinatango ni Paxton   “Next week pa naman ang auction na pupuntahan niyo, Verchez and Laochecko can he---“   “I can do that job alone Master, besides it’s a slightly problem that they should not involve. It’s a problem of our clan.”walang emosyon na putol ni Trace kay Paxton na ikinabuntong hininga nito at ikinasandal nito sa kinauupuan niya.   “You don’t still trust these two?”tanong ni Paxton na ikinatitig lang nina Ruhk at Maki kay Trace na blanko lang ang tingin na ibinigay sa kanila.   “I don’t know what trust is, I just don’t someone intrude in my own business.”   “Grabe Trace! Someone talaga kami Verchez sayo? Sa tagal nating magkakasama dapat friends na tayo dito.”angal ni Maki na walang emosyon na ikinabaling ng tingin ni Trace sa kaniya.   “I’m not your friend, just comrade Laocchecko.”malamig na sambit nito na tumayo sa pagkaka-upo niya at bumaling ng tingin kay Paxton at bahagyang yumuko dito bago wala ng paalam na naglakad palabas ng bahay nito Paxton na habol tingin lang nina Maki.   Dere-deretsong lang na lumabas si Trace at sumakay sa motor niya at pinaharurot ito paalis para paghandaan ang pag-sugod nito sa tauhan ni Thomas Jones at bawiin ang usb na kinuha nito sa kaniyang ama. Hindi kailangan ni Trace ng tulong sa kahit kanino lalo na at kaya niyang mag-isa ang pagsugod na gagawin niya.   Matagal na niyang nakasama sina Maki sa negosyo ni Paxton, six years din silang magkakasama dahil na rink ay Paxton pero sa six years na ‘yun ay hindi niya pinagkakatiwalaan ang dalawa at ayaw niya na tinutulungan siya ng dalawa sa mga ginagawa at lakad niya. Napipilitan lang siyang makisama sa dalawa dahil narin kay Paxton lalo na pag inunutusan siya nito na samahan ang dalawa sa mga lakad nila sa negosyon gayong ang ipinangako lang ni Trace ay bantayan at protektahan si Paxton biglang pagtanaw ng utang na loob niya sa ginawa nito sa kaniya noon.   Nang lumiko ng daan si Trace kung saan naganap ang paghabol niya sa kumuha ng usb ng kaniyang ama ng itigil niya ang kaniyang motor sa spot kung saan siya nakatanggap ng sampal mula sa isang babae na hindi simula pa kagabi ay naiisip niya ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya alam kung anong ekpresyon ang ipinakita ng babae sa kaniya hanggang sa makatanggap siya ng sampal mula rito ng mapabaling ang tingin niya sa nagkalat na bulaklak na sira-sira na.   Umalis si Trace sa pagkakasakay niya sa motor niya at dumapot ng isang stem ng bulaklak na madumi at sira na ang mga petals nito na ikinatitig ni Trace dito ng dumaan sa isipan niya ang mukha nito at ang ekpresyon nito na clueless siya kung anong ekspresyon o emosyon ang nakita niya dito.   “Should I ask Irish about that expression I saw in that woman?”walang emosyong pahayag na tanong ni Trace sa sarili ikinatapon niya sirang bulaklak na hawak niya.   “I should not f*cking bother to know.”sambit pa niya sa sarili bago sumakay na ulit sa motor niya at pinaharurot na ‘yun paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD